webnovel

Chapter 46: Panaginip

"Gusto kita Jaden. Gustong gusto kita.." bumuhos ang luhang kanina pa pinanlalabo ang paningin ko.

"Sorry Bamby..May iba na akong gusto.." hindi na malinaw ang nakikita kong mukha nya.

"Please Jaden. Ako nalang.." sumamo ko dito. Hinahabol sya palayo sa akin.

"Jaden!.." sigaw ko habang humahagulgol. Huminto sya sa paglalakad saka pumihit paharap sakin. Nakatayo lang sya. Pinapanood akong umiyak. Nagmamakaawang mahalin rin ako. This is so crazy!. TF!.

"Stop loving me cause I don't like you. Stop following me because I don't want you to.." iyon na ata ang pinakaamasakit na salitang narinig ko buong buhay ko dito sa mundo. Gosh!.. Ang sakit!. I can't take it anymore.. Air please. I really do need to breathe. My wild heart is dying. It breaks into pieces. Hagulgol pa rin ako.

"Bamby, wake up!.." yugyog ng kung sino ang balikat ko. Until until kong iminulat ang mata kong may luha. Basa talaga sya. Panaginip?. Panaginip lang iyon?. Ang bad naman. Di ko kinaya.

"You are just dreaming.." Ani kuya Lance.. Sya ang gumising sakin. Nakapamaywang. Salubong ang kilay. Tapos na itong naligo. Suot na nya ang puting sando at asul na pantalon. Tsaka putting medyas.

Hinawakan ko ang gilid ng aking mata. Totoo nga. May luha. Totoong umiyak ako. Damn!. Ano yun?. Lucid dream.

"Anong nasa panaginip mo?. Kung di pa kita pinasok dito baka umiiyak ka pa rin.." Anya. Inaayos ang buhok sa harapan ng salamin.

"Di ko na maalala. Basta ang alam ko. Nakakatakot sya.." Yung huling sinabi lang ni Jaden ang tanging naaalala ko. Wala ng iba. Yung masakit na part pa. Bat di nalang Kaya yung masaya at nakakakilig?. Badtrip na panaginip. Tinatakot pa ako.

May mga panaginip talaga na kapag gising ka na di mo na maalala. Ganyan ako madalas. Ngayon lang, may naiwang alaala. Tungkol pa sa kanya.

"Mukhang masama nga dahil umiiyak ka."

Di ako sumagot. Tumitig lang sa kawalan.

"Don't try to remember. Hindi mo na yun maaalala pa. Bumangon ka na dyan. Maligo para makapag-almusal na. Nagpapalit na si Ace. Nakakahiyang malate tayo.." bilin nito bago lumabas at sinarado ang pintuan.

Dun lang rin ako gumalaw. Nag-unat. Tumalon. Diretsong banyo para maligo.

Pagkatapos magbihis. Bumaba ako. Nadatnan silang nag-aayos ng hapag.

"Good morning Bamby.." nakangiting bati ni Ace. Bumalik na sa maaliwalas ang kanyang mukha. Hindi na tulad kagabi na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Good morning.." masayang bati ko sa kanilang lahat. Humalik sakin si Mama habang hawak sa kamay ang mga pinggan. "You okay?.." bati ni Kuya Mark sakin.

"Yeah..I'm pretty okay.. why po?.."

"Nakwento sakin ng kuya mo na umiiyak ka raw kanina. Bakit?.."

"Ah that. Wala yun. Masamang panaginip.."

"Wag kasing kumain ng marami kapag gabi."

"Ilang kutsara na nga lang kinain ko kagabi e.."

"Bawasan mo pa.."

"Wag mo nalang kaya akong pakainin?." sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa ito. Lumapit saka humalik sa tuktok ng ulo ko. Oh!. Sweet side of him.

"Kain na. Wag nyo nang guluhun yang kapatid nyo.. Baka mabadtrip pa yan. Keaga aga.." pinaupo na ako ni Mama sa tabi ng upuan ni Kuya Mark. Kanang bahagi ng mesa..

Pagkarating ng school. Sinalubong agad ako ni Winly.

"Gurl, totoo ba yung balita?.." Yung magandang araw ko, napalitan agad ng kunot na noo. Ang aga. Juicekupo!. Ano na naman ito?.

"Two timer ka daw?.." damn!. Sinong nagsabi nun?. Sasabunutan ko?. Matalim ko lang syang tinignan. Di na isinatinig ang nasa isip.

"Di ko alam kung kanino galing pero kasi kalat na sa buong school ng ganitong kaaga gurl. Di ko kinaya kaya sinalubong na kita.."

"Hell shit!. Sinong taong gala ang nagbalita nyan?.." kunot na kunot ang noo ko. Mabuti nalang at ibang daan pa ang tinahak nila kuya at Ace dahil kung hindi, nakakahiya. Trending ang pangalan ko kahit wala lang naman. Bwiset!.....

"Ampusa!. Di ko alam gurl..." kinawit nito ang kanyang braso sa braso ko. "Tsk. Hayaan mo na nga lang. Mga inggitera lang sila." naglakad na kami papasok ng room. Dinadaanan ang mga matang nakamasid.

Bakit kaya ang bilis kumalat ng mga walang katuturang balita ngayon?. Tapos yung may sense, yun pa ang binabalewala. What a useless common sense!.. Tsk. Tsk..

Bab berikutnya