webnovel

THE UNWANTED VISITOR

Hindi namalayan ni Flora Amor na nakatulog pala siya habang nakatihaya sa tabi ni Devon. Nagising na lang siya nang tumunog ang kanyang phone at halatang tila inaantok pa nang bumangon at umupo sa gilid ng kama saka kinapa ang phone sa bulsa ng suot na slacks. Ngunit bago sagutin ang tawag ay sinulyapan muna niya ang alarm clock sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama.

Alas Singko na pala. Ang alam niya, tanghali lang nang makauwi sila sa bahay. Matagal na pala siyang nakakatulog. Bumaling siya sa anak na gumalaw at nagpalit ng posisyon sa paghiga.

"Flor, nagkita na pala kayo ni Joven? Tumawag siya sa'kin ngayon lang, bibisita daw siya d'yan," bungad sa kanya ng kaibigan.

"Ha? Bibisita?" tuluyan siyang nagising sa sinabi nito. Kanina lang sila nito nagkita uli, bibisita na agad sa kanila?

"Oo. Natatandaan pa naman daw niya 'yong bahay niyo. In fact papunta na siya d'yan," ani Elaine.

Napatayo siya nang wala sa oras at inayos ang sarili. Nakakahiya naman sa lalaki kung bibisita itong namumugto ang kanyang mga mata at wala sa ayos ang mukha. Maligo lang muna kaya siya tutal tulog pa naman ang bata. Mamaya na lang niya pakakainin ang huli pag nagising na.

"Flor--" tawag sa kanya ng kaibigan.

"Bakit? May sasabihin ka pa ba? Maliligo muna ako. Nakakahiya naman sa pinsan mo kung makikita akong bagong gising."

"Flor--ahm, wala. Wala na. Sige good luck na lang sa inyo. Alam ko crush mo pa rin ang pinsan ko hanggang ngayon," halata sa boses nitong may gusto itong sabihin ngunit 'di itinuloy.

Napansin niya ang bagay na 'yon ngunit 'di na nangulit kung ano pang sasabihin nito't pagkapatay lang ng tawag ay inilapag niya sa ibabaw ng kama ang mobile at nagmamadaling nagtungo sa banyo para maligo.

Magpapaganda siya ngayon. Kailangan presentable siya pagdating ni Joven. Kailangang walang maipipintas sa kanya. Sa pagmamadali'y hindi niya napansing nagising na pala ang anak na noo'y nakakunot ang noo at ini-aabsorb sa utak ang sinabi ng ina.

Sampung minuto lang seguro ang itinagal niya sa banyo at nagmamadali na siyang bumalik sa loob ng kwarto ngunit napaawang ang bibig niya pagkakita sa kanyang tokador na wala kahit suklay man lang, malinis na malinis ang ibabaw niyon.

Nang tignan niya si Devon ay wala na ito sa higaan.

"Devon! Bata, 'asan na ang mga cosmetics ko?" tawag niya sa anak ngunit hindi ito sumagot.

Baka nagutom ito't dumeretso sa kusina kaya nagtuluy-tuloy siya sa kusina. Andun nga ito't binubuksan isa-isa ang tatlong kalderong nakalapag sa countertop o ibabaw ng kusina at nakapatong sa mga wooden mat.

Bahagya pa itong nagulat ng magsalita siya.

"Devon, nakita mo ba ang mga cosmetics ko sa tokador?" tanong niya ngunit kunut-noo lang itong tumingin sa kanya.

"Amor, nagugutom na ako. Asan yung shrimps na niluto ni mama, wala naman," angal nito.

"Ha? Wala ba?" balik-tanong niya saka binuksan isa-isa ang tatlong kaldero at tulad ng sinabi ng bata, wala ngang nilutong hipon ang kanyang ina. Ang akala pa naman niya, nagluto itong hipon.

"Ito na lang calderetang baboy ang kainin mo bata. Mamaya bibili akong hipon sa palengke," aniya rito't kumuha ng plato sa lagayan pati kutsara't tinidor.

"Ayuko, gusto ko ng hipon," giit nito.

Hindi niya ito pinansin at tuloy lang sa paglalagay ng kanin sa plato saka inilapag sa mesa. Naglagay na rin siyang calderetang baboy sa mangkok at inilapag na uli sa mesa.

"Tatawag ako kay Daddy. Magpapabili akong hipon," anito't mabilis na tumakbo palabas ng kusina.

"Hinampak kang bata Ka! Andaming ulam dito, naghahanap ka pa ng wala!" napahiyaw na siya.

"Gusto ko ng hipon!" sigaw na rin ng bata.

'Pag gano'ng nangungulit na ito, mangani-nganing batukan na niya ang anak ngunit kailangan niyang mag-adjust ngayon lalo na't kagagaling lang nito sa sakit at kailangan niya itong mapakain kahit kunti lang.

"Bata, sige na kumain ka muna kahit kunti tapos magluluto akong hipon mamaya," habol niya rito ngunit huli na, kausap na nito si Dixal nang bumalik siya sa kwarto para habulin ang anak.

"Isang kilo po Dixal. Hindi marunong magluto si Ate ng ulam," narinig niyang wika nito sa kausap.

Namula siya sa tinuran nito, ilaglag ba naman siya sa lalaking 'yon.

"Devon, kumain ka muna sabi eh," pangungulit niya.

Sinulyapan lang siya ng bata ngunit 'di sumagot.

"Sige. Kakain ako ng kunti pero magdadala ka ng shrimps dito ha? Hindi ako kakain hanggat walang shrimps," anang bata saka bumaling uli sa kanya.

"Amor, sabi ni Dixal, kunti lang daw kakainin ko ngayon," anito saka inilapag sa tokador ang hawak na phone at muling tumakbo papuntang kusina.

Hindi sinasadyang masaktan siya sa sinabi ng anak. Mabuti pa ang lalaking 'yon, isang sabi lang dito'y sumunod agad ang anak. Pero siya, kailangan pa niyang sumigaw para sundin siya. At 'pag ayaw talagang sumunod, bigla na lang itong iiyak at magsusumbong sa ina niya.

Napapabuntunghiningang sumunod siya sa anak pabalik sa kusina kung totoong kumakain nga ito kahit kunti lang.

Masaya nga itong kumakain ngunit 'di inubos ang sinandok niyang kanin at ulam para dito saka kumuha ng tubig sa dispenser.

"Amor, tapos na akong kumain," anito't naghugas na ng kamay.

Siya nama'y kinuha ang sipilyo nito't nilagyan 'yon ng toothpaste saka hinayaan itong mag-toothbrush sa lababo habang nakatayo sa ibinigay niyang silyang tuntungan nito.

Hindi nga sila magkaclose ng bata. Lumalaki itong hindi lubhang malapit sa kanya. Hindi rin niya ito masisisi. Inaamin naman niyang marami siyang pagkukulang rito pero ngayong nakilala na nito si Dixal, saka lang siya nakaramdam ng pagseselos na mas malapit ito sa lalaki kesa sa kanya gayong kelan lang naman nagkita ang dalawa.

Saktong katatapos lang niyang asikasuhin si Devon nang tumunog ang doorbell sa labas ng pinto ng bahay.

Nag-unahan pa silang magbukas ng pinto ng bata sa pag-aakala nitong si Dixal ang nagdo-doorbell ngunit laking panlulumo nito pagkakita sa estrangherong lalaki.

"Hi!" nakangiting bati ng bisita pagkakita lang sa kanya saka inilipat ang tingin sa batang biglang tumulis ang nguso at nagsalubong ang mga kilay saka tila matandang sinuri ang lalaki mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo pagkuwa'y humalukipkip.

"Hi!" ganti niyang bati, pulang pula ang pisngi sa hiya. Pano'y nakapatong pa sa ulo niya ang ginamit na tuwalya sa pagligo.

"Sensya ka na kaliligo ko lang kasi, 'di pa ako nakapagbihis nang maayos," aniyang mabilis na sinulyapan ang suot na cut-off shorts na mas mahaba pa ang bulsa niyon kesa sa mismong shorts at sleeveless na blouse na kulay carnation.

Isang cute na ngiti lang ang isinagot nito na lalong nag-pablush sa kanya.

"Lika pasok ka," an'ya saka agad na hinawakan si Devon para tumabi at 'wag humarang sa pinto saka siya nagpatiuna sa sala akay ang anak na 'di tinatanggal ang matatalim na titig sa lalaking bisita.

Itinuro niya ang mahabang sofa sa lalaki para doon ito umupo at sila naman ng anak ay sa isa pang mahabang sofa umupa patapat rito.

Pero tila yata sinasadya ng lalaking tumayo sa kinauupuan at tumabi sa kanya.

Siya nama'y agad na tinanggal ang tuwalya sa ulo at ibinigay iyon kay Devon.

"Ilagay mo sa kwarto ko," utos niya rito.

Sumunod naman ito at tumakbong pumunta sa kwarto niya.

"Kumain ka na ba? Marami kaming ulam," alok niya.

"Yup, kumain na ako bago nagpunta rito. Don't worry about me," maagap na sagot ng lalaki saka umusad nang kunti palapit sa kanya.

Siya nama'y biglang nakaramdam ng pagkailang at bahagyang umusad nang kunti palayo rito hanggang sa dulo ng sofa.

"Nakakagulat ka naman. Ba't ka pala napunta rito? Nagulat ako sayo," naiilang niyang sambit saka sinuklay ng mga daliri ang basang buhok.

"I just missed you," prangka nitong sagot, pagkuwa'y inilagay ang kamay sa likuran ng sofa kung saan siya nakaupo.

Alanganin siyang tumawa ngunit halata ang pagkailang sa ginawa ng lalaki at panakaw na sinulyapan ang kamay nito sa kanyang likuran.

"Flor, can I invite you for a dinner?"

"Ha? Ah eh--" pautal niyang sambit, 'di agad makahagilap ng isasagot.

"She's not available tonight," si Devon na ang sumagot na noo'y nakatayo na sa tapat nila at agad na tinakpan ng tuyong tuwalya ang lantad niyang hita saka umupo sa gitna nila.

Napilitang umusog palayo ang lalaki upang bigyang espasyo ang tila mason na bata sa talas ng dila at parang asawang nagseselos.

Nang makita nitong halos nakahawak na ang kamay ng lalaki sa kanyang balikat ay agad nitong tinapik ang braso ng una.

"You're kid is really this brilliant, huh?" anang lalaki.

"Ah, sensya ka na. Ganyan lang talaga ang anak ko. Gusto laging nakadikit sakin," nahihiya niyang sabi nang mapansin ang anak na tila sinasadyang pumagitna sa kanila.

"Ano po'ng pangalan mo?" usisa ng bata sa lalaki.

"I'm Joven, kid. You're mother's long-time friend," natutuwa namang paunlak ng lalaki't mabilis na sinagot ang tanong ng bata.

Magsasalita sana siya nang magsalita na naman ang anak.

"May asawa ka na? May anak? Nanliligaw ka sa Ate ko?" sunud-sunod na tanong nito dahilan upang magpakawala ng malakas na tawa ang lalaki na tila pa naa-amaze rito.

"Your son is really unique," anito sa pagitan ng pagtawa.

Lalong namula ang pisngi niya sa pagkapahiya sa ikinikilos ng anak. Hindi naman ito ganito dati, pero kung makaasta ngayo'y mas matindi pa sa bodyguard niya. At kung makapagtanong sa bisita niya'y talo pa yata ang mama niya.

At heto pa, kumuha pa ito ng tuwalya para lang takpan ang lantad niyang legs sa suot na cut-off shorts na tila alam talaga nito ang ginagawa't pinagsasabi.

"Sensya ka na sa kakulitan ng anak ko ha?" anya sa bisita saka kinalong ang anak at iniupo sa kanyang hita.

"No, it's okay," nangingiting sagot ni Joven saka ginulo ang buhok ng bata.

"Kung nagkatuluyan tayo noon, seguro'y gan'to na rin kalaki ang anak natin."

Nag-blush siya lalo sa tinuran nito at agad iniiwas ang tingin nang 'di mahalata ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Flor, hindi kita nakalimutan sa loob ng anim na taong nagkalayo tayo." sumeryoso lalo ang mukha ni Joven saka dahan-dahang kinapa ang kanyang kamay na nakahawak sa ibabaw ng sofa ngunit sa halip na kamay niya ang nahawakan ay kusang hinawakan ng bata ang kamay nito at inilayo sa kanilang mag-ina.

Mangani-nganing batukan niya si Devon sa kakulitang ginagawa nito ngayon lang ngunit ayaw naman niyang gawin 'yon sa harap ng bisita, pero sa totoo lang, siya ang napapahiya sa ginagawa ng bata.

"Gusto mo ba ng juice? Teka ikukuha kita," anya't bago pa man ito makasagot ay itinayo na niya ang anak at mabilis din siyang tumayo saka nagtungo sa kusina para ipagtimpla ito ng juice.

Ngunit sumunod sa kanya ang lalaki.

Bahagya pa siyang nagulat nang magsalita ito sa likuran niya habang hinahalo ng kutsara ang isang basong juice.

"Malinis ang bahay niyo kahit medyo maliit lang," anitong walang halong pang-iinsulto sa sinabi.

Talagang malinis ang bahay nila kahit katamtaman lang ang luwang niyon pero kung ikukumpara sa bahay nina Joven, sala lang ata nito ang kanilang bahay, lumaki lang dahil pinagawan nila iyon ng taas.

"Ah, oo. Malinis kasi sa bahay ang mama ko. Ayaw no'n ng makalat kahit madami kaming magkakapatid," nang makabawi sa pagkagulat ay sagot niya saka ibinigay dito ang tinimplang juice.

Ngunit maya-maya lang ay napansin niya si Devon na matalim na nakatingin sa kanila sa 'di kalayuan, tila sigang nakapameywang habang halata ang pagtulis ng nguso.

'Di niya mapigil ang sariling mapangiti sa reaksyon ng anak.

"Flor, pwede bang manligaw uli sayo?"

"Ha?" Napatitig siya sa lalaki sa tanong nito.

"I'm really into you. In fact I never cared about your past even before. Kaso nga lang, pinilit ako ni papa na do'n mag-aral sa Canada para ako na ang humawak sa negosyo namin pagkatapos ko mag-college," paliwanag nito.

Hindi siya nakapagsalita ngunit nanatiling nakatitig sa lalaki, inaalam kung totoo ang sinasabi nito.

Inilapag nito sa ibabaw ng kusina ang hawak na juice saka lumapit pa lalo sa kanya na halos idikit na nito ang katawan sa kanya.

Nakaramdam siya ng pagkailang at mabilis na tumalikod, kunwari'y naghugas ng kamay sa lababo.

"Sensya ka na ha? Nagulat kasi ako sa bigla mong pagbisita ngayon eh--" pakli niya.

"I'm serious, Flor." Ayaw magpaawat ng lalaki at iginiit ang gustong sabihin.

"Ate! Ate, ang sakit ng tyan ko," biglang umeksena si Devon at umiiyak na lumapit sa kanya habang hawak ang tyan na tila namimilipit sa sakit.

"Ha? Bakit? Kumain ka na naman ah!" Mabilis niyang sinakluluhan ang anak, agad kinarga saka hinarap si Joven.

"Sensya ka na Joven, ha? Masakit ang tyan ni Devon, aasikasuhin ko muna. Sensya na, 'di kita maaasikaso ngayon," paghingi niya ng paumanhin sa lalaking agad namang nakaunawa.

"It's okay. Aalis na lang muna ako. Babalik na lang uli ako sa sunod na araw," sagot nito.

"Aray, Ate! Ang sakit ng tyan ko!" bulyahaw ng anak, lalo tuloy siyang nataranta.

"Sensya na talaga, Joven. Nalimpasan kasi siyang gutom at ngayon lang nakakain. Sorry talaga, paliwanag niya.

Hanggang sa makalabas ang lalaki at maisara niya ang pinto ng bahay ay sige pa rin sa paghiyaw ang bata sa sakit ng tyan habang karga-karga niya kaya't hinanap niya ang ointment ng ina sa kwarto nito sa tabi ng kwarto ni Harold ngunit 'di pa man siya nakakapasok sa loob ng kwarto'y nagsalita na ang bata.

"Amor, why are you flirting with that pervert guy?" malakas ang boses na wika nito, halatang naiinis.

"Hindi siya pervert bata, mabait siyang kaibigan tsaka palabiro---" todo paliwanag niya ngunit natigilan din nang bigla'y tumigil ito sa pagngawa at gusto nang magpababa mula sa pagkakakarga niya.

"He's obviously a bad guy, Amor. I don't like him," anito saka tumakbo na papasok sa loob ng kanyang kwarto.

"Hinampak ka talagang bata ka. Umaarte ka lang pala!" singhal niya rito.

"Devon! Hindi tama 'yong ginawa mong bata ka ha? Nakakahiya kay Joven, sabihin pa lang no'n inutusan kitang gawin 'yon," habol niya rito pero naitikom niya agad ang bibig nang marinig niyang kausap na uli nito si Dixal.

"Dixal, kelan ka po babalik? May lalaking nagpunta dito, nililigawan po si Ate, tapos gusto niyang hawakan ang kamay ni ate,"

Napanganga siya na narinig mula sa anak at tinakbo na ito't hinablot agad ang hawak nitong phone.

"It was just Joven, Dixal. Pinsan 'yon ng bestfriend ko. Bumisita lang sakin kasi---kasi matagal na kaming di nagkikita," todo paliwanag niya sa lalaki.

"Amor, you're flirting with someone else in front of my son?!" pang-aakusa nito sa kanya sa mataas na boses, halata na namang galit.

"I'm not flirting!" agad niyang sagot. "Nagulat din ako nang magpunta siya rito. Hey, sumusubra ka na! Hindi porke't hindi kita pinatulan kanina'y 'di pa rin kita papatulan ngayon---" Nagsimulang umandar ang kanyang bibig at binirahan niya ng pagalit na sagot ang lalaki subalit napahinto rin siya nang marinig ang batang tinatawag ang pangalan nito.

"Dixal!"

Sa biglang pagharap niya sa may pinto ay agad nangatog ang kanyang mga tuhod nang makita ang lalaking malalim na naman ang pagkakalukot ng noo at halos magkadikit na ang mga kilay sa galit na naman sa kanya habang hawak sa kamay ang phone.

"D-dixal--" bahagya lang 'yong lumabas sa kanyang bibig.

Bab berikutnya