NATHAN's POV
Kausap ko ngayon si Jenna sa rooftop ng admin building. Hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan niya sa akin.
"alam mo na ang tungkol sa pag-alis ni Aikka?" tanong niya sa akin habang nakatanaw siya sa oval.
"anong ibig mong sabihin?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"You're good on pretending huh? Ipagpatuloy mo iyan."
Teka...sigurado ba siya? Sigurado ba siyang aalis na si Aikka?
"Well, may gagawin pa ako. I'm just here to warn you.....but I guess, wala ka namang gagawin na ikakapahamak ng pamilya mo di ba? "tapos agad na siyang umalis.
Napaisip tuloy ako sa sinabi niya kanina kaya chineck ko ang aking cellphone. Nakita ko sa social media account ni Elaine ang pictures nilang lima kahapon sa tree house.
Bakit parang ang lungkot nila sa pictures?
Tiningnan ko ang caption sa ibaba, doon ko lang nalaman na huling araw na pala ni Aikka ngayon sa SA. Nang mabasa ko iyon, napasandal ako saglit sa wall.
Iiwan na niya ako?
~•~•~
Sa basketball court...
Naglalaro kami ng basketball ngayon, nakailang puntos din ako sa paglalaro pero nakailang foul din ako.
Masaya naman ang practice.
Sobrang saya....
"teka, bro....ayos ka lang? umiiyak ka ba?" biglang tanong ni Markus sa akin.
Umiiyak?
Hinimas ko ang aking mukha, nababasa na nga ito ng aking mga luha. Kusa na lang silang tumutulo mula sa mga mata ko.
"bro, dahil ba iyan sa kanya?" Markus.
Napaupo ako sa bleachers. Ayaw ko nang magpanggap dahil sobrang nalulungkot na ako ngayon.
"aalis na si Aikka bro, iiwan na niya ako ng tuluyan"
"lilipat na siya ng school?" Markus.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Ayaw ko siyang mawala. Ayaw ko siyang malayo sa akin ng tuluyan.
Hindi ko kaya.
"kakausapin ko siya" bigla akong tumayo kasi gusto kong sundin ang puso ko ngayon, kahit ngayon lang..
"bro, sigurado ka ba dyan...kasi once na ginawa mo ang bagay na iyan, mapapahamak ang pamilya mo, pati na si Aikka"
Hinagis ko ang bola na hawak ko sa galit. Nagagalit ako sa aking sarili kasi wala man lang akong magawa.
Bakit ba kasi kailangan pang umabot ang lahat sa ganito?
"bro, kapag naipakulong mo na si Jenna, maaayos rin ang lahat. You just need to wait her reach the legal age para masigurong makukulong siya." Markus.
"paano si Aikka? Hahayaan ko na lang siyang umalis at patuloy na kamuhian ako dahil sa mga ginawa ko sa kanya?"
"bro, mapapatawad ka rin ni Aikka, ang kailangan mo lang ay maging matatag ka"
Maging matatag?
Mahirap gawin ang bagay na iyon. Sobrang hirap.
~•~•~
Natapos ang practice namin, hanggang ngayon, sobra pa rin akong nalulungkot sa mga pangyayari.
Sana kahit man lang sa huling araw na ito ay makita ko siya...
Kasi sobrang ko siyang mamimiss.
Kaya sana...ngayong araw na ito, masilayan ko ang mukha niya.
"Nathan...." ang boses na iyon.
Agad akong napalingon at hindi ako nagkakamali, si Aikka.
"Aikka" yayakapin ko na sana siya pero bigla akong pinigilan ni Markus.
Sumenyas siya at tumingin sa bandang kaliwa nitong gymnasium. Nakita ko si Jenna na nanonood sa amin sa sulok.
"anong kailangan mo?" sabi ko, hindi ko na siya tiningnan sa kanyang mga mata kasi ayaw kong mabasa niya ang totoo kong emosyon ngayon.
Ayaw kong malaman niya na sobra akong nalulungkot dahil aalis na siya.
"hindi mo na ako kailangang ipagtabuyan, di ba I already told you na ako na ang kusang lalayo?"
(para akong tinusok sa puso dahil sa mga sinabi niya)
At gusto kong sabihin sa kanya ngayon na---- huwag ka nang umalis Aikka dahil mahal na mahal kita.
"oo, lumayo ka na..ilang ulit ko pa ba iyong sasabihin sa iyo?"
Napayuko siya sa sinabi ko. Ang hirap pero ito ang dapat kong gawin.
(huminga siya ng malalim)
"this is my last day here kaya gusto ko itong ibigay sa iyo" tapos iniabot niya ang isang box, ito 'yung regalong ibinigay niya sa akin noon na hindi ko tinanggap.
"I know na kahit papaano, naging magkaibigan naman tayo kaya sana, tanggapin mo iyan for the sake na lang sa memories natin noon"
Hindi ko na kaya. Gusto ko nang maging emosyonal sa harapan niya.
Gusto kong sabihin na "Aikka sorry dahil nasaktan kita. Sana magbago ang isip mo. Huwag mo akong iwan dahil hindi ko kaya"
"I think ito na rin ang huling conversation natin....until we meet again..."
Aikka, huwag mong sabihin ang salitang paalam. Ayokong marinig iyan mula sa iyo.
"Salamat sa pagiging parte mo sa buhay ko"
Aikka, please.
"Good bye Nathan" tapos tumalikod na siya.
Doon na tumulo ang aking mga luha...habang pinagmamasdan ko siyang lumalakad papalayo.
Hanggang sa hindi ko na siya makita.