webnovel

Chapter 78: Wait for me

Naging magaan ang araw ko simula noong umiyak ako sa harapan nya. Simula noon, pinakitunguhan nya na ako ng maayos. Hindi na nya ako sinisigawan o pinapalayas. Hinahayaan nya rin akong alalayan sya kapag pumupunta ng banyo. "Salamat.." lagi nyang sinasabi tuwing nakikita nya ako sa kanyang tabi. Inaayos ang kanyang unan o kumot o maging ng mga gamit sa maliit na kabinet sa kanyang gilid.

Doon na rin ako natutulog minsan kahit pinapauwi na ako ni kuya. Gusto kong makita nya ako tuwing umaga o bago sya matulog. Kinukwentuhan ko naman sya kapag pareho kaming bagot na sa loob ng ospital.

"Bunso ako nila kuya Mark at kuya Lance." umpisa ko. Mabilis naman syang tumango. Nag-aayos ako ng mga prutas na binili ni tita. Umalis din sya agad dahil may ilalakad pa raw sila ni tito na papeles. Si ate Cath naman, baka hapon na pumunta dahil wala si Gerald na magbabantay sana sa mga bata. Kaya heto ako ngayon. Tagabantay nya. Mabuti nalang din at di na sya gaanong inis sakin. May magbabantay sa kanya ngayon.

"Paano ba tayo nagkakilala?.." he asked. Uupo sya kaya mabilis kong binitawan ang ginagawa at tinulungan syang umupo ng maayos.

"Schoolmates na tayo simula elementary.." paliwanag ko.

Marami pa syang tinanong tungkol sa nakaraan. Sinagot ko naman ang mga iyon. Idinetalye ko pa sa kanya kung paano ako nagkagusto sa kanya. Bahagya pa syang natawa. Bakit daw ako nagkagusto sa kanya gayong hindi naman daw sya gwapo. Tapos ako raw ay maganda at mayaman. Kung alam nya lang kung gaano ako nahulog sa kanya kahit di sya gwapo. Naku!. Baka lalo syang matawa. Tinawanan ko lang rin ang sinabi nya. "Hindi natuturuan ang puso Jaden.. oras na tumibok ito para sa iisang tao. hindi man ito mayaman o gwapo.. pipiliin mo pa rin ito dahil sya ang tinitibok ng iyong puso.."

"Ang lalim mo ha.." tumawa pa sya. Hindi makapaniwalang nainlove ako sa kanya.

"Hugot eh.. hehehe.." sabay kaming natawa. Just like the old times. Nga lang iba pa rin dahil wala pa rin syang maalala tungkol sakin, samin.

"Ang sabi ni Kian. Galing ka pa raw ng Australia?.." iniabot ko sa kanya ang binalatan kong orange. Isinubo nya agad ito habang nakatingala sakin. Naghihintay sa isasagot ko.

"Hmm.. kami ni kuya Lance.." nag-iwas ako ng tingin dahil nanlalambot ako sa malalim nyang titig. Damn boy!.

"Bakit?.." di ko alam kung bakit kailangan nya pang itanong ang bakit sa akin. Di ba obvious na umuwi ako para sa kanya?. Ugh!. Ang slow nya pa rin talaga.

"E kasi, pinag-alala mo ako nung di ka na nagreply sa mga text, tawag at chat ko..Nalaman ko nalang na, may nangyari na palang masama sa'yo.. kaya umuwi ako rito.." tahimik sya ng ilang minuto. "Gusto kong damayan ka sa paghihirap mo.. alalayan ang pamilya mo.. at para makitang muli.. ang mahal ko.." lumunok ako ng mariin sa huling salitang binigkas ko. Gusto kong malaman nyang mahal ko pa rin sya kahit ilang ulit na nya akong dinurog.

Pareho kaming tahimk sa oras na lumipas. Sa kahabaan nun. Unti unti akong kinakain ng kaba. Kinakabahan talaga ako tuwing tahimik ang taong nasa paligid ko. Tahimik naman pero hindi ako mapakali. Naiisip ko tuloy. Mukhang ang dami nyang gustong sabihin ngunit hindi nya lang masabi sabi.

Hanggang sa dumating si ate. Tahimik pa rin sya. Nag-iisip nga sya. Saka lamang ako umalis nung mahimbing na ang kanyang tulog.

Matiwasay akong natulog kinagabihan. Umulan pa ng malakas kaya nasarapan ako ng tulog. Alas nuwebe na ng ako'y magising. "Hindi pa ba lalabas si Jaden, Bamblebie?.." tanong sakin ni kuya sa harap ng aming agahan. Halos pareho rin kaming late nagising.

"Hindi pa yata.." iyon naman talaga ang totoo. Wala akong ideya kung kailan sya lalabas.

"Buti di na sya galit sa'yo?.." out of the blue nya itong tinanong. Napainom ako ng tubig nang may bumarang kanin saking lalamunan.

Isinubo ko muna ang pinyang nasa plato. Nginuya at nilunok bago sya sinagot. Masyado syang atat. Tinataasan na ako ng kilay.

"So far.. hinde na.."

Agad akong tumayo at nagpaalam na sa kanya. Nagreklamo pa sya dahil marami pa raw sana syang itatanong. Wala akong oras ngayon. Nagtext kasi si tita. Aalis ulit sila. Wala na naman si ate Catherine kaya ako lang ang inaasahan nilang magbantay sa kanya.

"Hija..ikaw na muna ang bahala sa kanya ha.. pag inaway ka ulit.. tumawag ka agad samin o kay Catherine." bilin pa sakin ni tita. Tinanguan ko sila sabay ng magandang ngiti. Tinapik lang rin ako sa balikat ni tito bago sila tuluyang umalis.

Tadhana na ata ang gumagawa ng paraan para sa ating dalawa Jaden. Tayong dalawa na naman ang naiwan dito.

Magsasaya na sana ako pero di ko magawa dshil sa aming sitwasyon.

Nadatnan ko syang mahimbing pa rin ang tulog. Binaba ko ang dala kong bag sa may sofa bago sya nilapitan ng marahan. Nakatagilid syang nakahiga. Kaharap mismo ang kabinet na may isang upuan sa ilalim nito. Pinili kong tumayo sa kanyang harapan para mas lalo syang matitigan. I really miss this closer to him. Paano nya kayang nasabi na di sya gwapo?. Yung kilay nyang di gaanong makapal. Sakto lang naman kung tutuusin. Yung mata nyang maganda pa rin kahit nakapikit na. Na kung gising naman. Parang libro. Ang daming gustong sabihin pero di ko marinig. Yung ilong nyang matangos at ang labi nyang medyo mapusyaw. Kung lalagyan ito ng kulay. Mas magiging gwapo sya sa paningin ko. Kaya, bakit nya naman naisip ang ganun?. Hay!.

May sariling isip yata ang kamay ko. Huli na nang natanto kong di ko dapat hinaplos ang kanyang ilong papunta sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang labi. Nagising ko tuloy sya na nakapagpakaba sakin ng todo. My goodness Bamby!. Babawiin ko na sana ang aking kamay subalit mabilis nya itong hinawakan nang di inaalis ang tingin sakin. "Akala ko di ka na darating?.." malungkot ngunit mahina nya itong binigkas. "Natakot akong, baka di ka na babalik.." marahan nyang hinaplos ang aking pisngi na nagbigay sakin ng mainit na pakiramdam.

Bumilis ng todo ang tibok ng aking puso. Para akong nakipagkarera sa kabayo sa bilis nito. Umupo syang hawak pa rin ang pisngi ko. Hindi binibitawan ang titig saking mata. "Babalik ako dahil andito ka. Kung nasaan ka. Andun ako. Kahit malayo. Pupuntahan pa rin kita... kahit mahirap.. maghihintay pa rin ako sa'yo.."

Binaba nya ang kanyang kamay papunta saking braso. Nakuryente ako sa epekto ng marahan nyang haplos bago nito tinungo ang aking palad. Akala ko hahawakan nya lamang iyon. Ngunit, nagulat nalang ako ng hilain nya ako papunta sa kanyang harapan. Pakiramdam ko na naman. Nahulog ako sa bangin sa ginawa nya. Hulog na hulog sa kanya. Tumama ako sa mismong binti nya. Suskupo Bamby!. Kalma!.

Noon na nagtagpong muli ang aming mga mata. Sabik sa isa't isa. Kita ko kung paano kumislap ang mga iyon habang nakatingin sakin. Mabuti nalang at walang pumasok na nurse. Dahil kung meron. Nakupo!!..

"Pwede mo ba akong hintayin.." sa katahimikang lumipas. Sya mismo ang bumasag noon. I'm too weak to utter words. Napipi ako sa mata nyang kinakausap ako. "Di man kita maalala.. pero sa tuwing nakikita ko ang luha sayong mata... nasasaktan ako sa di malaman na dahilan.." hinanap nya ang kaliwa kong kamay. Hinawakan nya iyon at ikinulong sa kanyang mga palad. "Hindi ko yata kayang mawala ka sa tabi ko.." yumuko sya at pinagpahinga ang kanyang noo saking balikat. Akala ko kung ano na ang gagawin nya. Iyon pala. Oh gosh!.. Bumalik na ba alaala nya?.

At duon sya tahimik na umiyak. "Can you wait for me?.." bulong nya. Nakagat ko ang labi. Di ko inaasahan ang ginawa nyang ito. Para tuloy akong nasa mahimbing na tulog. Inalis ko ang kaliwang kamay ko sa kanyang palad saka hinaplos ng marahan ang likod nya. "Oo naman.. hihintayin kita.. pangako yan.." garalgal kong himig.

Maghihintay naman ako kahit di nya pa hilingin. Mahal ko sya at alam kong pang habambuhay na iyon.

Bab berikutnya