webnovel

Chapter 82: I'm off

Walang umimik saming dalawa habang naglalakad. Tuwing gusto kong magsalita. Umuurong dila ko. Tuloy sobrang awkward.

Nang nasa hagdan na kami para bumaba. Nakipagsiksikan ako. Marami kasing tao. Di ko alam kung bakit dagsaan ngayon.

"Wait.." may humila saking siko paatras dun sa kumpulan ng mga tao.

"Mamaya na tayo bumaba.." Anya. Hila pa rin ako. Dumaan kaming muli sa dinaanan namin kanina.

"Saan tayo pupunta Jaden?. Kailangan ko ng umuwi.." natataranta kong sambit.

Huminto sya sa paghila sakin saka ako dinala sa isang gilid. Tabi ng malaking poste ng mall. Duon, humarap sakin at namaywang.

"Mamaya na tayo umuwi. Mainit pa sa labas." Anya.

"Pero, mapapagalitan ako. Ilang minuto nalang. Kailangang nasa bahay na dapat ako.." giit ko sa kanya. Kahit ayokong magreklamo sa harap nya. Kailangan. Dahil kung sakaling late na ako umuwi sa isang oras. Patay. Kulong na naman ako.

"Relax. Okay. Akong bahala sa'yo.." hinawakan nito ang magkabila kong balikat. Ikinagulat ko ito ng matinde. Napasinghap pa ako ng pisilin nya pa ito para magrelax ako ng tuluyan.

"Relax Bamby. Kasama mo naman ako.."

"Pero Jaden---.."

"Relax nasa Antipolo pa naman tayo. Hindi ito malayo sa inyo."

Huminga ako ng malalim at pumikit. "Yan. Huminga ka muna ng malalim para di ka natataranta. Pinag-alala mo ako kanina dun sa escalator. Nakipagsiksikan ka kahit maraming tao."

Mas lalo akong pumikit ng mariin. Nahihiya na nakikiliti sa sinabi nya. Damn. Naman kasi Bamby. Kasama mo sya tapos iiwan mo. My Ghad!..

Ilang hugot at pakawala ng hangin ang ginawa ko bago tuluyang dumilat.

"You okay?.." tanong nya. Nasa balikat ko pa rin ang kamay nya. Yumuko pa ng bahagya upang hanapin ang aking mata na hindi kayang tumingin sa kanya.

Kagat labi kong tinanguan sya. "There. Better..wag kang masyadong mag-alala. Di yun magagalit kasi may kasama ka naman.." patuloy nya Tinanggal na nya ang kamay sa balikat ko.

"Sana nga.." Damn. Bat sobrang hiya ko sa taong to?.

"Oo yan. Tara na.." puro tango lang ang tangi kong sagot sa kanya.

Magkahawak ang dalawa kong kamay habang naglalakad.

"Ako magpapaliwanag kay tita pag uwi mo.." kasabay nito ay ang pag-akbay nya sakin. Take note. Nakaakbay sya habang naglalakad. Am I dreaming?.. O well. You are not Bamby. You are freaking awake.

Di ko mapigilang kagatin ang ibabang labi sa kamay nyang nakasampay saking balikat. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na inakbayan nya ako. Di naman ito first time. Pero, kasi feeling ko, nakalutang ako dahil sa kamay nya.

Nang nasa tapat na kami ng escalator. Mas lalong nya akong hinigit palapit pa lalo sa kanya. Marami pa ring tao.

"You okay?.." dinungaw ako sa mukha. Tulakan sa escalator. Damn. Sana di ako mahulog. Dahil nahulog na ako sa kanya. Suskupo!..

"I'm fine.." sagot ko lang nung nasa ikalawang palapag na kami. Di pa rin nya inaalis ang kanyang akbay. Shemms!.. Sana di nya maramdaman yung tibok ng puso ko. Maingay. Malakas.

"Mukhang hinde. May problema ka ba?. May masakit ba sa'yo?.. Namumula ka kasi e.." dinikit pa ang likod ng palad sa noo ko. Haist..

"Me--ron.." nautal pa ako.

Sya naman ngayon ang nataranta. "Huh?. Saan?. Bakit?.." Yung makitang nag-aalala sya para sakin. Masaya na ako roon. Sobrang saya.

"Dito..." nanginginig ang kamay kong itinuro ang aking puso.

Damn Bamby!!.

Natulala sya ng ilang segundo bago hinawakan ang kamay kong malamig na. "Bakit?. Wala ka namang sakit sa puso ah. Bakit masakit?.."

Hindi ko sya sinagot. Imbes, hinawi ko ang kamay ko sa kamay nya tsaka sya tinuro. Laglag ang kanyang panga.

Nagsalubong ang makapal nitong kilay. Bago pa sya magtanong. Inunahan ko na. "Gusto kita Jaden..." hirap na hirap kong sambit. Natameme ito sakin.

Damn!. Sa wakas nasabi ko na rin. Bahala na kung anong isasagot nya. Basta ako. Okay na sa akin na nasabi ko ito sa kanya.

Masarap umamin ng nararamdaman para sa isang tao. Pero masakit rin malaman ang mararamdaman nya para sa'yo. Ganunpaman, Kung ano man iyong isasagot nya. Kailangan mong tanggapin. Dapat mong tanggapin. Kahit masakit.

Pumikit ako sa kahihiyan. Hindi sya nagsalita. Hinintay ko, ngunit wala.

"Hahaha... Ang cute mo talaga. Tara na nga.." Yun lang ang sinabi nya sabay pingot pa sa ilong ko bago muli akong inakbayan paalis sa lugar na yun.

Oh okay Bamby.. You're done.

Bab berikutnya