webnovel

Tuso Sa Tuso

Napuno ng takot si Ames ng madinig ang boses ng ama.

"PAPA! PAPA! PAPA!"

Sigaw ni Ames.

Nagulat ang mga kasamahan nito sa ingay na ginawa nya pero huli na para pigilan sya dahil patakbo na ito sa direksyon kung saan nya nadinig ang sigaw. Naalarma na nya ang paligid at nalaman na ng mga tauhan ni Cong. Mendes na nakapasok sila.

'Naloko na!'

Natatarantang sabi ni Matt ng mapansing isa isang naglilitawan ang mga tauhan ni Cong Mendes.

Hindi marunong humawak si Matt ng baril at ang tangi nya lang sandata ay ang kamera nya pero kahit papaano kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya kaya nagawa nyang ilagan ang mga palusob.

May kamera sya na nakasabit sa leeg nya pati sa suot nyang helmet, pwera pa ang dala nya.

Kinukuhanan nya ang bawat kilos nila.

Mas pinili nyang sundan si Ames. Agad namang naka alerto si Dong at mga kasama nya para pigilan ang gustong manakit kay Ames at Matt.

'Juskolord, ano po ba itong napasukan ko?'

Lima lang silang security ni Miguel na kasama ni Ames, pero hindi matatawaran ang galing ng mga ito sa pagsabak sa gera.

Kaya bale pito silang pumasok sa bahay ni Congressman para itakas si Lemuel.

Ang plano nila ay pasikretong pumasok para itakas si Lemuel ng tahimik, wala sa plano nilang makipaglaban. Madali sana kung hindi nangyari ito.

Hindi napigilan ni Ames ang bugso ng damdamin nya habang naririnig ang boses ng ama na tinotorture.

Agad na prinoteksyunan ni Dong si Ames at Matt, hinarang ang lahat na papalusob sa kanila habang ang iba naman kasama nya ay busy na sa pakikipagpalitan ng putok.

"Madam, Madam! Dito muna po tayo magtago!"

Hinila ni Matt si Ames sa may gilid ng isang trak para hindi sila matamaan ng mga putukan.

Pansamantalang nawala ang mga hiyaw ni Lemuel dahil napahinto ang dalawang nagpapahirap sa kanya ng madinig ang putukan sa labas.

"Saan galing iyon? May nakapasok ba sa loob?"

"Hindi ko alam! Baka nga pinasok tayo! Kailangan malaman ito ni Congressman!"

"Teka, anong gagawin natin dyan?"

Sabay turo nito ng hawak na baril kay Lemuel na umiiyak sa sakit na nararamdaman.

"Hayaan na natin iyan dyan! Hindi na makakatakas yan! Hehe!"

Bali na ang dalawang binti ni Lemuel pati ang isang braso nito at parang mauubusan na rin sya ng hininga.

Matanda na sya, hindi na nya kaya ang ganitong torture kaya mas gugustuhin pa nya ang mamatay ng mga sandaling iyon para takasan ang pahirap na ito. Tutal natitiyak na naman nyang papatayin din sya ni Cong. Mendes kaya bakit kailangan pa nyang mahirapan ng ganito? Bakit hindi pa sya tuluyan ng diretso ni Congressman?

Dahil hindi nya akalain na ganun kademonyo si Cong. Mendes. Nakakaramdam ito ng kasiyahan habang unti unting nakikitang tinotorture ang isang tao.

Naliligayan sya pagnaririnig nya ang hiyaw at pagmamakaawa sa kanya habang pinahihirapan nya ang biktima nya lalo na ang umiiyak na mata ng biktima nya.

Gaya ng ginawa nya sa ina ni Matt. Paulit ulit nya itong sinaktan at pinagsamantalahan.

Hindi makakalimutan ni Matt ang mga sugat at latay sa buong katawan nito. Ang sabi ng mga pulis ay gawa daw ito ng mababangis na hayop sa paligid.

Pero hindi sila naniniwalang mag ama. Alam nilang may kinalalaman si Cong. Mendes sa nangyari sa Nanay nya.

"Madam, ang Papa nyo po ba ang itatakas natin?"

Tanong ni Matt.

Maging sya ay kinilabutan din ng madinig ang iyak na narinig kanina.

Naalala nya ang kanyang ina.

"Oo! Kailangan kong maitakas ang ama ko sa demonyong Cong. Mendes na yun!"

Sabi ni Ames.

Pero paano nya magagawang makalapit sa kwadra, kung umuulan ng putok sa paligid.

*****

Pare, kanina ko pa tinatawagan si Congressman pero hindi nya sinasagot, anong gagawin natin?"

"Tawagan mo ng tawagan at patay tayo dun kapag nalaman nyang may nakapasok dito sa secret house pero hindi natin inireport sa kanya!"

Naintindihan ng may hawak ng telepono ang ibig sabihin ng kasama nya, ayaw nyang matulad kay Lemuel kaya hindi nya tinigilan ang pag dayal.

"Congressman, kanina pa may tumatawag sa'yo, baka importante yan, sagutin mo muna."

Sabi ni Leon.

Inaasahan na ni Leon na sa huli, sya din ang pupuntahan ni Cong. Mendes pero hindi nya inaasahan na gusto nitong gawin ang plan B.

Hesitant syang gawin ang Plan B nung umpisa pa lang na minungkahi ito ni Congressman, hindi dahil sa hindi sila magtagumpay kundi dahil sa tuluyan ng mawawala sa kanya ang lahat.

Well, sa sitwasyon nya, gawin man nya yun o hindi, mawawala din naman sa kanya ang lahat kaya nakipagkasundo sya kay Congressman dahil hindi naman papayag si Cong. Mendes na humindi sya.

"Ano bang problema ng bwisit na ito at tawag ng tawag? Napakasimple ng instructions ko sa kanila, huwag akong gambalain dahil napaka importante nitong gagawin!"

Hindi nya sinagot ang phone at inoff pa nya ito para hindi na ulit tumawag.

"Bakit hindi mo sinagot baka emergency?"

"Ano bang emergency? Andito ako at wala duon ang pamilya ko, kaya kahit na mamatay sila dun wala akong pakialam, binabayaran ko sila para mag bantay duon, kaya gawin nila ng maayos!"

Inaasahan na nyang gagawin nya ang Plan B kaya inilayo na nya ang pamilya nya agad.

Pinapunta nya sila ng Maynila para kung sakaling nagka bulilyaso, ang alam nila nasa Maynila ang pamilya nya at kasama sya.

Hindi na nagsalita pa si Leon. Alam nya ang ugali ni Congressman, basura lang ang tingin nya sa mga tao sa paligid nya at buhay nya lang at sa pamilya nya ang mahalaga.

"Kelan mo ba balak gawin ito?"

Tanong ni Leon.

"Mamaya! Kaya isinama ko na ang mga tauhan ko para umpisahan na pag tahimik na ang lahat."

Ang ibig sabihin ni Cong. Mendes ay kapag tulog na ang lahat.

Maagang natutulog ang mga tao sa probinsya, usually nasa loob na ito ng bahay ng alas otso at karamihan sa kanila ay tulog na pagdating ng alas nwebe. Mangilan ngilan na lang ang nasa labas.

"Pamumunuan ko ang gagawin nilang pagtanim ng bomba sa paligid ng Hacienda Remedios, para masiguradong nasa ayos ito!

Para bukas, handa na ang big surprise ko para sa big party! Hehehehe!"

"Kung hindi ko rin lang mapapakinabangan ang lupaing ito, mas maigi pang ibasura na lang kasama ng mga taong nariyan! Hehehehehe!"

"Hehehehe!"

Nakikitawa na lang si Leon sa kanya, dahil may iba syang balak.

Pagkatapos nila dito, aalis na sya.

Pinauna na nya ang asawa nya para hindi ito madamay at sya ay mamayang madaling araw aalis.

'Hindi mo ako maloloko Congressman, alam kong kaya ka nagtungo dito para gawin akong scapegoat!'

'Alam kong plano mong ibintang sa akin ang lahat!'

'Hindi ako makakapayag!'

Sa isip ni Leon.

"Hehehehe!"

Nakangiti naman si Cong. Mendes pero sa nakangisi ang kalooban nito.

'Siraulo ka Leon, sa tingin mo ba matatakasan mo ako?'

'Alam kong may pinaplano kang tumakas at hindi ako makakapayag!'

'Hehehehe!'

Bab berikutnya