webnovel

Chapter 43: Note

What the hell!. Tumingala sya sa may hagdan. Eksakto sakin. Damn!. Kinabahan ako bigla. Naasiwa sa aking itsura.

"Uy Jaden, andyan ka na pala?.." ani Ace. Pababa na rin ng hagdan. Kasunod ko sya. Tapos si Kuya Lance sa likod ko.

"Oo kanina pa bro."

"Pero gabi na. Di na tayo makapaglaro.." kinuha nya ang bola sa kamay ni Jaden saka umupo sa tabi nito.

"Ayos lang. Dumaan lang ako para kunin sana yung note ko kay Bamby.." nangunot ang noo ni Ace na tumingin sakin. Nagtatanong. Nagtataka kung bakit.

"Anong note yun?.." si kuya Lance ang nagsalita. Habang umuupo.

"Hijo, magmeryenda ka muna.." may nilapag si Mama na isang maliit na galon ng ice icream tsaka kutsara at baso sa mesang nasa gitna namin. Prenteng nakaupo si Kuya Lance sa kaliwang bahagi ni Jaden. Dun naman, nakatayo ako. Nakatingin sa kanya. Suot ang ngiting hindi kumukupas. Walang kurapang gingawa makita lang ang bawat galaw nya. Ampusa!. Gagi Bamby!.. Mag-iwas ka nga ng tingin. Mahalata ka ni Ace e. Mahot seat ka na naman.

"Bamby!. Anong note yun?.." kinalabit ako ni kuya. Duon lang nawala ang mata kong natuon sa kanya ng ilang minuto. Ssshhhh!t!..

Napalunok ako dahil sa kaba. Kaba na baka nahuli nya ako o ninuman sa kanilang dalawa.

Tumataas ang kilay sakin ni kuya. Tapos ang kanyang mata lang gumagalaw. Tinuturo ang gawi nya. Hell shit!. What is he doing!?.

"Ah.. oo pala. Wait. Nasa taas. Kunin ko lang..." kinontrol ko pa ang sarili kong wag mautal. Pero Ampusa!. Hindi nakisama ang malandi kong dila. Nagbuhulan pa kaya di maayos ang salita.

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa itaas. Huminto sa huling hagdanan para huminga. Kabado sa bawat hakbang na ginawa ko kanina. Alam ko kasing nakatingin sya. Naiilang ako. Mabuti pa at di ako nadapa. Dahil kung nangyari yun. That's a big off for me to him. Big embarassment.

Mabuti nalang talaga.

"Breathe in. Breathe out.." paalala ko pa. Saka humugot ng malalalim na hininga. Maibalik lang sa normal ang aking paghinga.

"Ehem!.." isang tikhim ang nagpatalon saking diwa. Si kuya Mark.

"Kuya!?.." gulat kong bulyaw sa kanya hawak ang dibdib. Nakapamulsa sya. Suot ang pajamang kulay asul at plain white tee.

"Anong ginagawa mo dyan?.." normal nitong tanong. Yung kapal ng kanyang kilay. Mapulang labi. Matangos na ilong. Mas dumepina pa dahil sa ilaw na tumatama sa kanya galing sa ibaba. Sa side wall. Ibabang bahagi. Mismong sa mga tiles. Pinasadya iyon ni Papa para daw mas malinaw ang bawat sulok. Epektibo naman.

Naglakad ako patungong silid ko ng di sinasagot ang kanyang tanong. Kaya siguro ito sumunod sakin.

"Nasa baba ang bisita mo. Bakit andito ka?.." nakasandal sya sa hamba ng pintuan. Nakahalukipkip pa.

"Hinahanap ko yung notebook nya. Ibabalik ko na sana.." wala sa kanya ang paningin ko. Nasa mga hilera ng notebook na inilabas ko na dahil hindi ko mahagilap ang kanya.

"Anong ginawa mo sa notebook nya?.." para itong reporter kung makatanong. Ang dami.

Kamot na ang ulo. Wala kasi sa mga nilabas ko ang note nya. Asan kaya yun?. Sa tanda ko, nilagay ko pa yun sa bag ko bago lumabas ng room. Bakit nawawala ngayon?.

"Bamby?.."

"Hindi ko mahanap ang note nya kuya. Ang alam ko, nasa bag ko yun e. Pero wala naman dito.." nakatalikod ako sa gawi nya. Kunot na ang noo. Salubong na rin ang kilay. Hindi ko na alam kung saan napunta yun?. Ampusa!. Nawala ko pa ata. Damn!. Nakakahiya..

"Baka andyan lang yan. Namiss place mo.." lumapit sya't umupo sa harapan ko. Isa isang tinitignan ang cover ng notebook.

Yung ngiti kong walang kupas kanina. Mabilis naman itong naglaho na parang bula. Isang ihip lang, burado na. Ganun kabilis mawala ang saya. Kaya hangga't masaya ka, sulitin mo na. Dahil, isang kurap lang, maaari nang magbago ang lahat.

Bab berikutnya