webnovel

♥♡ CHAPTER 67 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

"Ganon ba?" tanong ko kay Raven na ikinatango niya at napayuko, "I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo." dagdag pa nito kaya napangiti ako sabay tingin kay Felicity na nakangiti rin sa akin, "Don't worry, your secret is safe with me, Feli." saad ko dito. Sinabi na sa akin ni Raven ang lahat. Kung paano sila tumakas ni Felicity at kung bakit nila itinago ang tungkol sa pagkatao niya. Kinwento na niya ang lahat na hindi totoo ang balitang kumakalat na ipinadala sina Feli at ang kuya niya dito para patayin kaming lahat, in fact hinahanap niya ang kuya niya. Naliwanagan naman ako kaya hindi na ako nagtanong pa.

Honestly, ang ganda ni Feli. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang pamilyar talaga siya sa akin but it's just obvious na ngayon lang kami nagkakilala.

"Thank you, Syden." sagot naman niya sa akin. Siya ang tinutukoy sa akin ni Fortune, kapalit ng pagpapalipat niya dito kila Icah...kailangan kong protektahan si Feli ayon sa naging usapan. At ngayon ko lang nalaman kung bakit gustong paprotektahan sa akin ni Fortune si Felicity. Pero sa ngayon, itatago muna namin ang tungkol sa kanya at nangako kami na tutulungan namin siyang hanapin ang kuya niya.

"I told you, you're gonna like her." saad ni Raven sa kanya habang nakangiti kaming tatlo. Hindi ko alam pero parang may namamagitan sa kanilang dalawa...or maybe one-sided love? Whatever.

"Pero saan ka nga pala natutulog ngayon? May kwarto ka ba?" tanong ko dito lalo na't hindi rin namin alam kung anong balak ng council sa kanilang dalawa ni Raven dahil sa pagtakas nila, "Actually, nakikitulog muna ako kina Icah sa ngayon." napatango na lang ako ng sabihin niya 'yon hanggang sa may naalala ako.

Earlier, hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o ano, pero parang nakita ko si Icah kanina nang sabihin ko sa grupo na ako ang papatay kay Dean...nakatayo siya sa sulok at seryoso ang tingin sa gawi namin, ang mas nakakapagtaka lang para kasing nakita ko siyang duguan pero hindi ako sigurado dahil medyo madilim kaya hindi ko nalang pinansin. Imposible namang magiging ganon si Icah eh wala naman silang kaaway ni isa sa grupo namin kaya pinagsawalang-bahala ko na lang at baka hindi siya 'yon. Marami lang siguro talaga akong iniisip noong oras na 'yon.

Pagkatapos noon, pinapunta ko ang buong grupo sa staff room para magusap-usap tungkol sa panibagong plano pero gusto naman daw akong makausap ni Raven kaya ngayon naiwan kaming tatlo dito at sinabi niya sa akin ang lahat, "Are you okay?" dinig kong tanong ni Raven kaya tumango ako at muling tinignan si Feli, "But if you want, pwede ka rin naman sa kwarto ko since wala akong kasama." saad ko na ngumiti ulit kaya tumango siya, "Don't worry, I'll do that some time." sagot naman niya. I don't even know why pero ang gaan ng loob ko kay Felicity.

Napatingin na lang ako kay Raven nang may maalala ako, "Si Oliver ba okay na siya?"

"Ang alam ko sinamahan muna siya ni Dustin pabalik sa kwarto niya para gamutin yung mga sugat niya bago sila pumunta sa staff room." sagot nito na ikinatango ko, "Let's talk to him first bago tayo pumunta sa staff room. Ayaw kong magtanong ang buong grupo na wala akong maisasagot." tumango si Raven sa sinabi ko at napayuko. I know, alam kong naninibago sila sa kilos ko pero wala na akong magagawa. Hindi na ako yung date at hindi ko na pwedeng ibalik 'yon. Nakakasawang masaktan ng paulit-ulit. Wala akong maramdaman ngayon kundi galit at pag-aalala sa mga taong malapit sa akin.

"Sasamahan kita. Sy" saad ni Raven kaya tumango na lang ako. Tinalikuran ko na sila at naglakad kaya sumunod silang dalawa sa akin hanggang sa matanaw namin ang kwarto ni Oliver. Habang papunta kami sa kwarto niya, nanlaki na lang ang mata namin ng matanaw namin sa hindi kalayuan ang dalawa. Kalaban nina Dustin at Oliver ang mga miyembro ng dark eagle. Sa sobrang dami ng mga 'yon, alam kong hindi nila kakayanin. May isang lalaking nakahawak ng mahigpit sa damit ni Oliver habang abala rin naman si Dustin sa pakikipaglaban. Hindi makagalaw si Oliver lalo na't pader ang nasa likuran nito at dahil na rin sa lagay niya, kitang-kita ko ang panghihina nito na halos hindi na magawang magpumiglas.

Nagmadali kami para tulungan sila hanggang sa makilala ko ang lalaking nakahawak sa kanya habang papalapit kami sa direksyon nila. Kahit nakaitim ito katulad ng mga alagad ni Savannah, kilalang-kilala ko siya. Sino bang hindi makakakilala sa isang taong nagmahal sa'yo pero sa huli ipagpapalit ka sa ibang tao at siya mismo ang papatay sa'yo? It was him again. Napansin kong may pinag-aawayan silang dalawa ngunit mahina ang mga boses nila kaya hindi ko marinig. Nang mapansin ni Dean na paparating kami ay sinamaan niya kami ng tingin at mabilis na binitawan si Oliver. Hinawakan ko ang kutsilyo sa bulsa ko kung sakali man na may gawin siyang hindi maganda. Sinamaan niya ng tingin si Oliver na may halo ng pagbabanta bago siya tumakbo ng mabilis papalayo kaya sumunod na rin sa kanya ang mga kasama niya. So it's really true that he leads the attack of that society because of Savannah? I can't believe it.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko kay Oliver nang tuluyan kaming makalapit sa kanila kaya tumango siya habang hinihingal at nakahawak pa rin sa gilid nito. Napatingin ako kay Dustin na halatang pagod na pagod na rin dahil sa dami ng nakalaban nito kaya tumango din siya, "Pagkatapos niyang patayin si Leigh sinunod niya ako tapos ngayon kayo?" tanong ko na tinignan ang daan na tinahak niya at nagkibit-balikat bago ibinalik kay Oliver ang tingin ko, "Hindi na ako magdadalawang-isip kundi isipin na siya rin ang gumawa noon kina Stephen at Caleb, sisiguraduhin kong ako mismo ang papatay sa kanya." galit kong sabi. Talagang hindi niya kami titigilan dahil lang sa utos ng babaeng 'yon. Well, humanda kayong dalawa sa akin.

"May kailangan ba siya sa'yo?" tanong ko na tinignan si Oliver dahil kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Dean habang nakatingin kay Oliver, "I don't know. He was about to kill me because of my situation. I'm just glad na dumating kayo agad. I'm totally weak and can't fight right now...lalo na sa tuwing naiisip ko ang nangyari kina Stephen at Caleb." kitang-kita ko ang pinaghalong lungkot at galit sa mga mata ni Oliver na umiling naman, "I-i wasn't able to save them. Ako na lang sana ang naiwan at nakatakas silang dalawa. H-hindi ko lang talaga maisip na nangyari 'yon at hindi ko pa rin matanggap na wala na sila." lahat kami malungkot sa nangyari at nakakaramdam ng galit dahil sa nangyari. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang lahat ng 'to.

Hinawakan ko sa balikat si Oliver kaya napatingin siya sa akin, "Don't worry, hindi mo kasalanan ang nangyari at hindi mo ginusto 'yon. We're eventually gonna make him pay for everything." pahayag ko.

"Talagang iniisa-isa nila tayo. Pagkatapos nina Stephen at Caleb, kayo naman ang inatake nila?" hindi makapaniwalang tanong ni Raven na galit din dahil sa nangyari, "Sa ngayon bumalik muna tayo sa staff room, kailangan nating pag-usapan ang tungkol dito." saad ko na tinignan si Oliver mula ulo hanggang paa. Punung-puno siya ng sugat at halatang nanghihina, "Don't worry, I can still walk." saad nito na nginitian ako dahil napansin niyang nag-aalala ako sa lagay niya, "Hindi rin naman pwedeng wala ako. I need to hear what's the next plan." tumango na lang ako at ngumiti, "Let's go, baka balikan pa nila tayo." saad ko na napatingin sa daang tinahak ng mga kalaban. Inalalayan naman ni Dustin si Oliver kaya tinalikuran ko na sila para makapunta na rin kami sa staff room dahil paniguradong naghihintay na ang lahat.

Pagdating namin sa staff room, nakaupo na lahat sila sa harap ng pabilog na lamesa pero wala na sa gitna si Clyde at magkatabi sila ni Roxanne sa gilid kaya pumunta ako sa harap, "Did something happen?" nagtatakang tanong ni Dave habang nakatingin kay Dustin na inaalalayan si Oliver na makaupo kaya napunta sa kanila ang atensyon ng lahat, "He was attacked." diretsong sagot ko na ikinagulat nila, "Again?! We just lost two!" sambit ni Dave.

Napansin kong hindi sumunod si Felicity dito sa loob kaya paniguradong nasa labas siya ngayon, "Nagawa na nilang patayin ang dalawa sa atin, kaya hindi malayong isusunod nila tayo at iisa-isahin." pahayag ko naman na nakatayo sa gitna habang nakaupo silang lahat, "That's right. Hindi nila tayo titigilan hanggat hindi tayo nauubos." dagdag pa ni Clyde.

"Bakit tayo ang target nila?" nagtatakang tanong ni Oliver, "I found out that they were forcing students to commit suicide or else their friends would be killed...kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagsusuicide ngayon." saad ni Raven kaya napaisip ako at napatingin sa gawi ni Julez na kasama rin namin dito. Tahimik pa rin kasi siya at madalas nag-iisa sa kwarto nina Dave at Raven kaya sabi ko kanina, sunduin muna nila siya dahil delikado rin ang sitwasyon niya.

"They cannot force us to do it kaya inaatake nila tayo...because we are their biggest enemy at hanggat buhay tayo, hindi nila magagawa ang gusto nila kung anuman 'yon." saad ko.

"As far as I know, dark eagle society was divided into two." dagdag ni Dustin na ipinagtaka naming lahat, "The first group is controlled by Savannah and Dean na kalaban natin ngayon..."

"And what about the other group?" tanong ni Roxanne.

"I don't know who controls it, but I think...they are more dangerous because they were able to kill Sylvester de Vera."

"What?!" nagulat kaming lahat ng marinig namin 'yon, "It's true, that's why this is another problem...kung namatay ang isa sa mga officers, it only means that the one who controls the second group of dark eagle is not a member of the council officers or maybe against the officers. Ito ang usap-usapan ngayon sa buong campus." pahayag pa niya habang nag-iisip naman ako ng malalim, "Kung nahati sa dalawang grupo ang dark eagle...kailangan nating mahanap kung sino ang nag-utos sa pangalawang grupo na patayin si Sylvester."

"Do you mean makikipagsabwatan tayo sa kanila?" tanong ni Dave sa akin, "Looks like they are against the officers kaya pinapatay nila si Sylvester. That's why we need them, in order to kill Savannah. Siya lang naman ang may gustong mawala tayo kaya niya tayo pinapapatay gamit si Dean...because she knows that we are no match for him." pahayag ko.

"So are you saying that we're going to kill Savannah using the other group of dark eagle?" tanong ni Roxanne sa akin na sinagot ni Clyde, "I think Syden has a better plan than that." saad nito kaya ngumiti ako ng masama.

"Even if we kill Savannah, kung matitira pa ang mga alagad niya, for sure papatayin pa rin nila tayo that's why I think we should target the members first before the leaders. Don't you think it's better to kill the leader slowly by showing her how does it feel to lose every one of her members? To make her feel alone while she is dying?" tanong ko kaya nagkatinginan ang lahat. Tumango sila at ngumiti ng masama, "Well, I think that's better." sagot ni Dave. "Ipaparamdam natin sa kanya kung paano mawalan ng miyembro."

"Paano natin aalamin kung sino ang kumokontrol sa pangalawang grupo?" tanong naman ni Oliver.

"I think it would be hard, sa pagkakaalam ko hindi pa sila pumupunta sa building na 'to. The second group started chaos in other building." dagdag ni Dustin.

"Sino ba sa tingin niyo ang may galit sa officers bukod sa atin?" wala sa sariling tanong ko at isa-isa silang tinignan.

"Hindi ba lahat naman ng estudyante, galit sa kanila?" sagot ni Dave.

"Then, isang estudyante ang kailangan natin hanapin." saad ko na ipinagtaka nila, "If Sylvester was killed, malaki ang posibilidad na estudyante ang nag-utos noon sa pangalawang grupo ng dark eagle dahil malaki ang galit niya sa officers."

"But Sy, all of us are students." natatawang sagot ni Raven kaya bahagya akong napangiti, "Tingin mo ba estudyante ang mga miyembro ng dark eagle?" pabalik kong tanong. Kitang-kita ko kung paano sila lumaban, hindi sila madaling patumbahin. Kung talagang nanggaling sila sa Heaven's Ward, pamilyar ang mga mukha nila pero hindi, "Sinadya na ipasok sila dito para pataying tayong mga estudyante pero isang estudyante ang kumokontrol sa pangalawang grupo kaya nagawa niyang ipapatay si Sylvester." sagot ko na ikinatigil niya, "That's what I think too. They were trained." dagdag ni Clyde.

"Ako ng bahala. Aalamin ko kung sino at sisiguraduhin kong kakampi sila sa atin. What you're going to do is to be on guard dahil anumang oras aatake sila. We need to kill all of them at ihuhuli natin si Savannah." pahayag ko.

"What about Dean?" sandaling natigilan ang lahat ng magtanong ulit si Oliver kaya napatingin kami sa kanya, "Leave him alone, kaming dalawa ang magtutuos." sambit ko at nandoon pa rin ang galit na nararamdaman ko, galit na kailanman hindi mawawala.

Napating kaming lahat kay Julez nang bigla siyang tumayo at lumabas kaya hinabol ko siya at hinawakan sa braso para iharap sa akin, "Julez, saan ka pupunta?" tanong ko dahil biglang nag-iba ang kilos nito. Tinignan niya ako at nakita ko ang galit sa mga mata niya, "Are you really going to kill him?" tanong niya sa akin kaya natigilan ako, "If you're going to kill him then I'm out. Sasama ako sa kanya." pahayag nito na tinalikuran ako kaya hinarap ko ulit siya sa akin, "No, you're not going anywhere." seryoso kong sabi.

"He saved me once at sa tingin mo ba kaya kong tiisin na marinig ang mga plano niyo na pwede niyang ikamatay?!" sigaw nito.

"He might saved you pero hindi 'yon rason para pagtakpan mo ang mga kasalanan niya. Pinatay niya si Leigh, sinunod niya ako pati sina Stephen at Caleb. Sa tingin mo ba hahayaan kong ikaw naman ang patayin niya kapag nagpakita ka sa kanya?" tanong ko habang hawak-hawak ang braso nito. Nakatingin na rin sa aming dalawa ang buong grupo na nagsilabasan na rin dahil sa nangyari.

Umiling siya na parang hindi makapaniwala, "Believe what you want to believe. You don't even know anything." saad nito na inialis ang pagkakahawak ko sa braso niya. Sinamaan niya ako ng tingin at ang buong grupo bago niya ako tinalikuran. Akmang pipigilan siya ni Dave ay pinigilan ko si Dave kaya napatingin siya sa akin at umiling ako, "Let him do as he wants." saad ko na tinignan si Julez na naglalakad papalayo.

What does he meant by that? Bakit ganon na lang ang galit niya sa amin? Anong alam niya na hindi namin alam?

To be continued...

Bab berikutnya