webnovel

♥♡ CHAPTER 52 ♡♥

♡ Author's POV ♡

Nang maihatid ng grupo si Julez sa kwarto ni Dave ay napansin ni Dave na biglang nawala si Syden kaya't nagmadali itong puntahan si Syden sa kwarto niya. Ang mabilis niyang paglakad ay napunta na sa mabilis na pagtakbo. He was very worried that time dahil naalala niya lahat ng nangyari at alam niyang hindi maayos ang lagay ni Syden. Bago pa man ito lumiko ay napansin niyang bahagyang nakabukas ang pintuan sa pinakadulo. Hindi naman 'to nakabukas date ah?Kunot-noong tanong nito sa sarili niya. Kasabay pa nito ay ang paggalaw ng pintuan dahil sa malakas na hangin. Muli niyang tinignan ang madilim na daan na tatahakin dapat niya ngunit muli siyang napatingin doon sa pintuan. Without even realizing what he did, kusa na lang gumalaw ang mga paa nito papunta sa dulo at papalapit sa pintuan na gumagawa naman ng ingay dahil sa hangin. 

Hinawakan niya ang pintuan at dahan-dahan itong binuksan. Sumilip siya sa labas at sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin hanggang sa makita niya si Syden na nakatingala at maayos na tinitignan ang maliwanag na kalangitan na tila ngayon lang ulit nakakita ng bituin. Nakapatong ang mga kamay nito sa bakal na nakapaligid sa buong lugar na tila isa itong balkonahe. Nilapitan niya si Syden at tumingala rin kaya napatingin sa gawi niya si Syden, "Nandito ka lang pala." pagsasalita ni Dave na tinignan na rin si Syden, "I guess just like a real viper, you have a strong instinct. Mahirap kasi kayong taguan." sagot naman ni Syden na napangiti kaya napangiti na rin si Dave. Humawak na rin ito sa bakal na nasa harapan niya.

"Bigla ka kasing nawala. I was just worried and I don't think you're fine."

"Ano ka ba? Okay lang ako and what makes you think that I am not?" unti-unting nawala ang ngiti ni Dave at naging seryoso ito, "Because people are trying hard to be fine than to spill out how much it hurts." at dahil doon ay naglaho na rin ang ngiti ni Syden, "You are a great pretender, Bliss Syden. Behind your smile, there's a hidden sadness." bahagyang ngumiti si Dave matapos niyang sabihin 'yon, "Hindi lahat ng nakangiti, masaya." bigla na lang naramdaman ni Syden na tila anumang oras, maiiyak siya. But just like what Dave said, she is a great pretender. Kahit sobrang sakit na, itatago pa rin niya. 

"And what do you want me to tell you?" tanong niya kay Dave.

"Anything you want to say. I'm here to listen." napatango si Syden at muling tumingala para tignan ang mga bituin. Bahagya siyang ngumiti at nagsalita, "How's Julez?"

"Well, doon muna siya sa kwarto habang wala pa si Sean."

..............FLASHBACK..........

Biglang dumating ang grupo sa lugar kung nasaan sina Julez at Syden. Nakita nila ang dalawa sa hindi kalayuan kaya mabilis silang lumapit sa mga ito ngunit ipinagtaka na lang nila kung bakit pareho silang tahimik. Napansin nila na may isang lalaking nakahandusay sa pagitan ng dalawa, "Here you are, I thought we were not going to find you, Julez." sambit ni Dustin ngunit tahimik pa rin ang dalawa kaya nagkatinginan ang buong grupo. Nakatalikod sa kanila si Syden kaya hindi nila makita ang itsura nito habang nakikita naman nila si Julez na nakayuko at seryoso ang mukha nito. Tila iba ang aura ng dalawa. Dahil sa hindi nila maipaliwanag ang sitwasyon, nagsalubong ang kilay ni Clyde at lumapit pa sa dalawa dahilan upang makita niya pa ng mas maayos ang lalaking walang malay sa pagitan ng dalawa. 

Nabigla ito ng makita niyang may saksak ang lalaki sa bandang dibdib nito kaya't lumuhod ito at inilapat ang dalawang daliri sa leeg ng lalaki upang pakiramdaman ang pulso nito. Napatingala na lang ito at napatingin sa iba pang members na lumapit na rin doon kaya umiling siya, "He's dead." saad nito. Napaisip siya kung ano ang maaaring nangyari hanggang sa lumipat ang tingin nito kina Syden at Julez  na nananatili pa ring tahimik noong mga oras na 'yon. In a snap, nag-umpisa nang maghinala si Clyde. Dahan-dahan itong napatayo habang nakatingin sa dalawa na nakayuko pa rin at doon lang nila napansin na nakatingin sina Syden at Julez sa lalaki, "I-i'm sorry." mahinang saad ni Syden sa hindi nila malaman na dahilan habang nakayuko pa rin ito. She wasn't crying that time pero halata sa boses nito ang paghingi niya ng tawad at tila hindi makapaniwala sa nangyari, "What happened?" nag-aalalang tanong ni Dave na nilapitan si Syden kaya nagkatinginan ang dalawa. Muling yumuko si Syden para tignan ang lalaking nakahandusay sa harapan nito. 

"I-i was just afraid na baka may mangyaring hindi maganda...l-lalo na kay Julez- " bigla nitong tinignan si Julez na nakatingin na rin sa kanya at nangungusap ang mata ng dalawa dahil hindi pwedeng malaman ng grupo kung ano talaga ang nangyari kaya minabuti ni Syden na mag-isip ng ibang dahilan upang mapaniwala ang buong grupo sa mga sasabihin niya that's why she had to put up a little act na nakuha naman ni Julez,  "T-that's why, I accidentally stabbed him- pero hindi ko naman sinasadya. I-i was just afraid dahil nakita niya si Julez and he-- he wanted to kill him-- " bigla na lang hinawakan ni Dave ang magkabilang balikat nito kaya natigilan si Syden sa pagsasalita at napatingin kay Dave, "We get it now so there's no need to explain everything, okay? So calm down." kalmadong saad ni Dave kaya nabigla si Syden dahil sa inasal nito. 

"H-how could you just say that- " muli itong natigilan sa pagsasalita ng mapatingin siya kay Roxanne dahil lumapit na rin ito sa kanya habang bahagya itong nakangiti, "Do I need to remind you how much people we had to kill in order to defend ourselves? Karamihan sa mga estudyanteng napatay namin ay dahil sa kagustuhan namin na iligtas ang sarili namin. So who exactly are we to judge you, Bliss Syden? What you did is reasonable. Sometimes you really have to do something bad in order to protect what's important to you, right? And sometimes doing good won't make you strong enough. You do bad things and learn from your own mistakes at nakita ko naman 'yon sa'yo so there's no need to worry." pahayag niya kay Syden at mas ngumiti pa ito kaya muling napatingin si Syden sa lalaking nakahandusay sa harapan nito at tumango, "Y-you might be right." sagot nito. 

"That's why you must keep calm and forget what happened." dagdag pa ni Dave kaya tumango si Syden at bahagyang ngumiti, "T-thank you...kasi kahit na anong mangyari, hindi pa rin kayo nagbabago. This group is already a family to me." mahinang saad nito kaya napangiti ang buong grupo. Ibinaba na ni Dave ang kamay niya at sandaling ginulo ang buhok ni Syden kaya napatingin ito sa kanya, "You're like a sister to me. Just like Dean and Sean, nandito ako para sa'yo. If ever you need help, don't hesitate to tell me." pahayag nito. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay humarap siya sa gawi ni Julez at nilapitan ito kaya hindi na nakapagsalita pa si Syden at mas napangiti na lang ito. Julez couldn't even look at them at nanatili lang na nakatingin sa lalaking nakahandusay, "Would you like to join us again?" tanong ni Dave kay Julez kaya dahan-dahan niyang tinignan si Dave at sumalubong sa kanya ang ngiti ni Dave. A true smile from a Viper. Ang ngiting minsan ng kinabaliwan sa buong campus.

"All of us need to fight kung sakaling may iba pang estudyante na makakita sa'yo. Well it's not a problem to me but we just want to protect you unless you can protect yourself." saad pa niya kaya nagkatinginan sina Dustin at Dave habang nakangiti ang mga ito at muling tinignan si Julez. Napalunok ito at napatingin sa gawi ni Syden na tumango naman upang sabihin na magiging maayos din ang lahat kaya ibinalik niya ang tingin sa dalawang lalaki na nasa harapan niya, "A-am I welcome?" 

"Minsan ka ng sumali sa grupo, remember? You and your brother, Zorren. So why not?" pahayag ni Dustin. 

...........END OF FLASHBACK.................

"Hindi pa rin siya nagsasalita kaya hinayaan na muna namin. Maybe nag-aalala pa rin talaga siya kung anong nangyari kay Dean dahil magkasama silang dalawa." sandaling natigilan si Dave nang bigla itong may naalala, "So did you get any information kung nasaan si Dean?" tanong niya. Umiling si Syden at agad umiwas ng tingin, "I went to the secret room, pero wala akong napala. H-hindi ko pa rin alam kung nasaan siya." pagsisinungaling nito. She felt guilty about it pero malinaw sa kanya na kung gusto niyang protektahan si Dean, walang dapat makaalam ng totoo bukod kay Julez dahil kailangan niyang pakalmahin ito.

"Don't worry. He'll be fine. Bukod sa ating lahat, ikaw ang nakakakilala ng husto kay Dean. Nangako siya sa'yo na babalik siya kaya alam kong hindi ka niya bibiguin. Just trust him." nakita ni Syden ang muling pagngiti ni Dave kaya pinilit niya ring ngumiti kahit na alam niya na sa mga pagkakataon na 'yon ay hindi niya masabi ang totoo kay Dave. But she knew that Dave was just trying to cheer her up, "I know. He never broke his promise, kaya alam kong babalik at babalik siya." napatingin ulit si Syden sa ibang direksyon na tila may naalala, "If it didn't happen to me..." at muli niyang tinignan si Dave, "Tingin mo ba mangyayari ang lahat ng 'to?" tanong niya na ipinagtaka ni Dave, "Happened what?" 

"That day...when I was raped..." seryosong tanong nito kaya napaisip si Dave at sandaling natigilan, "If you're going to blame yourself- "

"Pero hindi ba talaga sa akin nag-umpisa ang lahat? Dahil mahina ako?" harang niya kay Dave, "Did you want that to happen? Of course not. Blaming yourself won't do anything good and you're not weak. I-it was just they made you weak that time pero lumaban ka naman hindi ba? And we saw it...nangyari man 'yon o hindi, the result would always be the same. You know that Dean Carson has a good, caring and a loving heart so I'm sure na pipiliin niya pa ring iligtas si Julez whatever the situation is." napaisip na lang si Syden sa sinabi nito kaya napatango ito, "Ang hirap lang kasi..." kahit anong pilit nitong pigilan ang pagtulo ng mga luha niya ay hindi na niya napigilan, "He made me feel so special to the point na hindi ko na kayang mawala siya sa tabi ko but I had to bear the pain dahil alam kong babalik siya at babalikan niya ako...pero bakit ganito?" pinunasan niya ang mga luha niya ngunit sa bawat pagpunas niya, tila ayaw tumigil ng mga ito, "Nasanay akong palagi siyang nasa tabi ko but all of a sudden when I woke up, bigla na lang siyang naglaho. That's what I feel right now, Dave...a-and it's slowly killing me..." in the end, she bursted out in pain. Nanghihina na rin ang mga paa nito dahil sa sobrang sakit at bigat ng nararamdaman niya that anytime, she might fall unwillingly kaya dahan-dahan siyang nilapitan at niyakap ni Dave. 

"I might not be in your position but I know how it feels like. Lahat tayo, nasanay sa kanya. He also made every member of the group feel so special to the point that it couldn't stand anymore dahil wala siya...but still we are trying our best para hindi masira ang pinaghirapan niya. That's the least we can do for him."

"W-why is it like this?" the moment she realized that someone was there for her, even a little nabawasan ang bigat ng loob at sakit na nararamdaman niya, "Let's trust Dean Carson, okay? He'll be back anytime...or maybe when it's the right time." pahayag pa nito at bahagyang inilayo si Syden sa kanya upang tignan ito. Napansin niya ang pamumula ng mukha nito kaya bahagya siyang ngumiti at pinunasan ang mga luha ni Syden gamit ang dalawang kamay nito, "If you really want him to come back, stop doing things that would hurt him. Alam mo naman na ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ka hindi ba? So stop crying now. Believe me, matatapos din ang lahat ng 'to. Just bear whatever it takes a little longer." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinilit na ngumiti ni Syden at tumango habang pinupunasan nito ang mga luha niya at ibinaba na ni Dave ang kamay niya.

"But aside from him, alam kong may iba pang gumugulo sa'yo." dagdag pa ni Dave. 

Dahan-dahang napatingin si Syden sa kabilang building na nababalutan ng dilim at walang kahit na iisang liwanag, "Nag-aalala lang ako kay Raven." at tinignan niya si Dave, "Ayos lang kaya siya? Maayos ba ang lagay niya o kailangan niya ng tulong natin? Ang mahirap lang talaga, hindi natin alam kung anong sitwasyon nina Dean at Raven." malungkot na saad nito. Dahil doon ay napatingin si Dave sa kabilang building na tinignan ni Syden. Dahil alam ni Syden ang totoo na nasa building nila si Dean, nag-aalala rin siya sa kalagayan ni Raven dahil hinahanap nito ang dalawang tao na kailanman hindi niya mahahanap. It's like waiting for someone who wouldn't even come. He's been waiting for nothing. It looks like Sean Raven who went there to find Dean Carson and Julez had been left there all alone. 

"Aside from my twin brother, who might be the traitor?" dagdag pa niya kaya muli silang nagkatinginan ni Dave. Nangungusap ang mga mata nila at kitang-kita ni Dave ang pag-aalala sa mga mata ni Syden at ganon rin naman ang napansin ni Syden sa mga mata ni Dave. It was her first time seeing Dave like this, "You look so worried, Dave. M-may nasabi ba akong hindi maganda?" mahinang tanong nito. 

Napayuko si Dave at nagbuntong-hininga, "Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" tanong pa ni Syden kaya tumingala si Dave para tignan siya, "Honestly...hindi ko na rin alam kung anong dapat gawin. It's like we're solving a puzzle that could never be solved or solving a puzzle with missing pieces. As Dean Carson's right hand, I-i...have no right to say this but..." natigilan si Dave habang iniisip kung itutuloy pa ba ang gusto niyang sabihin pero nakita niya ang paghihintay sa kanya ni Syden para magsalita, "We're dealing with something we don't even know. It's like we are slowly falling into pieces."

To be continued...

Bab berikutnya