#TheBrokenMansGame
IKALAWANG KABANATA
"Congratulations Ms. Dimalanta… You're hired…" nakangiting sabi ng babaeng interviewer kay Diana na nakaupo sa swivel chair nito.
Malawak na napangiti si Diana na nakaupo naman sa katapat na upuan na nasa kanang bahagi ng mesa nito. "Talaga po? Maraming salamat…" pagpapasalamat ni Diana sa interviewer.
"No problem… Pwede ka ng magsimula bukas sa iyong trabaho…" sabi ng interviewer.
Tumayo na ang dalawa sa mula sa kani-kanilang mga inuupuan at nagkamay. Labis-labis pa ring nagpapasalamat si Diana na natanggap siya dito sa isang malaking kumpanya.
-- - - - - - - - -- -
"Natanggap na ako sa trabaho…" sabi ni Diana pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito ng apartment nila ni Anton. Nakasalubong agad sa kanya si Anton pagkapasok pa lamang niya.
Nakatingin si Anton kay Diana. "Talaga?" may pagkasarcastic na sabi nito. "At ano namang trabaho ang gagawin mo? Saka saan?" tanong ni Anton.
Napataas ng kaliwang kilay si Diana na nakatingin na ngayon kay Anton. "Sa isang malaking kumpanya… Natanggap ako bilang janitress…"
"Janitress? Gusto mong magtrabaho para lang maging isang janitress?" biglang tanong ni Anton.
"At ano namang masama sa pagiging janitress Anton? Trabaho rin naman iyon huh?" sabi ni Diana. Napaiwas ito ng tingin sa nobyo at naupo sa sofa na malapit lamang sa kanila. "Sa tono ng pananalita mo parang minamaliit mo ang pagiging janitress…" sabi ni Diana. Mataray.
Napabuntong-hininga si Anton. "Hindi naman sa ganun Hon… Kaya lang…"
"Huwag ka ng magsalita… Pagod na ako kaya ayoko na ring makipag-usap sayo…" malamig na tugon ni Diana na kaagad na tumayo sa kinauupuang sofa at naglakad na. Nilagpasan niya si Anton.
Bago pa makalagpas ng tuluyan si Diana kay Anton ay bigla na lamang siya nitong hinawakan ni Anton sa kaliwang braso para mapigilan siya sa paglalakad. Napatingin siya sa nobyo.
"May problema ba tayong dalawa?" seryosong tanong ni Anton kay Diana.
Napataas ng kaliwang kilay si Diana. "Problema?... Bukod sa pera… Wala naman tayong problema…" sabi ni Diana. "Kung ano-anong iniisip mo diyan… Hindi ka kaya mag-isip kung paano aangat ng konti ang buhay natin para naman magkaroon ng kaunting pakinabang 'yang utak mo…" mataray na sabi nito at biglang hinila ang braso na hawak-hawak ni Anton at nagpatuloy ng maglakad palayo rito.
Bahagyang natulala si Anton sa sinabi ni Diana sa kanya. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, doon naman niya nakikita ang tunay na kulay ng babaeng iniibig.
"Bakit parang nagbabago ka na Diana? Parang hindi na ikaw iyong babaeng aking iniibig simula nung una pa lamang? Bakit parang ngayon, hindi na kita nakikilala pa?…" sabi ni Anton sa kanyang sarili. "Tunay nga bang totoo ang kasabihan na kahit sing tagal pa ng siglo ang pagsasama niyo ng taong mahal mo, hindi mo pa rin ito lubusang makikilala?"sabi pa nito sa sarili.
Napabuntong-hininga na lamang si Anton at napailing-iling.
- - - - - - -- - - - - - - - -
Unang araw ni Diana sa trabaho. Nakasuot na ito ng uniform na pang janitress at kasalukuyang hawak ang mop at naglalampaso na ng tiled na sahig. Pakanta-kanta pa ito ng mahina at pa-sway-sway pa ng konti. Masaya kasi siya kasi kahit ganito ang trabaho niya, at least mayroon. Saka hindi rin biro ang makapasok ka sa ganito kaganda at kalaking kumpanya.
Biglang napatigil sa paglalampaso si Diana ng may isang pares ng paa na nakasuot ng itim na sapatos ang biglang humarang sa kanyang mop. Dahan-dahang umangat ang ulo ni Diana. Bumungad sa kanyang mga paningin ang isang mukha ng Adonis na ngayon ay nakatingin ang mga pares ng mga brown na mata sa kanya. Mapungay ang mga mata nito.
Natulala si Diana sa kanyang nakita. Napakgwapo nito. Ang mga mata nitong kulay brown at may pagkachinito, matangos ang ilong at manipis ang natural na mapula nitong labi. Proportioned ang hugis ng mukha. Makinis at maputi ang kulay ng balat.
Matangkad rin ang lalaki. Sa tantya ni Diana, nasa 5'10 ang tangkad nito. Matipuno ang pangangatawan at kahit naka-coat and tie ito na kulay itim, bakat pa rin kung gaano katipuno ang katawan nito. Lalaking-lalaki rin ang amoy nito at napakabango. Napapalunok tuloy ng laway si Diana. Mali man na maramdaman niya ito sa lalaki pero hindi niya mapigilan dahil sa sobrang kagwapuhang taglay nito. Babae lang siya at minsan, kahit na may nobyo na ang babae, hindi pa rin nila napipigilan na humanga sa anyo ng mga gwapong lalaki.
Naghuhumiyaw rin sa lalaki ang angkin nitong kayamanan. Mukha itong mayaman at edukado na rin. Sa isip-isip ni Diana, ito iyong tipo ng lalaki na maihahalintulad sa mga lalaking nasa fairy-tale. Perfect kumbaga.
"Miss…" sabi ng lalaki sabay ngiti. Bumalik tuloy sa realidad si Diana. Kitang-kita niya ang perfect smile at perfect set of white teeth nito na kahit sinong babae ang makakakita, siguradong malalaglag ang kung ano mang suot sa kanilang katawan.
Napayuko si Diana. "I'm sorry po Sir…" sabi ni Diana at bahagyang umatras mula sa kinatatayuan nito para mapalayo ng konti sa lalaki.
"Bago ka lang ba dito?" tanong ng lalaki. Malambing ang boses nito na kay sarap pakinggan sa pandinig.
Napatingala si Diana at tiningnan ang gwapong mukha ng lalaki. Tumango ito. "Opo…" sagot ni Diana.
Muling ngumiti ang lalaki. "Ganun ba… Anyway, I'm Harold Angelo Rodriguez…" sabi nito sabay lahad ng kaliwang kamay kay Diana na ikinagulat naman ng huli. "I'm the CEO of this company… And you are?" tanong pa ng lalaking nagngangalang Harold.
'Sabi na nga ba… Mayaman at mataas pa ang posisyon sa kumpanya…' sabi ni Diana sa kanyang isipan.
Kahit na nakakaramdam ng panginginig ng kamay ay tinanggap pa rin ni Diana ang pakikipagkamay ng lalaki. Ramdam ni Diana ang lambot ng kamay ng lalaki. Parang kahit kailan, hindi man lang ito dumanas na humawak ng walis o dumanas ng hirap. "Diana po Sir…" sagot ni Diana.
Muling napangiti si Harold kay Diana. "Huwag mo na akong i-po at tawaging Sir kapag tayong dalawa lamang ang nag-uusap… Malakas makatanda eh… Sa palagay ko naman, hindi nagkakalayo ang ating edad." Sabi ni Harold. Binitawan na nito ang kanang kamay ni Diana. 'Ay bitin naman…' sabi naman ni Diana sa kanyang isipan ng bitawan na ni Harold ang kamay niya. Lumalandi ang kanyang isipan. "Saka isa pa… Make yourself relax… Hindi naman ako nangangain ng tao kaya huwag kang matakot sa akin…" sabi pa nito. Naramdaman kasi nito ang panginginig ng kamay ni Diana.
Napayuko si Diana dahil parang napahiya siya sa sinabi ni Harold. 'Naramdaman pa pala niya ang panginginig ng aking kamay…' sabi nito sa kanyang isipan.
"Sorry po…" sabi ni Diana. "Ay mali… Sorry pala…"
"It's ok…" sabi ni Harold. Napatingala na muli si Diana. "I hope hindi na sana ito ang huli nating pag-uusap…" sabi pa ni Harold. Napatango na lang si Diana.
"I have to go… May meeting pa kasi akong dapat puntahan…By the way, Welcome to the company… See you around…" sabi ni Harold at muling ngumiti bago tuluyang naglakad at nilagpasan na si Diana.
Nakatingin lamang si Diana sa papalayong si Harold. Gusto niyang sumigaw at ilabas ang kilig na nararamadaman ngayon. Ewan ba niya pero talagang nakakaramdam siya ngayon ng matinding kilig. Kailan niya ba huling naramdaman ang kilig? Ah nung mga panahong naging sila ni Anton. 'Yung mga panahong masaya pa siya sa piling ni Anton.
Mahal naman niya si Anton eh. Pero sa pagdaan ng panahon, may nag-iiba na. Mahal man niya ito pero sapat na ba iyon para tumagal siya sa pakikipagrelasyon dito? Aaminin niya, hindi na siya masaya sa piling ni Anton. Bigla na lang kasing nawala 'yung saya at kilig kapag kasama niya ito. Pakiramdam niya, naging ordinaryong lalaki na lamang ito sa kanya na lagi niyang kasama sa bahay. Masama man ngayon ang tingin natin kay Diana pero masisisi niyo ba siya kung ang damdamin niya ang nagbabago sa pagdaan ng panahon?
-KATAPUSAN NG IKALAWANG KABANATA-