webnovel

Chapter 99: Despedida

Tama nga ang sinabi ni Karen. Walang Jaden na umatend sa computer class. Mabuti na rin yun para makapagconcentrate ako sa aming guro at sa green board. Dahil kung sakaling andito nga sya, baka sakanya lang nakatuon ang paningin ko. Hindi na lilipat sa iba. Hindi na titingin kay Ma'am. At masama yun. Sigurado akong mapapagalitan ako kahit hindi naman na sana kailangang pumasok dahil aalis na kami sa linggo. Nasisiguro kong hindi na ako kukurap makita ko lang ang maganda nyang ngiti. Damn Bamby!. I must say. You are freaking crazy over him.

Yeah I know right!..

"Bamby, sinabi mo na ba sa mga kaklase mo?.." Ani kuya Lance nang nasa daan na kami pauwing bahay. Prente akong nakahilig sa sandalan ng upuan. Nakapikit habang nakatingala. Gusto ko lang magpahinga.

"Oo kuya. May mga nagsabing di raw makakapunta dahil masyadong malayo ang bahay nila mula satin. Wala silang masakyan. Yun iba, katulad ni Winly, pupunta raw.." sambit ko habang nakapikit pa rin. Napagod akong kakaisip kay Jaden. Hindi ko man sya nakita ngayon, hindi naman sya nawala sa isip ko ng kahit segundo man lang. Hindi. Lagi syang tumatakbo. Tinatanong kung, hindi ba sya napagod?. Hindi ba sya naarawan?.. Kumain ba sya ng tama o hindi ba sya pinawisan. Shet!.. Mukha na akong praning kakangisi sa mukha nyang nakangisi habang nagpupunas ng pawis. Damn! So hot!..

"Good. para masaya.. excited na ako. but why are you smirking ha?.." siring nito sakin gamit ang matang sa gilid lang tumingin dahil kailangang sa kalsada sya nakatingin.

"Excited ka ng pumunta ng Australia?..buti ka pa." tanong ko dito na sa daan lang ang mata. Binabalewala ang tanong nya kanina. Pasulyap sulyap lang sya sakin. Hindi naman sa ayaw kong mangibang bansa, sadyang. Oo, inaamin ko, may ayaw akong iwan dito sa Pinas. Iniisip ko palang na aalis at iiwan ang kabiyak ng aking puso, kahit di pa sigurado, Nalulungkot na ako.

"Of course. Dream destination ko yun lil sis.."

he said while biting his lower lip.

"Sabagay.." lamya kong sabi.

"Ikaw ba?. Parang yang mukha mo ayaw umalis?. Ayaw mo no?.." usisa nito sakin. Nilingon nya ako dahil huminto ito sa red light.

"As if I had a choice.." malungkot ang mukha kong tumingin din sa kanya. Nagtaas agad ang kilay nya.

"Kita mo na?. Bakit ha?.. don't tell me.. Si Jaden ang dahilan?.." nguso pa nya.

I didn't bother to answer. Para saan pa?. Alam nya naman ang isasagot ko kahit hindi ko na sabihin pa.

"Okay na kayo?.." iniba ko ang usapan para maiwala ang topic sakin. Pinaandar nyang muli ang sasakyan. Saka pinaharurot.

"We're fine.."

"Not totally sure?.." usisa ko. Di ko mapigilang magtanong dahil sa kanyang sagot.

"We're are good now Bamby. Trust me. We're even good.." kakapit nalang siguro ako sa sinabi nyang iyon. Tutal, ano pang magagawa ko kung may gap na silang dalawa.

Magtatanong pa sana ako ngunit mas pinili ko ng itikom nalang ang aking bibig para wala nang mabuo pang tanong saking isip.

Nang nasa bahay na kami. Abala na sina Mama. Andun na rin si kuya Mark. Kasama sina Ate Cath, Niko at tita. Di ko alam kung sumama sa kanila si tito. At mas lalong di ko alam kung pupunta ba sya rito. Naeexcite ako. Na nanlalamig. Na ewan. Basta. Hindi ko alam. Nakakapraning masyado.

"Buti nalang andito na kayong dalawa. Nagpaalam kayong maayos sa school nyo?.." sabay halik samin ni Mama sa kusina. Abala sila sa pagluluto. Humalik din ako kay Ate Cath na nag-aayos ng kurtina sa sala. May kasama pa syang ibang babae pero di ko na matandaan pangalan. Si Niko, abala sa paggupit ng kung ano sa sahig. Kinalabit ko sya at kinausap. "Can I have a kiss?.." dungaw ko sa pagka-abala nito sa ginagawa. Ang cute nya lang kasi. Ang taba tapos nakaskwat. Imagine. Parang alam nyo na. Buddha.

"Ayoko po. .Amoy pawis po ako eh. Kay kuya Jaden ka nalang po humalik..." inosente nyang sabi pero natamaan ako ng husto dun. Hell shit!.. Kung alam mo lang Niko?!.. Kung alam mo lang talaga na gustong gusto kong humalik sa kuya mo.. Tsk. Baka, pagtawanan mo lang ako.

"Hahahahaha!.. ano nga ulit yung sinabi mo Niko?.." Hindi pa rin ako nakakarecover kay Niko. Heto na si Kuya Lance. Pinagtatawanan na ako. Damnit!..

"Ang sabi ko po. Si kuya Jaden nalang po ang halikan ni ate Bamby. Amoy pawis na po kasi ako.." bwiset!. Inulit nya pa!. Niko naman eh.. Nangangamatis na naman mukha ko neto. Aasa na naman ang puso kong bigo. Suskupo!..

Mukha pa ring inosente si Niko. Walang kaalam alam sa nangyayari sa kanyang paligid. Naiintindihan ko. Bata pa sya. Walang alam sa mga ganitong bagay sa mundo. Pero etong si Kuya Lance. Panay na ang nguso at tawa nya sa harap ko. Ayoko na nga dito. Aalis na lang ako.

"Hahaha.. eh paano kung ayaw rin ng kuya Jaden mong magpahalik kay ate Bamby mo?.." mukhang timang na nakapangalumbaba pa itong nakangiti sa walang kamalay malay na bata. Hinampas ko ang kanyang braso dahilan para maiwan sa ere ang kanyang ngisi. Abnormal din kasi eh.

"Bakit ba?.." ngisi pa ng loko. Gago!!..

"Kung anu-anong tinatanong mo sa bata eh.." suway ko sa kanya. Naiinis. Nababadtrip.

"Hahahahaha.. bakit ba?. ayaw mo lang marinig isasagot ni Niko eh.."

"Ano po yun kuya?.." binitawan tuloy ng bata ang ginagawa nya saka tumingin ng may kyuryosidad sa mukha.

"Sa tingin mo ba, magpapahalik si kuya mo kay ate Bamby mo?. Aray!.. ahahahaha...." pinagsawalang bahala lang nya ang hampas ko. Bwiset!..

"Oo naman po. Si Ate Bamby po yan eh.." inosente pa ring sagot ng bata. The hell kuya!.. Di ko magawang murahin ang mukha nyang tinutukso ako sa taong ayaw nya naman para sakin. Ang gulo nya rin minsan. Napakahirap mag-isip.

"Bakit ano bang meron kay ate Bamby mo para pumayag ang kuya mong halikan sya?.."

"The hell kuya!!..." di ko na napigilang ilabas ito saking bibig. I hate him!. Really do!..

"Lance, pinapakaba mo naman si Bamby eh." singit ni ate Cath sabay pa ng halakhak.

My goodness!..

NAKAKAHIYA!..

ATE NYA YUN BAMBY!. UMALIS KA NA NGA DYAN!..

Nagmartsa na ako paakyat nang marinig ang dulo ng usapan nila.

"Kaya nga eh.. Ang pula na ng pisngi nya Lance. Baka di na yan lumabas mamaya.. sige ka.." sumbat naman ng isa sa mga kasama ni Ate Cath na babae. Kulot ang buhok na matangkad.

Humilig ako sa dingding ng hagdan. Last na to.

"Hahaha.. nasisiguro kong bababa yun dahil andito mamaya yung kapatid mo.. haha.." umikot ang aking mata sa kay kuya Lance. Bully talaga...

At natahimik na rin ang sistema ko sa kumpirmasyon ni kuya. Atleast pupunta sya para makisaya samin sa huling pagkakataon dito sa Pinas.

Bab berikutnya