webnovel

Chapter 9: Oh damn!

"Bamby. Open the door.." katok nina kuya sa labas. Isinarado ko iyon makalipas ang ilang minuto kong pag-iyak.

Gumapang pa ako papunta saking kama upang doon magtago at umiyak ng di nila naririnig.

"Anong nangyayari?. Umiiyak si mama sa baba. We asked her but di nya kami sinasagot.." dinig kong sabi ni kuya. Hindi ako gumalaw o nagpatinag man lang.

"Ako na kuya.." singit naman ng isa. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang aking mga luha. Para itong nasirang gripo na kung di isasara. Di talaga titigil. "Hey Bamblebie!. Can I come in?.." marahang tanong naman ni kuya Lance. Iniisip nya sigurong magbabago ang isip ko kapag sya ang nagsalita sa likod ng pintuan. Pero hinde. Anong mukha ang ipapakita ko sa kanila gayong, nahihiya ako sa ginawa ko. Not the blessings I have in me but the rules I broke.

Di ko sila pinagbuksan. Ang buong akala ko pa nga. Kukunin nila ang extrang susi kay mama para piliting pumasok subalit hindi nangyari yun. Imbes, hinayaan na nila ako.

"Jaden..." naiiyak kong tawag sa kanyang pangalan. Wala akong ibang masandalan kundi sya lang. Ang taong mahal ko.

Pinunasan ko ang luha at sipon gamit ang tissue bago kinuha ang cellphone na kanina pa walang buhay. Sinaksak ko iyon saka hinanap agad ang pangalan nya sa contact lists ko.

Sana lang, hindi sya busy.

"Babe, please answer the phone.." bulong ko habang kagat ang kuko sa frustration. Nakaupo ako sa sahig. Hinihintay na sana sumagot sya.

Unang tawag ko'y di nya sinagot. I tried again. Hanggang sa umabot na ng limang tawag. "Yes hello?. You're disturbing us.. uh!. harder please.. uh.."

Natutop ko agad ang aking labi sa taong nagsalita. Kahit di pa ako magtanong. Kilala ko kung kaninong boses iyon. And hell!. Gamit nya pa phone ni Jaden. Damn!. Really huh?. Anong ginagawa nila?.

"Shit Jaden!. Anong ginagawa mo?.." nagtubig na naman ang mata ko. Hindi ko na iyon napigilan pa at nagtuloy tuloy na parang sirang gripo.

"Can I talk to Jaden.." Ewan ko kung saan ko pa nakuha ang lakas ng loob para magtanong. Siguro dala ng galit o di na matukoy na emosyon.

"Uh!. hmmm.. we're busy.. please.. harder.. faster.." nanginginig at nanlalabo ang matang pinatay ang tawag.

I know what they're doing. "Talaga ba Jaden?. Sinabi mong, ako lang. Nangako ka sakin na di na uulit pa. What now huh?.. anong gagawin ko?. Buntis ako.."

Humagulgol ako sariling mga bisig. Wala akong makapitan. Yung nag-iisang tao pa na aking inaasahan. Nagpapakasaya pa yata sa iba.

Nangako sya sakin bago gawin ang bagay na ito. Ang sabi nya. Paninindigan nya ako. Ihaharap sa altar at bubuo ng pamilya. Hanggang pangako nalang ba iyon?. Hanggang slaita nalang ba sya?. Sinabi nyang hindi na sya magpapahulog sa bitag ng tukso. Naniwala ako. Pinaniwalaan ko sya. Mali na naman bang magtiwala ako sa kanya?. Mali na naman bang bumigay ako sa kailangan nya?.

"Damn Bamby!!. ang tanga tanga mo!!.." ginulo ko ang buhok sa panlulumo. Ngayong may bunga na ang lahat ng gusto mo. Susuko ka nalang ba?. Iiyak sa gilid at magpapakatanga?.

"No!. May tiwala ako kay Jaden.." gusto kong lokohin pa ang sarili ko. Malay ko naman diba. Baka gawa gawa lang iyon ng hindi ko maturingang pinsan.

I fix myself then tried to contact again his number but it's now off.

Lungkot at galit na ang namutawi sakin.

"Bukas nalang.. kung di mo pa sagutin ang tawag ko.. then we're off Jaden.. we are done.." sambit ko na para bang kausap ko talaga sya.

I tried to stand but nahilo ako. Wala pa akong kinakain simula kanina. I need to eat something.

Pero bago pa ako makatayo. Bumukas na ang pinto. Iniluwa noon si kuya Lance. Dala ang tray na may umuusok na sinigang. "You're order, sinigang.." Anya sabay lahad ng tray saking harapan. Kumalam lalo ang aking sikmura. Lalo pa ng maamoy ang mabango nitong sabaw. "Eat now. It's already midnight at wala pang laman yang tyan mo.."

"Kuya..." iyon lang ang nakaya kong banggitin. Tinignan nya ako. Walang bahid ng anong panghuhusga. I wonder kung alam na ba nila o hinde pa.

"Don't talk. Just eat.." matagal akong tumingin sa kanya bago kumain at humigop ng sabaw.

Hinintay nya pa akong matapos. Dinampot at inayos ang pinagkainan ko. "Matulog ka na.." tumayo sya at iniwan na ako kasabay ng tray. Hindi na sya nagtanong pa.

Di ko na alam kung anong gagawin ko bukas o sa makalawa. Basta bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.

Bab berikutnya