"Si Beloy ba kamo? siya ba ang hinahanap mo? hindi ikaw ba ang nag iisang Anak ni Jovan na apo ni Beloy iho? ", ang tanong ng Tatang.
"Opo ako nga ang nag iisang anak ni Jovan na Apo ni Beloy sa katunayan nga po ay hinahanap ko siya e" , sagot ko.
"ahhhh. matagal ka na niyang hinahantay na bumalik dito sa baryo natin, matagal na niyang inaantay ang iyong pagbabalik para hanapin siya", wika ni Tatang
halika Iho dadalhin na kita sa kanya ng makita ka na muli ng dakila mong Lolo.
"dakila? bakit ano ba siya at sino ba siya?" iyan ang mga tanong na nananatili saaking kaisipan habang naglalakad kami papunta sa madilim na lugar.
tatang nakakatakot naman ho dito, "talaga bang dito nakatira ang Lolo Beloy ko?" ang tanong ko.
"Oo iho dito nakatira ang dakila mong loli, sagot niya.
habang kami ay naglalakad mula sa maliwanag na umaga kada hakbang ko papalapit sa bahay na luma ay padilim ng padilim ang panahon na tila ba kami ay pumapasok sa iba at bagong Dimension.
at ng kami ay nakarating na sa lumang bahay ng aking Lolo.
Sino yan! angisang tinig ng malaking boses na nag panginig ng aking mga tuhod at sa aking pagkurap ng mata ay may mga nangyare na di ko man lang napansin,
sapagkat kamulat ko ng aking Mata ay may matanda na sa aking Harapan na may mahabang buhok at balbas na puti at ito ay may hawak na tungkod.
Huhhhh! ang nakakagulat kong Expresyon ako ay di maka galaw sa aking kina tatayuan at ang aking katawan ay di ko makilos sa sobrang takot at diko na napigilan na maihi sa aking salawal.
"hay naku, dakilang Beloy wag mo naman takutin ang apo mo", natatawang sinabi ni Tatang
"Apo ba kamo? " ang tanong ni Lolo Beloy
"ibig sabihin ikaw ang nag iisang anak ni Joven? dinagdag pa niya.
Nang ako ay biglang hawakan niya sa balikat ay tuluyan na akong nahimatay at di na alam ang nagyari sa dala ng takot.
"Ben! , Ben! , gising! isang tinig na pamilyar ang aking naririnig."
"aba! bosses ng aking Tatay Jovan yun ah. "
"Jovan iho ako nga ito halika bumangon ka na diyan at may pupuntahan tayo" ang sabi saakin ni Tatay Jovan
"Naaalala mo pa ba lahat ng kinukwento ko sa iyo noong bata ka pa? Naaalala mo ba ang mga ginagawa ko noong bata ka pa? " ang tanong ni Tatay Van saakin.
"Opo Tay, kayo po ay isang dakilang Manggagamot sa ating bayan at isang kilalang albularyo." ang sagot ko.
"aba! napaka talino mo talagang bata. anak malapit na ang Oras pumunta lang naman ako dito para may ibigay sa iyong napaka halagang Bagay na di ko naiabot sa iyo nung nabubuhay pa ako. " wika ni Tatay Van.
"sabay bigla niyang inabot ang isang piraso ng Bronze na tila bahagi ng isang Agimat at sinabing lunokin mo yan Ben! sa huling pagkakataon ay sundin at pakinggan mo ako bilang iyong Ama." dagdag ni tatay Van.
Walang pag dadalawang isip ito ay aking nilulon, at ito ay bumara sa aking lalamunan na halos di na ako makahinga pakiramdam konay Mamamatay na ako,
habang ako ay napadapa at nahihirapan. [Bang! Bang! Bang! ] isang pamilyar na tunog nanaman ang aking narinig, isang masamang senaryo ang bumabalik nanaman saakin.
Ang aking ama ay binaril ng isang grupo ng mga lalaki na may Tattoo sa leeg na Simbolo ng Orasan at lahat sila ay sumisigaw ng "Kwit na Tayo!, Kwits na Tayo!" at sinabing ikaw na ang isusunod namin!
"Tataaaaay Vaaaan! huh huh huh!" ughhhhhh! Binabangungot na pala ako."
Pawis na Pawis at naghihingalo akong nagising na para bang ako ay sinakal habang ako ay natutulog at hirap na hirap habulin ang hininga.
Ano kaya ang mga susunod na Magaganap? at bakit ang mga taong pumtay sa Nanay ni Ben ay nag pakita sa kanyang tatay maging sa panaginip?
ano ang dahilan ng pag papalunok ng piraso ng tanso sakanya?
at ano ang maitutulong ng Lolo niyang nakakatakot sakanya?
Akin pong ipagpapasalamat kung Iboboto niyo po ang ating Kwento.
pwede po kayo magbiwan ng Komento or Suggestion para sa ikagaganda ng Storya. :)
Salamat po sa Suporta.
Godbless