KINABAHAN si Andres nang maisip kung paano sila dadalhin ng Triburon sa ilalim ng dagat. Lulunukin ba sila nito? Mabubuhay ba sila sa loob ng tiyan nito? Bumaba mula sa ere ang higanteng pating hanggang nasa mababaw na parte na ito ng tubig. Ang upper part na lang ng malaki nitong katawan ang nakaangat. Kumurap siya. So, mukhang hindi naman pala sila lulunukin.
"S-sasakay kami sa likod niyan?" manghang tanong ni Danny.
Tumango si Lukas. Nagkatinginan silang apat. Huminga ng malalim si Andres at lakas loob na naunang lumusong sa tubig palapit sa Triburon. Kabado siya at medyo napaatras pa nang umangat ang ulo ng higanteng pating at makita niya ang matalim nitong mga ngipin. Pero nang mukhang wala naman itong balak mangagat ay maingat siyang sumampa sa likuran. Akala niya dahil isa itong isda ay madulas ang balat nito pero nagkamali siya. Magaspang ang likod ng Triburon kaya hindi sila mahuhulog basta kakapit lang sila ng maayos. Nilingon niya ang kanyang mga kaibigan. "Tara na. We don't have too much time left."
Tumalima ang mga ito at lumusong na rin sa tubig. Inilahad niya ang kamay kay Ruth. Sandali itong napatitig sa mukha niya bago inabot ang kanyang kamay. Inalalayan niya ito hanggang makasampa na rin sa bandang likuran niya. Sunod na sumampa si Selna na hinawakan ni Danny sa magkabilang baywang para matulungan makaangat. Si Danny ang pumuwesto sa pinakalikod.
"Huwag kayong gagalaw," sabi ni Lukas mula sa dalampasigan. Paglingon ni Andres nakita niyang itinaas ng lalaki ang dalawang kamay nito paharap sa kanila. Sa isang iglap may bumalot na malaking bula sa kanila.
"Wow. Ano 'to?" manghang komento ni Danny. Inilapat nito ang palad sa bula. "Hindi pumuputok o. Ang galing."
"Makakahinga kayo sa ilalim ng tubig hangga't nasa loob kayo niyan. Ilang minuto nga lang 'yan magiging epektibo kaya bilisan niyo. At siguruhin niyong hindi kayo mahuhulog," sabi ni Lukas. Sumipol ito at biglang gumalaw ang Triburon.
Nahigit ni Andres ang kanyang paghinga nang maramdaman ang biglang pagyakap ni Ruth sa katawan niya. Humigpit din tuloy ang kapit niya sa katawan ng higanteng pating. At nang magsimula na sila lumubog sa tubig, kahit sinabi ni Lukas na makakahinga sila sa ilalim ay nahigit pa rin niya ang kanyang paghinga at mariing napapikit.
He knew they are already underwater when the sound disappeared. Bigla rin lumamig pero hindi naman niya naramdamang nabasa siya. Mayamaya narinig niya ang paghigit ng hangin sa likuran niya na sinundan ng manghang boses ni Selna. "Wow! Para akong nananaginip. Totoo bang nangyayari sa'tin 'to?"
Na-curious si Andres kaya unti-unti siyang dumilat at huminga. At namangha rin sa nakita. Kailan pa sila napunta sa napakalalim na parte ng dagat? Gabi na at dapat madilim pero may inilalabas na liwanag ang bula na nagkukulong sa kanilang magkakaibigan. Nasa bahagi sila na maraming iba't ibang uri ng corals kahit saan siya tumingin. May mga isda ring lumalangoy, iba-ibang uri na sa mga documentary shows lang niya nakikita.
"This is amazing," nausal niya.
"Totoo. Nakakatuwa," bulong ni Ruth na humigpit pang lalo ang yakap sa katawan niya.
"Pero nasaan ang sirena na pakay natin?" tanong ni Danny.
Biglang gumalaw ang ulo ng Triburon na para bang narinig ang tanong na iyon. Napakapit uli si Andres nang lalo pa iyon lumangoy pailalim, sumingit sa pagitan ng matataas at makakapal na seaweeds, nagpaliko-liko sa mga bato, pumasok sa parang tunnel hanggang marating nila ang seabed kung saan may shipwreck na balot ng lumot at tinubuan na rin ng corals… na halatang patay na lahat.
Huminto sa pag-usad ang Triburon at nagpaikot-ikot na lang sa puwesto, para bang natatakot lumapit sa shipwreck. Hindi niya ito masisi. Kahit kasi siya nararamdaman ang nakakatakot na puwersa na nanggagaling doon. The shipwreck is reeking with darkness and danger.
"Nandiyan ang sirena, nararamdaman ko," bulong ni Ruth. Naramdaman ni Andres na nanginginig ang katawan nito. "At malamang nandiyan din si sir Jonathan.���
"P-papasok ba tayo diyan? Natatakot ako, Ruth," garalgal ang tinig na sagot ni Selna.
Lumunok si Andres, huminga ng malalim at pilit inalis ang takot sa sarili niyang dibdib. "Hindi natin siya kakalabanin. Ang kailangan lang ay mapalabas natin siya sa lungga niya, 'di ba? Then we need to find sir Jonathan. Kapag kinuha natin siya, siguradong susunod sa atin ang sirena paahon sa tubig."
"Paano kung maabutan niya tayo?" tanong ni Danny.
Nilingon niya ang mga kaibigan niya at pinilit ngumiti. "This is a shark, remember? Mabilis 'to lumangoy. Magtiwala tayo."
Huminga ng malalim si Ruth. "Okay. Pumasok na tayo sa loob. Saka ilang minuto lang daw ang epekto nitong bubble sabi ni Lukas, 'di ba? Kelangan natin magmadali."
Lumunok si Andres at muling tumingin sa harapan. May point si Ruth. Kailangan nila magmadali kasi delikado kung ma-stuck sila sa ilalim ng tubig. Hinaplos niya ang ulo ng Triburon at para bang naramdaman nito ang balak nila kasi tumigil na ito sa pagpapaikot-ikot.
Mayamaya pa lumangoy na ito palapit sa shipwreck. Sa sobrang luma niyon, halos wala naman na palang laman sa loob. Natensiyon silang apat nang makita nila ang kanilang pakay. Doon sa dulo, parang may pugad na gawa sa mga patay na corals at seaweeds. Sa gitna niyon, nakahiga patagilid at paharap sa direksiyon nila ang sirena. Mukhang mahimbing itong natutulog.
Napakaganda nito. Mahaba ang buhok na tumatakip sa upper half ng hubad nitong katawan. Ang buntot nito ay iba-ibang kulay, mukhang matatalim at kumikislap pa. Maputla at grayish ang balat ng sirena. Hindi ito gumagalaw at mukhang hindi nga humihinga. Mukhang harmless.
"Guys," pasinghap na bulong ni Selna. "Ayun si sir Jonathan!"
Kumurap si Andres at inalis ang tingin sa sirena. Nilingon niya ang itinuturo ng dalagita. Nanlaki ang mga mata niya at kumabog ang kanyang dibdib nang makita ang katawan ng teacher nila na pahigang lumulutang-lutang sa tubig, may nakabalot ding higanteng bula sa katawan nito. Walang malay si sir Jonathan at maputla na rin ang kulay ng balat.
"B-buhay pa ba siya?" mahinang tanong ni Danny.
Napalunok si Andres nang maramdaman niyang dahan-dahang lumalangoy palapit sa katawan ng teacher nila ang sinasakyan nilang Triburon. Kabadong tinitigan niya ito. Pagkatapos napabuga siya ng hangin. "Humihinga pa siya," relieved na sabi niya. Inangat niya ang kamay hanggang nakalapat na ang palad niya sa bula na nakapalibot sa kanila. "I need to drag him with us."
"T-teka lang… hindi nasabi ni Lukas kung paano natin gagawin 'yan. Paano kung makapasok ang tubig at hindi tayo makahinga kapag nabutas itong bula?" worried na tanong ni Selna.
Huminga ng malalim si Andres. Nakalapit na sila sa katawan ni sir Jonathan. Kung mailalabas niya lang ang kamay niya, mahahawakan na niya ito. "Kailangan natin mag take ng risk." Nilingon niya ang mga kaibigan niya na biglang natahimik. "Humihinga pa siya. I want to save him," mahina pero seryosong sabi pa niya.
"Okay," determinadong sagot ni Ruth. "Ibabalik natin si sir Jonathan sa pamilya niya. At tayo… makakabalik din tayong lahat."
"Tama is Ruth. Hindi na tayo puwede umatras," sabi naman ni Selna na humigpit ang yakap sa katawan ni Ruth. "Gawin mo na Andres."