webnovel

Chapter 11: Jaden Bautista

Iidlip na sana ako nung nagpaalam si kuya Lance. Kaso naisip ko pala yung inorder ko na pastry. Paano nya kukunin yun kung wala syang resibo?. Haist Bamby!. You're out of your mind again.

Noong isang araw ko pa kasi inorder yun. Ang sabi ko weekend ko lang sya kukunin. Kaya yun. Si Kuya nalang kukuha tutal sya naman pupunta ng mall.

Kahit inaantok. Tumakbo ako paakyat. Hinanap ko agad yung resibo saka patakbong pumunta sa garahe ng di na nag-aayos.

"Kuya!. Ang engot mo.. Yung receipt oh.. naiwan mo.." agap kong sabe. Di ko naisip na may bisita na pala. Nakipagtanguan ako kay Kian na pinaparada ang sasakyan sa loob.

Pagdating sa daan. Andun kasi yung sasakyan na puti. Gagamitin nya ata dahil nakaandar na. Natigilan ako ng todo. Bulto palang nya. Alam ko na. Shit!. It's him. Damn Bamby!.. Takbo!. Sigaw ng isip ko pero hindi ako nakagalaw. Imbes tumayo lang ako at pinanood ang likod nyang nakapasok sa loob ng kotse ni kuya ang kalahati ng katawan. Di nawala ang paningin ko sa kanya. Nakita iyon ni kuya kung kayat "Oh!.. hoho..." yan ang mismong naging reaksyon nya. Suot ang malaking ngisi. Lihim akong lumunok at huminga ng malalim. Suskupo!.. Ano ba naman ito?. Di man lang nagpasabi na darating. Di tuloy ako nakapaghanda. Damn it!..

Kahit nangangatog aking binti. Humakbang pa rin ako palapit kay kuya para iabot yung maliit na papel. Eksaktong lumabas naman sya at tumayo sa tabi mismo ng aking kapatid. Oh great!.. Really really great!.. Woah!...

Mariin kong kinagat ang bibig saka nanlalamig na tumayo sa harapan nila. God!. Bakit ganito na sya kagwapo ngayon?. Suskupo Bamby!. Chill. Baka himatayin ka dyan.

Palipat lipat ang mata samin ni kuya. Pareho lang kaming nakatingin sa mata ng isa't isa. What the hell!.. I'm getting sweat.

"Bamby, si Jaden o.." mabuti at narinig ko pa ang himig ni kuya. Nababangag na ako sa tibok nitong puso ko. Ang lakas bruh!.. Konting kilos ko pa. Tiyak. Hihimatayin na ako sa kaba. Shit!.

"I know.."

Muli akong sumulyap sa kanya at humugot ng napakalalim na hininga. Kailangan kong kumalma upang makawala sa titig nya. Hindi ko kaya eh. Para nito akong hinihigop papalapit sa kanya. Woah!.. Noong alam kong kaya ko nang maglakad. Kumaripas na ako ng takbo paalis sa harapan nila. Grabe!. Lalo atang tumindi ang pagkagusto ko sa kanya.

Woaahh!..

Sa sobrang kaba at init na naramdaman ko. Nagbabad ako ng ligo sa banyo. Seryoso pala si mama na he's getting hotter. Damn!.. it's so unexpected.

Yung akala ko na walang nagbago. Matindi pala. Lumaki ang kanyang pangangatawan. Tumangkad. Pumuti ng bahagya. At pumula ang kanyang labi. Parang dati naman na iyon. Kaso, ngayon ko lang napansin dahil sa titig namin kanina. "Gosh!. Bamby!. Kumalma ka nga. Para ka nang baliw.." pumadyak ako sa sahig upang pakawalan ang kabang hindi pa rin mawala. Umabot akong isang oras sa pagligo sa totoo lang. Kung di pa ako kinatok ni kuya Mark na bumaba. Di pa siguro ako lalabas.

"Anong ginagawa mo?.." Ani mama ng nasa kusina ako para uminom. "Naligo lang ma.."

"Nang isang oras?.." how did she know?. Nagkibit balikat lamang ako. "Nagtext kuya mo. Pauwi na raw sila. Tulungan mo na ako dito para mabilis.." Tinulungan ko syang maglagay ng karne sa stick. Ako ang nagmarinate nito kanina bago naligo. Hinintay nya pala akong bumaba kaya siguro nagtaka kung bakit matagal ako. Nakupo!. Lihim kong sinapo ang noo.

Sa pagka-abala. Di ko namalayan ang oras.

"Oh!. Andito na pala sila. Jaden. Come here.." dinig kong tawag ni kuya Mark sa pangalan nya. Oh damn!. Dumagundong na naman sa kaba ang dibdib ko. Ngunit di ko pinahalata dahil katabi ko pa rin si mama.

"Pa, si Jaden po.." dinig hanggang kusina ang boses nila. Kaya ayos lang kahit di na ako lumabas. Di pa ako ready.

Dinunggol ako ni mama. Saka bumulong. "He's here.."

"Yeah.." sa kaba ko. Wala akong masabi. Damn!.

"Hmm.. I'm so glad to finally meet you Jaden.." si papa na ngayon ang nagsalita. Mas lalo akong kinabahan. Woah Bamby!. Breathe in. Breathe out.

Biglang tumawa si papa. Tanda na giliw na giliw ito sa kausap. Bakit kaya?.

"Hahahaha.. relax hijo.."

"Tara duon.." alok sakin ni mama pero tumanggi ako. "Kayo nalang ma. Tapusin ko lang to.." she scanned me first before she finally nodded. "Sigurado ka?.." muli nyang tanong. Nasa pagitan na sya ng kusina at ng sala. Ngumiti ako bago tumango. Nakita ko kung paano sya ngumuso. She knew what I'm thinking. Gosh!..

"Ah sir.." Si Jaden. Paos pa ang boses. Kinakabahan?.. Maybe. Sinong di kakabahan kapag kaharap ang pamilya ng taong gusto mo?. Ako na nga lang eh. Sya palang kaharap ko kanina, pamatay na ang kaba ko. Sya pa kaya na pamilya ko na ang kaharap. Haist.. Be brave babe!. For our sake!.. Suskupo!. Baliw ka na Bamby!. Baliw ka nang talaga.

"Hahaha.. it's okay.." tumawa si papa. "I just want to see you in person. You know. You're friends with my son's and to my daughter also.." binitawan ko ang hawak na stick saka umupo. Di ko kayang tumayo. Nangangatog binti ko dahil sa kaba. Hinot seat ng erpat ang mahal ko e. Nawawala lakas ko.

"Pa, naman. Tama na yan. Mahiyain yang si Jaden kaya ganyan.." Ani kuya Lance. Hindi pa rin umaayos hininga ko.

Nagpapawis na maging palad ng mga kamay ko.

"Son, gusto ko lang naman syang kausapin. Anong masama?.." Ani Papa.

May narinig akong footsteps. Kaya agad akong tumayo. Nagpanggap na may hinahanap sa baba.

"Bamby, nasa labas si Jaden.." turo ni kuya Mark sa sala. Hawak na nito yung kahon na pinakuha ko.

"I know kuya.."

"Bat di mo tignan?.." tinignan nya ang nasa mesa. Mga pagkain para mamaya.

"Maybe later nalang. Marami pa akong gagawin.." di ko sya tinapunan ng tingin.

"Ehh?..." namaywang ito at dinungaw ang mukha ko. Nanunukso. "Aray!.." reklamo nya sa paghila ko sa tainga nya paalis saking mukha sabay ngisi.

"Sigurado kang mamaya nalang?.. Nandyan na sya sa sala. Abot tanaw mo na...."

"Kuya?.." nguso ko.

"Hahahahaha.. you're so cute lil sis.." pinisil ang aking pisngi. "Fine...just be ready.. hihihi.." matapos nun. Lumabas muli at umakyat na sa taas. Dala yung kahon. Alam nya kasing sa kwarto ko lang dapat yun nakalagay. Kung hihingi sila. Sa kwarto sila pumunta. May ref kasi sa silid ko. Nilagay ni erpat.

"You're already talking to him Pa. Baka himatayin yan dyan bigla. Mawalan ng asawa yung anak mo.." di ko na alam kung matutuwa ba ako sa mga sinasabi ni kuya Lance. Anong kasal?. Di pa nga nanliligaw yung tao eh. Abnoy din minsan.

"Fine, o'right. Asan ba yung kapatid mo ha?.." inabala ko nalang ang aking sarili para wag nang makinig sa usapin nila. Sinaksak ko ang earphone at nakinig ng music ng kpop group na iKON. My stress reliever.

Bab berikutnya