webnovel

Chapter 28: Meet and greet

Mabilis pinaharurot ni Lance ang sasakyan papuntang mall. Pinagtatawanan pa ako dahil hanggang sa shop na pinasukan namin. Hindi ako nagsasalita. Anong sasabihin ko?. Kasama namin si Lance. Baka isipin nya lang na natutuwa ako sa mga tukso ng mga kasama namin. Natutuwa naman talaga ako pero ayaw ko lang ipahalata. Nakangiti naman sya. Kaso lang, hindi ko mahulaan kung anong tumatakbo sa kanyang isip. Kaya mas mabuting wag nalang akong magbigay ng opinyon sa mga sinasabi nila. Malay ko kung tinetest nya lang ako?. O ginagawang eksperimento?. Aba malay ko nga naman diba. Pero alam kong hinde sya ganun. Malaki tiwala ko sa kanya at mas lalong kilala ko na sya. Kapag ayaw nya talaga sa isang tao, hindi nya yan kakausapin o papansinin man lang. Tulad noong nakita nyang umiyak si Bamby sa harapan namin. Nagalit sya samin. Hindi pinansin ni Ace at lalong di ako kinakausap kahit pinapapaaok nya ako aa bahay nila. Gusto kong tumawa noon pero di ko magawa dahil sa hindi nya pagpansin sakin lalo na ang bilin nyang wag kausapin ang kapatid nya. Wala akong maisip na gawin noon na paraan. Sinulutan ko nalang si Bamby. Yun ang una at huling sulat na binigay ko sa kanya. Nalaman ko kasing nalaman din daw ni Lance. Di ko na dinugtungan pa. Di naman kasi nagreply si Bamby. Kaya ano pang saysay diba?. Baka lalong magalit sakin. Kung gaano kaopen si kuya Mark sa lahat. Kabaligtaran naman nya si Lance. Bihira ang nakakasundo o kinakausap nya. In short, mailap o namimili ng tao. Di ko nga alam kung paanong naging kaibigan ko sya e. Basta nangyari nalang.

Matapos kunin ang pastry na inorder ni Bamby sa shop. Lumabas kami agad at pumasok naman sa isang tindahan ng mga alak na mamahalin. Bumili sya duon ng sampu ata o higit pa. Basta hindi ko matandaan dahil lutang pa ako. Iniisip ang kapatid nyang parang diwata ang ganda. Nakakalula

Pagkababa. Second floor pa kasi yung tindahan ng alak. Tinuro ni Kian. Alam na alam. Lasenggero talaga.

Pinabitbit nila sakin yung pastry. Dahil magtutulungan daw silang buhatin yung alak. Ang arte ng mga ugok!. Mga rason nila. Masyadong gamay ko na. Gusto lang nila na ako ang magdala ng pinamili nya dahil paniguradong pag-uwi sa bahay nila. Iaabot ko ito sa kanya. Mga baliw. Ang galing ng teknika nila. Pinapabilib ako.

Sa magulong takbo ng utak ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

"Baba na pre..." kailangan pang katukin ni Bryan ang bintana ng sasakyan para matauhan ako.

Parang tanga naman akong bumaba. Natataranta. Inayos ko ang damit saka inayos ang buhok na nagulo. Sinuot ang sumbrero kahit wala ng araw.

"Tsk. Wag ka ng magpagwapo. Baka lalo syang mainlove sa'yo.." akbay sakin ni Bryan papasok ng bahay. Nakaparada na pala ang sasakyan. Doon ko lang nalaman ng bumaba ako.

"Tsk. Baliw.." kabado kong sambit.

Pumasok kami ng bahay nila na medyo maingay na. Mabuti nalang kasama ko itong si Bryan. Dahil kung hinde. Baka umatras ako dito at uuuwi nalang ng bahay.

"Oh!. Andito na pala sila..Jaden. Come here.." kaway sakin ni kuya Mark. Nasa sala sila. Nilingon ko naman si Bryan na nginitian lang ako.

Pakiramdam ko. Hindi ako nakatapak sa lupa sa kaba. Masyadong natatakpan ng kalabog ng puso ko ang bawat paghakbang ko. Di alam kung saan didiretso.

"Pa, si Jaden po." unang pakilala sakin ni kuya Mark sa lalaking nasa harapan nya. Katabi si tita. Dumiretso ang nakakailang nitong mata sakin. Nasa lahi na pala nila ang maputi. Katamtaman ang katawan at tangkad. Halatang alaga ito na namana din ng mga anak nyang lalaki. May maliliit na balbas sa kanyang baba at pisngi. Nakadagdag sa angkin nitong kisig kapag nakangiti. Matangos ang ilong at pinong labi Tuloy, napalunok ako ng wala sa oras. Magandang lalaki si tito. Nanliit ako.

"Hmm. I'm so glad to finally meet you Jaden?.." tumayo sya't nilapitan ako. Inilahad ang kamay. Na sa sobrang pagkalutang ko. Hindi ko agad kinuha.

Damn Jaden!!..

"Hahahaha..relax hijo.." tinapik nya ako sa braso ng dalawang beses. "Hindi ako nangangain ng tao. Hahaha.." patuloy nyang tawa. Pero ako, pinapanood lang ang mga galaw nya. Parang pipi, di makapagsalita.

"Ah sir.." garalgal ang aking boses ng sambitin ito. Biglang nahiya sa nasabi. Malaki ang ngiti ni tita sakin pero shet!. Di ko magawang suklian. I don't have any strength.

"Hahaha.. it's okay.." tawa nya pa rin sa harapan ko. "I just want to see you in person. You know. You're friends with my son's and to my daughter also." nanliit mata nya sa sinabing 'daughter'. What the fuck!.

"Pa, naman. Tama na yan. Mahiyain yang si Jaden kaya ganyan." suway sa kanya ni Lance. Nilapitan nya kami. Inakbayan ang kanyang ama..

"Son, gusto ko lang naman syang kausapin.. Anong masama?.." reklamo nito sa anak pero mukhang nakangiti. Alam ko na kung saan nagmana si Kuya Mark.

"You're already talking to him Pa. Baka himatayin yan dyan bigla. Mawalan ng asawa yung anak mo.." binulong nya yung huling linya sa kanyang ama na di ko alam na nadinig pa ng bangag kong tainga. Tinanguan lang sya ng kanyang ama.

Really?.. Ngiti ng puso kong baliw.

"Fine. O'right. Asan ba yung kapatid mo ha?.." muli syang umupo at nagbasa ng magazine. Iniwan kaming dalawa ng anak na nakatayo. Nakatingin sa kanya. Si tita nagpaalam dahil tinawag sya ni Kuya Mark, kanina pa sya pumanhik sa taas dahil hinatid yung pastry na hawak ko kanina. Si Bryan naman, nauna na sa garden. Hinila kanina ni Kian at Dave. Hinayaan akong mag-isa sa loob habang kausap ang hari ng pamilya Eugenio.

"Bababa rin yun mamaya. Pa, sa labas na muna kami.." paalam nito sa ama na tinanguan nya lang pero iba ang titig sakin. Hindi ko matukoy kung ano. "Tara pre.." mabuti at inakay na nya ako palabas ng bahay nila. Dahil kung hinde, baka matuluyan na akong maging estatwa sa harap ng kanyang ama.

Tatay nya palang yun ha. Nauutal na ako. Paano nalang kaya kung sya na?. Mangingisay na ako ng wala sa oras.

Bab berikutnya