webnovel

Chapter 6: Deserve

I never thought this day would come. Yung araw na andito sa ospital. Nakahinga lang at walang magawa. It really annoys me. Lagi kong naiisip na wala akong kwenta kapag ganun. Maghihintay ng pagkain tapos titignan ng doktor tapos may bills pa?. Wala na nga akong pera. Mas lalo ko pang pinahihirapan sina Mama. Naaawa ako ng husto.

Tuwing nakikita kong nahuhulog ang ulo nila habang nakaupo sa maliit na sofa sa may gilid. Kumikirot ang puso ko. Anong gagawin ko upang maging okay na ako?. Anong maitutulong ko, ngayong ako naman ngayon ang walang maitulong?. Susmaryosep!. Kailangan ko na talagang magpagaling lumabas dito at mag-aral.

Isa pa. Si Bamby. Ilang araw ko na syang tinatrato ng masama. Laging sinisigawan o di kaya'y pinapalabas. Tumatatak lagi ang tinging pinupukol nya sakin pagkaalis nya. Matalim iyon pero laging may ngiti sa kanyang labi. Ang sakit tignan. Kapag matagal mo pa itong tititigan. Mararamdam mo ang bigat ng mga salitang gustong iparating ng kanyang singkitan na mata. Di ko maintindihan kung bakit sya ganun. At mas lalong di ko rin maintindihan kung bakit nasasaktan ako sa tuwing ngumingiti sya ng maganda sa bawat masamang ugali ko na pinapakita. Am I that coward to hear about what she wants to say?. I guess so.

Hinihiling ko na lamang, na panaginip lang ang lahat ng ito. Na sana, nasa isang mahimbing na tulog lang ako.

Pero hinde eh. I'm wide awake. Gising na gising ako. Ultimo mabigat na paghinga ng ibang tao. Naririnig ko.

I never wished this day. Ayoko ng ganito eh. Subalit, ano nga bang magagawa ko kung ito ang nasa kapalaran ko. Ang maranasan ang iba't ibang flavor ng buhay. May matamis, maalat. mapait at maanghang. Lahat ng iyon nalasahan ko na.

"Nak, bakit mo naman ginawa iyon kay Bamby?.. Alam mo bang umuwi pa yun galing Australia para lang bantayan ka.."

pinagalitan ako ni mama pagkatapos tumakbo ni Bamby palabas. Dinampot ni mama yung bola saka iniabot kay ate. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kapag andyan sya. Di ko maiwasang magsungit. Pero tuwing tumatalikod naman sya't paalis sa harapan ko. Nadudurog ako. I'm damn confused! Nalilito sa nararamdaman ko.

Nilapag ni ate yung kahon na may balot pa sa may paanan ko. Sinungitan ako habang binabalik muli sa loob ng kahon ang bola. "Alam mo bang sinuway pa nya ang kanyang mga magulang para lang mapuntahan ka?.. tapos... ---sinasaktan mo lang sya ngayon.. psh...." may binulong pa syang karugtong pero di ko na narinig pa. Masyadong mahina iyon.

Oh great! Napipi ako sa mga impormasyong binibigay nila. I don't know.

Paano mo naman malalaman ang mga iyon Jaden kung lagi ka nalang high blood sa kanya?. You said na nasasaktan ka tuwing nag-uunahan ang kanyang mga luha. Bat lagi mo pa rin syang pinapaiyak?. Are you playing games or something?. If yes. Stop that freaking game. She's hurt. And you'll regret it if she'll get tired of you.

Naging tahimik ako sa sumunod na mga oras. Tinatanguan ko lamang sina ate na nagbabantay sa akin tuwing kinakausap nila ako. I asked them about her but they just said that she's out with her kuya. She's chilling or I don't know even.

"Ngayon hinahanap mo?.." sumbat bigla sakin ni ate. Nagbabalat sya ng oranges. Umuwi muna si mama para magpahinga ng mabuti. Pinaliwanag nila sakin kanina na hindi sya pwedeng mapagod ng husto.

Damn! She's freaking right. Hinahanap nga sya ng dalawa kong mata. Hindi lang ng mga mata ko. Kundi ako mismo. Nasanay ako sa presensya nya tuwing hapon. But sadly, this afternoon. She's not here.

Lumunok ako. Nagbaba ng tingin upang iwasan ang naninita nyang mata. "Don't expect. Di na yun babalik..." nag-angat ako ng tingin sa kanya na binalewala nya lamang. "Kung sasabihin mong maawa ako sa'yo?.. pwes! Oo. Noong panahong wala ka pang malay. Pero ngayon?.." nagkibit balikat sya sabay ng maliit na iling. "Hinde. Naiinis ako sa'yo. Alam mo kung bakit?.."

Di ako umimik. Galit sya. Her eyes is burning with anger. Nanginig ang kanyang kamao. Gustong manuntok.

"Naiinis ako dahil naaawa ako lalo kay Bamby. She's always beside you noong mahimbing pa rin ang tulog mo. Kahit wala syang tulog. Pumupunta pa rin sya dito. Binabantayan ka. Sinasamahan ka kahit hindi na nya kaya.." tumindig sya sa mismong harapan ko. Nanlilisik ang mata. Damn! Paano ko naman malalaman iyon?. Tulog nga ako diba?. "Hindi ko sinasabi sayong pilitin mong alalahanin sya.. pero, pwede bang... ---tratuhin mo naman sya ng maayos.. we owed her a lot. At kung ipapahiya mo lamang syang muli..pwes.. hindi mo nga sya deserve.. she deserve the world not this cruel life Jaden... Prinsesa sya ng pamilya nila.. pero tayo?.. inuulila lang natin sya.. nakakahiya masyado.."

Matapos nya akong pagalitan o pagsabihan o lalong paalalahanan ay iniwan na nya akong mag-isa. Di na sya nagpaalam kung saan pupunta. That means. Galit nga talaga sya.

Nakita ko nga kung paano ituring ni Lance si Bamby. Bunso nila ito at nag-iisang babae anya. Kaya siguro ganun nalang ang pagprotekta nila sa kanya. Hindi naman iyon maiiwasan pag may kapatid kang babae. Tulad nalang ni ate. Gusto ko syang protektahan pero mapilit sya't matigas ang ulo. Kaya wala akong magawa.

Dumaan ang oras at bumalot na ang dilim sa labas. Tama nga si ate. Walang Bamby na dumating. Nagsisisi ako sa mga araw na lumipas. I treated her not the way she deserves. Hindi nya dapat nararanasan ang ganun mula sa akin. Dapat yakap at ngiti ang dapat kong ibigay sa kanya. Hindi ang lungkot at sakit. Hindi rin ng luha na mabigat lagi ang dating.

Bab berikutnya