webnovel

SHE'S NOT FALLING FOR HIM!

Inukopa ni Flora Amor ang dati niyang cubicle na bakante pa rin hanggang ngayon at halatang walang gumagalaw dahil ando'n pa rin ang natira niyang mga gamit, malibang malinis ang lahat ng ando'n patunay na araw-araw iyong nililinis.

Binuksan niya agad ang computer at binuklat ang ibinigay na documents ni Elaine sa kanya.

Nasa unang pahina ang mga taong involved sa paggawa ng building, mula sa project manager hanggang sa mga construction workers maging ang suppliers ng mga construction materials.

Sa pangalawang pahina naman ang mga materyal na ginamit subalit wala naman siyang nakitang palatandaan na mga sub-standards ang mga yo'n kasi magaganda naman ang quality ng lahat ng materyales, malibang pinalitan ang mga ibang ginamit.

Tumayo siya't tiningnan ang buong paligid at nakitang busy ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho, maging si Elaine.

Muli siyang umupo, hinanap sa documents ang lokasyon ng naturang building. Kailangan nila iyong puntahan upang mapatunayang sub-standard nga ang ginamit doon at kung saan nanggaling ang mga materyales na iba naman sa mga nakalagay sa document.

Subalit nang maalalang wala pala siyang bag na dala, walang pera at cellphone ay nanlulumong napatitig siya sa screen ng computer.

Nasaan kaya si Dixal, bakit kanina pa ito wala sa opisina niya?

Sinipat niya ang suot na relo, mag-a alas dyes na.

Seguro busy ang lalaki sa pag-aasikaso sa birthday present nito sa fiancee na si Shelda. Saan kaya nito dadalhin ang babae mamaya, sa bahay nito, sa hotel, o sa restaurant?

Hmp!

Humaba ang nguso niya sa naisip.

Kahit saang lupalop pa magpunta ang dalawa, wala siyang pakialam basta ibigay lang nito ang kanyang bag dahil naroon ang kanyang phone. Kahapon pa siya hindi nakakatawag sa bahay nila.

Namimiss na niya si Devon. Ano kaya ang ginagawa ng batang 'yon ngayon? Matatapos na ang sem-break ng mga ito. Next week ay papasok na uli ito sa school, at magiging busy na naman siya sa pagsundo sa bata.

'Pag natapos siya sa trabaho at naibigay na ni Dixal ang bag niya, bibili siyang pasalubong para sa anak at mga kapatid, para sa ina nang 'di ito magalit na hindi siya nakauwi kagabi.

Muli niyang binuklat ang folder na ibinigay ni Elaine, nang maalala ang kotseng naghatid sa kanya ay tumayo siya agad bitbit ang folder at isang ballpen saka nagtungo sa cubicle ni Elaine.

"Elaine, lika puntahan na natin 'yong bagong building na ginagawa," yaya niya rito.

"Pwede bang ikaw na lang muna? Tatapusin ko lang tong ginagawa ko, Flor. Kahapon pa kasi to pinapa-submit ni Ma'am Nicky sa'kin," sagot ng kaibigan habang itinuturo ang ini-encode nitong report. "Susunod na lang ako pag natapos ko na to."

"Ah ok sige. Basta sunod ka ha?" alanganin niyang saad, pagkatapos nitong tumango ay umalis na siya, bumaba ng building gamit ang elevator saka dumeretso sa garage kung saan nakapark ang sinakyan kanina.

Buti na lang, ando'n pa rin ang driver niyon at nakatayo sa gilid ng kotse. Nagulat pa nga ito nang makita siyang papalapit ngunit agad ding yumuko nang makalapit na siya.

"Good morning po ma'am. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Pwede bang dalhin mo ako sa Mandaluyong?" pakiusap niya saka kinuha sa folder ang isang bond paper kung saan nakalagay ang lokasyon ng building na pupuntahan.

Sandali siyang pinagmasdan ng driver, pagkuwa'y sinipat ang binigay niyang bond paper saka binuksan ang pinto ng kotse para makapasok siya.

"Salamat."

Nang dumating sa pakay na lugar ay napansin niya agad na walang mga trabahador na gumagawa sa building. Lumabas siya ng sasakyan at iniikot ang paningin sa buong paligid.

Maliban lang sa limang taong nag-uusap usap sa unahan ay wala na siyang iba pang nakikitang tao.

Nilingon niya ang lumabas na driver na nang mga sandaling iyo'y may kausap sa phone nitong hawak at lumapit sa kanya saka ibinigay ang phone.

"Si chairman po ma'am," anito.

Nagpantig agad ang kanyang tenga pagkasambit sa pangalan ng lalaki. Busy ito sa anniversary nito ay kung bakit nagkaro'n pa ng time na kausapin siya? O baka naman isusuli na ang kanyang bag kaya ito tumawag?

"Bakit ka nand'yan?"

"'Asan ang bag ko?"

Magkasabay pa nilang tanong sa isa't isa.

"Didn't I tell you to just stay in the building? Bakit ka napunta d'yan?" aburidong usisa nito.

"Pupunta ba ako rito kung walang nag-utos sa'kin? Tsaka okay lang naman kahit andito ako. Mas gusto ko pa ngang gan'to kesa nakakulong sa opisina mo!" aburido din niyang sagot.

"Amor, look--"

"'Asan ang bag ko? Dalhin mo rito ang bag ko't gagamitin ko ang phone para sa report ko. Oh, happy anniversary nga pala sa inyo ng fiancee mo!" patuya niyang dugtong.

Natahimik bigla ang lalaki sa huli niyang sinabi, pagkuwa'y marahang tumawa.

"Don't tell me, you're jealous kaya ganyan ka magsalita," nanunudyo nitong tugon.

"Hoy! Kahit pa suhulan ako ng isang bilyon, never kitang magugustuhan. Magpakasaya ka sa anniversary mo. Kung ayaw mong dalhin rito ang bag ko, ipadala mo!" Nakapameywang na siya habang namumula ang pisnging singhal sa kausap pagkuwa'y umirap at agad na ibinigay sa nangingiting driver ang phone nito't agad nang tumalikod para lapitan ang nag-uumpukang kalalakihan sa unahan.

"Good morning po mga sir," bati niya sa mga itong agad namang napaharap sa kanya.

"Good morning po ma'am," ganting bati ng lahat.

May isang lalaking lumapit sa kanya't nakipagkamay.

"I'm the project manager here, ma'am. What can I do for you?" pakilala nito.

Naiilang siyang nakipagkamay.

"I'm also an employee of FOL BUILDERS sir. Andito po ako para tignan ang site niyo at ireport kung ano'ng problema dito," simula niya.

Sandali siyang tinitigan ng lalaki, pqgkuwa'y tumingin muna sa paligid bago siya inayang sumunod rito't nagsimula itong maglakad, sumabay naman siya.

"Ako po ang bagong project manager na itinalaga rito. Lahat kaming andito'y mga bago," wika nito. "Merun na akong report na ginawa, ipapasa ko na lang sa COO, pwede kitang bigyan ng copy pero confidential ang bagay na 'yon, 'di pwedeng mapunta sa ibang tao."

"You can trust me, sir. but I still have to investigate on my own," sagot niya.

Dinala siya nito sa loob ng maliit na opisina at ibinigay ang sinasabi nitong report.

Kinuha niya iyon, binasang mabuti.

"Kung lahat ng andito'y mga bago, pa'no pala ako makakapagtanong kung anong nangyari't naging sub-standard ang ginamit na mga materials sa paggawa ng building?" baling niya maya-maya sa kausap.

"May isa pang datihan dito pero hindi pumasok. Siya lang ang itinira ng COO. It's not a big issue though, pero kailangan namin ng panibagong budget para rito at palitan ang sub-standard na mga materyales," paliwanag ng kausap saka umupo sa silya at itinuro ang isa pang silya sa harap niya para do'nn siya umupo na ginawa naman niya.

"Sino sa palagay mo ang may kagagawan ng lahat ng 'to?" usisa niya.

"I can't tell you anything ma'am, maliban lang sa report na ibinigay ko sa'yo. Other informations are very confidential." Halata sa boses nito ang pagdududa sa kanya.

"I'm the chairman's personal assistant, at ang COO ang nagpapunta sa'kin dito," pag-amin niya.

Agad tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya sabay yuko.

"I'm so sorry ma'am, hindi ko po alam na ikaw pala ang PA ng chairman."

"It's okay, sir. Pinatunayan mo lang na karapat-dapat kang pagkatiwalaan sa trabaho," saad niya saka tumayo.

"Gusto kong tingnan ang sinasabing sub-standard na materials. Ano'ng pagkakaiba nito sa magaganda ang quality?" dugtong niya't lumabas na ng opisina bitbit pa rin ang folder at ang ibinigay na report ng kausap.

Sumunod naman ang huli, iginiya siya sa stock room kung saan naruon ang mga construction materials. Tiningnan niya isa-isa ang bawat materyal, maliliit nga ang mga steel bars na gamit.

"Tulad ng sinabi ko kanina, walang big issues sa bagay na 'to. Normal lang 'tong nangyayari sa isang construction company lalo na't isa lang itong residential building at 'di naman pang commercial. Kaso nga lang ay isa sa pinakamayamang tao sa Mandaluyong ang may-ari nito at sa FOL BUILDERS lang ipinagkatiwala ang paggawa ng bahay. Ayaw ng Chairman na mapahiya siya sa taong 'yon. Isa pa'y maganda ang reputasyon ng FOL BUILDERS bilang isang construction company kaya ito pinagkakatiwalaan ng karamihan. Pero kung mapapatunayan ngang ang ginamit na materyales sa building na ito'y sub-standard, hindi man lumubog agad ang kompanya, seguradong masama pa rin ang epekto nito sa FOL BUILDERS."

Mataman lang siyang nakikinig sa mga paliwanag nito at tiningnan uli ang mga naruong materyales, mula sa steel bars, iba't ibang klase ng semento, GI wires, uPVC at electrical cords. Pero sa limitado niyang pang-unawa tungkol sa construction ay steel bars lang ang agad niyang nakitang may mali, ang iba'y ni 'di nga niya matukoy kung bakit tinawag na sub-standard.

Lumabas ang project manager at ipinakita sa kanya ang mga gawang bricks at hollowblocks.

Lumapit siya sa mga 'yon, isa-isa iyong tiningnan. Karamihan sa mga iyo'y may bitak-bitak na hindi pa man nailalagay, ibig sabihin, kunti lang ang sementong naihalo doon, karamihan ay lupa lang at maliliit na mga bato.

Nang sipain ng project manager ang isang hollowblock ay agad iyong nag-crack.

"As you can see it, hindi talaga siya pwedeng gamitin kasi hindi magandang klase. Buti na lang at pundasyon pa lang ang nagagawa sa building at agad nang pinahinto. Kaya ko pang remedyuhan ang palpak na gawa nila pero 'yon nga, magdi-demand ako ng panibagong budget para sa pagbili ng panibagong materyales dahil 'di ko pwedeng ipagamit ang lahat ng 'to."

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa lalaki saka humarap dito.

"Matagal ka na ba sa trabaho mo?" bigla niyang tanong.

Mula sa seryosong mukha'y napangiti ito.

"Apat na construction company na ang nilipatan ko bago ako napunta sa FOL BUILDERS. Pero dito ako nagtagal kasi maganda ang pamamalakad nila at hindi ginigipit ang budget ng bawat project na ginagawa."

Tumango na uli siya.

"And how's the chairman as the owner of FOL BUILDERS?" usisa niya.

Muling napangiti ang lalaki.

"May concern siya sa mga tao niya. Kahit wala pa akong isang taon rito, nang makita niyang okay naman ang trabaho ko, pinahawak niya agad akong project at ito na ang pangalawa sa ipinagkatiwala sakin."

Napangiti na rin siya nang marinig ang sincere na sagot nito.

"So, sino sa tingin mo ang walang utang na loob na nagtraydor sa chairman at gumawa ng gan'tong kawalanghiyaan?" muli na naman niyang usisa.

Natigilan ang lalaki at kunut-noong bumaling sa kanya.

"I said, that thing is very confidential. Hindi ko pwedeng sabihin sa kahit kanino maliban sa chairman at COO ng kompanya." mariin nitong sagot.

Humanga siya sa kausap, may isang salita ito at halatang mapagkakatiwalaan talaga.

"So, this girl is really here."

Kapwa sila napalingon sa nagsalitang 'yon at ewan kung bakit pero lahat yata ng dugo niya sa buong katawan ay nag-akyatan sa kanyang ulo nang makita si Dixal na malamig ang ekpspresyon ng mukha habang papalapit sa kanila kasama ang nakaabrasete ritong finance director na narinig nilang nagsalita ngayon lang.

Agad nagbigay-galang ang project manager sa dalawa. Siya nama'y nakaramdam ng 'di maipaliwanag na inis.

"Dixal, I think bagay sa PA mo ang mag-work sa field. Look, she enjoys talking to the project manager. Why don't you let her stay to monitor here everyday?" suhestyon ng finance director.

"That would be a great idea ma'am," sabad niya nang mapansing bumuka ang bibig ni Dixal at halatang tutol ito sa sinabi ng kasama.

Tiim-bagang na sumulyap sa kanya ang lalaki ngunit hindi nagsalita.

Napangiti naman ang kasama nito.

"See, she likes it in here," pakaswal nitong sambit sabay sulyap sa kasama. Nang makitang may namuo agad na butil ng pawis sa noo ng huli'y kumuha ito ng tissue sa loob ng nakasukbit na bag at pinunasan ang noo ng lalaki.

Humaba agad ang nguso niya subalit agad ngumiti nang mapadako ang tingin ng babae sa kanya.

"From now on, you'll be assigned here to do the monitoring and every Friday ang pagpasa mo ng report sa chairman," anang finance manager sa kanya.

Nagngingitngit ang kalooban niya subalit sa halip ay ang tamis ng ngiting pinakawalan sabay tango rito.

"Thank you po ma'am. I think maganda po ang naisip niyong 'yan. Pero sana naman po hindi ako dehado sa sahod ko," sagot niya't 'di man lang sinusulyapan ang lalaking kasama nito.

"Good. Don't worry, your salary will be the same as usual, right Dixal?" anang dalaga sabay baling sa lalaking 'di binabago ang ekspresyon ng mukha habang nakatitig sa kanya.

Siya nama'y ginantihan ng nununuyang ngiti ang mga titig nito.

"I'll think about it," sa wakas ay sagot nito't iniabot sa kanya ang hawak nitong bag. "You left it in the office," dugtong nitong salubong pa rin ang mga kilay.

"Thank you po, sir." Sinabayan niya ng yuko ang sinabi saka hinablot rito ang bag at kinuha agad sa loob niyon ang kanyang phone. Nakapagtatakang wala man lang isang message siyang nakita sa screen, walang tawag man lang galing sa ina o kay Harold. 'Di ba siya naalala man lang ng mga 'to? Wala bang nakapansing 'di siya nakauwi kagabi? Imposible naman ata 'yun. Pero bakit wala man lang new message sa inbox? Kahit sa history, wala man lang call?

Takang sumulyap siya kay Dixal.

Pinakialaman ba nito ang phone niya?

"Miss Salvador is coming with us. I'll talk to her in my office," ani Dixal sabay kawala sa pagkakahawak ni Veron at mabilis ang mga hakbang na bumalik sa nakaparada nitong sasakyan, sinenyasan ang driver ng ginamit niyang kotse na umalis na.

Ang finance director nama'y agad na sumunod rito.

Siya'y naiwang nakatayo kasama ang project manager at nagpupuyos ang dibdib sa galit.

Wait! Teka! Ba't pala siya nagagalit? Kanino siya nagagalit?

Nalilitong inihilig niya ang ulo. Mula nang makita niya ang dalawang magkaabrasete ay kumulo na ang dugo niya. Nagseselos ba siya? No, no, no! That will never happen! Pero bakit nanggigigil siya sa galit sa mga ito?

"Ma'am, I think hinihintay ka na nila," pukaw ng project manager sa kanya nang makita nitong nakapamulsa si Dixal habang nakatanaw sa kanila.

"Ah, okay. Salamat sa information mo ha? Ibabalik ko na lang sa'yo tong gawa mo pagkatapos ko gawan ng kopya," an'ya rito bago tumalikod at tumungo kinaroroonan ni Dixal.

Nang makita siyang papalapit ay pumasok na ito sa loob ng sasakyan.

'Gunggong na 'yon! 'Di man lang ako pinagbuksan ng pinto!' maktol niya't padabog na binuksan ang pinto sa tabi, nakaismid na pumasok sa loob at padabog din iyong isinara.

Maya-maya'y mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan, 'di man lang siya sinusulyapan sa rearview mirror, ni 'di nagtatanong kung okay lang ba siya sa kinauupuan.

Seguro'y nag-eenjoy itong katabi ang finance director habang nakapulupot ang babae sa braso nito't nakahilig ang ulo ng una sa balikat nito.

'Hinayupak na 'yan. 'Pag ako nasa tabi niya, kinakabitan agad akong seatbelt. 'Pag iba katabi, okay lang kahit yumakap sa kanya habang nagmamaneho!' reklamo ng kanyang isip.

Gusto niyang maiyak sa nagpupuyos na damdamin.

'Hmmmm, aminin... selos ka lang ehhh.' hiyaw ng kanyang puso.

Lalo siyang nagngitngit sa galit at iniiwas ang tingin sa dalawa't tumingin sa labas ng pinto.

Ayaw niyang amining nagseselos siya. Hanggat maaari'y pipigilan niya ang nararamdaman. Playboy si Dixal. Never siyang magkakagusto sa gano'ng klaseng lalaki. At mas lalong ayaw niyang amining nahuhulog na ang kanyang loob dito. Mas lalong hindi iyon pwedeng mangyari. Wala siyang nararamdaman sa lalaki! Hindi siya pwedeng magkagusto rito. Period!

Bab berikutnya