webnovel

Chapter 39: Only You

Ang malakas na tawa ni Jaden ang umalingawngaw sa aking pandinig. Kahit ilang dipa pa ang layo ko sa kanya pakiramdam ko, ang lapit na nya. Kumakabog ang puso ko sa paisa-isa nyang sulyap na may kasamang matamis na ngisi. Di ko tuloy alam kung saan ibabaling ang mata. Sa kanila ba ni Knoa o sa buo naming pamilya.

"Mommy, daddy is here!.." masayang isinigaw ito ni Knoa na maging ang mga matatandang abala sa kamustahan ay napabaling sa kanila at sa akin.

Nagbaba ako ng tingin sa hiya. Oo. Di maalis ang hiya sakin sa tuwing pamilya na nya ang kaharap. Para kasing di ako fit para sa kanila. Na lagi namang pinapaalala sakin nina tita maging si ate Cath na pamilya na ang turing nila sa akin. Sa amin ng aking mga kuya. Ewan. Pero nasa akin na rin siguro ang pagiging mahiyain. Kahit man sa aking pamilya. Ganuon ako.

"Bamby, o my gosh!!." namilog ang mata nitong si ate Cath nang sambitin ang aking pangalan. Kumislap ang mga mata nya dahil sa mga luhang nagbabadyang bumaba.

Naglakad sya patungo sakin saka hinawakan ang magkabilang balikat at sinuyod mula ulo hanggang paa. "Ikaw na ba talaga yan?. Grabe!. Mas lalo kang gumanda.." puno ng paghanga nya itong sinabi sabay yakap nya ng mahigpit sakin. Muntik na nga akong di makahinga sa higpit nun. Miss nya ako ng sobra. Naestatwa ako. Di makagalaw sa kaba at pagkagulat sa pagdating nila. Jaden, didn't mentioned anything about them being here. Tsk!

"Ate Catherine.." sa tagal na panahon kong di sya nakausap. Pakiramdam ko, bago sakin ang kanyang pangalan, ngunit ang pakiramdam ng yakapin nya ako ay katulad pa rin ng dati. Mainit. Pinapahiwatig na masaya syang makita muli ako. Ganun rin ako sa kanya.

"Hahahaha.."tawa nya habang naluluha.

"Ate Bamby!?.." sabay nila ni Niko na nagsalita. Nalito ako ng wala sa oras. Gustong makipagkwentuhan kay ate tungkol sa nagdaang taon o makinig sa mga kwento ni Niko tungkol sa pagbibinata nya. Matangkad na sya at medyo pumuti. Halos magkamukha na sila ni Jaden sa malapitan.

"Uy Niko.. kamusta ka na?. Ang laki mo na ah.." ginulo ko ang buhok nya kahit nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan. This is tears of joy. Ganito pala ang pakiramdam noh?. Tipong ang saya mo. Di mo maexplain dahil sa halo halong emosyon na di mapangalanan.

Mabilis nya akong niyakap. Hanggang tyan ko na ang tangkad nya. Dati ang liit liit nya. Parang si Knoa. Ngayon?. Gosh!. Ang bilis ng panahon.

"Hija, kamusta na?.." matapos kong yakapin si Niko at halikan sa noo si Klein na buhat na ni ate Cath, ay si tita naman ang humarap sakin. Kasama si tito. Niyakap ko silang dalawa bago sya sinagot.

"Ayos lang po tita, tito. It's been a long time po.." ngiti ko sabay punas ng luhang tumakas. Pinindot ko pa ang ilong ko para di humikbi. I'm so stunned!

"Mommy, why are you crying po?.." si Knoa. Nasa mismong tabi ko na pala sila ngayon. Lalo akong nagbaba ng tingin sa hiya. Di na mapigil ang mga luha. "Ssshhhh.. why are you crying?. it was a surprised?.. hahaha.." loko ka Jaden!! Inayos ang takas na buhok saka inipit muli sa likod ng aking tainga. Pinaharap nya ako't kahit buhat si Knoa. "Mommy, are you mad to daddy?.." buong pwersa akong umiling. Nakakahiya!.

"No baby, mommy is just happy, because I got surprised by your daddy.." inilapit ni Jaden sakin si Knoa para punasan ang luha saking pisngi.

"Totoo nga.. " dinig kong sambit ni ate Cath sa likod. Nakatitig sa anak kong abala pa rin saking mukha. Maya maya nagpakarga sya sakin saka niyakap ng mahigpit. "Carbon copy mo boy!!." ngayon lang nagsink in sa kanila iyon. Laglag ang panga nilang nakatingin sa likod ni Knoa.

"Ah.. pasensya na po.. di ko po alam kung paano sasabihin sa inyo ang tungkol sa---.." gumaralgal pa ang boses ko. Pasalamat nalang kay Jaden dahil pinutol nya ang kung ano pang sasabihin ko. "Ma, ate. Kumain na po muna tayo.. naghihintay na ang pagkain.." anya na para bang sya ang naghanda. Pero laking pasasalamat ko na rin dahil ginawa nya iyon. Sinalba nya ang mukha kong sobra na ang pamumula.

Nagtanguan silang lahat. Kailangan pa akong alalayan para umupo. Nanigas kasi ako sa kinatatayuan ko. Blangko ang isip. Ang daming gustong ibulong ng puso pero di alam kung paano sasambitin ng isip. Kumplikado.

Nagsimulang kumain ang lahat. Sila sila ang nag-uusap. Nawalan ako bigla ng boses. Nagkwentuhan sila tungkol sa lahat ng nangyari sa nakaraan.. ko.. namin.. at ni Knoa. Nahihiya na naman ako dahil hindi iyon galing sakin. Sila papa at mama pa ang naging boses ko para ipatindi sa kanila ang pinagdaanan ko. Minsan lang rin sumasali sa usapan sina kuya.

"Mommy, I want some veggies.." Ani Knoa. Kung di pa nya kinalabit iyon sakin baka tulala pa rin ako kakapanood sa mga taong nasa aking harapan.

Si Jaden na ang naglagay sa kanyang plato. "My baby is good.. eat more veggies okay.." alo naman sa kanya ni Jaden. May ibinulong pa ito kaya mabilis namang nagthumbs up ang isa.

Pagkatapos kumain. Pinakilala ko sila isa isa kay Knoa. Formally. Noong una. Ayaw nya pa silang harapin pero nang magsalita si Jaden. Mabilis itong nagpakarga sa kanila. Lalo na kay tito na binansagan nya agad ng daddy old.

"Hija, may sasabihin pala kami.." inagaw ni tita ang paningin ko sa kay tito na nilalaro si Knoa. Kasama nya sina papa at mama. Maya maya lumapit na rin si Tito samin. At doon ko lamang naramdaman ang kamay ni Jaden na nakapulupot na pala saking baywang. Tiningala ko sya at muli. Pinisil nya ako sa bandang baywang. Hinapit at hinalikan sa buhok.

"Mamanhikan sana kami.." iyon palang ang unang binigkas ni tita pero laglag na ang panga ko. What did she just say?.. Pakiulit nga po!

"Tutal, matagal na kayong engaged.. hinihintay nalang namin ang nakatakdang araw na ibibigay mo para pakasalan ang aming anak.." dagdag pa nya. Kinausap nya pa sandali sina mama at papa na nagtanguan lang. Wala akong naintindihan sa takbo ng usapan nila. Masyado akong nabangag.

"Am I dreaming?.." bulong ko na rinig pala ng katabi ko. Bumaba ang kanyang hininga hanggang sa aking sentido saka bumulong ng, "You're not baby.. wether you like it or not.. we'll get married and... we'll have to give all our little Knoa wishes.."

"What?!.." tumindig balahibo ko sa mainit nyang hininga. Para akong nakukuryente.

"Gusto nya ng masayang mommy at daddy na may kasama pang mga ading.. you know.. many little sisters and brothers.." pinalo ko sya sa dibdib na malakas lang akong tinawanan.

"Mukhang, araw nalang ang kailangan natin dito ma..parang may sariling mundo na si mommy at daddy, diba Knoa?.." si ate Cath.

"Yes po tita.. I want a baby brother and a little sister.. and more!..." itinaas pa ang dalawang kamay sa sobra nitong saya. Humagalpak silang lahat lalo na ang dalawa kong kapatid.

"So, parang di na natin kailangan ng pamamanhikan.. diretsong kasalan na to.." dagdag ni kuya Lance sa kay ate Cath nakatingin. Tinanguan naman nito ang isa. Nagtawanan sila nina kuya Mark. Nakitawa rin ng bahagya si ate Cindy.

Tahimik na sumang-ayon naman ang matatanda.

Sa huli. Hindi na napag-usapan ang tungkol doon. Napunta lahat sakin ang tanong. Simula pagbubuntis ko hanggang sa paglayas ko ng bahay. Panganganak at pagbalik muli. Sa muling pagkikita namin ni Jaden, na planado nya pala. "You tricked me huh?.." palo kong muli sa balikat nya. Nasa loob na kami ng aming silid. Tulog na rin si Knoa na nasa gitna namin. Pagod kakalaro kila Klein at Jacob.

"Mahal kasi kita...kaya ko yun nagawa..." inirapan ko ang nakakaloko nyang tawa.

"Anong mahal doon?. Tinaguan mo nga ako eh.." pagsusungit ko bigla.

"Baby, wala akong choice.. di ko kayang makita kang maglakad sa gitna ng simbahan papunta sa ibang lalaki. Kinamuhian mo ako noon diba?. Alam ko iyon base sa kwento ni Lance.. kaya mas minabuti kong sa malayo ka nalang bantayan.. atleast doon, pareho tayong safe.."

"Tsk.. whatever.." nag-iwas ako ng tingin ng basain nya ang ibaba nyang labi.

"Ikaw, gusto mo ba akong makasal sa ibang babae?.." anya nang natahimik kaming pareho.

"Depends sa'yo. ikaw gusto mo ba?.." binalik ko ang sarili nyang tanong. Bumungisngis lamang ito.

"Kaya mo ba?.." tunog nang-aasar ito. Di ko sya sinagot.

"Sabihin mo lang.." kagat ko na ang labi sa nakakalito nitong tanong.

"Jaden!?.." di ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng boses kong iyon. Puso ko ata ang nagsalita. Hindi na hinayaan pa ang aking isip.

"What baby?.." mapang-akit na naman nyang sambit.

Wala akong ibang magawa kundi irapan sya. "Gusto mo ba talaga akong pakasalan o hinde?.." nguso ko.

"Ahahahaha!.." bwiset!! Humagalpak talaga!!

"What huh!?.." frustrated kong tanong. Humarap na sa kanya. Humina ang pagtawa nya ng batuhan ko sya ng unan. Nginuso ko si Knoa. Baka magising ang bata. Madali nya naman iyong nakuha kaya kinagat nya muli ang ibabang labi upang pigilan ang pagtawa. "Babe, kung gusto kong makasal sa iba.. matagal ko na yung ginawa.. but damn baby.. I'm always into you.. it's always you.." ramdam ko ang sinsero nyang pagkakasabi. "Walang makakapantay sa pagmamahal ko sa'yo.. kahit dekada pa ang lumipas.. no one babe... no one.. it's only you..."

Tama na ang drama Bamby! Accept the fact that you lose against your ego and pride. Let your heart take over this time. Love the people who loved you. Be happy with him and make more memories.

Bab berikutnya