webnovel

Chapter 22: Can't Get Enough

A minute later.

Bumangon ako at uminom ng tubig. Di talaga ako makapaniwala. Totoo ba tong nangyayari o nananaginip lang ako?.. Imagine, sa loob ng Ilang taon gusto nya pa rin ako?. Suskupo!.. I can't!.. I can't think straight!. Shit!..

Sa dami nang nasa isip ko. Nagulat ako nang sobra dahil tumunog bigla ang cellphone ko. Pinatong ko sa lababo ang baso saka dinampot ang kanina pang maingay na cellphone. Caller ID is unknown. Ayoko sanang sagutin kaso something's pushed me. Kahit walang kasiguraduhan. Sinagot ko pa rin ito.

"Hello?.." I sighed heavily. Pinakawalan ang bumibigat na kaba sa taong di kilala kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello!.."

Para akong nabuhusan nang malamig na tubig sa boses na yun. Nanigas at nanlamig ang buong katawan ko bigla. Even if he doesn't tell me his name. I knew who own this husky voice. It's him!. My boy!.

Dinig ko ang mabibigat nitong paghinga bago nagsalitang muli.

"Hello Bamby?.."

Oh Gosh!..

Natutop ko ang sariling bibig dahil sa kaba. Nanginig ang mga kamay ko dahil binalot na ng kaba ang aking dibdib. Kaba dahil sa tuwa. Natutuwa na sa wakas nagkaroon na ito ng lakas ng loob para saming dalawa. Whoa!!!...

"Yes?. Hello.. Who's this?..." tanong ko kahit alam na kung sino. Kagat ang dulo ng kuko para wag tuluyang mautal o di kaya tumili dito sa gilid. Damn it!. Yung kaba ko parang di ko na yata kaya. Lumalakas habang patuloy syang nagsasalita. Kulang nalang lumabas ito saking katawan.

"Si Jaden to.. Anong ginagawa mo?.."

Mariin kong pinagdikit ang mga labi para pigilan ang kilig na nadarama. Anong isasagot ko sa kanya?. Heto, nakatayo. Di makaupo dahil kausap ang taong gusto ko?.. My goodness Bamby?!!. You're insane!.. Relax okay. Kaya mo yan.. Humugot ako ng hininga at binuga din agad. Kailangan kong gawin iyon para atleast mabawasan ang sobrang kaba.

"Ah.. ikaw pala.. pasensya na, di ko alam new number kasi.." Hay naku Bamblebie?!.. Bakit iyon pa ang sinabi mo?. Tsk.. Umayos ka nga.. Pumikit ako at huminga ng napakalalim. Kailangan kong umayos para maging maayos rin ang future lovelife ko.. Whoa!. Nababaliw na ata ako.

"Ayos lang.. Kasalanan ko rin. Di ako nagtext sa'yo. Isave mo na number ko.."

"Oo naman. Gagawin ko.. bakit ka pala napatawag? .." sumandal ako sa gilid ng bintana. Pinapanood ang pagkislap ng mga tala sa malawak na kadiliman.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo.." gusto ko ng sumigaw sa tuwa. Goodness!.

O my God!!!...Di ko to inexpect. Seryoso pala sya.

"Narinig mo na boses ko. Patayin mo na.." kagat pa rin ang kuko ngayon.

"Teka lang. Bat ang aga naman?. Matutulog ka na ba?.." napangisi na ako ng tuluyan sa kanya. Jaden ko. Abot kamay na ba kita?.

I can't control my feelings anymore.

"Mamaya pa naman.. bakit?.." sinarado ko ang bintana bago umupo saking kama. Dinuyan ang magkakrus na mga paa. Habang ang isang kamay ay dinudutdot ang ilong ni Doraemon. I need some diversion to atleast calm my fucking self.

"Wala lang.." Anya sa kabilang linya. He's lying. Tell me something boy!.

"Weh?... bakit nga?..." humiga ako kahit ang mga paa ay nasa sahig pa. Kalahati lang ng katawan ko ang nakahiga.

"Namis ko kasing pakinggan boses mo.." I greeted my teeth to not to scream. My goodness!.. Di ako makakatulog nito panigurado.

"Boses ko talaga?. Hinde ako?.." may halo ng kilig ang boses ko. Damn it!!..

"Hehehe.. syempre ikaw mismo.. Kung pwede nga lang na pumunta dyan ngayon eh. Pupunta ako.."

"Gagawin mo yun?.."

"Oo naman.. para sa'yo.." Yung ngiti ko, abot langit na boy. Hay!.. Ang sarap namang pakinggan.

"Pano kung harangin ka nila kuya Lance sa labas?.." totoo to. Kilala nya naman siguro ang mga kapatid ko lalo na yung binanggit ko?. Mahigpit pagdating sakin.

"Magpapaalam ako ng matino.." paniniguro nito. Sumipol ako ng mahina. Kinikilig talaga ako. Amp!. Tuloy, dahil sa kilig. Napipi na ako. Di makapagsalita.

"Hmm.. e anong ginagawa mo ngayon?..." he asked.

Sa bawat kalabog ng dibdib ko. Pinagpawisan na ako.

"Nakahiga lang.. ikaw?.." sagot ko. Pero di ko na naman inaasahan ang isasagot nya.

"Iniisip ka.."

What the heck?!!..Boy naman!. Umayos ka nga. Baka di ko makayanan liparin kita dyan. I'm going crazy.

"Hindi ka mawala sa isip ko. Tuwing matutulog, ikaw ang lagi kong naiisip. Paggising ko naman, ikaw pa rin ang tumatakbo saking isip.. can't get enough of you Bamby.."

Hay!!... I'm so fluttered.

"Kahit taon na ang lumipas di pa rin ako nawala sa isip mo?. Imposible naman?.." out of kilig. Tinanong ko para malaman kung anong opinyon nya tungkol dito.

"Hmm. Kahit ilang taon pa yata, hindi na mawawala pa.. Tumatak ka na sa puso't isip ko kaya hindi na yun basta bastang mawawala Bamby.. maniwala ka man o hinde.." natahimik ako gurl. I'm damn speechless!..

"Hello?. Andyan ka pa ba?.." tanong nya ng di ako sumagot. Namental block ako.

"Yeah.."

"Speechless?.. hahaha..." tumawa sya. Yung tawa gosh?.. Doon ako unang nahulog e. Mukhang, lumalalim pa ang pagtingin ko sa kanya.

"Ikaw naman kasi.. pabigla bigla...."

"Ahahahaha..." halakhak pa nya... Hay.. Pinakinggan ko lang sya. Di ko rin ikakaila. Namiss ko ang tawa nya.

"Tskk.. ikaw talaga.. matulog ka na nga. May pasok ka pa bukas. "

"Kausap pa kita e.." reklamo nya. Ngumuso ako.

"May bukas pa naman Jaden. Baka malate ka bukas nyan?.."

"Hindi ako malelate kung gigisingin mo ako.."

"Demanding neto.. hahaha.." di ko maiwasang humalakhak.

"Hahaha.... sige na nga boss.." mabuti nalang pumayag sya.

"Hmm.. goodnight Jaden.." ngiti ko kahit di nya makita. "Goodnight din Bamby..." sagot nya.

"Hmmm.. goodnight.." sabe ko pero di pa rin nya binababa. "Baba mo na.." utos ko.

"Ikaw na.. ayaw kong babaan ka ng tawag.." napailing na lamang ako sa kilig. Hay naku!!. "Sige na. baba ko na to. Matulog ka na. Goodnight.."

Para akong nakalutang sa ulap nang ibaba ang kanyang tawag. Can't get enough of him.

Bab berikutnya