webnovel

Chapter 3

Katatapos lang ng klase namin at ang iba kong kaklase umalis na nagpuntahan na ata sila sa Gym kasi anytime mag sisimula na ang laro nila Jv at hanggang ngayon andito pa rin ako sa room nag aayos ng gamit ko.

Hindi ko nasabihan si Gaile na wag na ako intayin kasi expected ko na matatagalan talaga ako sa pag aayos ng gamit ko yung iba iiwan ko na lang sa locker ko para wala na ako masyadong dadalhin papuntang Gym nangako rin kasi ako kila Jv na manunuod ako sa laro nila parang everytime na may laro sila lagi kaming present ni Gaile todo support sa laro nila at nakakaproud rin pag nanalo sila.

"Ate Ivy!!!!" biglang sulpot ni Gaile dito sa room buti patapos na ako sa pag aayos ng gamit ko "Ang tagal mo ate kanina pa kita iniintay bilisan mo na d'yan baka magsimula na yung laro nila kuya ang dami na rin mga studyante sa gym pero don't worry naka VIP tayo ate pinag save tayo ng upuan nila kuya"

"Oo sige Gaile sandali lang ito na patapos na ako sa ginagawa ko" saka nya ako hinila palabas ng room mamaya ko na lang iiwan sa locker itong mga gamit ko.

Tumakbo na kami ni Gaile papunta sa Gym kasi rinig na rinig na namin ang sigawan ng mga studyante mula sa Gym siguro nag sisimula na ang laro kaya mas nagmadali na kami ni Gaile nakipag siksikan na rin kami sa mga nagkukumpulang studyante sa may entrance ng Gym hanggang sa nakaabot kami sa pinaka unahan ng Bench kung san kami uupo ni Gaile sobrang lapit namin kila Jv.

" Waaaah!! Sis ang gwapo nung taga dito sa Wilson's University na player oh! Number 23 yung jersey nya"

"Oo nga bakit ganon ang po-pogi ng mga players nila samantalang satin may itsura naman sila kaso di sila kapogian tapos ang pogi pa nung naka Number 8 na jersey"

"Pogi rin yung dalawa na magkamukha kambal ata sila yung Number 12 at Number 41 na naka jersey"

Rinig ko na pinag uusapan ng tatlong studyante na nasa likod namin kalaban nila Jv ang mga players ng school na pinanggagalingan nung tatlong babae kahit ako naman hahanga rin ako kila Jv kasi nasa kanila na ang lahat mukha lang silang maloko at di kayang mag seryoso sa buhay pero when it comes sa passion nila napaka seryoso nila.

"Ate Ivy" pabulong na tawag sakin ni Gaile "Hot topic na naman sila kuya panigurado mamaya after the game may mag aabang sa labas ng Gym para magpapansin sa Apat na kutong lupa na yon"

"Hindi na bago yan Gaile lagi naman ganun diba? Kaya nga kulang na lang mag hire na tayo ng bodyguars at bouncer para satin"

"Tama ka ate kanina narinig ko pinagnanasahan nung tatlong babae sa likod natin sila kuya nakaka gross"

Hindi ko na sya sinagot bagkus nag focus na lang kami sa laro napaka init ng laban sobrang lapit lang ng score nila Jv sa kalaban nila kahit ilang beses na ako nakapanuod ng laro nila hindi ko maiwasan kahaban at matense sa napapanuod ko.

Napupuno ng hiyawan ang Gym sa tuwing makakapuntos sila Jv hindi ko rin mapigilan ang sarili ko mapatalon at mapatayo sa tuwa kasi hindi nawawala sa kanila ang teamwork kahit sobrang init ng laban sa pagitan ng kabilang school walang inisa sa kanila ang walang score.

"3 Points para kay Montenegro" annunsyo ng Commentor at saktong nag announce ng time out ang referree.

Sobrang laki ng lamang nila Jv sa kalaban nila at huling set na ito para sa laro ngayon paniguradong panalo na naman ang Wilson's University againts sa Montesori School hanggang ngayon kinakahaban pa rin ako at ramdam na ramdam ko ang tense sa katawan ko si Gaile hindi na rin magkaintindihan pano iche-cheer sila Jv pakiramdam ko nga wala na akong boses sa kakasigaw.

At inannounce na nga na panalo sila Jv back to back champion na sila at for sure sa darating na intrams ng school hindi na sila kasali kasi magiging busy sila sa paglaban sa iba't ibang lugar dito sa pilipinas.

~ Andito kami ni Gaile sa labas ng Gym dito na namin napag desisyunan na intayin sila Jv nagkayayaan kasi na kakain kasi sa labas with the Team at libre daw ni Jv kasi napanalo nila ang laro kanina.

Ang daming mga babaeng nag hihintay dito sa labas ng Gym siksikan at tulakan ang nagaganap sa kakaintay kila Jv para lang makapag picture kanina pa kami kinakausap ng Guard na nakabantay dito na pumasok na kami sa Gym pero tinanggihan namin kasi baka mas lalong magkagulo pa.

"Ang tagal naman nila huhuhuhuhu Gusto ko na magpapicture kay Jv" reklamo nung isang babae na kanina pa rin nag iintay dito sa labas.

"Waaaaahhhh!! Mikko labas ka na dyan hindi na ako galit!!" Sigaw naman nung isang babaeng nasa likod ko lang.

"Alvin!!!! Marry Me pleaseeee!!!" Pag wawala naman nung isang babae

"Allan!!! Ang galing mo kanina!!! Anakan mo ako!!!" sigaw naman nung babaeng nasa likuran namin kanina habang nanunuod ng laro

Hindi ko kinakaya ang pagpapantasya nila kila Jv sumasakit ang ulo ko sa mga hiyawan nila dito at halata sa mga mukha nila ang Inip na makita sila Jv hindi ko akalain na mas grabe pala humanga ang mga taga Montesori kesa sa mga taga Wilson.

Isa-isa nang naglalabas ang Teammates ni Jv mula sa shower room kaya iniready ko na ang sarili ko pati si Gaile sa pagpasok namin sa Gym sa sobrang daming tao at sa sobrang siksikan dito kinailangan na talaga ng maraming Guard kasi anytime pwedeng may masaktan sa pakikipag unahan ng ibang studyante dito.

"Miss. Pwede bang paunahin nyo na kami? Kailangan lang talaga namin makita sila Jv at makapag papicture man lang sa kanila" pakiusap nung babae

"Sorry ah kanina pa kasi kami dito sa pila" sagot ko naman

"Girl wag desperada ok? Kita mo naman diba kami ang nauna dito sa pila kaya matuto kang lumugar" Pag mamaldita ni Gaile kaya madalas napapa-away kami dahil sa ugali ni Gaile.

"You Bitch! Shut up hindi ikaw ang kausap ko! Wag kang sabatera ok?!" sinagot nga nung babae si Gaile nangangamoy away na

"How dare you to call me Bitch?! Hindi mo ako kilala baka pagsisihan mo pag nakilala mo ako"

"Gaile enough! Hindi ito ang tamang lugar para makipag away ka mapapagalitan ka na naman ng kuya mo, And you miss hindi mo kailangan makiusap sa akin para paunahin ka kasi lalabas ta lalabas naman sila Jv dyan sa loob" pang aawat ko sa kanila para tumigil sila.

"Gusto ko lang naman mauna kami sa pila para makita namin agad sila Jv. At bakit ko pagsisihan ha? Sino ka ba sa akala mo?! Isa ka lang naman taga hanga nila Jv! Ikaw ang matutong lumugar" depensa naman nung babae.

"Nasa lugar ako eh ikaw ba? Baka nakakalimutan mo nasa Teritoryo ka namin" hindi pa talaga tumitigil ang dalawa

"Whats Happening here?! Bakit may nag aaway dito? Hindi na kayo nahiya dito pa kayo sa school nag away. Gaile what's wrong?" napatingin kami sa nagsalita at si Jv iyon na galit na at kasunod sila Mikko na mukhang nagtataka na.

"Ah eh Jv kasi yung babae nakiusap sakin na paunahin ko sila sa pila kaso hindi ako pumayag kasi baka hindi nyo kami makita ni Gaile dito sa dami ng tao tapos etong si gaile nasupladahan yung babae kaya nagkasagutan sila" pag e-explain ko mahirap na baka mamaya magalit pa si Jv kay Gaile.

"Oo nga kuya! Atsaka yung babae naman ang naunang umaway sakin you know me I'm maldita kuya tinawag nya akong Bitch" pag papacute ni Gaile kay Jv ganyan yan kapag may kinasasangkutang hindi maganda magpapacute sa kuya nya.

"What?! She called you Bitch!" Galit na sagot ni Jv at mukhang nasindak yung babae

"Ka-kasi Jv hindi ko naman sya kinakausap tapos sumabat na lang sya" kinakabahang sagot nung babae kay Jv.

"You don't have the right to call my sister that way! Sino ka ba?! kilala ba kita?!" Sigaw ni Jv dun sa babae at mukhang nagulat at natakot na yung babae

"Jv tama na yan!" Pigil ko sa kanya habang yung babae nakatungo at mangiyak-ngiyak.

"Wag na wag ko na ulit maririnig na matatawag mon Bitch ang kapatid ko or even my Girlfriend"

Girlfriend?! Ako ba yung tinutukoy nyang Girlfriend nya? Malamang ako lang naman yung babae dito na kasama nya at taga Wilson biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi to maari mali to baka dahil sa kaba lang kaya tumibok ng ganito kalakas ang puso ko.

"These two Girls are very important to me! My Sister and My Girlfriend kaya wag na wag nyo sila gagawan ng masama kundi ako ang makakalaban nyo!" Sigaw ni Jv sa harap ng maraming studyante.

Tila lumutang ang isip at kaluluwa ko doon sa sinabi ni Jv sa harap ng maraming tao bakit nya ako pinakilalang Girlfriend nya? At bakit ganito magwala ang sistema ko sa katawan ko parang hindi angkop sa sinasabi ng utak ko. Magkaibigan hanggang dun lang yon Ivy itatak mo sa utak mo yan MAGKAIBIGAN LANG KAYO!

Bab berikutnya