webnovel

Chapter 14: Hard

Lumipas ang isang linggo simula noong nakita ko si kuya. Pinipilit nyang sumama na ako sa kanya dahil malaki na raw ang tyan ko't kailangan ng magpahinga. Ngunit, iginiit ko ring ayokong umuwi pa sa ngayon. Sariwa pa rin sa utak ko ang mga araw na binalewala nila ang presensya ko. Not including him for sure. Dahil kung galit ako sa kanya. Di ko sya kakausapin o kahit ang pumasok sa tinutuluyan ko

"My goodness!. Umuwi ka na Bamby.." sirang plaka na ito saking pandinig. Inuulit nya hanggang sa sya na rin mismo ang sumuko sakin. "How long have you planned to stay here?. Masyadong maliit to.. paano na ang magiging anak mo?.."

"I can handle.." he looked at me intently. Parang di naniniwala sa suot kong ngiti. Nakangiti ako habang unti unting nadudurog ang puso ko sa nakikitang sakit sa kanyang mata. Awa sakin. Sa kalagayan at sa sitwasyon ko. "I'm used to it so don't bother.." I explained para di na sya mag-alala. Ayokong isipin nya na hindi ko ito kayang mag-isa. Nagbaba ako ng tingin sa kanyang paa na walang sapin na nakatayo sa sahig ng bahay.

Gustuhin ko mang sumama. Bumalik sa bahay. Hindi ko pa magawa. Hindi dahil sa ayaw ko. Kundi dahil sa kagustuhan ko talagang malayo muna sa lahat. Alam kong nag-alala rin sila kahit konti. Ramdam ko iyon kahit di pa isatinig ni kuya sakin. But the broken parts of my heart are still bleeding and I don't know kung hanggang kailan sya maghihilom. Nasugatan sa mga nangyari hindi sa mga taong gumawa. Naiintindihan ko ang galit nila. Kung saan nagmula 'yon. They thought me so many things and yet I did broke those. Hindi siguro nila matanggap na sa kabila ng mga paalala nila. Pagprotekta, pangangaral at pang-iispoil nila sakin ay nagbunga ng di maganda. Ang pagsuway ko sa ayaw nila. Ang mabuntis ng di pa ikinakasal. I know. I've made stupid mistakes. I break their rules kaya heto ako ngayon sa kinalalagyan ko. Kung meron man akong pinag-sisihan. Iyon ay ang hinayaan kong mahulog ako aa bitag ng tukso. Syempre, sino ba naman ako? Tao lang ako at kahinaan natin ay tukso. Aminin ko man o hinde. Lokohin ko man ang sarili ko. Iyon ang dahilan ng lahat ng to.

"Fine. just..." he paused a second at akmang lalabas. Ilang hakbang lang nya ang pinto. Dali dali nyang kinuha ang kung anu mang dala nya at isinara agad iyon matapos kuhanin ang bitbit. "Be careful please.. please.."

"I know.." halakhak ko. Sinamaan nya lang ako ng tingin.

"It's not even funny. You're carrying my precious niece now, I'm warning you. " ngumuso na lamang ako sa kasweetan nya. I'm not used to it! Di sya ganito eh. May side syang sweet pero di nya madalas pinapakita. Not until now na it's too transparent. Isa isa nyang inilapag sa mesang maliit ang pinamaling mga prutas. "Also, eat some fresh fruits.. take some meds and, don't work if you can't.."

"But I can.." pinandilatan nya ako ng mata. Pinakita ang pinakaseryoso nyang mukha. "Matakot ka na Bamby!." Bulong ng kabila kong isip na nginiwian ko lamang.

"I'm serious.." namaywang pa sya't nagbuntong hininga.

"I am serious too.." hindi na ngayon maipinta ang kanyang mukha. Lumiit pa ang mata nya dahil sa pagtitimpi ng galit. "Go home.. and never let anyone know about this.." mapait kong sabi. Nilunok ko ang nagbara saking lalamunan.

Naisip kong, posibleng pag-uwi nya. Sasabihin nya sa kanila kung nasaan ako ngayon. Ibabalitang malaki na ang tyan ko at maayos ang lahat.

"And never come back.." seryoso ko iyong sinabi. Walang bahid ng peke.

Magmamatigas akong mamuhay mag-isa kung yan ang gusto nilang kabayaran sa kasalanang nagawa ko. Di ko man marinig sa kanila ang mga sumbat at paninisi. Halata naman iyon sa kung paano nila ako tinrato noong nalaman nila ang totoo.

"Bamby?. " napalitan ng pagsusumamo ang kanyang galit at seryosong himig kanina. "I won't let them know where you are just let me.." pagmamakaawa pa nya.

Hindi ako sumagot. Imbes nag-iwas ako ng tingin. Sa mga supot na may lamang mga damit ng baby ang paningin. Nahabag na naman ang puso kong kaylambot. Kuya!. Salamat sa pag-aalala!

Kinain ng katahimikan ang aming paligid.

Nawala lamang ng magsalita ulit sya.

"I brought your phone. You should see what's inside.. baka magbago pa isip mo.." maingat nyang nilapag sa tabi ko ang isang pouch na kulay pink saka umalis ng di nagpapaalam.

At simula ng araw na yun. Nakatitig na lamang ako sa iniwan nyang pouch. Di ko pa iyon nabubuksan. Tuwing sinusubukan kong hawakan o buksan ito dahil sa kyuryosidad ay lagi nalang akong umaatras na parang bomba ang laman nya. Na kapag binuksan ko, baka may makita na naman akong makasakit sa damdamin ko at tuluyang madurog ng pinu pino ang puso kong kapiranggot nalang. Natatakot ako sa laman ng cellphone kong matagal kong di nahawakan at nabuksan. Sa tagal kong umalis ng bahay ay ganun ring katagal kong di nagagamit ang lahat ng social media accounts ko. Kailangan kong panindigan ang paglalayas kong ito.

"Jaden.." tumulo na naman ang kuha saking mata. Luhang kay bigat dalhin kahit saan man ako magpunta. Luhang kayhirap pagmasdan tuwing ako'y mag-isa. Luhang, lagi nalang akong dinadamayan tuwing naalala ang masasayang nakaraan. Mga araw na kaysarap balikan. At hindi ko alam kung mangyayari pa ba ulit o hinde na kailanman. "Kung sana andito ka sa tabi ko, nakikita mo sanang lumalaki na ang anak natin dito sa sinapupunan ko." marahan kong hinaplos ang aking tyan ng gumalaw sya.

Excited na akong makita ka. Sana, ganun din sila.

Hope you guys liked it!. Godbless y'all!!

Chixemocreators' thoughts
Bab berikutnya