webnovel

Entry #38

Dear Future Boyfriend,

Kanina ko pa tinititigan ang cellphone ko. Gusto kong itext si Mr Creeper pero ayoko syang i-text. Ang gulo. Gusto ko syang i-text kasi wala akong magawa. Alam kong busy si Ashleen dahil ngayon ang graduation ng kapatid nya. Siguro may family dinner sila ngayon. Siguro may party sa bahay nila. Hindi ko sya ma-text.

Sino pa ba ang pwede kong i-text? Mga wala naman kasi silang load. Naka-unli pa naman ako ngayon. Bakit nga ba ako nag-unli? Hindi rin kasi ako kinukulit ni Mr Creeper, siguro busy din yun ngayon. Isa akong LONER. Huhu.

Mag-basa nalang kaya ako ng libro? May malaking book store pa naman si Lola sa bayan. Pero kailangan kong mag-bike papunta don. Mga fifteen minutes ang layo. Okay lang siguro kahit na gabi na? Baka may makasalubong akong bampira sa daan! Ire-ready ko ang videocam ko!

Love,

Kayleen

Bab berikutnya