webnovel

Chapter 1.16

Kagaya niya ay sobra siyang nag-aalala sa mga ito. Magkagayon man ay tinatagan niya ang loob niya lalo pa't hindi na lingid sa kaniya na may mga kaalitan ang Apo Noni noong malakas pa ang pangangatawan nito.

"Maraming mga ka-nayon ang nais na paalisin tayo sa mismong nayon na siyang teritoryo natin. Si Apo Noni ay maituturing na malakas ngunit ang pisikal na pangangatawan nito ay hindi na bumabata pa. Ikinalulungkot ko ngunit baka sa bandang huli ay hindi ko matutupad ang ipinangako sa aking ama." Malungkot na wika ni Village Chief Dario.

Tahimik lamang silang nakikinig. Ngunit hindi ata natuwa si Marcus Bellford lalo na sa kaniyang narinig.

Kanina pa atang natapos itong kumakausap sa dalawang village formers.

"Ano'ng sabi niyo Village Chief? Paano'ng nasali ang pangalan ni Apo Noni? Isa kang mahina!" Ito na lamang ang nasambit ni Marcus Bellford dahil sa labis na galit.

Mabilis naman siyang inawat ng dalawang formers nang akmang bubunot ito ng summoner's ball nito.

Magiging takaw-atensyon sila kung mangyayari iyon. Isa pa ay baka pag-initan pa sila ng mga kapwa nila summoner's rito at magkagulo pa.

Agad inilayo ng dalawang formers ang tila hindi pa rin nagpapaawat na binata.

Sa tingin ni Evor ay alam niyang sa pagkakataong ito ay seryoso na talaga ang masamang kalagayan ng nayon nila.

Kapwa may tinatagong bagsik at alas ang bawat nayon. Ngayong tila humihina si Apo Noni ay sinasamantala ng mga ito na magpalakas pa lalo at paghandaan ang nalalapit na kamatayan ng matanda.

Hindi hahayaan ni Evor na mangyari iyon. Takot lamang kasi ang iba sa lakas ni Apo Noni lalong-lalo na sa husay nito sa paggamit ng summon nito.

Itong si Apo Noni kasi ang pinakamatandang summoner sa bayan nila. Nilimitahan lang ng summoner talent nito ang pag-unlad nito.

Naniniwala siyang minsan na rin nakipaglaban si Apo Noni sa mga naglalakasang mga summoners na maituturing na 9th Level Summoners. Naniniwala siyang hindi iyon isang haka-haka lamang. Mayroong espesyal kay Apo Noni na hindi nila kailanman mapapantayan at iyon ay ang maraming karanasan nito sa pagsabak sa anumang digmaan at kaguluhan.

Alam niyang kahit na pinoprotektahan sila ng Azure Dragon Academy ay walang kinatatakutan ang ibang kalabang mga nayon.

"Alam kong hindi lamang iyan ang layunin na ipinunta niyo rito sa akademya Village Chief Dario. Alam kong meron pa kayong gustong sabihin samin." Bakas ang lungkot sa mukha ni Evor.

"Ang totoo niyan ay gusto kayong makita ni Apo Noni sa huling pagkakataon. Siguro naman ay mapagbibigyan niyo ang hiling ng ating Apo?!" Malumanay na sambit ni Village Chief Dario.

"Wala na ba talagang paraan upang humaba pa ang buhay ni Apo Noni?!--- pwede bang ngayon na ko pumunta doon?!" Turan ni Evor habang mababakas ang desperasyon sa tono ng pananalita nito.

"Ikinalulungkot ko ngunit wala na. Patungkol naman sa sinabi mo ay hindi nais ni Apo Noni na pagsabayin kayong papuntahin ni Apo Noni at nais nitong si Marcus Bellford ang una nitong makita. Tatlong buwan mula ngayon ay ninanais ni Apo Noni na makita ka. Yun lamang ang simpleng sinabi niya sa akin. Pasensya ka na Evor." Kalmadong wika ni Village Chief Dario.

"Maraming salamat Village Chief Dario. Siguro ay may layunin ang sinabi ni Apo Noni. Isa pa ay hindi kami maaaring magkasabay ni Marcus Bellford dahil sasakit lamang ang ulo ni Apo Noni sa'min." Natatawang saad ni Evor. Gusto niyang idaan ang bagay na ito sa ganitong pamamaraan. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo.

Natawa na lamang si Village Chief Dario sa sinabing ito ni Evor. Masasabi niyang isa ito sa magandang katangian ng binata kung bakit sila malapit rito.

Masungit man ang ibang formers rito ay masasabi niyang may puwang sa puso ng mga ito ang paglitaw ng binata sa mismong nayon nila.

Tama nga ang sinabi ni Village Chief Dario lalo pa't kasa-kasama nilang nilisan ang Azure Dragon Academy si Marcus Bellford.

Marami din kasing iilang mga estudyante na piniling magbakasyon muna lalo pa't pagbalik nila ay may gaganaping mga patimpalak. Sigurado siyang magpapalakas ang mga ito para sa nalalapit na mga kompetisyon.

Masaya si Evor sa naging desisyon ni Apo Noni. Isa pa ay lapitin ng gulo si Marcus Bellford na pati siya ay kailangan nitong idamay.

Mabilis na bumalik si Evor sa mismong tinutuluyan niya sa loob ng Azure Dragon Academy.

...

Hindi namalayan ni Evor na ilang araw na ang nakalilipas. Parehong mga routine ang ginagawa niya sa bawat araw.

Nag-aaral, nag-eensayo at gumagawa ng paraan upang paunlarin ang kakayahan at pagkontrol niya sa kaniyang mga summoner's ball.

Walang araw na hindi siya nag-eensayo. Alam niya ang pakiramdam ng pagiging mahina.

Ayaw niyang maging tamad lalo pa't wala siyang mapapala. Wala siyang aasahan sa oras ng kagipitan kung sakaling mawala na sa mundo si Apo Noni.

Ang kanilang bayan ay siguradong malalagay sa panganib.

Kailangan niyang magpalakas pa lalo. Sa katunayan ay wala siyang problema sa kasalukuyan niyang lebel ngunit kailangan niya pa ring sumabak sa mga delikadong sitwasyon ng sa gayon ay umunlad pa lalo ang sarili niya sa pagiging summoner.

Naniniwala siyang ang combat experience ay hindi kailanman mapapantayan ng sinuman kahit na malakas na ito.

Kagaya ni Apo Noni, naniniwala siyang wala ito sa lebel o karami ng summoner, nasa kabuuang kakayahan pa din ang pinakaimportante.

Tatlong linggo na kung tutuusin ang nakalilipas nang mangyari ang bagay na iyon kung saan huling dumalaw si Village Chief Dario maging ang mga formers.

Sisiguraduhin niyang hindi siya magiging bigo na patuloy pang lumakas.

Tatanggap siya ng misyon sa loob ng isang buwan. Sigurado siyang hindi magiging madali ito ngunit naniniwala siyang dapat niyang mapagtagumpayan ito.

Mabuti at pinayagan siya ng Azure Dragon Academy kasama ng marami-rami pang estudyante na nais tumanggap din ng mga misyon.

Yun lamang ay ilang kilometrong lakaran pa ang nasabing tanggapan ng mga misyon sa sentro ng Dragon City.

Kung tutuusin ay malapit lamang ito rito kumpara sa layo ng mismong nayon kung saan siya nabibilang.

Inumpisahan na ni Evor na maglakbay patungo sa sentral na bahagi ng Dragon City. Hindi naman ito kalayuan at maaga pa naman.

Nakabihis siya sa ordinaryong damit nito na suot-suot. Mahirap na kung magsabi siya na isa siyang estudyante.

Sa katunayan ay naiisip niyang tumanggap ng mga delikadong misyon. Naniniwala siyang mas uunlad at lalakas siya sa oras ng kagipitan o matinding panganib.

Hindi namalayan ni Evor na malapit na siya sa mismong sentrong bahagi ng Dragon City. Lakaran lamang ang ginawa niya.

Sa katunayan ay pinagtitinginan pa siya ng iilang mga estudyante sa suot niya.

Ngunit wala siyang pakialam, buhay niya naman to pero ang iba ay nakangising demonyo.

Nagbibiruan pa nga ang mga ito na baka sa mapanganib na mga misyon siya ilagay dahil sa hindi nito suot ang uniporme niya bilang estudyante ng Azure Dragon Academy.

Bab berikutnya