webnovel

Chapter 14: Guilty

Mahabang katahimikan ang bumalot saming dalawa. Parehong natitigilan sa nangyayari. Ako, sa mga sinasabi nya. Hindi sa hindi ko gusto ang narinig mula sa kanya. Sadyang nabigla lang ako. Sya naman. Di ko alam kung totoo ba ang sinabi nya o nang gogood time lang. Who would've thought. Baka magbago na nga sya o may iba nang gusto. Malay ko diba?. Aba. Malay ko nga talaga.

Kaya kahit ayaw ko sanang gawin to. Ang magtaray. Kailangan para malaman kung totoo pa nga ba ang nararamdaman nya para sakin. "Kailan ka pa natutong magbiro?. haha.." tumawa ako sa huli upang ibsan ang kaba at inis. Kaba na baka magalit sya sakin. O well!. Sinong hinde magagalit Bamby?. Let's judge later. Inis sa aking sarili dahil sa ginagawa. Kailangan pa bang gawin mo to Bamby?. You should celebrate now. Not this. Quit playing.

Kinuyom ko ang mga palad sa likod ng aking damit. Galit ako sa sarili ko. Galit na galit dahil sinaktan ko sya. Lumagpas ka na sa biro na gusto mo Bamby. What now?..

Nag-iwas ako ng tingin sa mata nyang puno nang pagsusumamo. Tiningala ang langit na puno ng bituin. Sana sa isang kisap mata lang. Maging tayo na. Pero hinde e. Mahirap ipaliliwanag sa ngayon.

"Baka guni guni mo lang yan Jaden. Sige na. Balik na ako dun.." Ang tanga mo lang Bamby. Anong arte yang kinikilos mo?. Wala ka sa telebisyon para magpakipot pa ng ganyan. Damn it!!..

Nag-umpisa na akong humakbang palayo sa kanya ngunit may isang kamay ang humablot saking braso.

"Hindi ako marunong magbiro Bamby.."

Anya matapos akong higitin paharap sa kanya. I'm too speechless to say any words "Gusto pa rin kita.." dagdag nya kung kaya't mas lalo akong nilamon ng kaba. Napipi at nabingi. Damn!.. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinapatay ako sa tambol nito.

Dinig kong natahimik ang iilan. Sinuyod ko sila ng tingin, pailalim. Lahat ng mata nila. Nakatingin samin. Oh great!.. You sucked Bamby!.

"Hinde e. Nagbibiro ka lang.." binulong ko lamang ito. Pero sa wala ngang ibang ingay sa paligid. Para itong bomba na sumabog bigla. Natakot at nagpanic ang iba. Kita ko kasing may tumayo at dinig kong may tumikhim rin.

Oh shit!..

"Kilala mo ako hindi ba?." sa mahinang boses. Sa loob loob ko, tumango ang aking puso. Subalit itong gagong utak ko, umiling. Fucking shit!..

"Apat na taon na ang lumipas. Di ko alam kung kilala pa ba kita.." ilang mura na ang pinakawalan ko sa aking isip. Bamby?.. What are you doing huh?. Anong ginagawa mo sa kanya?. Sa sarili mo?. Nagpapakamartyr ka ba?. O nababaliw na?. Either way. Asshole!. Bitch!.

Binitawan nya ang aking braso. Doon ako mas lalong nanlumo. Gosh!.. Kita ko na ang mga titig ni kuya Lance. Tumatalim. Damn it!.

"Wala naman nagbago sakin.. Heto pa rin ako.. Naghihintay.. sa pagbalik mo.."

uutal utal pang sambit nya.

Itinago ko ng mariin ang halo halong emosyon. Kung alam ko lang na darating ito. Di na ako sumubok magbiro. My goodness Bamby!. Kahit kailan, wala ka talagang sense of humor. Tsk.

"Umaasang ako pa rin, sa'yo.." he mouthed bago humarang si kuya Lance sa aming pagitan.

Sa sobrang hiya. Mas pinili ko nalang na pumasok sa loob ng bahay. Wala na akong mukha na ipapakita sa lahat. Lalo na sa kanya. Damn it!. DAMN It!..

Kingina mo Bamby!..

Bab berikutnya