webnovel

Chapter 20: Libre

Ang dami pang dinadal ng taong dala ang braso ko habang naglalakad patungong clinic. Keso, mas maganda daw ako. Keso, marami daw may gustong maging kaibigan ko. Ang dami nyang keso. Walang preno ang kanyang bibig.

"Inumin mo yan pagkatapos kumain.." paalala ng nurse na nagbigay ng gamot.

"Yes po. Thank you.." nagpaalam muna kami bago umabas ng clinic.

Sa hallway. Nakasalubong namin ang grupo ni Denise na mga seryoso ang mukha. Nang magtama ang aming paningin. Isang irap ang pinakawalan nya bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Ang plastik!.

"Ang arte.." bulong ni Winly. Di ko sya sinagot. Imbes naglakad ako diretso sa kanilang gawi. Lalampasan ko na sana sila ng may magsalita sa kanila.

"Bakit sya pa ang isinali. Hindi naman maganda.." anang isang medyo maitim na babae. Mikee ata ang pangalan.

Hinila ko na si bakla pero may pinahabol pa silang sinabi. "Kahit kailan, di ka magugustuhan ni Jaden.." Si Denise ang sumigaw nun.

Mabilis kumalat ang init saking katawan. Init na dulot ng galit at inis. Masakit ang kanyang sinabi. Totoo. Oo alam ko na yun. Bakit kailangan pa nyang isigaw?. Hindi naman ako pako na kailangang pukpukin ng paulit ulit para bumaon. Hindi ako tanga. Kaya nga hindi na ako umaasa na magugustuhan nya pa ako. Kahit mahirap, susubukan kong wag na syang pagtuunan ng pansin.

"Mga bitch!. Ang aarte. Sila naman ang di maganda.." Nanggigigil pang sambit ni Winly.

"Tara sa canteen. Kumain ka na muna bago uminom ng gamot.."

"Mamaya na..."

"Anong mamaya?. baka lalong sumakit yan pag di mo pa ininom yang gamot na binigay sayo. Kaya tara na.." hilig nyang manghila. Nagpatianod na lamang ako sa kanya. Wala e. Lutang ako.

Umorder sya ng chopsuey, lumpia, at sandwich saka nilapag saking harapan. Kaya di ko rin kayang magalit minsan kay Winly dahil sobrang bait nito sakin. Nanlilibre kahit di ko sinasabi. Lucky to have him when I'm in times of trouble.

"Kain na.."

"Sigurado kang libre to??." Tumango lamang sya. Binuklat ang pamaypay saka sumandal sa upuan.

"Libre yan. Pambawi sa pagsali ko dun sa intrams.. hehe. peace gurl.."

"Naguilty ka rin?.." natatawa kong tanong.

"Oo e dahil sa witch na yun."

"Haha.. witch talaga?.."

Pinandilatan ako ng mata.

"What?.." habang ngumunguya ako.

"Witch sya dahil ikaw ang prinsesa. Bida ka at sya ang kontrabida.. kaya pano sya naging maganda?.." mas lalo akong natawa sa mga birada nya

"Whatever gurl. But thanks dito.."

Winsiwas nya lang ang kanyang kanang kamay. Sinasabing 'whatever gurl'..

Pabalik na kami ng room.

"Okay ka na?.." nilagok ko muna ang tubig na nasa aking lalamunan bago sya sinagot.

"Okay na ako. Salamat.." dumiretso na kami ng room. Napagalitan pa kami dahil late na raw kaming pumasok. Masungit pa yung teacher. Mabuti nalang di kami pinarecite ng recitation. Di ako ready e. Nabura lahat ng inaral ko kagabi dahil sa mga nangyayari. Una, si Joyce. Di pa rin ako kinakausap. Pangalawa, yung intramurals. Pangatlo, yung tatlong kasama ko sa patimpalak na yun. Lalo na at nalaman kong di ko makakasundo si Denise. Mabuti na ring nalaamn ko agad na ganun pala ang ugali nun para alam ko kung pano ko sya dapat tratuhin.

Bab berikutnya