webnovel

Chapter 18: Flowers

Kinaumagahan. Sakit ng ulo ang bumati agad sakin. Para itong nabibiyak. Kulang nalang ihampas ko ito sa pader. Savage mo Jaden!. Keaga.

"Hmm.." napabalikwas pa ako ng may biglang umungol saking likuran. Si Kian lang pala ng tignan ko kung sino. Tulog na tulog ito kahit pa tirik na ang araw sa paanan nya. Nilingon ko ang katabi nyang nakatalikod. Si Ryan na nakalagay pa ang kanang braso sa noo. Humihilik pa.

"Shit!." napamura ako bigla ng biglang umupo si Dave sa kaliwang banda. Tabi nya sina Billy at Bryan na tulog mantika pa rin.

Mga lasinggero!.. Ulul ka Jaden!. Isa ka rin naman diba?. Uhaw sa alak?. Tsk.

"Bakit boy?." paos ang boses ni Dave ng magtanong. Di na nawala ang mata ko sa kanya kanina pa.

Bumangon ako at hinimas ang ulo.

"Masakit rin ba ulo mo?.." anya. Mukhang nakuha rin ang gusto kong itanong.

"Oo. Asar nga e.." tamad kong sagot. Tumayo ako't pumasok ng banyo.

Pagkalabas ko, nakaupo na silang lahat. Pwera lang si Dave na bumalik ng higa. Si Kian, nakayuko sa baba ng kama. Si Billy, humihikab. Habang sina Bryan at Ryan naman ay, kinakamot ang ulo.

"Baba na tayo.." alok ko sa kanilang lahat. Mukha namang okay na sila. Mga sanay to sa inuman eh.

"Mauna ka na boy. Mamaya pa ako.." si Kian.

"Ako rin.. una ka na.." si Bryan to habang papasok ng banyo. Ganun rin ang opinyon ng tatlo pa. Tumango ako at dumaan sa medyo may kahabaang pasilyo nila. Hindi pa ako nakakaakyat ng ikalawang palapag simula noon. Bawal ani Lance. Kaya nirespeto na ng lahat yun. Ngayon lang kami pinayagan ni tita na matulog sa dalawang malalaking guestroom nila.

Sa bawat hakbang ko. May mga painting na nakasabit. Halos mga dalampasigan, puno at ibon ang disenyo. Hindi ko alam kung sinong gumawa. Pero napabilib ako ng isang tingin palang dito. Nilapitan ko ang isang nakasabit malapit sa halaman. Kung tititigan mo ito, parang hindi kathang isip lang. Dahil pulido at malinis ang pagkakagawa. Pakiramdam ko tuloy, nasa dalampasigan ako. Hinahampas ng alon ang aking mga paa.

Nang dumiretso pa ako. May nakita akong tatlo pang kwarto. Hiwalay sa linya ng guestroom. Magkakatabi ang mga ito. Mukhang sa magkakapatid. Sa dulo ng pasilyo. May glass door na nakaawang. Tinatangay ng hangin ang puting kurtina papasok ng bahay. Inaakit akong tumambay ng saglit doon.

Hindi pa ako nakakapag-isip ng tama. Pero nauna nang naglakad ang aking mga paa patungo sa terasa nila. Agad sumalubong saking mukha ang lamig ng hangin. Ang sarap lang. Nabawasan ang sakit ng ulo ko.

"Ang ganda naman dito.." bulong ko. Nang makita ang mga halaman sa baba. Iba't iba ang kulay ng bulaklak.

"Andito ka pala.." agad akong lumingon ng madinig ang boses ni tita.

Nakakahiya ka!.

Mariin akong pumikit sa hiya. Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Ah. opo tita. Pasesnya na po.."

"Hmm... it's okay. Hindi ba masakit ulo mo?.." Anya. Lumapit sa gawi ko. Noon ko lang napansin ang hawak nyang spray. May lamang itong tubig. Inumpisahan nyang diligan ang bonsai na may iba't ibang hugis.

"Medyo masakit lang po.." awkward kong sagot sa kanya. Ngumiti sya sakin.

"First time mo bang uminom?.."

"Hindi naman po tita. Umiinom po kami ni Papa sa bahay tuwing wala synag ginagawa." paliwanag ko. Yun lang din kasi ang bonding namin ni Papa. Madalas itong abala sa school.

"Ganun ba.. hmmm.."

"Opo tita.. Ang ganda naman po ng mga halaman nyo.." dahil wala na akong masabi sa kanya. Yun lang ang pumasok sa isip ko. Ang halaman na hugis puso. May maliit pang bulaklak sa gilid na kulay puti.

"Alaga lahat to ni Bamby. Matutuwa yun pag nakita nya sila. Ang gaganda na ng bulaklak nila.."

Umurong ng wala sa oras ang aking dila. Sabay na natuwa at natakot ng may malamang kaunti tungkol sa kanya.

"Mahilig po pala sya sa mga halaman?.." nanginginig ang pisngi ko sa pagngiti. Dude!. Sobra talaga ang kaba ko. Shet!..

Hinarap nya ako at ipinakita ang hawak na spray na ginamit. Nakangiti pa sya.

"Hilig nya ang mga halaman lalo na ang mga bulaklak.."

"Sa kanya rin po ba yung magagandang bulaklak sa baba?.."

Sinipat nya yun saka ako tinanguan. "Yung roses ang paborito nya dyan. Gusto nyang magtanim ng tulips noon pero wala na syang oras." malaki ang ngiti nyang tinitigan ako.

Hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko na maitago. Yung mga bulaklak. Kasing ganda na nya ngayon. Kaya mas lalo akong humanga ng patago.

"Tara na sa baba. Kausapin natin sya.." tinapik nya ako sa likod bago umalis.

Natigilan ako sa narinig. Kakausapin ko sya?. Ako?. Totoo?. Tita naman...

Bab berikutnya