webnovel

Evoke

Chapter 17: Evoke

Haley's Point of View 

  Nakanganga pa rin ako habang nakatitig sa pangalan nung tumatawag. Si Kei. Tumawag siya. "Kei ~!" Laking tuwa kong tawag sa pangalan niya bago ko mabilis na pinunasan ang luha sa aking mata. 

  Sinagot ko ang video call request kaya nagpakita ang mukha niya sa screen. Nakasuot siya ng beige turtle neck. "Hulaan ko. Nagpunas ka muna ng luha mo bago mo sinagot tawag ko." Bungad kaagad ni Kei pagkasagot ko pa lang nung tawag na siyang nagpalaki sa mata ko. 

  "Iyan talaga 'yung bungad mo, ano?" napasandal tuloy ako sa headboard. "How… did you know?" Tanong ko. 

  "Ay, so tama ako?" Mangha rin niyang reaksiyon kaya muli akong umalis sa pagkakasandal sa headboard ng kama ko. 

  "Nanghula ka lang?!" Hindi makapaniwala kong reaksiyon. 

  "Iyon una kong sinabi, 'di ba?" Parang inosente 'yung pagkakasabi niya na sinimangutan ko kaya tinawanan niya ako. "Nah, naramdaman ko lang bigla na malungkot ka ngayon kaya natanong ko. At tamang tama, ano 'yung problema mo?" Ngiti niyang tanong na hindi ko kaagad nasagot. 

  Naalala ko lang bigla 'yung nabanggit ni Mirriam sa akin noon. "Kei is just like your older sister. Pero hindi rin kataka-taka kasi magkapatid naman talaga kayo." 

  Hindi ko namalayan na napangiti ako sa naalala kong salita niyang 'yon. Tila parang nawala na parang bula 'yung nararamdaman kong lungkot. Teka, bakit? 

Don't tell me kaya ako nalulungkot kasi nakakaramdam ako na parang napag-iiwanan? 

  Pero kung ganoon, paano kung hindi naman talaga ako in love? Sandali, sandali. Bakit naman bigla ako nakaramdam ng pagkalito? 

  "Haley?" Tawag ni Kei mula sa kabilang linya kaya umangat ang magkabilaan kong balikat dahil naa-out of the world na pala ako. 

  Tumikhim ako. "Bago 'yan, anong oras na ba diyan?" Tanong ko at kinuha ang relo ko na naroon sa side table. Ise-set ko na para alam ko 'yung oras nila Kei sa California. 

  Bumaba ang tingin niya. Mukhang binabasa niya 'yung oras mula sa laptop niya. Kita ko lang kasi 'yung edge nung laptop kaya alam kong hindi phone ang gamit niya pang video call. "4AM." Sagot niya at iwinagayway ang dalawang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "However, you have nothing to worry about. Kani-kanina pa kasi talaga ako gising, hindi lang talaga ako makatulog."

  "Is that so?" Tanong ko at panguso na umiwas ng tingin. Akala ko pa naman tumawag siya dahil naalala niya ako. Lowkey akong nagtatampo. 

  "Ikaw unang pumasok sa utak ko pagkagising ko kaya naisip ko nga na matagal na tayong 'di nakakapag-usap. We're too busy lately. How are you?" Binabawi ko na sinasabi ko kanina. Naalala niya ako. "Imposible namang umiiyak ka dahil wala kang kaibigan diyan. Eh, nandiyan naman sila Jasper."

  Umirap ako sa kawalan. "Ano tingin mo sa akin? 'Di kayang mag-isa?" 

  Humagikhik siya. "Hmm, you have a point. Pero iba naman na kasi ngayon, right?" Tanong niya sa akin. "Nalulungkot ka nung naghiwa-hiwalay tayo." Humigpit ang yakap ko sa unan nang dahil sa naging tanong niya. 

  Sumandal na nga lang ulit ako. "Shut it. Tumawag ka lang ba para mang-asar?" 

  "I'll take that as a yes." Hindi niya pagpansin sa sinasabi ko kanina. 

  "Are you even listening?" 

  "Then are you crying because of him again?" Wala pa siyang binabanggit na pangalan pero alam ko na kung sino tinutukoy niya. Natahimik pa ako kasi nagdadalawang-isip ako kung ikukwento ko ba sa kanya. 

  Bumuntong-hininga siya at sumandal sa swivel chair niya. "Ayaw mong i-try na ikaw ang unang mag first move?" Tanong niya. "Malay mo gusto ka rin niy--" 

  "Alam ko." Panimula ko na nagpatigil sa kanya. 

  "Alam?" Ulit niya sa aking binanggit. "Alam mo… na?" She paused. 

  "Alam kong gusto niya ako." Diretsyong sagot ko at tumungo nang kaunti. "Kei. Ilang beses ko na rin tangkang umamin sa kanya, but when I do, ginagawa niyang biro kaya tumigil ako sa idea na umamin. I'm thinking na natatakot siya although I have no idea kung ano dahilan kaya siya natatakot." Sagot ko na nagpatulala sa kanya. 

  Mayamaya pa nang mapahawak siya sa kanan niyang pisngi't mapapikit. Tila parang nag-iisip. "Not sure what to say, aside of being shocked na alam mo pala. Ikaw na rin nagsabi na ayaw mo na 'yung ideya ng pag-amin, pero naisip ko na pwede mo ring gawin ay pasimple siyang landiin. Like…alam mo na." Binigyan pa niyan ako ng matamis na ngiti. 

  Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?" 

  Muli siyang natawa. "Hindi ba ako nagsasalita ng ganoon dati?" 

  Umiling ako. "Never. Hindi ka naglalabas ng salita na medyo… Well, hindi maselan pero basta 'yung mga ganyan. Ni hindi pa kita naririnig magmura." 

  Tumingin siya sa kung saan. "I'm not bragging pero nagmura na ako." 

 

  "Bakit hindi ko narinig?!" Hindi ko makapaniwalang tanong. 

 

  Ngumiti siya nang pilit. "Bakit parang nanghihinayang ka?" Takang taka niyang sabi noong ibalik niya ang tingin sa akin. Humalukipkip siya pagkatapos. "But Haley, you can't expect Reed to notice your feelings. Laking manhid siya, o baka nagpapatay malisya kasi iyon nga na takot masaktan. So why don't you show him how you really feel? By that, baka magkaroon siya ng lakas na loob na sabihin sa 'yo kasi nagpapakita ka ng motives?" 

  Bumuntong-hininga ako. "Ang dali-dali mong sabihin pero bakit 'di mo nagawa kay Harvey nung nandito ka?" 

  Namula ang mukha niya kaya napa-bored look ako lalo pa noong mag flustered na siya. Pautal-utal na 'yung mga sinasabi niya kaya parang nagsisi ako na binanggit ko pa. "H-Huwag mo ngang ibahin 'yung usapan. Geez!" Nguso ni Kei. Ang cute. 

  Pero ang ibig sabihin niyan, may something pa siya kay Harvey 'till now. 

  "I don't know if I can do it. But I'll try." 

  Tumango siya at nginitian ako. "Alam natin na matagal na kayong ganyan ni Reed but I advice you not to rush and just take your time. Kung ano naman 'yung desisyon na gagawin mo, alam kong alam mo mga consequences." 

  Tumango rin ako. "Yep. Thank you." Labas ngipin kong ngiti. "Sis." 

Umabot sa tainga ang ngiti niya pagkatawag ko niyon sa kanya. 

  "Pero bakit ka nga umiyak?" Tanong niya bigla sa akin. Ayaw talaga niya akong tigilan. 

*** 

  MATAPOS NAMING magkwentuhan ng kung anu-ano ni Kei ay in-end na namin 'yung call. Nag-usap kami ng halos dalawang oras, at 9 na rito. 

Ini-spread ko ang mga kamay ko sa kama nang makahiga ako pero iniangat din ang kanang kamay para tingnan ang social media habang hindi pa ako dinadalaw ng antok. 

  Hindi ko talaga ugali mang stalk dahil madalas ko namang makita si Reed pero sa pagkakataon na ito, tiningnan ko 'yung timeline niya sa Facebook. 

Puro pictures namin ito nung high school at lahat ng mga ito ay kasama ako kaya hindi na 'to bago sa akin. "Wala ba siyang latest photo ngayong college?" Tanong sa sarili habang scroll down ako nang scroll. 

  Hanggang sa mag desisyon akong I-refresh. Pagkalitaw ng bagong tab. Nanlaki ang mata ko nang I-tagged siya nung familiar na user. Dahan-dahan kong ibinaba para makita ang litrato. Stolen picture ito ni Reed na papaalis kanina sa mini resto na pinuntahan ko kanina. Marami ng like and reacts ang post na iyon kahit wala pa nga yatang minuto bago niya mai-post. 

  Higpit akong napahawak sa phone ko bago ako magpasya na patayin ito at matulog. 

Irish's Point of View 

  Ipinatong ko na ang phone ko sa aking study table matapos kong mai-post 'yung stolen picture ni Reed. Kahit na sabihin natin na alam kong magkakaroon ako ng iilang bashers, ginawa ko pa rin. "So ano, Haley Miles Rouge? Ano na next move mo?" Tanong ko sa ere bago ko pinatay ang ilaw at pumunta sa kama ko para humiga. 

  Kung tatanungin ako kung bakit ko ginawa 'yon kahit alam ko naman 'yung kapalit, iyon ay dahil sa curious ako sa kung ano ang mangyayari sa kanilang dalwa.

Sabihin natin na nakuha ko 'yung ugali na mayroon ako nung ginagawa ko 'yung inuutos ni Harvey sa akin nung nakaraang taon kaya ngayon ay parang medyo nae-entertain akong umarteng kupido nila kahit na minsa'y napupurwisyo rin ako kay Reed. 

  Malalim akong huminga nang malalim bago ibinuga iyon saka ako tumagilid ng higa para makatulog na nga. 

***

  LAKING LAKI ang mata kong nakatingin ngayon sa number of friend request ng account ko. Sinong hindi magugulat kung natulog ka lang ng ilang oras pero pagkagising mo para tingnan ang SocMed mo, peymus ka na? 

  Tinakpan ko ang bibig ko. "Artista na ako!" Tumalon ako na animo'y nanalo sa isang paligsahan. "Yes! Peymus na ak--" Iikot pa sana ako sa tuwa nang ma-realize ko kung ano talaga ang nangyayari. Sumikat lang talaga ako hindi dahil sa magandang paraan. 

  Pumikit ako at bumuntong-hininga bago ko buksan ang notification para makita ang mga comments. 

  But guess what? Ako ang na-surpresa dahil iba 'yung nakikita ko sa inaasahan ko. 

  "May nililigawan na ba si Reed?" 

  "Akala ko si Haley. Pero kung sino 'yung magugustuhan ni Reed Evans, support!" 

  "OMG! Is this real?" 

  "Wala pang nakakagawa niyan sa kanya maliban sa mga kaibigan niya sa Trinity6. Ito na ba ang oras para sa kanya? Good-bye, bebe loves!" 

  "Hindi pa ako ready! Ateng nag tagged kay Reed Evans! Huwag mo munang sagutin si Reed!" 

  Nakatayo lang ako sa gitna ng kwarto ko't sini-sink in pa sa utak ko 'yung nangyayari nang mapatingala ako't huminga ng malalim. "Nakikita ko na ang future."  Pagpipilit kong ngumiti. 

  Imbes na ibang tao ang magtanim ng galit sa akin. Pakiramdam ko napunta lahat kay Haley ang mga iyon. 

  Ibinaba ko na ang ulo ko at nagsalubong ang kilay. "Nangyari na, wala na 'tong atrasan." If I have to provoke her, then so I will. 

***** 

Bab berikutnya