Past Memory
Matapos ang pag uusap nila ni Steaven ay umuwi nalang ito at doon sa kanyang bahay na lamang mag pahinga ng sa ganun ay marelax nalang ang kanyang pag iisip at katawan. Nakahiga siya sa kanyang malambot na kama at dinadama ang lamig ng aircon na dumadaloy sa loob ng kanyang napakaling kwarto. Habang nakahiga siya ay bumalik sa kanyang ala ala ang nakaraan niya tungkol sa kanilang dalawa ng kanyang ex na si Bryan. Hindi naman niya akalain na bakit umabot sila sa ganito ganung masaaya sila pareho ng mga panahong iyon. Hindi niya maiisip at matanggap na nag kaahiwalay sila ng dahil lang sa isang pangarap na kaya naman nilang tuparin ng mag kasama. Bakit mas pinili niyang makipag hiwalay nalang at sununging mag isa ang pangarap na para sana sa kanilang dalawa. Naisip niya ang mga panahong lagi silang mag kasama at masaya. Naisip din niya at napapangiti kapag naiisip niya yung mga panahong sabay silang kumakain at nag sususbuan sa isang sikat na restauran at walang pakialam kahit kanino man. Bakit nga naman umabot sila sa ganito. Ang nooy masaya ngayon ay napalitan na ng lungkot at hindi niya alam kung kailan dadating ang panahong siya'y makakabangon sa ginawaang iyon sa kanya ni Bryan. Hindi kase niya matanggap na nag kahiwalay sila sa isang napakababaw na dahilan.
Nakita iyon lahat ng Chairwoman, kung paano maging masaya ang kanyang anak at tanggap niyaa ito kung ano pa man ang pag kaatao ng kanyang anak at suportado niya ito. kaya naman ganon nalang ang pag aalala niya sa anak ng malaman niyang hiwalay na ang dalawa. Kita nya na bumagsak ang katawan ng kanyang anak at nawala sa sarili nung mga panahong iyon. Tinulungan niyang muli ang kanyang anak na makabangon sa tulong ng pag appoint nito sa kanya bilang CEO ng kumpanya. Madaling napapayag ng chairwoman ang anak dahil sa magaling ito bilang isang ina. Sinabi ng chairwoman sa anak na makakatulong sa kanya ang ganito dahil malilibang siya at makakahalubilo ng ibang tao. Malilimutan niya ang problema at hindi niya ito iisipin kung nasa kumpanya siya kumpara kapag nasa bahay lang. Sa ganoong sitwasyon ay takot ang chairwoman na masaktan na naman ang anak lalo pat nakita niya ito kung paano nalugmok ng mga panahong iyon kaya naman hanggat maari ay kung kaya niya itong iiwas na mag mahal muli ay gagawin niya lalot bago pa lamang it nakakamove on at hindi pa handa na pumasok ulit sa isang relasyon. Isa pa dito ang hindi alam ng mga board member ang pag katao ng kanyang anak lalo pa't kaka appoint palang nito sa kanyang kumpanya. Hindi niya alam ang gagawin kapag nasaktan na naman ang kanyang anak kaya naman gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ito kahit pa sa kaninuman. Batid ng chairwoman na ayaw sa anak nito ng kanyang asawa dahil nga sa pag katao nito. Hindi open minded ang asawa nito kung para sa kanya kaya naman kailangan niyang itago ang pag katao nito sa kanyang asawa. Pumanaw ang kanyang asawa ng hindi nalalaman ang sikreto nilang dalawa ng kanyang anak kaya naman mas masakit para sa kanya na lahat ng nangyari sa kanyang pamilya.
Nakatulg na lamang si Jerome sa kanyang pag iisip at dala narin siguro ng pagod kaya naman mabilis na bumagsak ang kanyang katawan. Kinabukasan ng pumasok ito sa kanyang opisina ay nakita niya si Steaven na papasok din dahil sa isang meeting pero nagulat siya ng makita siya nito at bigla siyang iniwasan. Iniwasan siya nito sa pamamagitan ng pag daan at pag sakay sa isa pang elevator. Bukod ang elevator ng employee at VIP, kabilang si Steaven sa VIP kaya naman nagulat ito at nag taka kung bakit siya sumakay sa employee elevator. Ngulat din sa ginawa niya ang kanyang sekretarya na si Jusper dahil dito ito sumakay. Sa gaoong kilos ni Steaven ay alam na ni jerome na iniiwasan siya nito kaya naman kinausap niya ito pag kataos ng meeting bago pa ulit siya nito matakasan at muling maiwasan.