webnovel

Daddy's Date

Kinabukasan na nagising si Eunice. Napagod talaga sya sa ginawa nya kahapon kaya hindi na nya namalayan ang nangyayari pagkatapos.

Hindi na nya alam ng dumating sila sa bahay at buhatin sya ng Daddy Edmund nya paakyat ng room nya kahit hirap na hirap na ito at butil butil na ang pawis nya sa bigat ng anak.

Wala syang kinain kagabi kaya pagmulat ng mata nya, pagkain kaagad ang hinahanap nya, pero nahuli sya ng Daddy nya.

"Ops, ops, ops! Anong plano mong gawin?"

"Daddy, gutom na gutom na po ako!"

"Ito inumin mo!"

Binigyan sya ng nito ng isang basong gatas.

"Hindi ka pa pwedeng kumain! May training pa tayo! Kaya bilisan mo na dyan at aantayin kita sa gym!"

"Daddy naman eh! Isang bite lang po please!"

"NO! Magayos ka na!"

Walang nagawa si Eunice kungdi sundin ang ama. Umakyat na ito para magpalit.

'Sorry anak pero kailangan mo na talagang magbawas ng timbang!

Grabe! pakiramdam ko parang nabali ang balakang ko sa pagbuhat sa batang yun kagabi!'

Sa gym.

Nasa kalagitnaan ng training nya si Eunice ng kausapin ito ng ama.

"Baby, may good news nga pala ako sa'yo! Nakita ko na ang mother ng friend mong si Alicia!"

"Talaga po!"

"Oo! Pero matanong kita, bakit mo pinahanap ang mommy nya?"

"Kasi po laging bitter si Alicia, baka po pag nagkita sila ng mommy nya mabawasan ang pagka bitter nya!"

Feeling ni Edmund gusto nyang maluha sa sinabi ng anak.

'Ang bait ng anak ko!'

"Dad ano pong mangyayari kay Alicia at sa Daddy nya pagkatapos?"

"Sa ngayon binigyan sya ng warning sa ginawang pananakit ng Daddy nya sa kanya!"

"Nagiba kasi ang statement ni Alicia kaya walang nagawa ang DSWD!"

"Pero pag sinaktan nya ulit si Alicia may posibilidad na syang makulong!"

"Paano po pag dumating ang mommy nya anong pong mangyayari?"

"Syempre depende na yun sa mommy nya!"

"Ang kumpikado po pala!"

"Teka, may kinuwento sa akin ang Mommy mo sa akin kagabi! Totoo ba na nasagutan mo yung Math problem na yun?"

"Opo Dad!"

"E bakit ka sad?"

"Sabi nila genius daw po ako! Ayokong maging genius! Pag genius ako ma accelerate ako tapos ilalaban ako sa ibang bansa para mag compete! Ayoko nun hindi po masaya, mawawalan ako ng life parang si Ate Kate hindi nya naeenjoy ang pagiging highschool students!"

Masaya namang sumasangayon si Edmund sa anak.

Pero ang di nya alam may iba pang dahilan si Eunice kaya ayaw nyang maging katulad ng Ate Kate nya.

'Nakakatamad naman kasi mag compete! Mas masaya dito sa bahay!'

'Saka hindi ko makikita si Jeremy ko everyday!'

Baby, kahit anong maging desisyon mo susuportahan kita!"

"Proud Daddy ata ito! At bilang proud Daddy, promise ko sayo today will be our Father and daughter date! Punta tayo sa mall kahit saan mo gusto call ako!"

"Talaga po Daddy, tayong dalawa lang po?! Promise?"

"Yes baby ko, tayong dalawa lang!"

"Hindi po natin isasama si Earl?"

"Syempre kaya nga Father and Daughter date!"

Masayang masaya si Eunice na ibinalita ito sa ina ng mag breakfast sila.

"Good! Mag date kayong mag ama! Isama nyo si Earl!"

"Yehey!"

Tuwang tuwa si Earl

"Mom, kami po ni Daddy ang may date bakit po kasama si Earl?"

"Kasi anak may meeting ako today sa mga teacher, remember! Pag umalis tayo maiiwan ang kapatid mo, kawawa naman sya! Kaya isama nyo na anak!"

"Mom pagkasama po si Earl hindi na magiging Father and Daughter date yun magiging Earl day na iyon!"

"Bakit naman?"

"Kasi po pag magkasama sila ni Daddy hindi na po nila ako napapansin!"

'May point nga itong si Eunice! Pag magkasama nga itong mag ama may sarili silang mundo lalo na pag pumapasok sila sa mga video arcade.'

'Pero anong gagawin ko, hindi ko pwedeng I cancel ang meeting ngayon?!'

'Haay hirap maging nanay!'

"Basta! Isama nyo si Earl!"

Walang magawa si Eunice kungdi ang sumibangot sa unfair treatment na ito.

"Hindi na lang po ako sasama sila na lang po ni Daddy at Earl ang mag date! Maiwan na lang po ako dito!"

At tumayo na ito na hindi tinatapos ang pagkain nya.

"Eunice, san ka pupunta? Hindi ka pa tapos kumain!"

"Sorry po, wala na po akong ganang kumain! Akyat na po ako sa silid ko!"

"EUNICE!"

Pinigilan ni Nicole ang asawa.

"Hayaan mo na, tumuloy na kayo ni Earl at si Kate na ang pasasamahin ko kay Eunice! Nagpaalam naman sila sa akin kahapon na mag pupunta sila ng mall hindi lang natuloy!"

"Kasalanan mo 'to e!"

Sisi ni Nicole sa asawa.

"Bakit ako? ano bang ginawa ko? Nananahimik ako dito, kayong dalawang mag nanay ang nagtatalo dyan ah!"

"Eh kasi po, mag iischedule ka ng date na alanganin! Hmp!"

Pagkatapos ng breakfast nagtungo na si Nicole sa school at ang mag ama sa date nila.

Nasa room lang nya si Eunice at wala syang ganang bumangon. Masama ang pakiramdam nya at tinatamad sya na hindi nya maintindihan.

Bab berikutnya