webnovel

STOW AWAY

ONE WEEK LATER

Hindi na pinagtrabaho ni Dixal si Flora Amor. Nasa loob na lang siya ng bahay nila sa Imus. Iwas stress sa kahit na ano, pero ang kanyang ina, stress na stress sa kanya.

"Pamabihira kang bata ka. Kung kelan ka nagbuntis, saka ka naman naging burarang hinampak ka!" singhal nito sa kanya habang inililigpit ang mga balat ng lansones na kinain niya.

"Ma, ilagay mo lang yan jan. Nakasupot naman yan, hindi malalagyan ng dagta ang mesa." saway niya sa ina habang sige pa rin sa pagbabalat ng isang kilong lansones.

"Bruha ka! Kanina ka pa kumakain nang kumakain, mamaya, lumubo agad yang tyan mo ikaw din ang mahihirapang manganak, bruhilda ka!" sermon nito sabay upo sa kanyang tabi.

"Panong lulubo ang tyan ko eh mga prutas naman ang nilalantakan ko? Relax ka nga lang jan, Ma." natatawang sagot niya.

"Kuuuu bahala ka nga sa buhay mo't aalis ako. Magpapasalon ako." paalam nito.

"Saan ka na naman pupunta, Ma? Kahapon lang eh sabi mo may rehersal kayo ni Mama. Ngayon naman magsasalon ka. Baka naman lumalandi na kayong dalawa ni Mama Adele, di lang namin alam ni Dixal." puna niya.

Gigil na gigil na kinuyumos ng ina ang mukha.

"Kuuuu! Masabi ko nga kay Dixal bukas na dalhin ka na sa bahay niyo nang wala nang pasaway dito. Talagang bata ka, ako pa paghihinalaan mo ngayon, kung kelan ako tumanda! Kami ni balae pala."

Malakas na tawa lang ang kanyang isinagot.

Nagmamartsa itong pumasok sa loob ng kwarto. Paglabas ay ganun pa rin ang damit ngunit bongga ang bag na sukbit, Louis Vuitton.

"Woww! Mukhang may date nga siya. Ba't di pa kayo nagpalit ng damit, Ma?" panunudyo niya sa ina.

"Tse! Makaalis na nga. Si Devon, paalagaan mo na lang kay Hanna tutal eh Linggo naman ngayon."

Napasimangot siya. Linggo pero si Dixal, andun pa rin sa opisina nito, may mahalaga daw inaayos na papeles.

"Sige na aalis na ako. Wag kang lalabas ng bahay ha?" bilin nito sa kanya.

Tumango lang siya at natatawang inihatid ito ng tingin palabas.

Pero maya-maya lang ay tumayo agad siya't nagtungo sa banyo. Susurpresahin niya si Dixal ngayon.

Magga-grab siya papunta sa FOL BUILDERS at gugulatin niya ang asawa. Dun na din siya matutulog sa opisina nito.

Excited pa siya habang naliligo at siniguradong malinis ang buo niyang katawan.

Tama namang paglabas niya ng kwarto'y kabababa lang ni Hanna na tila kagigising lang.

"Hanna, ikaw muna ang mag-asikaso kay Devon ha? Aalis ako ngayon."

"O san ka pupunta?" usisa nito sa namumungay pang mga mata.

"Wag ka nang magtanong, basta aalis ako." sagot niya at dumiretso na sa kwarto saka tinawagan sa phone ang grab para magpahatid sa Opisina ni Dixal.

Si Hanna nama'y nagmamadaling umakyat uli sa ikalawang palapag upang gisingin ang mga kapatid na hanggang ng mga sandaling yun ay mga tulog pa rin.

Isang oras seguro siyang nag-ayos bago lumabas ng kwarto at nakita ang mga kapatid na nagpakaligo na.

"Aba, aba. Parang may balak kayong umalis ah." sita niya sa apat.

Walang aalis ngayon sa inyo at aalis ako. Wala rito si Mama, umalis din. Tandaan niyo, bawal ang umalis sa inyo!" bilin niya sa mga to.

Napakamot na lang sa batok si Hanna ngunit napilitang tumango sa ate.

Subalit nang makalabas na'y nag-akyatan na uli sa taas, naghahagikhikan.

LAKING PASALAMAT NI Flora Amor na walang trapik ng mga sandaling yun, kaya wala pang isang oras, nasa loob na siya ng VIP's elevator at paakyat na sa third floor kung saan naruon ang opisina ng asawa.

Seguradong magugulat ito pag nakita siya sa ganung ayos. Talagang nagpaganda siya ngayon para mawala ang stress nito sa trabaho.

Subalit di niya akalaing siya pala ang masusurpresa pagkabukas lang ng pinto ng opisina nito.

"Dixal, maawa ka sakin. Nakakulong na sina Papa at Tita Cathy. Wala na akong malalapitan maliban sayo. Mawawala sakin ang lahat lalo na ang career ko kung malalaman ng lahat na buntis ako." umiiyak na pakiusap ni Shelda habang nakaluhod sa harap ng nakatayong si Dixal sa may mesa nito paharap sa kanya ngunit di siya nito napansing pumasok dahil nakatuon ang atensyon nito sa nakaluhod na dalaga.

Dinig na dinig niya ang sinabing yun ni Shelda.

Buntis ang kanyang pinsan at si Dixal ang ama? Biglang nangatog ang kanyang mga tuhod sa pagkagulat na kung hindi siya napakapit sa dahon ng muling sumarang pinto ay malamang na bumagsak na siya sa kinatatayuan sa narinig mula sa babae.

Heto na naman, nagsinungaling na naman si Dixal sa kanya. Nabuntis na pala nito si Shelda ay di man lang niya alam. Pinagsabay pa silang buntisin. Ang walanghiyang lalaking to! Wala nang ginawa kundi saktan ang kanyang damdamin.

"Wala na akong magagawa para tulungan ka Shelda. Ginusto mo yan, panindigan mo. I can just be your friend now, nothing else." anang lalaki.

Napahawak na sa tuhod nito si Shelda sabay hagulhol nang malakas.

"Maawa ka sakin Dixal. Pagbigyan mo na ako. Mawawala ang career ko pag nalaman nilang buntis ako at bastardo ang dinadala ko. Kahit ngayon lang Dixal. Maawa ka sakin." pagmamakaawa nito sa kanya.

Agad namalisbis ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Nung nakaraang linggo lang, sinabi ng lalaking magpapapress conference ito at ipakikilala na siya nito sa lahat. Pero hanggang ngayon ay di nito iyon ginagawa. Yun pala ang dahilan. Dahil buntis din pala si Shelda.

Gusto niyang magalit nang mga sandaling yun at sugurin ang dalawa. Gusto niyang pagsampal-sampalin si Dixal at ingudngod sa semento ang pagmumukha ni Shelda subalit hindi niya alam kung bakit sa halip na ganun ang gawin ay biglang na lang siyang pumihit paharap sa pinto at binuksan iyon saka siya lumabas.

Duon lang napansin ni Dixal ang asawa nang patakbo na itong umalis mula sa nakabukas na pinto ng opisina. Kung kelan niya inaaalalayan si Shelda na tumayo, di tuloy siya makatakbo at habulin ang asawa.

"Listen, Shelda. Magkaiba kami ng paniniwala ni Dix. Kinausap ko na siya tungkol sa problema mo and it's up to him kung pananagutan ka niya. Kung hindi, wala na akong magagawa para sayo. But for now, kailangan kong habulin ang asawa ko. Pasensya na." paliwanag niya sa dalaga at iginiya niya ito palabas ng pinto saka patakbong hinabol sa elevator si Amor ngunit hindi na niya ito naabutan.

Wala siyang choice kundi bumalik sa opisina at itrack ang asawa kung saan ito nagpunta. Hindi nito alam, may GPRS ang singsing na ibinigay niya rito ngunit pagkaraan ng ilang minuto, bumalik ito sa Imus. Panatag na siya duon. Mamaya na lang niya ito kakausapin at ipapaliwanag ang nakita nito kanina.

Tinawagan niya si Lemuel.

"Dude! Nakaready na ba ang lahat? Ang mga reporter nakaready na?" usisa niya sa kaibigan.

"Yup! Ready na lahat. Yung go signal mo na lang ang hinihintay." sagot nito.

"Very good. After 20 minutes, saka mo sila papuntahin sa University." anya rito.

"Okay! Okay!"sagot nito saka pinatay na ang tawag.

Andami niyang tinawagan para kausapin kung nakahanda na ang lahat. Tanging si Amor na lang ang kailangan para maisakatuparan na ng lahat.

Palabas na sana siya ng opisina upang puntahan na si Amor sa Imus pagkatapos ang halos isang oras na pagtawag sa telepeno nang maisipan niyang imonitor uli ang asawa kung nakauwi na ito.

Subalit nagsalubong agad ang kanyang mga kilay sa nakita?

"She's going to the Airport?" bulalas niya.

Lalayo na naman ba ito? Iiwan na naman siya? Nang dahil lang sa nakita nito kanina, lalayo na naman ito sa kanya? No! Hindi pwedeng matuloy ang binabalak nito. Uunahan niya ng asawa.

Dinampot na uli niya ang telepono at tinawagan na uli si Lemuel.

"Tell them all to go to the airport, terminal 4." utos niya sa lalaki.

"What? Ibang venue na naman? Dixal, you can't be kidding this time. Nakaready na ang lahat sa Novaliches. Bakit kailangan mo uling ilipat ng Venue?" reklamo na ni Lemuel.

"Aalis na naman si Amor, Lemuel. Nakita niya kami ni Shelda kanina habang nakaluhod si Shelda sakin at nakikiusap na kausapin ko si Dix na panagutan yung dinadala niya. You knew Amor very well. Mabilis yun magbago ng desisyon. Baka hindi ko na naman siya makita ng ilang taon. Mababaliw na ako pag nangyari yun Dude." paliwanag niya.

Isang buntunghininga na lang ang naisagot ni Lemuel.

"Airport.Terminal 4. Copy. Whooh! Mababaliw ako sa inyong dalawa!" anito saka pinatay na uli ang tawag.

Muli siyang tumawag sa mga tinawagan kanina upang ipaalam na nagbago ang venue at magpunta sila sa Airport Terminal 4. Kilala niya si Amor. Hindi ito lalabas ng bansa. Baka magpapalipas lang ito ng oras sa kung saan.

Nagmamadali niyang tinawagan ang mga personnel sa bawat airline na ipaban ang pagsakay ng asawa sa mga airplanes sa kahit saang terminal maliban lang sa terminal 4 saka niya sinabi ang dahilan.

SAMANTALA, sakay na uli si Flora Amor ng Grab kasama ang inaantok pang anak at bitbit ang isang malaking bag. Mabuti na lang nasa taas ang mga kapatid niya at hindi nagsilabas ng bahay kaya di napansin ng mga to ang kanyang pag-alis, karga ang naalimpungatan pang anak. Hinayaan niya itong makatulog na uli habang nakaunan sa kanyang hita at nakabaluktot ng higa sa loob ng grab.

This time, hindi na siya umiyak, di tulad ng nangyari noon nung makita niya si Dixal at Veron na magkapatong habang walang mga saplot, halos mabaliw siya sa kaiiyak noon. Ngayon matapang na siya. Kung hindi ito magiging tapat sa kanya, walang dahilan para manatili siya sa tabi nito. Lalayo siya kasama ang kanyang anak. Saka na siya magpapaliwanag sa ina pag nakarating na siya sa kanyang destinasyon. Sa Bicol siya magpapalipas ng galit sa lalaki. Kahit tumira siya duon ng ilang taon, okay lang kasi madami siyang mga kilalang kapitbahay duon.

Kailangan niyang maging matapang ngayon lalo na't dalawa na ang kargo niya, si Devon at ang kanyang ipinagbubuntis. Ayaw niya nang umiyak, makakasama yun sa kanyang anak. Masisira din ang kanyang make-up na pinaghirapang ilagay sa loob ng halos isang oras.

Kalilimutan niya si Dixal kung puro na lang sakit ng dibdib ang binibigay nito sa kanya. Mabubuhay siya kahit wala ito. Dala niya ang kanyang Atm. Kahit papano'y malaki din ang savings niya run, aabot din ng 200k, malaki na yun sa kanila. Bago maubos yun, titiyakin niyang may trabaho na siyang mahahanap bago pa siya makapanganak.

Magdadasal lang siya na sana may tumanggap sa kanya kahit buntis siya.

Pagdating sa mismong terminal 4, kasi termonal 4 lang ang alam niyang may papuntang Bicol Kaya yun agad ang naisip niyang puntahan, ginising niya si Devon at inalalayang makalabas ng sasakyan at kinuha sa driver ng grab ang kanyang malaking maleta Ngunit ito na ang nagpresentang magbuhat niyon hanggang makapasok sila sa loob ng airport.

Agad siyang nakipag-usap sa personnel ng airplane papuntang Bicol na kung pwede ay gawin silang chance passenger.

Hiningi ng isang babaeng nakauniporme sa counter ng AIRASIA ang kanyang id card at matagal itong tinitigan bago ibinalik sa kanya, maya-maya'y nakangiting tumayo saka siya nilapitan.

"Maam, sorry po to tell you na fully booked po kami buong araw. Pero kung makakapaghintay po kayo ng dalawang oras, merun po kaming chopper na pwede niyo pong sakyan papuntang Bicol." paliwanag sa kanya ng AirAsia staff.

"Ganun po ba?" anya't sinipat ang wristwatch. Alas Dyes nang umaga pa lang naman. Hindi naman nakita ni Dixal ang pag-alis niya sa opisina nito. Walang maghahanap sa kanila ni Devon dahil umalis ang kanyang ina. At kahit tumawag pa ang kanyang Mama sa kanya. Sasabihin niya lang may binili lang sila ni Devon, mamaya pa ang uwi nila.

Matapos ang matagal na pagbabalanse ng lahat ay saka siya tumango sa dalaga.

"Okay po, Miss. Maghihintay lang po kami." sagot niya't hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Devon na noo'y inaantok pa rin ngunit pinipilit lang ibukas ang mga mata.

Subalit kapansin-pansing medyo basa ang buhok nito, parang pinaliguan kahit inaantok pa at saka nakatulog uli pagkatapos paliguan.

Tinawag ng staff ang isang lalaking guard at kinausap sa mahinang boses pagkuwa'y lumapit ang lalaki sa kanya saka kinuha ang kanyang maleta.

"Ma'am, sumama po kayo sakin. Dito po muna kayo magpahinga habang naghihintay ng inyong sasakyang chopper." anito sa kanya.

Yung babaeng staff ay kinarga nang kusa ang di naman pumalag na si Devon dahil inaantok pa nga at sumama rin sa kanila ng guard papunta sa isang well ventilated na kwarto na tila pang VIP.

Nagtaka siya. Bakit siya dinala duon eh di naman siya mukhang VIP? O ganun lang talaga mag-assist ang mga personnel ng AirAsia sa mga customer nito. Yung huli na lang ang pinaniwalaan niya.

Bab berikutnya