webnovel

EXOTIC FOOD

"Wow! Ang sarap naman ng pagkain na 'yan! Pahingi naman friend!"

Abala si Cheska Caranto sa pagtitingin ng mga komento sa kanyang Instagram. Siya'y isang turista, kinahiligan niya ang pagpunta sa iba't-ibang dako ng mundo. Mga litrato ang nagsisilbing alaala niya sa pagpunta niya roon. Nais niyang ipagpatuloy ang pangarap ng kanyang ama.

Ang kanyang ama na isang researcher- mahilig sa pagdidiskubre ng mga bagay-bagay. Nais niyang sundan ang mga yapak nito na kama-kailan lang ay yumao na.

"Friend, hayaan mo uuwi ako riyan upang ipakita sa iyo ang mga litrato. Hindi pagkain, ah! Hahahah!!!" biro niya.

"Friend, aasahan ko 'yan!"

"May exotic food ka bang alam diyan sa Pilipinas?" tanong niya.

"Oo, friend matatanggal ang kaliwa't-kanan mong tenga pag natikman mo." Indorso ng kanyang kaibigan.

"Oh, Sige, friend bye!" pagpapaalam niya.

Pagkatapos ng usapan nilang dalawa ay kaagad tumihaya si Cheska sa malambot na higaan. Nasa state siya ngayon, sa isang magarbong condo na ibinigay ng kanyang ama. Ang kanyang Ina ay nasa ibang bansa, mas malayo sa kanyang lugar.

Masarap siguro iyong pagkain na sinasabi ni Marlyn?

Lahat na ng pagkain ay kanyang natikman ngunit mayroon pa siyang hindi natitikman. Ang sinabi sakanya ng kanyang kaibigan. Ginagawa niya ito dahil sa kanyang pangarap at para rin sa kanyang ama.

Tatlong araw na rin ang nakalipas ay nakadating na rin siya sa kanyang kinalakihang lugar- ang Maynila. Maingay, madumi at mausok ang nagsisilbing tanda sa lugar na kanyang tinitirahan dati. Sana'y na siya sa mga ganitong bagay, ang mahirap lang talaga sa kanyang sarili na balikan ay ang alaala ng kaniyang ama.

Naalala niya pa noong walang habas na pinagsasaksak ang kaniyang ama. Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang mga mukha ng pumatay sa kaniyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa niya lubos maunawaan kung bakit pinatay ang kaniyang ama. Na nagdulot ng pagkasira ng kanyang pamilya.

"Cheska, si Marlyn ito. Saan kana? Akala ko alas-sais ng umaga ang pagpunta mo rito?" tumunog ang kaniyang cellphone dahilan upang bumalik siya sa kanyang ulirat. Si Marlyn pala tumatawag.

"Marlyn, sorry aabutan siguro ako ng alas-siete dahil nasiraan ako rito." paliwanag nito.

"Okay, tinawagan ko na pala ang nagtitinda ng exotic food." Bakas sa boses ng kanyang kaibigang Marlyn ang kasabikan.

"Oh, I'm so excited." Bakas naman ang tuwa sa kanyang mukha ng sabihin ni Marlyn iyon sa kanya. Panibagong putahe na naman ang kanyang matiitikman.

"Oh, I'm so excited too." Pangganggaya ng kanyang kaibigan.

Dumating din siya sa wakas sa bahay ni Marlyn. Kaagad siyang bumaba upang mag-doorbell. Malawak ang kinatitirikan ng bahay ng kanyang kaibigan. Umaliwalas ang mukha niya matapos niyang mapansin ang kagandahan ng tahanan ni Marlyn.

Nagpalinga-linga siya. Kanina pa kasi siya pindot ng pindot ng doorbell pero wala namang sumasagot. Napansin niyang bukas ang pintuan kaya wala siyang sinayang na pagkakataon. Pumasok siya dahil baka nakalimutan ni Marlyn na isarado ang kanyang pintuan.

Bumungad sa kanya ang makukulay at masining na pintura sa iba't-ibang gilid ng bahay. Ngayon niya lang natuklasan na isa palang pintor ang kaibigan niya.

Manghang-mangha siyang umupo sa malambot na sofa ng kanyang kaibigan. Ngunit nagsimula na siyang magtaka ng may nakita siyang sulat sa ibabaw ng babasaging lamesa.

Cheska, pahintay nalang ang "Cool Foods". Sila ang isa sa mga nagtitinda ng exotic food dito sa Pilipinas. Babalik din ako agad, may pupuntahan lang ako.

Matapos niyang ilipag ang sulat ay mayroong pumindot ng doorbell. Una'y hindi niya ito pinansin dahil baka pinaglalaruan lang ito ng mga batang gala. Ngunit ng umulit ito ay nakuha na nito ang kanyang atensiyon.

Paglabas niya ay naaninag niyang may trak na nakahinto sa tapat ng bahay. Sinilip niya sa butas parang makasiguro siyang hindi iyon magnanakaw na nababalitaan sa t.v.

"Cool Foods Corporation po!" Napaatras siya matapos sumilip ang isang 'di kalakihan na lalaki. Mapapansin na nagsasabi siya ng totoo dahil sa suot niyang may mga letrang "COOL".

Binuksan niya ang pintuan kasabay ng pagpasok ng lalaki. "Maari po bang maki-Cr? Pakiramdam ko po kasi puputok na ang pantog ko." wika ng lalaki habang nakahawak ito sa maselan niyang bahagi ng katawan.

Lumipas ang minuto ay nakirinig si Cheska ng tunog sa loob ng trak. Dahil din sa kaosyosohan niya ay sinilip niya ang nasa loob nito. Laking gulat niya ng makita ang kung anu-anong parte ng katawan ng tao na walang humpay na ginigiling. Napasuka nalang siya sa gilid matapos niyang makita iyon, pakiramdam ni Cheska ay babaliktad ang sikmura niya.

Nabigla nalang siya matapos lumabas ang lalaking kanina ay pumunta sa kanilang kubeta. Ngayo'y may hawak na itong matalim na kutsilyo na walang humpay niyang hinahasa. Nakangisi siya habang may kinakausap na kung sino sa kabilang linya.

"Order of Marlyn, right away!" Hindi maalis ang ngiti nito habang binibitawan niya ang mga salita na iyon.

Bab berikutnya