webnovel

Hindi Daw Date

"Hmmm... ano nga ulet ang reason bakit tayo nag de date ngayon?"

Tanong ni AJ kay Eunice.

"Teka anong date, hindi 'to date, gusto lang po kitang ilibre, saka gutom ako, hindi pa ako nag lunch!"

Paliwanag ni Eunice.

'Hindi daw date pero lunch lang! Hehe!'

"Okey sige na hindi na 'to date, pero why nga? Na miss mo ba ko?"

Pangungulit ni AJ

"Well I heard kasi na sinundo mo pala ako yesterday pero hindi tayo nagkita, thank you and sorry for that! Kaya gusto ko ngayon bumawi!"

"Hmm? Talaga yun lang ang dahilan, gusto mo lang bumawi?"

Pangungulit ni AJ.

'Wala talaga akong maitago sa taong 'to! He can read my mind's!'

"And of course gusto kong iwan yun dalawa para magkaron naman sila ng moment! Hehe!"

'Sabi ko na hindi talaga ako ang reason nya pero atleast nagkaron kami ng date!'

"So what's goin on with those two lovers? Mukhang seryoso na silang ilevel up ang relationship nila, hindi na ba natatakot si Mel sa father ni Kate?"

"Matagal ng pinaghahandaan ito ni Beshy kaya nagsusumikap sya na maging maayos ang negosyo namin!"

Simula ng magtrabaho sa company nya si Eunice, ibinigay na nya ang pagma manage ng mga small businesses nila kay Mel, sya na lang nag ha handle ng accounting part.

Sineryoso ito ni Mel ng husto kahit nahihirapan syang pagsabayin ang pagaaral at pagma manage ng negosyo para sa future nila ni Kate.

"Well iba na si Beshy ko ngayon, matagal na nya itong pinaghandaan and I'm sure matagal na syang seryoso sa pinsan ko!"

"... and this time hindi na sya basta basta mamaliitin ni Tito Jaime!"

"That's good! So what about you? Any plans?"

Muling tanong ni AJ

"Plans, what plans?"

Gulat na tanong ni Eunice.

"Love life?"

"Bakit mo naman bigla akong tinanong tungkol dyan?"

'Loko talaga ito, lagi akong binibigla sa mga tanong! May alam kaya sya?'

Tiningnan ni AJ ng si Eunice na parang pinagaaralan.

"Bakit ba ganyan ka makatingin? Naiilang ako!"

"Sorry Coffee, gusto ko lang naman malaman kung may boyfriend na ba ang Coffee ko!"

"Coffee mo talaga! Wala! Walang nanliligaw sa akin! Saka papaano ako maliligawan e lagi kang nasa tabi ko!"

"Gusto mo bang ako ang manliligaw sa'yo?"

Pabiro ang dating na tanong ni AJ pero seryoso sya sa tanong.

"Milky, pwede ba huwag mo akong simulan sa mga biro mo!"

Hindi maintindihan si Eunice pero apektado sya sa mga tanong.

Nagiiba ang tono ng heartbeat nya. Naliligalig.

"Bakit ayaw mo ba? Hindi ba pwede? Siguro meron ka na ngang someone dyan?"

Sunod sunod ang mga tanong ni AJ na nagpa tensyon kay Eunice.

'Lekat na 'to seryoso ba 'to o hindi?'

"Wala talagang someone, ang kulit, kulit mo talaga, Milky!"

Napansin ni AJ ang pamumula ng tenga nito, nangiti sya kaya napansin naman ni Eunice ang hindi maitagong ngiti nito.

'Hmp, ayan na naman ang pilyo nyang mga ngiti! Ano na naman kayang iniisip ng Milky na 'to?'

"Ano na naman po yang nasa isip mo?"

Tanong ni Eunice.

"Well, wala kasi akong girlfriend at ikaw lang ang girl na malapit sa puso ko ngayon ... and you, sabi mo wala ka pang someone, so... okey lang siguro kung ligawan kita!"

Napamulagat ang bilugan mata ni Eunice.

'Gosh her eyes are so adorable!'

'I want to kiss her now!'

Pinigilan ni AJ ang sarili nya, kinuha nya ang tubig at ininom para pakalmahin ang nararamdaman nya.

Walang maisagot si Eunice sa sinabi ni AJ. Paano nya sasagutin kung hindi nya makontrol ang tugudog tugudog ng puso nya?

"Coffee, okey ka lang?"

Tanong ni AJ ng mapansing tumahimik ito ng matagal.

Pinilit huminga ng malalim ni Eunice. Ilang beses.

Nang mahimasmasan, saka nagsalita.

"S-Seryoso ka ba sa sinasabi mo, Milky o binibiro mo lang ako?"

Sumeryoso si AJ.

"Hindi naman kasi sa lahat ng oras lagi tayong nakabuntot dun sa mag jowa, kailangan din natin ng lovelife!"

Paliwanag ni AJ.

May katwiran nga naman sya.

"Well tama ka Milky, pero, hindi ko alam ang isasagot ko sa'yo. Siguro after 5 years pag wala pa rin akong boyfriend at wala pa rin ikaw girlfriend then, pwede na siguro, baka.."

"So ... you mean, I have to wait after 5 years. Pag wala ka pang jowa at wala pa rin akong jowa, tayo na ang mag JOWA! Hehe!"

Napaisip si Eunice.

'Teka, hindi naman yun ang ibig kong sabihin ah!'

'Ibig kong sabihin pwede na nya kong ligawan, bakit JOWA agad?'

Pero hindi na nya kinorek si AJ dahil maging sya ay natutuwa ding isipin kung anong pwedeng mangyari bago mag five years ... and after five years.

Bab berikutnya