Nagtagal si Hendrick sa loob ng restroom ng girls at nagmumuni muni sa loob ng cubicle. Nakaupo sa inidoro at doon hinahayaang dumaloy ang mga dugo.
"Miss, ayos ka lang ba diyan?" Tanong ni Ashley, ito yung babaeng nagsabi sa kanya na may tagos siya kanina.
Kaya pala parang basa ang panty niya at hindi siya komportable sa inuupuan niya.
Nahihiya si Hendrick dahil unang una, may tagos siya. Bilang lalake, wala sa hinagap niya na mangyayari ang kahihiyang ito sa kanya.
Nandidiri siya mga dugong lumalabas sa kanya, pangalawa, naiirita siya na babae siya at kailangan niyang dumaan sa ganitong bagay, napagbuntunan niya tuloy ang kaklase niyang mas matangkad at malaking lalake sa kanya.
Ngayon nangyari sa kanya kung anong nangyayari sa ibang babae.
Suminghap siya. Ang sakit ng puson niya!
"Miss, okay ka lang ba diyan? Hindi ka pa naman kinakain ng inidoro, ano?" tanong nung makulit na ashley.
Tumikhim si Hendrick. Kung hindi lang siya babae, hinalikan niya na ito sa sobrang daldal. At naalala niya ang tuhod nito na namamaga dahil sa pagkakatalisod at pag tama sa semento nang papunta silang restroom ng girls.
"May extrang napkin ka?" tanong niya rito.
Saglit na natahimik yung babae. Kumunot ang noo ni Hendrick sa pagtatakha. "Hindi ka pa naman kinain ng lababo, ano?" tanong niya rito.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Wala kasi akong extrang napkin..."
Huminga ng malalim si Hendrick at uutusan sana itong bumili ng napkin ng bigla itong magsalita
"Pampers lang ang meron ako, eh." Napahinto si Hendrick sa sinabi ni Ashley.
Parang nagkaroon ng kuliglig sa loob ng cr dahil sa sobrang tahimik nilang dalawa.
Kumunot lalo ang noo ni Hendrick. Pampers? Di ba para sa baby yun?
"Yun ang ginagamit mo?" tanong ni Hendrick.
Parang natataranta naman ang boses ni Ashley, "H-hindi, para sa anak ko 'yun."
Oh. May anak siya. She's a hot mom. Medyo nahihiya yung babae kay Hendrick.
"Ash, puwedeng makiusap?"
"Ano 'yun?"
Kuliglig dahil sa katahimikan.
"'Yung Pampers gagamitin mo?" tanong ni Ashley. Napahilamos sa mukha si Hendrick. Tangina, hindi niya akalain na manghihingi siya ng Pampers sa kaklase niya.
"Yes, please." mahinang sambit niya.
Agad na sumulpot sa taas ng pinto ang Pampers at agad niya itong kinuha.
"Ano pala ang pangalan mo?" Tanong ng babae.
"Hen-Zyra. Zyra ang pangalan ko." Napahinga ng malalim si Hendrick. Muntikan na siyang dumulas.
Binuklat niya ang pampers. Ngayon ay haharapin niya ang pangalawang problema. Paano gamitin ito?
Kuliglig ulit sa sobrang katahimikan. Tangina, paano ba ito? Isasalpak lang ba ito?
Isinalpak niya lang sa kaselanan niya ang Pampers at hindi na nag abala pang ayusin. Lumabas siya ng cubicle pagkaflush niya ng toilet.
Tanginang Pampers yan. Hindi komportable puta.
Hinarap niya si Ashley at tiningnan ito. May tagos ang palda niya kaya napaisip siya.
"Puwede mahirap yang coat mo?" Tanong niya.
Napaisip si Ashley at hinubad agad ang coat. Pero agad din nagsisi si Hendrick dahil ngayon ay nakita niya ang balat nito.
The collarbones, her smooth skin, her cleavage. Agad na napalunok si Hendrick at nakaramdam ng libog. Sinubukan ni Hendrick na pakalmahin ang sarili niya. Tangina.
Napasinghap pa si Hendrick sa gulat dahil biglang yumakap si Ashley sa kanya. Yun pala ang ipinulupot lang nito sa kanya ang kanyang coat.
Parang gusto niyang halikan ang mga mapulang labi nito. Sa likod ng malaki at makapal na eyeglass nito ay kitang kita niya ang mapungay nitong mga mata na kulay tsokolate. Matangos na ilong.
Nakapony tail din ang mahaba nitong buhok.
Ngumiti ito sa kanya at parang tumigil sa pag ulos ang mundo niya. Ang ganda ng ngiti nito.
Umiwas ng tingin si Hendrick dito at tumingin ulit siya sa salamin at nasilayan niya na naman ang kanyang mukha na ubod ng pangit, ang laki ng eyebags, ang daming pimples at sobrang oily ang buhaghag din ng buhok niya at sobrang taba niya pa. Ang mga taba niya ay sobrang laylay at nakakairita sa mata.
He felt frustrated. Tang-ina. Bakit kailangan niyang dumaan dito? Magiging babe na nga Lang siya ganito pa kapangit?
"You actually look cute." sambit ni Ashley.
Kumunot ang noo ni Hendrick, "What?"
"Ang problema lang naman ay ang oily face, pimples at eyebags mo pero your features looks fine, kapag na-make-overan ka, sobrang ganda mo siguro."
Natawa si Hendrick sa sinambit ni Ashley.
"Tara na? Male-late na tayo sa klase." Yaya nito.
Ilang segundo bago siya nakaimik.
"Uuwi muna ako sa bahay at magpapalit."
Maglalakad na sila palabas ng restroom ng bigla itong ngumiwi.
"Ayos ka lang?" Tanong niya. Hindi pa humuhupa ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa babaeng katabi niya.
"Medyo masakit lang ang tuhod ko– Hala!" Gulat ang reaksyon nito dahil hindi niya akalain na bubuhatin siya ni Hendrick palabas ng cr.
Naka piggy ride back ang pagkakabuhat sa kanya. Pinag titingnan sila sa hallway. Naaamoy ni Ashley ang pang lalakeng pabango ni Hendrick kaya naguguluhan niya itong tiningnan.
'May boyfriend siya?' tanong ni Ashley sa sarili.
Ang lakas niya, grabe. Sabi ni Ashley sa isip isip niya.
Pinagmasdan pa ni Ashley ang itsura ni Hendrick.
Walang kangiti-ngiti ang labi ni Hendrick. Sa kabila ng eyebags, pimples at oily face, chinita ang mga mata nito, mahaba at makurbang ang mga pilik-mata, at matangos ang ilong, mapula din ang labi niya.
Namula ang pisngi ni Ashley! Oh my gosh!
Nagulat na lang si Ashley na nasa tapat sila ng clinic.
Binuksan ni Hendrick ang pinto at ibinaba siya sa isang kama doon.
"Magiging maayos ka lang ba dito?" tanong ni Hendrick.
Tumango ang si Ashley at nakatulala pa rin sa kanya.
"Hintayin mo lang ang nurse. Sila na ang bahala sa 'yo. Here." Inabutan ng limang libo ni Hendrick si Ashley pero agad na umiling ang babae.
"Hindi ko kailangan ng pera."
"Para sa anak mo 'to." Natulala si Ashley at mas lalong kumunot ang noo.
"What?" Nailang si Hendrick sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"Bakit mo 'ko binibigyan ng pera para sa anak ko?"
Nagtagis ang panga ni Hendrick bago nag salita.
"Pambili ng Pampers."
Hindi alam ni Ashley kung tatawa ba o magseseryoso. "Are you serious?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Ashley habang may naglalarong ngiti sa mapulang labi.
Fuckboy mode: ON
Napataas ang kilay ni Hendrick habang may pilyong ngiting naglalaro sa labi. He leaned on her and smiled,
Ashley immediately blushed, somehow, even though Zyra has so many pimples, she looks so handsome.
She felt her heart beats faster than before.
"Just take it as my thanks for your help."
Hendrick eyed on her lips, somehow, he felt tempted to do something...
He stood up straight and headed towards the door, "I'll excuse you in case our professor attended the class." He looked at her and smiled, "take care, Ash." With those words Hendrick left Ashley in the clinic.
AHRIANDASHE