webnovel

Chapter Six: Dinner

Kung gaano kagaan ang pakiramdam ko kanina pagpasok sa opisina ngayon naman daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Bartrip ako sa amok o buong araw samantalang kinailangan kong turuan ang mga kasamahan ko kung paano i-handle ang mga ganoong klaseng emergency kapag wala siya.

Sinigurado ko nasa susunod na mangyari na namang aberya ay madali na lang ma-handle ng mga ka-trabaho ko at hindi na ko masyadong mag-alala pa kung sakaling maulit.

Kaso ito pagkatapos ng sandamakmak na trabaho ay pagod na siya pero may kailangan pa siyang tapusin.

Masama na ang tingin ko sa screen ng computer ko habang nagta-type dahil hindi ko pa rin matapos-tapos `tong report niya. Hindi na rin nag-abalang mag-paalam angmga kasama ko dahil siguradong hindi ko rin sila papansinin lalo pa at gusto ko nang matapos `tong ginagawa ko.

Nang maiwan na lang ako mag-isa sa opisina ay napahinto na lang ako sa pagtipa ng keyboard saka napabuntong-hininga. Gusto ko lang paalalahanan ang sarili ko na hindi ako si Darna para magpaka-bayani sa mga trabahong `to dapat siguro umuwi na rin ako.

Badtrip, napasubsob na lang ako sa lamesa gusto kong umidlip ng konti bago ko sagupain ang bangungot na traffic sa daan. Akala ko pa man din magagawa ko ang makapagpahinga ng konti pero bumukas ang pintuan ng boss ko saka ko lang na-realize na hindi pa rin nga pala ito umuuwi.

Pinagmasdan ko lang siya wala na kong energy pa para makapag-usap ditto lalo na at gutom ako.

"Are you hungry?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Marunong ka pala `no? akala ko gusto mo na namang matulog sa ospital." Nakaingos na komento ko bahala na kung masesante pa ko sa pagsagot din dhail inis pa rin ako rito.

Hindi siya pinatulan nito. "Rizza, let's go." Syempre naman masunurin ako kaya mabilis pa sa alas-kwarto na nakapagayos ako ng gamit at sumunod dito.

Buti na lang at kotse ng boss niya ang gagamitin nito ibig sabihin hindi ako ang designated driver nito ngayon gabi. Ang ikinagulat ko lang siguro ay ang pinagbukasan niya ko ng pinto, hindi kaya kukunin na ko ni Lord mamaya? O naghahalusinasyon lang ako dahil sa pagod?

Para siyang de-susing manika na pumasok na lang kahit ang totoo ay gusto ko na lang mapamaang dahil sa nakikita kong kababalaghan ngayong gabi.

"Buckle up."

"Huh? Ahh…" Akmang hahatakin ko pa lang ang seatbelt nang bigla nalang itong dumukwang at sa sobrang lapit ng mukha nito sa'kin ay hindi ko kaya akala ko may kiss sa lips na magaganap `yun pala kinakabit lang nito ang seatbelt sa'kin.

Wala, dakilang asyumera kasi si Ate eh ayun disappointed ako ng bongga dapat talaga nirerendahan ko ang sarili kong imagination eh.

Doon ko lang na-realize na malapit pa rin pala ang mukha nito sa kanya at nagre-reflect ang sarili ko sa gray eyes nito.

Para kong nanuyo ang labi ko kasabay ng pagririgodon ng pasaway kong puso. Hindi ko alam kung saan ko iiwas ang mga mata ko para lang makakawala sa hipnotismo ng mga mata nito.

They say the eyes are a mirror of your soul pero bakit pakiramdam ko nirereflect ng mga mata nito ang kung anong nararamdaman ko? That his eyes say an emotion that they are both aware we have with each other.

Syet hindi ko maiwasang makapagmura sa isip ko kasi literal na ko makahinga, Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak ko.

Sir naman, layo layo ng konti ayokong magpalpitate ng wala sa oras. Piping dalangin ko.

"Don't you dare run, Rizza got it?" his breath fanned in my face. Hindi ko tuloy naintindihan agad ang gusto nitong sabihin.

"Hah?" parang tangang nasabi ko. Bakit ang landi ngayon ng boss ko?

Pero ayun bago ko pa maayos ang nagkandabuhol-buhol kong utak ay umaayos ito ng upo saka sinimulan nang paandarin ang kotse. Anu`yon ganon-ganon na lang? pagkatapos akong landiin ng ganon? Dedma? Tumalon kaya ako sa kotse sa inis ko? Pero syempre joke lang `yon mahal ko pa ang buhay ko `no.

Napansin ko na lang na nagpark kami sa isang pamilyar na restaurant, halos kasi lahat ng restaurant malapit sa opisina ay napuntahan na namin dahil na rin sa mga lunch at dinner meeting na kasama niya ang amo. Kaya alam niyang ito ang paboritong restaurant ni Ryan bakit naman kaya ditto siya nito dinala?

Sinalubong kami ng maitre'D, alam kong mahirap makapagreserve ng table ditto dahil sa pagiging five star restaurant ng luagr at usually four weeks prior ang abiso ko sa restaurant par alang makapagreserve ng table for their VVIP's. Kaya hindi ko maiwasang magtaka kung papaano ito nakakuha ng reservation sa maikling oras.

Sa isang private booth kami iginiya bago inabutan ng menu at kahit ilang ulit na kaming kumakain sa lugar ay hindi ko pa rin maiwasang malula sa presyo ng mga pagkain `don kaya siguro mas gugustuhin niyang kumain na lang sa fastfood dahil sa totoo lang sampung doble yata ang presyo ng mga pagkain `don kaysa sa mga normal kong kinakain.

Isinara na ko ang hawak ng menu dahil alam ko na naman ang o-orderin ko, ang pinakamurang pagkain sa menu na higit kumulang limang daang piso. May gulay kung alam siguro ng nanay ko kung gaano kamahal ang minsang kinakain ko sa trabaho kahit na kompanya nila ang may sagot sa expenses ay baka himatayin na `yon dahil pwede na nitong ipamalengke ang perang isang kainan ko lang.

"What's your order?" tanong sa kanya ni Ryan habang nakatingin pa rin ito sa menu.

"Fettucini, Sir." tinignan ako nito pero nag-iwan lang ako ng tingin mamaya hindi ko na naman makayanan ang titig nito. Ramdam ko na ang pagwewelga ng mga alaga ko sa tiyan at kahit na alam kong kakarampot lang ang serving ng in-order ko pagtya-tiyagaan ko na lang muna `yon mamaya manra-ransack na lang ako ng ref sa bahay.

Ano ba kasi naisipan nito at ditto pa ko dinala para lang mag-dinner?

Lumapit sa kanila ang Maître'D. "Please give us two set of you best seller and you best wine, for the dessert please give us a mango cheesecake." Sabi nito saka sinara ang menu mabilis namang tumalima ang una at nailigpit na ang menu.

Bago pa ko makapagreklamo ay wala na ang Maitre'D kaya nasita ko ang si Ryan ng wala sa oras. "Sir, naman mag-oorder din pala kayo ng iba bakit pa kayo nagtanong kung anong gusto kong kainin?"

"Sa tingin mo ba hindi ko alam na nag inorder mo ay ang pinakamurang dish sa buong menu, besides ako ang magbabayad kaya bakit ka pa nagalangan? This is a personal meeting between us so the company is not the one who'll pay, it's me."

Kung alam ko lang na ito ang magbabayad hindi sana inorder ko na ang pinaka mahal sa menu, Oo ganon ako kabalahura pagdating sa libre, kaya nga madalas na namumulubi sa'kin ang mga lalaking kaibigan kapag nanlilibre ang mga ito. Hindi ako tutumatanggi sa grasya `no.

Bab berikutnya