webnovel

Intend Project

Chapter 20: Intend Project 

Haley's Point of View 

  "Ah, gustong maligo mag-isa." Pag-abang ni Rose sa harapan ng powder room. 

Akala ko nakaalis na siya dahil narinig ko 'yung paglayo nung mga yabag ng paa niya! 

  Krr! 

  Mabilis akong pumunta sa tabi niya upang pasakal siyang akbayan bago pa man siya makapag react o tawagin si Claire. "Rose, calm your ass! Hear me out first!" 

  "I was calm until you grabbed me!" 

  Mas hinigpitan ko pa 'yung pagkakaakbay ko sa kanya para wala na siyang takas sa akin. "You misunderstood everything!" Pasigaw kong sabi at nilingon si Jin. "Get out of here. Magbihis ka na." 

  Mukha naman siyang nag-alanganin. "But--" 

  "Leave this to me." Seryoso kong sabi. 

  "Why are you saying that as if you're going to di--" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Rose at hindi hinayaan na ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. 

*** 

  "Oh, that's what happened." Pagtango ni Rose. "Ano kayo? Na sa Wattpad? Webnovel?" Hindi ko man nakikita 'yung reaksiyon niya, alam kong nakasimangot ito habang taas-taas ang kanyang isang kilay. Nandito kami pareho sa shower room. 

Kinukuskos ko 'yung likuran niya habang kinukwento ko sa kanya 'yung totoong nangyari kanina. 

  "Lahat naman ng mga nababasa natin, galing din talaga sa realidad. Ginagawa lang fiction." Sagot ko saka ko itinapat sa likod niya 'yung hawak-hawak kong shower faucet nang matanggal na 'yong mga sabon. "At nataranta kasi kami dahil baka iba isipin mo kung bakit pareho kaming na sa powder room." 

  "Miles, napaghahalataang cautious ka masyado. I won't do that to you though. I will understand as long as you're going to be honest with me." 

  Hindi lang ako sumagot at ipinagpatuloy lang 'yung ginagawa ko. Tumingin ako sa kanang bahagi. "You can't blame me. Masyadong ma-issue kasi ang tao ngayon. But I'll do that." I paused. "Next time." I added. 

  Sandali siyang hindi nagsalita bago niya ako nilingunan. Nakaupo lang din kasi siya sa maliit na upuan. "So? How was it?" 

  "Iyong ano?" Taka kong sabi nang tingnan ko rin siya. 

  "Nabusog ba mata mo?" Tanong niya at ngumisi dahilan para batukan ko siya. 

  "Wala akong nakita." Sagot ko naman pero mabilis din siyang naka-recover at ngayo'y muling lumingon sa akin. 

  "That's boring. Hindi ka ba curious?" 

  Namula ako. "I'm not interested." Malumanay kong sagot. 

  Humagikhik siya. "I'm sorry. Your reaction is amusing that I couldn't help wanting to tease you. 

  Pumikit ako. "Humph. Kailan ka ba 'di nang-asar?" Tanong ko na siya namang muling nagpahagikhik sa kanya. 

  "Pero seryosong tanong Miles, nililigawan ka rin ni Jin, 'di ba?" Tanong niya na nagpaawang-bibig sa akin. "Kaya naisip ko lang, hindi pa ba nanliligaw si Reed sa'yo?" 

  Ibinaba ko ang shower faucet at ibinaba ang tingin. "He never courted me." 

  Namilog ang mata niya pero ibinalik din sa dati. "Figured." Kinuha niya ang shampoo at naglagay sa kanyang mga palad. "So? What are your plans? Wala ka bang balak sagutin si Jin? Support ako sa inyo ni Reed pero mukhang magiging malabo siya kung patatagalin pa niya. Si Jin naman mukhang seryoso rin sa 'yo, gwapo siya, macho, 'tapos handa kang kantahan, 'tapos pwede mo pang maging sister-in-law si Mirriam. Wala ba siyang chance?" 

  Umangat kaagad ang tingin ko pagkatanong niya niyon. "W-Wala. I already rejected him." Mahina pero sapat lang para marinig niya 'yung tanong ko. "Bakit mo ba ako tinatanong ng mga ganito?" 

  Ngumiti siya at bumungisngis. "Kasi hindi na ako makapaghintay na bigyan ka ng condom kapagka may jowa ka na. Mayroon ako sa wallet." At binigyan niya ako ng thumbs up dahilan para mas mamula ako kaysa kanina saka ako tumayo para sipain 'yung maliit na upuan na inuupuan niya. Napaupo sa sahig si Rose nang dahil doon at malandi na umungol. "Ugh ~ Be gentle, Miles." 

  "Shut it!" 

*** 

  NATAPOS NA kaming kumain kaya bumalik na kami sa gawain. Na sa iisang kwarto na lang kami,

Sinusulat ni Claire 'yung script, si Rose naman ay nagsusulat nung iko-compose habang nakasuot ng headset si Jin at gumagawa ng tugtog mula sa gitara. 

Samantalang ako ay nagpatong lang ng pitchel na may lamang juice sa lamesa. 

Tumayo ako nang maayos at sumimangot. "Wala ba akong gagawin?"

  "Do the image scenery tomorrow, hiramin mo 'yung camera ni Claire." Wika ni Rose nang hindi inaalis ang tingin sa sinusulat niya. 

  Na sa serious mode siya ngayon. Siya kasi 'yung tipong tao na dapat matapos muna ang gagawin bago siya bumalik ulit sa dati o gumawa pa ng kalokohan. 

  Bumuntong-hininga ako at lumingon kay Claire. "Mayroon ba kayong Piano?" Tanong ko kaya tumingala si Claire upang tingnan ako. 

  "Ahm, mayroon. Na sa kabilang kwarto lang." Sagot niya. "Are you going to play?" Tanong niya na tinanguan ko. 

  "I will try to construct the framework of rhythm that he'll create later on." Tukoy ko kay Jin na hindi kami naririnig at focus lang sa kanyang ginagawa sa gilid. 

  Namilog ang mata ni Claire. "I didn't know you also know how to play." 

 

  Ngumiti lamang ako ng pilit.

*** 

  10 o'clock ng gabi. Nagpasya na silang magpahinga, nauna na talaga akong maglatag ng sapin dahil nga sa wala naman na akong ginagawa. 

Nagbasa lang ako ng novel sa phone dahil hindi rin ako makakatulog dahil may ilaw. 

  "Sige, bukas na lang ulit." Paalam ni Jin na hind ko rin talaga narinig kaagad dahil masyado akong out of the world dahil sa aking binabasa. 'Yong tipong hindi ko na napansin na nasa tuktok ko na pala siya. 

  "Hailes." Tawag niya kung saan napansin ko rin 'yung anino niya kaya ako itong napaupo para mabilis na humarap sa kanya. Iyan nanaman siya sa tawag niya sa akin.

  "What is it?" Medyo naiinis kong tanong. Ginulat niya ako, eh. 

  Nginitian niya ako. "Do you want to hear me sing before you sleep?" Tanong niya kaya may pumitik sa sintido ko. 

  "Ayoko, thanks." 

  Lumapit sa amin si Claire na may dala-dalang comforter. "Huwag ka munang maglalalandi rito, Jin. Matulog ka na." 

  "Hayaan mo, Manager. Sasabihan ko si Coach Kenji na kantahan ka." Pang-aasar ni Jin na nagpahinto sandali sa pag-aayos ni Claire sa hiihigaan niya at huminga nang malalim para kumalma. Itinuloy niya ulit 'yong gingawa niya pagkatapos. 

  "I don't need it." Firm na pagkakasabi ni Claire, namumula talaga 'yung pisngi at tainga niya pero nagpipigil din siya maglabas masyado ng emosyon at reaksiyon. 

  "I also wanna meet the person you like." Sabi ko kaya mas namula siya. 

 

  "W-Wala akong sinasabing gusto ko siya." Paglayo niya ng tingin na binigyan ko lang ng smug face. She's an easy to read. 

 

  Tumay na nga si Jin na sinundan ko naman ng tayo. Nanatili lang din siyang nakatingin sa akin nang bigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Good night." Simpleng salita pero biglang pumitig ang puso ko. 

 

  Umalis na nga siya para pumunta sa kanyang sariling kwarto. 

Habang bumalik naman ako sa pagkakahiga ko't nagtaklob ng kumot para mapahawak sa puso kong 'di mo maintindihan kung bakit mabilis kung tumibok. 

Sa sobrang pagiging aware ko sa pagkagusto niya sa akin, 'di ko tuloy maiwasan na hindi nerbyosin. 

 

  Inayos na ni Rose ang higaan niya sa tabi ko. Ilang minuto nga bago ko ma-realize na mapaggigitnaan nanaman ako, eh. 

Muli akong napaupo at tumingin sa kanan at kaliwa ko. "B-Bakit ako sa gitna? Ayoko mapag gitnaan." 

 

  Umupo si Claire sa higaan niyang maayos na. Na sa kanan ko siya. "I hate to say this, but I don't trust her." Sabay bored look na napatingin kay Rose na nakatayo't inaalis sa pagkakatupi ang kumot. 

  Ibinaba naman niya ang tingin sa amin at humalakhak. "I don't know what you're talking about." At lumapad ang ngisi niya kaya mas humalukipkip si Claire. 

  "That's the devil's smile. Kung hindi ako lalayo sa kanya, something bad will happen." 

  "Natu-turn on ako." Biro ni Rose na may pag curl ang lips kaya pati ako ay napa-bored look na rin. Ang hilig hilig kasing magbiro ng ganyan.

  "I'm telling you. Don't do anything funny, masasapak talaga kita." 

  Tinuro niya ang kanan niyang pisngi. "Kiss." 

  Binato ko sa mukha niya ang unan ko na mukhang napalakas yata kaya napaupo siya. "Sleep, sucker." 

  "Huwag muna. Let's make kwentuhan muna" Parang bata na sabi ni Rose habang tumayo naman si Claire para patayin ang ilaw tutal nakaupo na rin naman si Rose sa kanyang higaan na nasa kaliwa ko. 

  "No, sleep. Para hindi kayo mahirapan na gumising bukas." Sabi ni Claire bago patayin ang ilaw. 

  "I see. Gusto n'yo pala ng lights off. Noted." Sabi ni Rose 'tapos bigla akong niyakap. Hindi ko naiwasan kaagad dahil wala naman akong nakikita. "Miles, ang bango bango mo."

  "Ugh! Get off me!" 

  Naramdaman ko ang pagbalik ni Claire sa higaan niya. "Shh! Tulog na. Huwag na magharutan." Suway ni Claire. "Laksan ko nang kaunti 'yung aircon." Narinig ko ang pagtunog nung aircon senyales na may pinindot si Claire sa remote. 

 

  Mas niyakap ako nang mahigpit ni Rose. "Lumalamig, Miles." Ipinatong niya ang mga hita niya sa akin at dahil pareho kaming mga nakasuot ng shorts ay ramdam ko 'yung init ng balat niya. 

  "Rose… Please, lumayo ka sa akin. Ayokong may dumidikit sa 'k-- Hoy!" Gulat kong reaksiyon matapos kong marinig na humihikab na siya. Niyugyog ko siya pero hindi na siya gumagalaw kaya tinulak ko siya palayo sa akin. "Geez. Give me a break." Gumamit na ako ng kumot 'tapos napatingin kay Claire na nakatalikod sa akin. Mukhang napagod sa ginagawa niya kaya matutulog na. 

  Sa totoo lang, masyado rin siyang seryoso sa buhay pero hindi rin naman 'yon in a bad way. 

  Iniangat ko ang kumot hanggang sa dibdib ko 'tapos tumingin sa madilim na kisame. Pumikit ako para magsimula ng matulog, bukas ko na lang sisimulan 'yung binabasa ko.

  Patulog na rin sana ako pero ilang minuto pa noong yakapin nanaman ako ni Rose kaya muli ko siyang tinulak palayo sa akin. "Rose." Pasita kong tawag sa kanya dahil akala ko sinasadya niya pero jusko, magulo talaga siyang matulog at madali siyang makatulog! 

  Umabot nga yata ng 11 o'clock na hindi ako makatulog dahil kung hindi niya ako yayakapin, masasapok niya ako sa mukha ng kamay niya. Buwisit! 

Walang nakapagsabi na sobrang gulo pala matulog ng babaeng 'to! 

  Nakita ko ang silhouette ng kamay niya na yayakap nanaman sa akin na nanggagaling sa kaunting liwanag mula sa labas ng bintana kaya mabilis na akong gumapang sa may paanan ko para maiwasan siya. 

Imbes na ako, niyakap niya unan at hindi pa nakuntento ay iniangat niya ang paa niya para pabagsak na ipatong sa aking unan. 

  "Ugh." Paano na ako makakatulog nang maayos niyan? 

Tanong ko sa isip ko at hinila papunta sa akin ang kumot dahil malamig. "Hehe… Bukas na lang ako matutulog, sa library." 

  Lumipas ang isang oras. Gumalaw nanaman si Rose, pero sa pagkakataon na ito ay nandoon na siya sa kama ko. Kumurap-kurap ako dahil malapit na rin talagang bumagsak 'yung mata ko. 

Hindi lang talaga ako makatulog dahil hindi maayos itong pwesto ko. Claire, help. 

  "Mmh…" Ungol ni Rose at humarap sa kisame na kanina'y nakatagilid ang higa. Pero tumagilid din para humarap sa kaninang kama niya. Nakikita ko ang porma nila dahil nakatapat na ang liwanag ng buwan sa bintanang na sa likod ko. |

  Kaya nakita ko rin kung paano nagkasabay na humarap ang dalawa sa isa't isa. 

At hindi lang iyon, ipinulupot pa ni Rose ang mga kamay niya sa leeg ng natutulog na si Claire na siyang nagpagising sa kanya. 

  Naningkit lamang ang mata ko. Inaantok na talaga ako pero pinapanood ko pa rin 'yung mangyayari. 

  Tinapik ni Claire ang braso ni Rose na nakayakap sa kanya para gising, and was about to say something when Rose steal an unintentional kiss from her. 

Masyado na akong inaantok para mag react kaya tila parang walang emosyon lamang akong nakatingin sa kanilang dalawa lalong lalo na kay Claire na sobrang nagulat sa ginawa sa kanya ni Rose. 

  Mayamaya, tumabi siya sa akin at naki-share ng kumot ko dahil sinakop na ni Rose ang buong sapin namin. 

  "She… took my first kiss." Malalim na pagkakasabi niya na animo'y lumalabas sa katawan niya 'yung kaluluwa niya. 

  Yumakap ako sa mga binti ko. "Congrats." Bati ko naman. 

  "Hahh… I want to smack you." 

  "Do it. I want to sleep." 

  "No way, you have to stay awake. Hindi na ako makakatulog." Sabi niya saka kami parehong napatingin kay Rose na parang baboy kung humilik. 

  Kaya kinaumagahan, naabutan niya kaming maitim ang mga eyebags habang nakaupong pareho sa gilid. "Ano'ng nangyari sa inyong dalawa?" 

  Nanatili lang kaming mga nakayakap sa mga binti namin ni Claire habang nanginginig sa lamig. Pumikit ako sandali.

"Tuloy tayo sa library mamaya." 

 

  "Mabuti pa nga." Pagsang-ayon ni Claire pero mas lalo lamang nagtaka si Rose. 

***** 

Bab berikutnya