webnovel

AFTERSHOCK

"Amor...wait for me, sweetie. I have to leave and save my family from shame. But promise me you'll wait for me."

Mga anas na gumising sa mahimbing na natutulog na diwa ng dalaga. Kahit 'di niya idilat ang mga mata, alam niyang isa lang ang may-ari ng boses na 'yon.

'Dixal! 'Wag kang umalis. 'Wag mo akong iwan. Puntahan natin si mama. Gusto ko siyang makita.' sigaw ng kanyang isip.

Gusto niyang magdilat ng mga mata pero bakit tila ang bibigat ng mga 'yon? Gusto niyang igalaw ang katawan at mabilis na bumangon pero tila iyon tuod na nanatiling nakahiga.

Ano'ng nangyayari? Bakit 'di niya maigalaw ang sariling katawan?

Narinig niya ang mga hakbang papalayo. Aalis na ang binata. Iiwan siya nito. Ano'ng problema ng pamilya nito bakit kailangan nitong isalba?

'Dixal hintayin mo ako...'

Subalit unti-unti na siyang tinatalo ng antok. Gustuhin man niya'y tila may kung anong humihila sa kanyang diwa palayo hanggang wala na siyang marinig na kahit ano.

Hagulhol ni Harold ang umalingawngaw sa dahilan upang tuluyan siyang magmulat ng mga mata. Pinagmasdan niya ang buong paligid. Ganito din ang namulatan niya no'ng himatayin siya dati.

Napansin niya agad ang lagayan ng dextrose sa tabi at ang nakakabit sa kanyang kamay.

Bumaling siya sa kapatid.

"O, ba't ka umiiyak?" sa nanghihinang boses ay tanong niya.

Nagulat ang kapatid pagkakitang gising na siya ngunit nang makabawi'y agad na yumakap sa kanya.

"Ate, ang mga kapatid natin, kinukuha na ng DSWD. Dadalhin daw sa orphanage."

"Ano?!"

Walang anu-anong tinanggal niya ang nakalagay na karayum at extension tube sa kanyang kamay at nagmmadaling tumayo.

Bakit pakikialaman ng DSWD ang kanyang mga kapatid?

"Bakit nila gagawin 'yon?" nagtataka niyang tanong.

"Wala na daw tayong mga magulang tsaka wala ka pa raw sa wastong edad para alagaan sila. Kahit daw tayong dalawa ilalagay daw sa pangangalaga nila," paliwanag nito.

Hindi. Hindi siya papayag. Hindi sila pwedeng magkahiwa-hiwalay. And'yan pa 'yong mama nila. Kailangang paggising ng ina nila'y ando'n sila lahat.

Tumayo siya at humakbang.

Inalalayan siya ng kapatid na maglakad nang mapansing para pa siyang lasing kung humakbang.

"Nasa'n si mama?"

"Ate--" namutla ito agad.

"Bakit?" kunut-noong tanong niya nang 'di ito makasagot.

"A-ang sabi ng doctor, b-buhay daw na patay si mama. Puso lang daw ang pumipintig sa kanya pero patay na daw ang katawan." Garalgal ang boses nito.

Napakapit siya nang mahigpit sa braso nito sa narinig. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Kailangang gumising ang mama niya. Kailangan nila ito.

"Si papa?" tanong niya uli pagkuwan.

"Dead on arrival no'ng dinala rito. Ando'n nakalamay sa bahay ng kabit niya."

Nakaramdam siya ng galit. Walang karapatan ang hayup na 'yon kahit sa bangkay ng kanyang papa. Hindi siya papayag. Kailangan niyang makuha mula dito ang ama at sila mismo ang magbuburol sa bangkay ng huli.

Pagkalabas ng pinto ng ospital ay nakasalubong pa nila ang papasok na nurse.

"Miss, ba't lumabas na kayo? Kailangan pa po namin kayong obserbahan at hindi basta gamot ang itinurok sa inyo no'ng nakaraang linggo."

Natigilan siya.

"Ano'ng nakaraang linggo?" takang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa kapatid at sa nurse.

Inalalayan siya ng nurse pabalik ng kwarto.

No'ng himatayin siya, dalawang araw lang ang itinagal niya sa higaan. Bakit ngayon, linggo ang pinag-uusapan nila?

"Bakit 'di ka nagtawag ng nurse?" baling nito kay Harold.

"Sinabi naman namin sayo paggising ng ate mo, tawagin mo kami."

"Sorry po, 'di ko po naalala," guilty na sagot ng binatilyo, agad na yumuko.

"Ilang araw na po ba akong natutulog?" 'di niya napigilang magtanong.

"19 days," anang nurse habang iniuupo siya sa gilid ng kama at inalalayan uli siyang mahiga. Parang bata naman siyang sumunod.

Awang ang mga labing napatitig siya sa kapatid.

Kaya pala ang sakit ng kanyang likuran tsaka nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Paanong nakatulog siya nang gano'n katagal? Ang pagkakaalala niya, nawalan lang siya nang malay. Pero ang tagal naman ng 19 days na pagakakatulog niya.

Nang mapansin nang nurse na naghahanap siya ng kasagutan ay nagsalita ito.

"Unang araw mo pa lang dito, merun nang nagturok sa IV fluid ng propofol. Mabuti na lang at nakita ng bantay mo sa labas ang babaeng pumasok dito kaya nalaman naming may mali sa IV fluid," paliwanag ng nurse.

"Ano po 'yong pro--?"

"Ginagamit 'yon sa operasyon pero 'di pwedeng iturok sa tulad mo baka 'di ka na magising pa," anito.

Gulat siyang napatingin kay Harold. Sino naman ang gagawa no'n? At ano ang sinasabi nitong bantay niya sa labas?

Tinapik niya ang kamay ng nurse nang mapansing tuturukan siya nito ng gamot.

"Magaling na ako. Hindi mo na kailangang gawin 'yan." Pagkasabi'y muli siyang bumangon at mabilis na nakatayo.

"Pero miss kailangan mong mag-take ng gamot para tuluyan kang gumaling," giit nito.

Hindi niya ito pinasin at dere-deretsong naglakad palabas ng kwarto. Sumunod naman si Harold.

Walang nagawa ang nurse kundi tawagin ang doktor na nag-aasikaso sa kanya.

"Sa'n ang kwarto ni mama?" tanong niya kay Harold habang paliko na sila sa pasilyo.

"Room 214 'yon, sa second floor. Andito 'yong elevator," sagot nito at nagpatiunang maglakad papuntang elevator.

Pagkapasok pa lang sa loob ng kwarto ng ina ay napahagulhol na ang dalaga sa sobrang awa sa huli. Kung anu-anong nakalagay na aparatu sa katawan nito. May tube sa ilong nito at sa bibig. Iba pa rin ang tube sa taas ng dibdib nito kung saan bumulwak ang masaganang dugo noon.

"Mama! Ma," panay ang iyak na niyakap niya ang ina. Ang kawawa niyang mama, narito't nakaratay at parang na ngang patay.

Sino ang walang pusong gumawa nito dito?

"Flor, magpakatatag ka. Kailangan ka ng mga kapatid mo," ani Mamay Elsa na siyang nagbabantay doon.

Hindi siya sumagot. Patuloy lang sa pag-iyak.

"Ayusin mo ang sarili mo. Mamaya lang babalik dito ang mga taga DSWD para kunin ang mga kapatid mo. Kahit ayuko silang ibigay pero wala akong magagawa. Hindi ako kasali sa pamilya niyo. Ikaw lang ang pwedeng maglakas loob na tumutol sa gusto nila kasi ikaw ang panganay." Garalgal na rin ang boses ng matanda at tila nadadala sa sitwasyon.

Maging si Harold ay napayakap na rin sa ina.

Matagal bago siya nahimasmasan at nang matigil sa pag-iyak ay humarap sa matanda.

"'May, kelan daw ba magigising si mama?" usisa niya sa pagitan ng paghikbi.

Yumuko ito saka suminghot.

"Ang sabi ng doktor, wala na daw siyang pag-asang magising. Puso na lang daw ang tumitibok sa kanya. Ang katawan niya pati utak, patay na raw."

Umiling siya.

"Imposible 'yan! Hindi titibok ang puso niya kung patay na ang utak!" bulalas niya.

"'Yun ang sabi ng doktor. Kaya nga nagtataka sila kung bakit tumitibok pa raw ang puso ni Nancy kahit patay na ang utak. Ang sabi nila, 'pag tinanggal daw ang mga aparatu na 'yan, idedeklara na daw nilang patay ang mama niyo."

"Hindi!" nagsimula na siyang matuliro.

"Hindi nila pwedeng gawin 'yon kay mama. Idedemanda ko sila pag ginawa nila 'yon sa kanya."

Muli siyang humarap sa ina at pilit pinakalma ang sarili.

"Ma, lumaban ka, huh? Patunayan mo sa kanilang buhay ka. Hindi ka pwedeng mawala samin, ma."

"Flor. May problema pa tayo. Mahigit nang isang milyon ang--ang bayaran ng mama mo sa ospital. Dalawang beses na siyang naoperahan, at sampung beses nang nasalinan ng dugo. Idagdag pa ang gastos sa mga gamot niya. 'Di pa kasali 'yong gastos mo kasi nga raw may nagbalak na patayin ka at tinurukan ng maraming propofol ang dextrose mo. Ang akala nga namin 'di ka na magigising."

Do'n siya nanlumo sa sinabi ng mabait na Mamay Elsa nila. Nanghihina siyang napaupo sa sahig.

Mahigit isang milyon! Saan siya kukuha ng gano'n kalaking pera?

Bigla niyang naalala ang ama ni Anton. Tutulungan sila nito.

"Si sir Diaz, Harold, nagpupunta ba dito?"

"Isang beses pa lang," sagot ng kapatid.

Lalo siyang nanghina. Kinalimutan na ba sila ng ama ni Anton? Pa'no ang pangako nito sa kanyang ina?

"Pinaalis ko siya no'ng magpunta dito," anang kapatid, agad nag-iba ang tono ng pananalita.

"Siya ang pumatay sa mga magulang natin. Ginamit niya si mama para tumaas ang posisyon niya sa NBI."

Sa dami ng mga impormasyong nahagilap niya ngayon, parang wala nang space ang sinasabi ng kapatid tungkol sa ama ng kaibigan.

Sumakit ang kanyang ulo. Napayuko siya't hinimas ang noo.

Ayaw na niyang malaman ang lahat ng nakaraan. Ang gusto niyang malaman ay kung paano sila makaka-survive ngayon.

Pinilit niya ang sariling makatayo at humarap sa kawawang ina.

"Ma, ipapangako ko sayong hangga't lumalaban ang puso mo, lalaban din ako. Basta mangako ka lang saking gigising ka, na hindi mo kami iiwan," usal niya habang pinipisil-pisil ang palad nito.

"Mamay, asan po ba ang mga kapatid ko?" usisa niya.

"Nasa bahay. Do'n ko muna pinatitira kasama ng pamangkin ko."

Katatapos lang nito magsalita nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

Napaharap silang lahat sa mga nagsipasok.

Dalawang doktor ang nakita ng dalagang papalapit sa kanila at si Dixal.

Takang inilayo niya ang paningin sa binata. Nananaginip lang ba siya no'ng marinig itong nagpapaalam sa kanyang aalis at isasalba ang pamilya nito? Bakit heto ito ngayon?

Ahh, marahil ay panaginip lang 'yon.

"Kayo ho ba ang panganay na anak ng pasyente?" tanong ng isa sa mg doktor na sa kanya nakatingin.

Tumango siya.

"Siya 'yong nasa room 52, 'yong sinasabi ko sa'yo," anang isang doktor sa kasama.

"Ahh."

"K-kumusta po ang lagay ng mama ko?" atubili pa niyang tanong sa doktor.

"Sad to say na wala na siyang pag-asa. Maliban sa kanyang puso, wala nang iba pang nagpa-function sa kanyang katawan," walang gatol na sagot ng doktor.

Agad nangatog ang kanyang mga tuhod. Kanina no'ng marinig iyon mula kay Mamay Elsa, agad siyang nag-react. Pero ngayon, 'di man lang siya makapagsalita para sumagot.

"19 days na siyang ganyan pero walang pagbabago sa katawan niya. Maybe we should use euthanasia on her nang 'di na rin kayo magastusan pa lalo. Mahigit nang isang milyon ang bayaran niyo sa ospital. Pero ang alam ko, nagbigay ng 300 thousand si Director Diaz para sa gastos niya rito. At si Mr. Amorillo nama'y kalahating milyon."

paliwanag ng doktor.

Gulat na napatingin siya sa binata ngunit biglang bawi rin no'n nang tila nakasisilaw ang ngiting pinakawalan nito.

Pa'nong nagkaro'n ng gano'n kalaking pera ang lalaki? Ibig bang sabihin, mayaman ito?

"Please excuse us, doctor. Gusto ko lang munang makausap nang sarilinan si Flora Amor," anang binata.

Kinabahan siya bigla, bagay na ikinapagtaka niya. 'Di niya maipaliwanag ang sariling nararamdaman.

No'ng kinakusap siya nito habang natutulog, ang gaan ng boses nito sa kanyang pandinig. Pero ngayon, bakit ang bigat niyon?

"S-salamat sa tulong na binigay mo, Dixal. Hindi ko makakalimutan ang utang na loob namin sa'yo," sambit niya nang makalabas ang lahat ng naro'n liban sa kanilang dalawa, pagkuwa'y humarap sa ina at humawak sa barandilya ng bed nito.

"Hindi 'yon bigay, Flor. May kapalit 'yon."

Napamulagat ang dalaga. Buti na lang nakahawak siya sa barandilya. Kung hindi, baka bumagsak na siya sa pagkagulat sa tinuran nito.

H-hindi bigay ang pera na 'yon?!

"W-wag kang mag-alala, babayaran kita 'pag nakahanap na ako ng maganda trabaho,"

sa kawalan ng sasabihin at biglang pagkatuliro ay naisagot niya.

Saan siya maghahanap ng trabaho para makaipon agad ng kalahating milyon?

Napahigpit ang kapit niya sa barandilya.

"Hindi ko kailangan ng pera. Pumayag ka lang sa gusto ko, kalilimutan ko ang lahat ng ginawa kong tulong sa'yo," anang binata.

Bumigat ang kanyang dibdib. Hindi niya inaasahang ganito pala ito. May kapalit pala sa bawat tulong na ginagawa nito.

Gusto niyang maiyak pero tila nasaid na ang luha sa kanyang mga mata. Wala siyang magawa kundi mapakagat-labi na lang.

Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya. Napapitlag pa siya nang hawakan nito ang kanyang mga balikat at pinisil ang mga 'yon.

"Give me your virginity and we're done."

Bab berikutnya