webnovel

Chapter 48: Wedding

Gabi kaming nakarating matapos ng aming date. Traffic sa kalsada. Kaya bago tuluyang umuwi. Inaya ko muna syang kumain sa isang fast food. Sa restaurant sana, kaso kapos na ako sa bugdet. Di pa binigay ang kabuuan ng allowance ko. Gipit si lover boy ngayon.

"Jaden, pano ka sasagutin ng nililigawan mo kung ang bagal mo!. Maligo ka na nga!..." kinutusan ako ni ate. Nakaupo ako sa harap ng mesa. Hinihintay gumalaw yung baso. Abnoy!.

Saka lang ako kumilos nung binigay sakin ni Mama yung phone na tumutunog. Napamulat ang aking mata. Caller id. My Bamby.

"Good morni---.."

"Wake up!!.." agad kong inilayo ang phone nang sapawan nya ako sa malakas nyang tili. Napakamot nalang ako saking noo. Savage baby!.

"Yes boss.." Hindi sya sumagot. Uminom ako ng tubig bago nagsalita muli. "Hey!. you still there?.."

Dinig na dinig ko kung paano sya humugot ng hininga. Ang bigat pre. Inis na. Ilang oras muna bago sya huminahon.

"Yeah.." kalmado na nyang sambit. "Maligo ka na.." kinagat ko ang sariling labi sa pag-aalala nito sakin. Hindi halata na gusto nya rin ako. Susmaryosep!.

"Yes po boss.." di ko na inubos pa ang kapeng nasa malaking baso. Basta nalang akong umakyat at hinila ang tuwalya. Bumaba muli para makaligo na. Excited naman syang makita ako. Susmaryosep Jaden!. Bilisan mo na nga!!.

"See you later. Faster Jaden Bautista!. Faster!.." diin nito sa huling sinabi.

Tumawa ako at tumango kahit di naman nya nakikita. Sumaludo pa ako. "Yes boss, faster.." binaba nya agad ang linya. Kaya kumaripas na ako ng takbo patungong banyo at minadali ang pagligo. Kanina pa nag-aayos sina mama. Ako nalang talaga naiiwan sa mesa. Kaming lahat ay imbitado. Kaya abala ang lahat sa pag-aayos.

"Ready?.." anunsyo ni ate. Pinatayo ko muna ang aking buhok. Inayos ang bow tie na suot. Sumulyap sa salamin at nagwisik ng pabango.

"Ready.." ngiti ko sa kanya. Ngumuso sya sakin. Bagay na bagay sa kanya ang pink na kulay. Mas lalo syang gumanda. Hindi halatang nanganak na ito. Tumaas sulok ng aking labi. Nagyayabang. Pinasadahan din nya ako mula ulo hanggang paa. "Gwapo!.." kinurot ang aking pisngi. Confident akong lumabas at sumakay ng kotse nya. Dumiretso na kaming simbahan. Marami nang tao. Syempre. Sya lang ang hinanap ng mata ko.

"Boy dito!!.." may tumawag sakin. Si Kian kasama ng buong tropa. Pareho ang suit naming damit. Itim na slux at sapatos. Puting polo at nakabow tie. Parehong nakatayo ang buhok. Naglakad ako papunta sa kanila. Maingay ang mga ito. Nagtutulakan. Hindi ko alam kung bakit.

"Ssshhh.. Ang ingay nyo..." suway sa kanila ni Bamby. Tumayo ito sa gitna nila. Hindi ko sya agad nakita dahil pinalibutan nila ito. Kasama ng kanyang pinsan. Di ko alam pangalan.

Ramdam kong umawang ang aking labi ng magtama ang aming mga mata. Damn!. My diwata!. Ang ganda nya!. Kumikinang sa kulay pink na sleeveless na suot. May make-up sya. Pero, hindi ito gaanong makapal. Tama lang para lumitaw ang katangi tangina nyang ganda. Nakakalula. No words can explain how gorgeous she is. Damn!. Lalo akong nainlove sa kanya.

"Sabi na nga ba eh.. matulala yan.. akin na pera nyo..." dinig kong himig ni Dave. Inilahad ang kamay sa kanilang lahat. Naging abala sila.

"Ang tagal nyo?.." mariin kong inayos ang tindig. Saka sya nilapitan ng todo. "Pasensya na. Natraffic lang. Miss mo agad ako?.." sutil ko sa kanya. She just smirked.

"Gwapo ba ako?.." Ang yabang lang Jaden?. Kingina!. Di ko maiwasang magyabang kapag sya nasa tabi ko. Natatameme ako sa ganda nya.

She stepped closer. Tinaas ang kamay. Hinawakan ang bow tie sa bandang leeg ko nang di inaalis ang titig sakin. Damn!.

"Boy, Bat sobrang gwapo mo?..." pinanggigilan ang panga ko. Di ko na napigilang ngumiti. Kinurot nya ng isang beses ang aking pisngi. Lumitaw ang napakaganda nyang ngiti. Maging ang mata nyang nakakalasing. Sinasabing gwapo raw ako. Susmaryosep!..

"Hoy!!. kilig si boy!!. magsaya na ang lahat!!.." nagsitawanan ang lahat na malapit sa amin. Niyakap ko sya at hinalikan ang tuktok ng kanyang buhok. "Ang ganda ng baby ko..." bulong ko bago pumila sa labas ng simbahan.

Sa tamang panahon. Kaming dalawa rin ang lalakad palapit sa altar. Mangangako ng pagmamahalan na walang hanggan.

Bab berikutnya