webnovel

Chapter 34: I don't know

Naging mabagal ang ikot ng mundo sa mga tinging ipinukol nya sakin. Para bang binabasa nya ang naglalaro sa isipan ko dahilan para di matanggal ang matunog nyang pagngisi. The way his eyes darted at me, teasingly. Ugh!. Gusto ko na syang sunggaban!. Halikan at yakapin!. My goodness Bamby!. Ano yang iniisip mo?!. Umayos ka nga!!

Kung di lang talaga kay papa?. Naku!. Kanina pa ako kumaripas ng takbo palayo. Nalulunod na ako sa sobrang kaba at malapit na talaga akong mabaliw kung di pa sya magsasalita. I tried to open my god damn mouth to utter "some words", to cut the electrifying intense and whatsoever thing between us!. But nah!!. Di ko nagawa dahil kinakapos ako sa hininga. Kulang ang hangin na nalalanghap ko galing sa aircon sa loob. Singhot ko lahat ng pabango nyang dinadala ako sa ibang dimensyon. And do such thing like no!. Whatever! I also want to raise my hand para ibigay na sana yung blueprint. Para makalabas na ako at makahinga ng normal, kaso lang nanigas na ang kamay ko. Maging ang aking mga paa ay napako na sa makintab na sahig ng opisina nya. I'm like statue. Stuck staring at you!. Damn baby!. Kuminang ang mata nyang halos ilang taon ko ring di nakita. I missed those smiling eyes of him. Pakiramdam ko nga, nasa langit kami ngayon at sabay na nililibot ang mundo.

"Tsk!.." ganunman. Dinig ko pa rin ang maingay nyang pagngisi. Nagugustuhan ang nakikitang reaksyon mula sakin.

Taon yata ang lumipas sa titigan na iyon, na kahit sa totoo lang ay minuto lang naman. At sa wakas. Naikuyom ko ang aking palad sa likod ng coat at humugot ng hininga. "Uhm!.." isang malutong na mura nga dyan! Di ko na kaya. Uwi nalang ako!. Tutal panalo naman na sya!

Nagbaba ako ng tingin upang iwasan na rin ang nagbabaga nyang titig. Di ko iyon maintindihan. O naintindihan ko naman talaga ngunit naguguluhan lang ako sa nakikita sa kanya. Nag-aalab iyon ng galit tapos mamaya kikinang na nagsasabing, sabik sya sakin. Then in just a bit, magiging cold na naman. It's so hard to understand. Nalilito ako!

Tanaw ko sa makintab na sahig ang repleksyon kong muntangang naghihintay ng pagkain o ng kanyang sasabihin galing sa kanya. Like what the hell Bamby!! Baliw ka na talaga!. Maging kalmado ka nga!!

"How's Knoa?.." kasabay ng paglapit nya ay ang paglakas rin ng pagkabog ng aking dibdib. Kulang nalang, tumalon ito paalis sakin, patungo sa kanya.

Hmm, how's our son?. Yan dapat ang tanong. Palitan mo naman boy!.

Pumikit ako upang kalmahin ang sarili. Kinagat ko na naman ang ibabang labi nang matanaw ang pares ng sapatos nyang nasa mismong harapan ko na.

Suskupo Bamby!. Breathe!

"Sorry kung di pa ako nakablik.. sobrang busy ko at--.."

"It's okay. " putol ko sa dapat nyang sasabihin. Humigpit ang hawak ko sa blueprint at lalong naikuyom ang palad sa likod. It's okay but seriously, NOT OKAY!. You should get that boy!

Ang mga babae, kapag sinabi nilang. Okay ako, walang problema, ayos lang... Ang totoo, hindi naman talaga! Kapag sinabi nilang mataba ako, pangit ako at mabaho na ako, aasahan naming sasabihin ng mga lalaki na hindi ka naman tumaba, sobrang bango mo kaya, ang ganda mo kaya sa paningin ko. Lahat ng sinasabi ng babae ay kabaligtaran talaga ng gusto nila. Kapag di mo iyon nakuha bilang lalaki. Then, your not really into your girl. Di ka attentive sa sinasabi nya at lalong di ka talaga interesado sa kanya. In short, you don't like her that much. That's my opinion tho.

"It's not okay. I'm sorry.." paghingi ng paumanhin nito.

"Hinde, ayos lang naman.." bwiset!. Nag-iinit na naman ang gilid ng mata ko. Kaya mas yumuko pa ako. May bumara na sa lalamunan ko kung kaya't kailangan kong tumikhim ng tahimik.

"Pupuntahan ko naman dapat kayo...."

"It's fine.." agap ko na naman.

Bumuntong hininga sya sa pagpigil ko lagi sa kanyang magsalita. "Nagkaroon ng malaking emergency sa site at kinailangan nila ako doon.." bigla ay paliwanag nya. Nakayuko akong tumango. Kagat ang labi. Nanunuot na sa kaloob looban na ng aking ilong ang panlalaki nyang pabango. May bago na akong kinahuhumalingan neto!

Ngayon magkatapat na ang aming mga paa.

Gosh!. Oxygen tank nga dyan! Di na ako makahinga!

"You're saying, it's okay. That it's fine and you're alright?.." parang tanong nya iyon na di ko sinagot. Wala akong lakas. Natunaw lahat. Napasinghap ako nang hawakan nya ako sa likod ng aking kanang braso. "I know it's not, baby.. I know you're not.."

Humigpit ang hawak nya roon at.. ngayon, ramdam ko na ang hininga nya sa noo ko. "Stop lying baby, cause you're not good at it.."

"I'm not.." pilit ko. Speaking my pride of.

"You are.. hmm.. di ka kaya nakatingin sakin.. you are too damn nervous!.." damn nga naman!!

I'm so weak!

Sinubukan kong iangat ang mukha ngunit tama nga sya. Di ko kayang tumingin sa mata nya. "Calm down baby.. baka ma-cpr kita dyan.. bahala ka!.." ibinulong nya iyon saking pandinig sa paraan na parang nang-aakit. No!. Inaakit nya pala ako!. Kanina pa!

Suskupo Bamby!. Napakaobvious mo kasi eh! Sige i-cpr mo na ako! What the hell!!

Mahina syang humalakhak ng lampasan ako sabay kuha saking kamay nung dala ko. Marahan nya iyon kinuha. Naramdaman ko pa ang elektrisidad na dumaloy saking braso nang haplusin nya ang likod ng aking palad. Nanuyot ang lalamunan ko at lalong kinapos ng hininga.

"Sit down..and we'll discuss things.." maawtoridad nyang utos. Segundo muna akong natulala sa kinaroroonan nya kanina bago tuluyang umupo sa harap ng kanyang malinis na mesa. Nakaupo na sya sa swivel chair. Isinasayaw nya iyon. Nakatuko ang siko nya sa mesa habang nasa buklat ng blueprint ang mata.

Anong things ang pag-uusapan namin?. Andito lang naman ako para idala yung sinabi ni papa. Baka!. Gosh!. Di kaya, all this time ay plano na nila ni papa ito. Ang pagtaguan ako?. Umiling ako sa naisip. Di rin siguro.

"Kailangan ko nang umalis.." lumabas iyon sakin sa paraan na nagmamadali ako. Tumunghay sya sakin ng suot ang isang ngiti. What's with the sweet smile man!?

"Not so fast.. di ba sinabi ni tito sa'yo na kailangan mong ulitin tong gawa nya?.." napanganga ako sa kanyang sinabi. Ano raw?.

"What?. Wala!.."

"Hmm..." muling binalik sa binabasa ang tingin. Nilalaro ang ibabang labi gamit ang kanyang hintuturo. "He didn't?. Maraming mali kasi rito.. kailangang ulitin.. and I need it tomorrow afternoon.." Nakasanayan na ng labi ko ang pag-awang sa tuwing mayroong lumalabas sa kanyang labi. Nabibigla sa maawtoridad nyang himig. Di ako sanay!

Paanong may mali?. Tinignan ko pa muna iyon bago pumunta rito. Ano kayang problema ang tinutukoy nya?.

"I already checked it before heading here.. anong mali?." Dinoble o triple ko pang chineck iyon. Walang mali. Wala akong nakita.

Inikot nya yung papel at pinakita sakin. "See this?. Dapat diagonal yan at hindi spiral.. and this?.." Umiling ako ng tanawin ang tinuro nya.

"Ayos naman kahit diagonal ah.. and that?. anong problema dyan?.." tukoy ko sa kinaroroonan ng daliri nya. Nang nag-angat ako ng tingin, mabilis nyang tinanggal sakin ang titig. Shocks!. Kanina pa nya ako tinititigan!! Anong itsura ko?. Grrr!!

"Di mo makikita mula riyan.. you should move here first. " tumaas ang sulok ng labi nya. Tinaasan ko rin sya ng kilay. "Anong pinagkaiba rito?. Psh!." irap ko. Humalakhak sya ng napakalakas. Parang kidlat ito dahilan para magsitayuan ang malilit kong balahibo.

"Iba kasi ang point of view mula dyan kaysa dito.." he tried to explain but I just shook my head off. Di naniniwala.

Matunog na naman syang ngumisi. "Di tayo matatapos nito kung di ka kikilos.."

Fine! Umikot ang mata ko in 360 degrees!

"Asan na!?.." mabilis kong tanong nang tuluyan nang makatayo sa gilid nya. Mismong tabi ng mga binti nyang nakaawang. Inikot nya yung papel saka itinuro ang sinasabi nyang mali. Anong mali duon sa bilog?. "Dapat pahaba yan hindi pabilog.." anya gamit ang mahinang boses.

"E pareho lang naman pala yan doon nang makita ko ah?. may sinasabi ka pang point of view dyan!.." aalis na sana ako sa kinatatayuan ng bigla nyang hulihin ang palapulsuhan ko at iikot upang maupo sa kanyang kandungan. Tumili talaga ako sa gulat!

"You're so beautiful, baby.." bulong nya sa tainga ko. Kinalabutan ako ng sobra.. pa sa sobra!! "And smell so sweet.." suminghot sya. Inamoy ang aking leeg. "That I want to taste it.." damn it!

Bab berikutnya