webnovel

CHAPTER 14: Rain or Tears

ASTRID

"Y—Your hand is faded?"

Kitang kita ko ang pag ka gulat sa mga mata ni Ren, Pero bago pa man siya makapagsalita muli ay inunahan ko na siya.

"Leave me alone, Ren---"

"Astrid---"

"...P--Please"

Pag kasabi ko ng mga katagang iyon ay mabilis na akong tumakbo palayo. Wala akong idea kung saan ako dadalin ng paa ko basta ang nasa isip ko lang ay lumayo kay Ren.

Ayokong makita niya akong ganito, ayokong makita niya na hindi talaga ako tao. Ayokong ipakita ang kahinaan ko.

Napatingin ako sa aking kamay, at tama nga si Ren malaking bahagi ng kamay ko ay unti unti nang naglalaho. Nagulat ako nang may kung anong mainit na tubig ang pumatak sa aking pingi, hinawakan ko gamit ang isa kong kamay, isa itong luha...?

Ilang sigundo lang ay may pumatak na tubig pati sa bahagi ng aking katawan, at napansin ko nalang na umuulan na pala.

Dinampi ko ang bahagi ng aking pisngi... sigurado ako na luha ang pumatak doon, paanong nangyari na lumuluha ako?

Hindi... baka ulan lang iyon na naunang pumatak sa pisngi ko. Tama...

Unti unti ay nawala ang ulan sa kinatatayuan ko.

"What you are doing here?"

Napatingin ako sa taong nasa harap ko ngayon na may hawak na payong at malamig na nakatingin sa akin.

"Sirius?"

Umiling iling ako para masigurado na siya nga ang lalaking nakatayo sa harap ko.

"Tss, stupid I said what you are doing at the middle of the rain?" he asked again.

"Ahh--- ano kasi..."

Seriously, I don't know what to say...

Pero sadyang mapagmasid siya at napansin niya ang kamay ko na unti unti nang naglalaho. Agad na itinago ko ito. Ayokong pagtawanan niya ako dahil sa nangyayari sakin.

"You are started to fade huh"

Di ako sumagot at nagbaba ng tingin, malamang ay alam niya na nga ang susunod na mangyayari sa akin.

Naramdaman ko na umalis siya sa harap ko at naglakad.

"Sakay"

"Huh?" nag angat ako ng tingin at kita ko na may dala pala siyang sasakyan.

"I said hop in"

Sirius...

***

OREN

"Leave me alone, Ren---"

"Astrid---"

"...P--Please"

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni Astrid nang sabihin niya ang mga katagang iyon, I don't understand her. Why she need to leave?. Ni hindi niya man lang ako hinahayaan magsalita.

I'm worried about her.

Ilang minuto pa akong nakatayo dahil sa gulat, a part of her hand is started to fade at ngayon ay nandito ako at walang magawa.

Bigla ay nakaramdam ako ng mga patak ng ulan. It's raining, and I need to find her, masyadong delikado para sa kaniya na maglakad lakad ng magisa at umuulan pa.

Nagmadali akong kumuha ng payong saka nagsimulang hanapin siya, tumawag na din ako ng security para magpatulong maghanap sa buong village.

Where are you... Astrid

Lumalakas na ang ulan nang may mapansin akong pamilyar na kotse lumabas doon ang isang lalaki na may hawak ng payong... Sirius?

Naglakad ito papunta sa isang babae. He handed an umbrella towards to the girl to protect her in the rain. They seem to be close to each other.

Aalis na sana ako nang maaninag ko ang mukha ng babae. Otomatiko kong nabitawan ang payong na hawak ko.

That girl is...

Astrid

Ilang sigundo lang ay sumakay na din sila sa kotse at tuluyan nang umalis. Naiwan ako doong tulala.

They knew each other?

***

ASTRID

Three days, tatlong araw na akong nasa condo ni Sirius at hanggang ngayon ay hindi pa din tumitigil ang unti-unting paglaho ng aking kamay. Pinili ko na mag stay muna dito habang hindi ako nakakahanap ng solusyon sa nangyayari sa akin.

Napatingin ako sa langit mula sa balkonahe kung saan ako na roroon. Maaliwalas na ang langit sa mga nagdaang araw, I'm sorry Ren...

I guess hindi na ko magtatagal sa mundong ito. Wala na akong magagawa pa. Napabaling ako ng ng tingin sa baba nang marinig ang tunog ng kotse. He's back.

Mabilis na bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama.Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Nagbaling ako ng tingin kay Sirius, tulad ng dati ay blanko ang mga mata nito. Pero naglakas loob pa din akong magtanong.

"May I ask a question?"

"Go ahead" tila di nagbabago ang ekspresyon nito.

"Paano ka naging tao Sirius?"

Hindi ito nagsalita at tumingin lang saakin.

"Please..."

"Are you willing to do everything?" bigla akong kinabahan.

"Y--Yes, I will"

I'm desperate now, lahat ay gagawin ko para maging isang ganap na tao. Ayokong bumalik sa virtual world. Gusto kong makasama si Ren. I want to be human...

"There was the only thing that you need to do..."

He paused and faced me blankly. "...Kill your creator and you will be a human"

Bab berikutnya