webnovel

Chapter 86: Kasi

Tumama agad sakin ang matang matalim ni kuya Lance. Nakakatakot. Nakakatindig balahibo ang kanyang tingin na ipinukol nito maging kay Jaden. Kahit maingay at malakas na nagtatawanan at nag-aasaran ang nga kabarkada nila sa labas ay parang wala pa rin itong pakialam. Dumiretso ako sa kanya para humalik pero umiwas lamang ito sakin.

"Bakit ang tagal mo?.." salubong ang kanyang kilay. Kunot na kunot ang noo. Maging ang kanyang labi ay pulang pula dahil sa pagkagat nya dito

Tumayo ako sa harapan nya. "Kinausap ko pa si Joyce.."

"Ng ilang oras?." tumaas pa ang kilay nya sa naging tanong nya mismo.

Hindi ako nagsalita Siguradong mag-aaway kami kung tataas boses ko. Pumikit ako. Pilit binabalikan ang mga oras kanina. Yung masaya kasama si Jaden upang maibsan ang init na pilit kumakawala sa akin.

"Kung ganun, paano mo ipaliliwanag sakin ngayon ito?.." ang tinutukoy ay si Jaden na tahimik na nakatayo sa aking likod. Binibigyan ng nakakamatay na tingin.

No!. Don't stare at him like that. Ako ang may kasalanan dito hindi sya. Gusto kong sabihin ito sa kanya. Kaso,, baka lalo lang syang magalit kay Jaden. Knowing him. Hindi yan basta basta makikinig sa mga paliwanag ko.

Pinigilan kong huwag mainis upang di pa sya lalong magalit. Dahil kung galit rin akong magpapaliwanag. Baka sumabog lang kami. Nakakahiya sa mga bisita.

"Si Joyce. Nagpaalam na uuwi raw muna sya sakanila dahil may sakit si tita..." kalmado kong banggit.

Tahimik lang sya.

"Hindi yan ang gusto kong marinig." I knew it!. Gusto nya ng matinding paliwanag ko.

Yeah right!.

Malapit nang maputol ang pisi ng pasesnya sa akin.

"Namasyal kami nina ate sa mall. Nakita namin sya sa game zone. Mag-isa. Kaya sinamahan ko na." biglang nagsalita si Jaden. Lalong naningkit ang mata nyang tumingin sa kanya.

Damn it!.

Kuya Mark!. Asan ka?. Ma!.. tawag ko sa kanila sa aking isip.

"Kailangan ba hanggang dito sa bahay Jaden?.."

"Kuya---!.." pigil ko dito.

"Hinatid ko lang naman sya pare. Aalis na rin ako.." Hell shit!.. Anong ginagawa mo kuya?..

Suminghap si Jaden. Nagtitimpi. Alam ko ang pakiramdam ng nagpipigil. Tinignan ko sya upang huwag gawin ang naiisip. Ampusa!. Bakla ka talaga kuya Lance!..

"Lance, tama na yan.. Jaden, pumunta ka na muna sa labas para kumain.." galing si Kuya Mark ng kusina ng suwayin nya ang mga ito. Hindi agad gumalaw si Jaden. Nakipagtitigan muna ito sakin ng ilang segundo. "Sa labas lang ako.." paalam nya bago kami tinalikuran.

Mabuti nalang lumabas si kuya. Kundi nagsuntukan na yung dalawa. Rinig kasi ang usapan dahil ilang dipa lang ang pagitan ng kusina at ng sala. Tapos umaalingawngaw pa ang boses kapag nagsalita ka dahil sa ceiling.

"Lance.." sa baba sya nakatingin kahit tinawag na ni kuya.

"Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yang inis mo?. Nakakahiya sa mga bisita.."

"Sa kapatid mo yan sabihin kuya. Hindi sakin.."

"Bakit?. Wala naman silang ginagawa ah. Hinatid pa nga sya dito para lang makasiguradong safe sya. Anong kinakagalit mo dyan?.." pinamaywangan sya ni kuya sa kanyang harapan. Prente itong nakaupo sa sofa. Tapos yung mga bisita ang abala sa pagluluto. How lucky he is!. Senyorito talaga!.

Sinimangutan nya lang kami. "Lance. Give it up. Darating ang araw na magkakaroon ng sariling mundo ang kapatid natin.." buti pa si kuya Mark. Open minded.

"Pero hindi pa ngayon kuya. Masyado pa syang bata. Sila. They're too young and naive.." sinalubong nito ang mata ni kuya.

"I know that. Don't you have any trust on her?... I think she knows what she's doing. Wag mo syang pangunahan.." sakin nakatingin si Kuya Mark. I know. I know my limits and what I've promised. Diploma first before lovelife.

"There you go again kuya. Kaya ayaw makinig sakin yan e. Lagi mong pinagtatanggol.."

"Lance. Can you please... for this day. Calm your mind. you making me uncomfortable here. Baka mapaalis ko bigla mga kaibigan mo kung ipapapatuloy mo yang kainitan ng ulo mo.."

Natahimik ang paligid. Buti hindi sya nag-walk out. Ayaw kasi nitong pinangangaralan. Tigas ng ulo.

"Tumawag sakin si Cath kanina. Lance. Sinamahan daw ni Jaden kapatid mo dahil nakipagkita raw si Joyce sa mga pinsan nya. Nagkataong nagkita sila sa game zone. Kaya sinamahan nya na rin dito sa bahay." paliwanag pa rin ni kuya sa kanya sa kabila ng mga buntong hininga nya.

"Fine. fine. Basta wag mo akong guluhin kapag nagkataong umiyak yang kapatid mo. I'm done here.." nagmartsa na ito palabas. Nagkamot ng ulo si kuya sa frustration.

"At ikaw naman.." hinarap nya akom. "Hindi porket kinampihan kita sakanya ay gusto ko na yang pagsuway mo sa isang oras na palugit ni Mama sa'yo. Rule is rule Bamby. Got that?. Palalampasin kita ngayon. Pero ayoko ng maulit iyon. Naiintindihan mo?.."

Tinanguan ko sya kahit ayaw ko. Alam ko. Nilabag ko si Mama. Sa kagustuhang gumala. Loko kasi Bamby!.. Hindi nag-iisip.

"At hindi ako magsasawang paalalahanan ka. Bawal ka pang magboyfriend ha. Hanggang kilig na muna hanggat wala pang diploma. Got me?.." malungkot ko syang nginitian at tinanguan.

"Good. Now, go upstairs and take a shower. Para makakain na tayo..."

"Thanks kuya. Sorry too. Btw. Happy birthday again..Love you.." sabay abot ko ng paperbag sa kanya at halik sa kanyang psingi.

Dumiretso akong kwarto at nagpahinga ng ilang minuto bago maligo.

What a roller coaster day!..

Bab berikutnya