webnovel

Chosen's test!

Sa araw na ito, maliwanag na nagniningning ang pag lubog ng araw.

Humuhuni ang mga ibon sa himpapawid habang ang panahon ay maganda at mapayapa na para bang ikaw ay nasa paraiso.

Ngunit sa isang lugar sa loob ng kagubatan, may isang ingay na maririnig na sumisira sa magandang panahon na ito.

"Hindi mo ba kayang lumaban ng mabuti, ang hina mo naman ano ba yan!" pagalit na sinabi ni Ye Song kay Ahoka.

Nang makita ni Ye Song si Ahoka na level 1 ay napilitan siyang isama ito upang mag hunt ng monster para iboost ang kanyang level.

"Hindi dapat ganito master. dapat magkasama tayong lumalaban!" nangingiyak na protesta ni Ahoka habang nilalabanan ang mga gutom na lobo.

"Kapag hindi ka lumaban papakain na lang kita. kung alam ko lang na ganyan ka hindi na sana ako nag summon"

Kahit nalulumbay si Ahoka, wala siyang magagawa tungkol dito.

Napunta siya sa malupit na master.

Ginawa ni Ahoka ang lahat ng kanyang makakaya upang labanan ang mga halimaw. kahit na mga mahihina lamang ang mga ito, dahil sa matabang katawan niya ay mabilis na nauubos ang kanyang stamina.

Nang matalo niya ang lahat ng kalaban niya, tumingin siya kay Ye Song na para bang nag iintay siyang makarinig ng papuri galing sa kanya.

"Dalawang oras na at level 5 ka pa lang. mas mabilis pa ang pagong sayo" sabi ni Ye Song.

Nang marinig ito ni Ahoka ay binaba na lang niya ang kanyang ulo dahil sa kahihiyan. Isa siyang Rat God na may malakas na kapangyarihan ngunit sa harap ng kanyang master, siya ay isa lamang na walang silbing pet.

"Mag hahating gabi na, iiwanan na kita dito para pagpatuloy mo ang pag level up. kapag wala ako nakita na pagbabago pagbalik ko bukas, hindi kita bibigyan ng pagkain" utos ni Ye Song kay Ahoka.

Kahit na depress si Ahoka ay hindi siya nagreklamo. Alam niya na mahina pa siya ngayon kaya hindi niya mababago ang pagtingin ni Ye Song.

Nang umalis na si Ye Song ay binago ni Ahoka ang kanyang attitude. Alam niya sa sarili niya na siya ay isang celestial beast pero ang katotohanan na hindi niya magalaw ng maayos ang kanyang katawan ay masakit para sa kanya!

Dahil mataas ang fighting spirit ni Ahoka, ang mga ordinaryong monster ay nanginginig dahil sa takot sa kanya. Hindi ito pinalagpas ni Ahoka at hinunt din ang mga halimaw na iyon!

Ang mga monster ay nakakakuha ng skill experience at experience para mag level up sa pamamagitan pag hunt.

Dahil alam niya na posible siyang maging malakas ulit depende sa kanyang pagsisikap, hindi nagpahinga si Ahoka at patuloy na naghunt ng mga halimaw sa kagubatan. gusto niyang ibalik ang dati niyang lakas sa lalong madaling panahon upang hindi siya pagmaliitan ni Ye Song.

"Wala bang malakas na monster diyan!? kailangan ko makalaban ng malakas na monster para bumalik agad ako sa dati kong lakas! lumabas ka! gusto kong makalaban yung makakapag patibok ng puso ko ng mabilis!"

Ang sigaw ni Ahoka ay bumulabog sa buong kabugatan.

Ang mga malalakas na monster sa hilagang parte ng rehiyon ay naalerto nang marinig nila ang sigaw ni Ahoka.

Maraming boss level monster sa bawat bundok sa paligid ng Freedom Land. At sa gubat rin ng Freedom Land ay namumuno ang bawat boss level monster na hindi madaling makita upang mapanatili ang kaayusan ng bawat kanilang grupo.

"Shing! Shing!"

Sa loob ng gubat, si Ahoka ay tinatapakan lamang ang maliliit na monster na kanyang makita at kapag boss level monster ang lumabas ay mabilis itong tumatakas.

"Diyan ka na, bye!"

Di tulad ng kanyang laki, si Ahoka ay matatakutin kaya naman kapag nakasalubong siya ng kalaban na parehas o malakas sa kanya, tumatakbo ka agad siya.

Siya ay nagpapalakas sa ganoong paraan.

-

Sunod na araw.

Si Ye Song ay dumiretso na sa base camp sa labas ng Everest Town upang kuhanin ang test para maging isang Chosen.

"Dahil andito na kayong lahat, sisimulan ko na ang pagtuturo. bago tayo mag umpisa, nakalimutan ko palang sabihin na itong test na ito ang magtutukoy ng inyong mga ranggo. Meron tayong tinatawag na ranking system kung saan matutukoy kung ilang pribilehiyo at resources ang inyong makukuha pagpasok niyo ng Everest Town"

Nakatahimik ang lahat at nakikinig lang sa sinasabi ng instructor dahil dito malalaman kung anong klaseng pamumuhay ang magkakaroon sila sa loob ng Everest Town. Kailangan nilang malaman ang kahit na katiting na impormasyong makakatulong sa kanila upang maging isang tunay na Chosen.

"Mas mataas ang iyong ranggo, mas mataas din ang pribilehiyo na iyong makukuha. Ang halimbawa nito ay kung bibili ng bahay at lupa sa loob ng Everest Town ay makukuha mo ito sa mababang halaga o kaya naman ay pwede kang tumira sa isang magarang hotel kung ikaw ay isang B rank class o higit pa. Ang pagkain mo din sa araw-araw ay madedetermine sa pamamagitan ng iyong rank"

Tumingin ang instructor sa kanila upang tingnan ang kanilang mga reaksyon at muling nagpatuloy.

"Ang pinakamababang rank na pwede ninyong makuha ay F rank. makakuha ka lang ng maliit na bahay sa may labas ng bayan at dagdag na dalawang rasyon kumpara sa ordinaryong tao. ang kalamangan lang ng isang F rank sa karaniwang tao ay pwede kang mag apply bilang officer or gwardiya upang mapataas ang iyong pribilehiyo"

Nagulat ang lahat sa impormasyong sinabi ng instructor sa kanila. hindi nila akalain na ganito ang magiging batayan sa pagiging Chosen.

"Para sa Chosen na mayroon tayo dito sa Everest town, ito ang ating listahan"

Binuksan ng instructor ang screen at isang data ang lumabas dito.

[S Rank - 3 people]

[A Rank - 250 people]

[B Rank - 1,029 people]

[C Rank - 1,825 people]

[D Rank - 4,891 people]

[F or Fallen Rank - 9,229 people]

"Tulad ng nakikita niyo sa screen, mas marami ang low rank chosen kumpara sa mga mas mataas na rank. Hindi madaling patayin ang mga halimaw kung tutuusin ngunit kapag naman ikaw ay nakapatay ng isa ay madali mong mapapataas ang iyong rank!"

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts
Bab berikutnya