webnovel

Kabanata Trese: Kira laban sa heneral (3)

Bumulwak ang dugo mula sa bibig ni Kira ng tamaan ng matalim na bagay ang kaniyang sikmura ngunit hindi siya sumuko at patuloy na umaatake kahit na alam niyang matatalo siya sa labang ito.

May alam pa siyang orasyon na maaring makakapagtatapos sa heneral ngunit, kung ito ay kaniyang gagawin sa kaniyang kalagayan ay maaring magiging kabayaran nito ang kaniyang buhay.

Ngunit... Kapag hinayaan niyang buhay ang heneral ay marami pa itong masasaktan at kapag hindi niya pinigilan ito maaring hindi lamang siya ang papatayin nito kung'di pati si Xerxes at si Violet.

Patuloy na lumalabo ang kaniyang paningin at alam niyang desidido na siyang ialay ang lahat upang patayin ang heneral.

Humugot siya nang hininga na maaring huli na niya. Ibubuka na sana ang bibig upang bigkasin ang orasyon ngunit...

Biglang sumigaw sa sakit ang heneral at sa sikmura nito ay may isang malaking butas at sa butas ay may kamay na may matatalim na kuko na hawak-hawak ang lamang-loob nito.

Masaya na sana ang heneral nang makita ang mahinang itsura ni Kira, alam niyang kung gagawin nito ang balak ay maaring ikamatay iyon nito at kahit na subukan man ng dilag ay hindi nito kayang gamitin ang buong potensyal na lakas ng orasyong ito at hindi siya nito mapapatay.

Ngunit, ang kaniyang pagsasaya ay naputol nang maramdaman ang kirot sa kaniyang sikmura na hindi niya inasahan at ang malakas na presensya sa kaniyang likuran na alam niyang higit na mas malakas sa kaniya at wala siyang ubra dito.

Nakita niyang paanong lumaylay ang kaniyang lamang-loob at paano pigain ito ng kamay na may matutulis na kuko. Naramdaman niya ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang bibig ang at ang paghina ng kaniyang kapangyarihan.

Nakita niyang mabilis nitong inalis ang kamay mula sa loob ng kaniyang sikmura at kung paano ito bumilis nang galaw upang masalo ang natumbang si Kira.

Nakita niya ang matatalim na titig nito at naramdaman niya ang kakaibang lamig sa katawan dala ng takot sa nasabing nilalang. Dinilaan nito ang kamay kung nasaan ang dugo at dinuraan nito kaagad.

Sa isang kamay nito na nakasuporta sa katawan ni Kira ay may hawak itong pamilyar na maskara na ngayo'y basag na.

"I-Ikaw!" Tsaka lang napagtanto ng heneral na ang dating inakala niyang nabaliw na dahil sa kaniyang anino na si Xerxes ay umaarte lamang at ang nilalang sa ilalim ng maskara ay...

"Shhh." Nilagay ng nilalang ang madugong hintuturo sa may bunganga nito.

Halos maihi sa takot ang heneral ng muling mapagtanto kung saan niya narinig ang pangalan nito. Mas lalong kumikirot ang kaniyang sugat at mas lalo itong dumudugo. "P-Pri—" hindi natapos ng heneral ang sasabihin ng mahinang nilapag ng nilalang ang katawan ni Kira sa sahig at tumayo ito, mata'y handang pumatay na diretsong tumitingin sa kaniyang mga mata.

"Hindi maaring mamatay si Kira at nakakaawang hindi mo agad napagtanto kung sino ako, Eode. Sayang..." bawat letra ng sinasabi nito ay nagpadala ng takot sa masamang heneral na hindi na niya napaghandaan pa ang paglapit nito sa kaniya.

"Sayang at mamatay ka na. Humihingi ako ng patawad kay Kira na ako ang gagawa at hindi siya." Hindi na nakasagot pa ang heneral ng naramdaman niyang ngumingisay ang katawan niya at sumabog mula sa kaniyang katawan ang maraming halaman.

Kasabay ng pagbuka ng mga bulaklak sa halaman ay ang pagtatapos ng buhay ng buhong na heneral.

SAMANTALA, pilit na tinitingnan ni Kira ang lalaking pumatay sa heneral kahit na malabo na ang kaniyang paningin. Nakatalikod ito at may mayabong puting buhok ngunit isa lang ang alam niya.

"X-Xerxes." Binigkas niya ang pangalan nito at agad na humarap ang lalaki

Tama siya. Ito nga si Xerxes ang totoong Xerxes na nagkukubli sa loob ng maskara.

"B-Bakit? Dapat ako ang nagligtas sa iyo? Pero bakit parating ikaw lagi ang nagliligtas sa akin? Mahina nga talaga ako," mahina niyang wika at pilit na inaabot ang kamay sa pigura ni Xerxes.

Naramdaman niyang hawak niya ang malaki nitong kamay at kaniyang pinisil-pisil. "Hindi ka mahina, napatunayan mo iyon ngayon at hindi mo man ako niligtas ngunit balang araw magagawa mo rin iyon," rinig niyang wika nito.

"Ngunit... Nagawa mo na, Kira. Hindi mo lang maalala," bulong ng binata sa tenga ng dalaga na hindi narinig ni Kira dahil tuluyan nang nawalan ng malay.

Napangiti ang binata at napatingin sa basag na maskara. "Nararapat ko itong maisaayos. Hindi mo pa pwedeng malaman kung sino ako, Kira. Hindi pa ngayon," ani niya sa dalaga pagkaraa'y kinarga ito.

Napatingin ang binata sa mapupulang langit at ang tuyot na gubat. Kahit na namatay na ang heneral ay hindi pa rin ito naalis. Isa lang ang ibig sabihin nito...

May mas masamang nilalang ang gumagawa nito at nasa panganib ang buong kontinente.

Sorry for the late update, Busy sa midterms.

LaSolaPythia_creators' thoughts
Bab berikutnya