webnovel

WHO'S THE BOSS?

"Ga'no ba kahalaga ang ka-meeting mo ngayon?" usisa ni Flora Amor nang mapansin niyang papalabas na sila sa Manila at papuntang Cavite.

"He can give us triple profit kung makukuha natin ang tiwala niya. But I heard, he is very meticulous in everything and skeptical as well," sagot ng lalaki.

"Bakit? Ano ba'ng ipapagawa niyang project?"

"Three subdivisions in Bacoor Cavite and a hotel in Dasmariñas."

"Woww!" palatak niya.

"Ang yaman naman pala ng taong 'yon."

Napangiti lang ang kausap bilang tugon.

"Amor, Do you have a young brother aside from Harold?" pakli nito sabay sulyap sa kanya.

"Young brother?" balik-tanong niya, bago pa nasagot ang tanong nito ay biglang tumunog ang kanyang phone sa loob ng dala niyang sling bag.

Agad niyang inilabas iyon at sinagot ang tawag.

"Amor, I'm with Pappy now. Nasa loob kami ng Robinson," ani Devon sa kabilang linya.

"Pakausap kay Pappy," anya sa bata habang nakatingin sa labas ng sasakyan kaya 'di niya napansing nagsalubong ang kilay ng kasama habang nakahawak sa manibela.

"Ate, andito kami sa Robinson. Nagpapabili kasi siya ng books, eh narinig na aalis ako kaya 'di pumayag na 'di ko isama," maya-maya'y paliwanag ng kapatid.

"Bakit, wala ka bang pasok ngayon?" takang tanong niya.

"May meeting ako mamayang 12PM dito, kaya isinama ko na."

"Saan nga ba tayo pupunta?" baling niya kay Dixal habang tahimik itong nakatingin sa kalsada.

"Beantage cafè," tipid nitong sagot.

Tumango siya at muling kinausap ang kapatid sa phone.

"May meeting din kami malapit sa Robinson. Pagkatapos ng meeting namin, baka hanapin ko kayo d'yan. O sige, bye na," paalam niya.

"Amor, pupunta ka po ba dito?" dinig niyang malakas na tanong ng anak.

"Oo, hanapin ko kayo pag and'yan na ako. Sige bye na." Pagkasabi niyo'y pinatay na niya ang tawag.

Ano na naman kayang klaseng libro ang pinabili ng batang 'yon sa Pappy nito, naitanong niya sa sarili. Baka engineering book uli. Nang pumasok siya kahapon sa loob ng kwarto ng bata, nakakalat lahat ng libro sa sahig ngunit ang tangi lang nitong hawak ay ang isa sa dalawang libro pinabayaran niya noon kay Dixal.

"Dixal, pwede bang sumaglit muna sa Robinson, may kakausapin lang ako," paalam niya.

"Okay," tipid na uling sagot, bagay na ikinapagtaka niya ngunit di na lang rin siya kumibo uli.

Pagkatapat sa Mall ay inihinto nito ang sasakyan.

"Punta na lang ako sa Beantage Cafe pagkatapos ko sa loob," aniya bago lumabas ng sasakyan ngunit ni hindi man lang niya narinig na sumagot o nakita itong tumango hanggang makalabas siya ng kotse at pumasok sa loob ng Robinson.

Tinawagan niya agad si Harold habang nasa skeletor siya at paakyat sa second floor.

"Ate, nawawala si Devon. Hindi ko napansing kumawala sa kamay ko. Tumawag kasi ang boss ko ngayon lang. Akala ko naman nasa tabi ko lang siya," bungad agad nito.

"Ano?!" Halos mapatingin lahat ng mga nasa paligid sa lakas ng kanyang hiyaw.

"Asan ka ba? Hanapin mo d'yan sa paligid baka naglalaro lang o tumitingin sa mga laruan!" aburido niyang wika. Isipin pa lang na nawawala ang anak niya talagang gusto na niyang sigawan sa galit ang kapatid pero nagpigil siya.

"Andito ako sa baba, malapit sa pinto,"

Tinakbo niya ang paakyat sa eskeletor at hinanap agad ang eskeletor pababa.

Asan kaya ang batang 'yon? Maluha-luha niyang hinanap ng tingin ang kapatid malapit

sa pinto. Kumaway agad ito nang una siyang makita.

"Bakit mo binitawan? Alam mo namang makulit ang batang 'yon. Sana hindi mo na lang isinama dito kung ganito lang din ang mangyayari!" sermon niya sa garalgal na boses habang iniikot ang tingin sa paligid.

"Calm down, ate. Ipinaalam ko na agad sa guard ang nangyari. Naghahanap na rin sila sa labas ng mall."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito't agad na hinanap sa paligid ang anak.

---------

"Amor, who are you meeting with?" bulong ni Dixal sa hangin habang papunta sa Beantage Cafè.

Gusto niyang ilabas ang mga salitang 'yon kanina bago lumabas ng sasakyan ang asawa ngunit nawalan siya ng lakas ng loob na magtanong dito, baka siya lang din ang masaktan sa isasagot nito kaya minabuti niyang tumahimik na lang.

"Amor, you're always driving me crazy," muli niyang bulong sa hangin at makulimlim ang mukhang sumulyap sa side mirror ng kotse ngunit bigla ang lukso ng dugo nang mapansin ang isang batang kumakaway habang tumatakbo't hinahabol ang kanyang sasakyan.

Agad siyang huminto, dali-daling binuksan ang katabing pinto saka pumihit paharap sa tumatakbo pa ring bata.

"What the---!" bulalas niya nang matandaan ang mukha nito.

Nang makitang may sasakyan sa likuran nito'y patakbo niya itong sinalubong at agad binuhat nang makalapit sa huli.

"God! What are you doing here?" hindi niya malaman kung magagalit siya rito o matatakot sa ginawa nito pero mas ramdam niya ang 'di maipaliwanag na tuwa nang yumakap ito nang mahigpit sa kanya at ipinulupot ang malilit na braso sa kanyang leeg, kaya 'di niya napigilang gumanti ng yakap.

"Take me with you," mahinang wika nito habang nakayakap sa kanya.

"Where are your parents? Ihahatid kita sa kanila," nag-aalalang usisa niya.

Umiyak ito nang pagkalakas kasabay ng isang

matinis na sigaw.

"No! Take me with you!"

Natigilan siya, hindi agad nakapagsalita sa tinuran ng bata, hindi ito tumigil sa kakangawa.

"Pero baka hinahanap ka na ng parents mo."

"Take me with you! Take me with you!" paulit-ulit nitong sigaw na nagpatuliro sa kanya lalo na nang mapansin ang mga naglalakad na napapatingin sa kanila.

Kung si Shelda lang itong nagta-tantrums ay baka itinulak na niya ito't iniwan na lang basta sa gilid ng kalsada. Ngunit ang nakakapit sa kanya ay isang walang muwang na bata na dalawang beses pa lang niyang nakita pero heto at nakakapit sa kanya nang mahigpit, 'di nga niya alam kung paano nitong nalamang siya ang nasa loob ng hinahabol nitong sasakyan, ni hindi niya alam kung saan ito nanggaling at kung sino ang mga kasama nito. Baka sa mga sandaling 'yon, hinahanap na ito ng mga magulang. Pero wala siyang alam pa'no magpasunod sa isang bata. Ano'ng malay niya ro'n, eh hindi naman siya mahilig sa bata, isa pa'y wala pang taong nakagawa nito sa kanya, hindi niya nga rin alam pa'no magrereact sa pagta-tantrums nito, papaluin ba niya, pilit niyang tatanggalin ang mga braso nito sa kanyang leeg at pagalit na ibababa saka iiwanan na lang basta? He had no clue at all on what to do with the kid.

"Hey, kiddo. I have an important meeting with a client. Maybe it's better if I send you back to your parents," sa mahinang boses at malumanay na paraan para lang mapatahan niya ang bata'y sambit niya.

"No! I'll go with you!" tumigil ito sa pag-iyak ngunit nanatiling nakasubsob ang mukha sa kanyang balikat at lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya.

'Woah! This kid is a bit stubborn!' 'di makapaniwalang hiyaw ng kanyang isip.

Hindi tuloy niya malaman kung ano'ng gagawin. Pero naisip niyang bata lang ito, at siya ang matanda. Siya ang dapat nasusunod at hindi ito.

"Hey, I'll be upset if you won't let me go!" medyo tinigasan niya ang boses para takutin ang bata upang kusang kumawala sa kanya.

Pero sa halip, tahimik lang itong nakakapit sa kanyang leeg.

Nagsalubong na ang kanyang mga kilay.

"This is my last warning. Let go of me and tell me where your parents are!" maawtioridad niyang utos pero lalo lang itong tila parang paniking pumulupot lalo sa kanya pati paa nito'y ipinulupot na rin sa kanyang likod.

'This damn kid!' aburidong hiyaw ng kanyang isip.

Nakikinita na niya kung anong klaseng mga magulang merun ang batang ito. Like parents, like child.

Grrrrrr!

"Okay, fine! I'll take you with me," pagsuko niya, dismayadong inilamukos ang isang palad sa mukha at 'di matanggap sa sarili niyang napasunod siya ng batang ito nang gano'n lang.

'I'll crash your parents when I see them later!' paniniyak niya.

Talagang makakatikim ang mga magulang nito mamaya pag naisuli na niya ang batang ito sa mga 'yon.

At himalang inilayo nito ang mukha sa kanya, tinitigan siyang mariin, the same way he looks at a person.

"You're not lying to me?" painosente nitong tanong ngunit sa naneneguradong tono.

Hindi niya alam kung tatango o iiling ng mga sandaling 'yon o kukutusan ang batang ito sa ginagawa sa kanya but he smiled bitterly, he smiled back innocently at ewan kung bakit tila lahat ng inis niya sa dibdib ay biglang naglaho sa ngiting 'yon, natatawa na lang niyang hinawakan sa ulo at ginulo ang buhok nito.

"You're such a stubborn kid, huh? I'll kick your father's butt when I see him later," aniya rito.

"It hurts. Don't hurt yourself like that," sagot ng bata saka agad yumakap sa kanya.

Bigla siyang tumawa sa tinuran nito ngunit natigilan din at confused na napatitig sa kawalan.

'What the fuck! This kid mistook me for his Father! Do I really look like him?' hiyaw ng kanyang isip, puzzled with the kid's reply.

Tsk! Tsk! Hindi niya inaasahan ang gan'tong pangyayari ngayon.

And the next moment, he found himself inside his car, kinakabitan ng seatbelt ang bata sa kanyang tabi.

"I'm really worried about you. Baka hinahanap ka na ng parents mo. Do you know their mobile number?" kaswal na usisa niya sa bata.

"Can I have your phone? I'll call him first," pakaswal nitong wika.

Walang anumang ibinigay niya ang kanyang phone at amazed na pinagmasdan ang katabi habang pinipindot ang mobile number ng gustong tawagan.

'He's surely a bright kid.'

Maya-maya'y may kausap na ito.

"Don't look for me Pappy. I'll be home later. I'm with a friend. Sasama ako sa kanyang mamasyal," anito, pinatay agad ang tawag at may kinalikot bago ibalik ang phone saka nakangiting bumaling sa kanya.

"Saan po tayo pupunta?"

'At least he knows how to respect an elder.'

"Sa Beantage Cafe, malapit lang rito," sagot niya, pasimpleng tiningnan ang call history ng hawak na phone ngunit dismayadong napa "Damn--" nang malamang ini-delete ng bata ang tinawagang number kanina, patunay na ayaw nitong malaman niya kung kanino niya ito isusuli mamaya.

Salubong ang mga kilay na ilang beses niyang sinulyapan ang kasamang ngingiti-ngiti habang nakaupo sa tabi niya at wala siyang sawang tinititigan na tila pa natutuwa sa lukot niyang mukha.

"Dad, when are you going back home?" maya-maya'y tanong nito.

Tsk! Tsk! Napagkamalan talaga siya nitong sariling ama. At 'di naman niya masisisi ang bata kasi kahit siya nagtataka kung bakit kamukha niya ito.

"Why are you calling me, Dad? Is your Dad looks like me?" ginaya niya ang paraan ng pagsasalita ng upang makuha ang loob nito.

Subalit agad sumilay ang lungkot sa mukha nito saka yumuko.

"Don't you even know that I'm your son?" usal nito.

"Wohh! How did you know that I'm your father?" gusto niyang aliwin ang bata at sakyan ang sinasabi nito.

"I can hear your voice even from afar."

Tumawa siya nang malakas sa 'di makapaniwalang sagot nito.

"Just because you can hear my voice---" ngunit natigilan rin siya't 'di sinasadyang maapakan ang preno ng sasakyan.

"You can hear my what?!"

Awang ang mga labing tinitigan niya ang bata at sinuring mabuti kung nagbibiro ito o nagsasabi ng totoo. 'Di kaya may sakit lang ito?

Pero naagaw ng kanyang atensyon ang nakasulat na "BEANTAGE CAFÈ" sa tapat kung saan huminto ang kanyang sasakyan.

"We're here kiddo. I'll take you with me inside but make sure you'll behave once you're inside," bilin niya.

"Why?" curious nitong tanong.

" 'Cause I have an important meeting with a client. Kailangan ko siyang mapapirma ng contract ngayon," paliwanag niya nang 'di na ito magtanong pa uli at segurado naman siyang wala itong maunawaan sa sagot niya.

"Maybe, I can help you convince your client,"

anito pagkuwan, sumilay na uli ang inosenteng ngiti sa mga labi.

Siya rin ang napatanga sa sinabi nito subalit wala na siyang oras na mag-usisa kaya tinanggal niya ang seatbelt at hinawakan ito sa isang kamay saka binuksan ang pinto sa tabi niya, doon sila lumabas na dalawa.

Bab berikutnya