webnovel

DONALD RANDALL

Pagpasok pa lang sa loob ng malaking bahay ay halata na sa mukha ni Donald Randall ang galit na kung hindi lang mga antique ang lahat ng mga gamit sa sala ay pinagbabasag na nito ang mga yun upang mailabas lang ang masidhing galit na nararamdaman.

"Anong nangyari kuya, bakit di na naman maipinta yang mukha mo?" agad na usisa ni Cathy habang pababa siya sa hagdanan at nakita ang kapatid na galit na ibinagsak ang katawan sa mahabang sofa sa sala.

"Walang silbi ang mga gunggong na dinala ko sa meeting! Hindi man lang nagawang magsalita ng mga hinayupak nang kaharap na ang vice-chairman at Executive director ng FOL BUILDERS! Sayang lang ang perang isinuhol ko sa mga piping yun!" naniningkit ang mga mata nito sa galit habang pasigaw na nagsasalita sa nangyari sa dinaluhang meeting pagkuwa'y tumayo at aburidong nagparuot parito sa sala.

"Relax kuya, wag kang magpapadala sa emosyon mo at paniguradong matatalo ka sa laban." banayad ang boses na saway niya sa kapatid saka isinenyas niyang umupo ito.

Kahit galit ay nagawa pa rin nitong sumunod sa kanya.

Umupo rin siya sa mahabang sofa katabi ng kinauupuan nito.

"Ano bang problema?" usisa niya.

Namumula ang mga mata nitong bumaling sa kanya.

"Problema? Malaki ang problema ko, Cathy. Sinisingil na ako ni Mr. Ong sa utang ko sa kanya. At itong hayup na Director Diaz na to, hindi nagsasawang manmanan ang dating gusali ng Amorillo Construction Company, hindi ko alam kung pano silang nakakuha ng impormasyon tungkol sa gusaling yun."

sa tono ng pananalita nito, halata ngang malaki ang problemang kinakaharap nito.

"Magkano na ba ang utang mo sa casino, hindi mo ba mabayaran yun?" taka niyang tanong rito.

Sa dami ng pera ng kapatid, utang lang sa Casino, hindi nito mabayaran? Nakapaimposible!

Nilamukos nito ng palad ang mukha bago sumagot.

"50 billion." pairap nitong sagot.

"50 billionn?!"bulalas niya sa pagkagulat.

"Bakit hinayaan mong lumaki ng ganun ang talo mo?"

"Mautak yung hayup na Mr. Ong na yun. Pinapanalo niya ako ng 500 Million sa simula, malay ko bang magsunud-sunod ang talo ko hanggang umabot ng 50 billion." sa galit ay sinipa nito ang katapat na center table.

Mabuti na lang at nahawakan niya ang antique na flower vase na nakalagay sa ibabaw niyon at di nabasag.

"Maliit lang namang problema yan kung tutuusin. Ibenta mo yung lupain sa Laguna."

suhestyon niya.

Subalit nagulat siya sa bigla na uling pagtaas ng dugo nito at matalim na tumitig sa kanya.

"Isa pa ang punyetang lupaing yan!" sigaw nito sabay tayo at muli na namang nagparuo't parito sa kanyang harapan pagkuwa'y bumaling sa kanya.

"Hindi ko alam kung sino ang matapang na demonyong kumuwestyon sa titulo ng mga lupain duon. Nagpunta rito ang lawyer ko kahapon. Merun daw nagpresenta ng original na titulo sa mga lupain ni Papa ruon, nagpunta raw mismo sa munisipyo ng Laguna at ang sabi'y hindi raw ako ang totoong may-ari ng mga lupaing yun."

Napatayo siya sa sinabi nito.

"Ano?! Imposible yan kuya. Satin na nakapangalan ang mga lupain ni Papa sa Laguna, tayo ang nagbabayad ng buwis. Panong kukwestyunin nila ang titulong ibinigay mo?"

Itinapat nito ang hintuturo sa kanya.

"Look into it, Cathy. Kahit bumangon pa mula sa libingan si Papa, siya mismo ang magpapatunay na hindi peke ang mga titulong ibinigay ko sa munisipyo. Alamin mo kung sino ang walanghiyang nangingialam sa mga lupa ko duon!" pasigaw na utos nito sa kanya.

Napanganga siya nang biglang may pangalang sumagi sa kanyang isip.

"Hindi kaya si---Eli--" namumutla niyang sambit.

"Shut up! Patay na ang bastardang yun! Hindi ba't ang mama mo mismo ang nagsabing patay na yun?"

Lalo siyang namutla sa tinuran nito.

"P--pero kahit si Mama, hindi niya rin segurado kung yung nasunog na dalagitang yun sa isang bahaykubo ay ito nga." biglang nanginig ang kanyang mga tuhod habang binibigkas ang mga salitang yun.

"Wala akong pakialam kahit buhay pa ang babaeng yun. Basta asikasuhin mo ang mga lupain duon sa Laguna. Ibenta mo kung kinakailangan nang wala nang makinabang pa sa mga yun liban satin." Mariin nitong utos saka lang muling umupo sa sofa at malalim na bumuntunghininga, pagkuwa'y biglang tumahimik.

Siya nama'y tumahimik na rin, ngunit nag-iisip kung anong gagawin sa mga lupain sa Laguna. Malawak ang lupaing yun na ginawang taniman ng mga pinya at mangga, ang ilan ay pinatayuan ng mga commercial buildings at pinaupahan, silang magkapatid ang naghahati sa kita ng lahat ng mga yun. Halos kalahati seguro ng lupa sa bayan nila sa Laguna ay pag-aari ng kanilang ama noon at ngayon ay pag-aari na nila.

"Hindi pwedeng hindi madispatsa ang mga produkto natin sa gusaling yun. Sa sunod na linggo ay merun nang kukuha ng mga gamot. Kailangan nating maipuslit yun sa mga NBI na nakabantay sa palibot ng gusali." maya-maya'y wika nito.

"Anong sabi ng matanda?" tanong niya.

Bumuntunghininga uli ito saka tumingin sa kawalan.

" Hintayin raw ang paglabas niya sa kulungan. Gagawa raw siyang paraan para makalabas duon agad." sagot nito.

Katahimikan....

"Bakit kasi hindi pa mamatay ang Dixal na yan nang mapasaakin na ang gusaling yun!" Bigla na uli itong tumayo at galit na dinampot ang flower vase sa center table saka iyon itinapon.

Nagulat siya sa ginawa nito ngunit di siya nakapalag.

"Calm down Kuya. Walang mangyayari satin kung ganyan ang gagawin mo. Isipin mong mga antique ang mga gamit na yan, di mo pwedeng basagin na lang basta." saway niya rito.

Muli itong bumaling sa kanya.

"Ang utos ko ang sundin mo nang tumigil na kakasingil sakin ang intsik na yun!" singhal nito sa kanya.

Pinakalma niya ang sarili. Ayaw niyang sumabay sa galit ng kapatid ngayon. Hihintayin niya munang kumalma ito.

Pero nahihilo na siya sa ginagawa nitong tatayo-uupo tapos ay magmamartsa sa buong sala saka na uli uupo.

"Kuya, stop doing that!" hiyaw na niya.

"Panong mong malulutas ang mga problema mo kung ganyan lang ang ginagawa mo. Mag-isip ka ng magandang paraan!"

Sa wakas ay sumunod ito sa kanya at naupo na uli, ilang beses na huminga nang malalim.

"Kailangang mapasaakin ang kompanya ni Dixal. Kailangan ko ang gusaling yun para sa pagpapalawak ng negosyo namin ng matanda." maya-maya'y bulalas nito sabay nakakalokong pumilantik.

"Hindi na kita maintindihan kuya. Gano ba kaganda ang gusaling yun para pag interesan mo? Anjan na yung gusali ng matanda. Malawak na yun." sagot niya.

"Tanga ka ba? Hindi Ka nakikinig!" singhal na naman nito.

"Hindi na makakilos ang mga tao sa loob, di mailabas ang produkto dahil sa pakialamerong director na yun. Panong lalago ang negosyo natin? Kailangan natin ng bagong site, ng bagong laboratory at ang gusali lang yun na pagmamay-ari ni Dixal ang magandang gawing laboratory dahil sabi ng matanda marami raw ang secret rooms duon, di basta-basta matatagpuan ng mga awtoridad at pwedeng makalabas-pasok sa gusali ang kahit anong gawa galing sa loob nang walang nakakapansin." mahabang paliwanag ng kapatid sa kanya.

Napairap siya rito.

"Pano ngayon yan eh ayaw na ring umasa ni Shelda na pakakasalan siya ni Dixal?"

Tila baliw na ang lalaking bigla na lang humalakhak.

"I already know what to do. Hahaha! Sa ayaw at sa gusto ni Dixal, mapapasakin ang kanyang kompanya at ang gusaling yun."

Sinabayan na uli nito ng halakhak ang sinabi.

Bab berikutnya