NAKAILANG kagat na ako sa labi ko habang pinapakalma ang sarili ko. Katatapos ko lang ayusin ang sarili ko at alam kong pulang pula ang mukha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit umabot kami sa ganito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggihan si Terrence.
Ano bang meron siya para magkaganito ako?
"You chose to break up with him. Do it, Keeshia. Do it in front of me. Call him."
Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang klase ng tingin niya pero nakikita ko kung gaano siya ka-seryoso. Bakit ba gusto niyang hiwalayan ko si Robi? Bakit ko ba nasabing hihiwalayan ko ang boyfriend ko?
"Terrence ano, kasi... nabigla lang ako. Hindi ko alam kung kaya kong gawin iyon kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw araw na wala si Robi. Sa ngayon, kinakaya ko lang na hindi siya makita dahil nasaktan ako sa huling ginawa niya pero patatawarin ko din siya."
Sa lahat ng tao, kay Terrence lang ako nagiging ganito ka-honest.
Ngumisi siya. "Really."
Hindi ko talaga kayang mawala sa akin si Robi. Siya lang ang lalaking nakikita kong kasama ko sa harap ng altar. Siya lang at wala nang iba pa.
"H-Hindi ko sinasadya na ano, na tugunin iyong halik mo kaya sana huwag mo nang uuli---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya ulit akong sunggaban ng halik. Nanlaki ang mga mata ko dahil mas marahas ang paghalik niya. Gusto ko siyang itulak at tanggihan pero para akong tuod na hindi makakilos.
Tumigil siya saka tumingin sa mga mata ko.
"Huwag ulitin? Look, Keeshia, you can't even stop me from kissing you. You know why? Because you like it. Damn it. Balikan mo ang boyfriend mo kapag natanggihan mo na ang halik ko. I dare you."
Wala akong maisagot. Ano bang alam ko? Ni hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Kapag lumapat na ang labi ni Terrence sa akin para akong nasa ilalim ng mahika niya. Para akong nahihipnotismo ng bawat paggalaw ng labi niya.
"Terrence, please."
"Please, what? Kiss you again? Then..."
Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, muli niya akong hinalikan. Handa na ang mga braso kong itulak siya pero may bahagi sa isip ko na ayaw itigil 'to.
Nababaliw na ba ako? Paano ko nagagawang hayaan si Terrence na gawin ito kahit mahal na mahal ko si Robi?
"Putangina, Keeshia ano 'to?!"
Mabilis ako napatayo at itinulak si Terrence nang marinig ang boses ni Robi.
Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang nakatayo sa may pinto. Sinugod niya si Terrence saka sinuntok.
"Gago ka! Tangina mo anong karapatan mong landiin ang girlfriend ko?!"
Pinigilan ko si Robi. "Please, Robi huwag! Mag-usap tayo."
Hinila ako ni Terrence papunta sa likuran niya. Wala akong nagawa.
"Suntok na ba 'yon? Tangina masakit pa ang kagat ng langgam. Anong karapatan kong halikan ang girlfriend mo? Ikaw, anong karapatan mong makipaghalikan sa ibang babae habang may girlfriend ka? Alam mo na ba ngayon ang pakiramdam na mahuli mo ang girlfriend mo na may kasamang ibang lalaki?"
Sinuntok siya bigla ni Terrence. Napaupo sa sahig si Robi.
Pinigilan ko si Terrence. Gusto kong lapitan si Robi dahil may sugat siya sa labi.
"Sino ka para pakialamanan ang relasyon namin? Putangina, ano ka? Si superman? Taga rescue, ha?!"
"Robi tama na please."
Walang nakikinig sa akin sa kanilang dalawa.
"Fuck, hindi ako si superman dahil mas gwapo at hot ako doon. And I wasn't here to rescue your girlfriend. Do you want to know what's the right term? I'm fucking stealing your girlfriend."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Terrence.
"Gago ka pala!" Sumugod si Robi pero nasalag ni Terrence ang suntok niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Mabilis akong pumagitna. Hinarangan ko si Terrence nang susuntukin niya ulit si Robi.
"Terrence please. Umalis ka muna, please. Please."
Nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. "You pleaded three times for that asshole. Great."
"Gago ka!" Sigaw ni Robi mula sa likuran ko. "Wala kang karapatan sa girlfriend ko!"
Tiningnan ko sa mga mata si Terrence. "Please."
"One more. Putangina." Mura niya. "Isa pa, Keeshia! Isa pa, babalian ko ng buto ang gagong 'yan."
"Terrence..."
"Break up with him, Keeshia. Tutal narito tayong tatlo ay magkakaharap. Break up with him."
Napalunok ako. Bakit ginagawa 'to ni Terrence. Bakit?
"Gago pala talaga 'to e. Paalisin mo 'yan, baby kung ayaw mong ako ang umalis at tuluyang makipaghiwalay sa 'yo."
Naguguluhan ako. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako sa sitwasyon. Hindi ko na alam.
Unang una, wala naman akong nararamdaman para kay Terrence pero bakit parang hawak niya ang puso ko?
"Mas gago ka. Shut up asshole."
Huminga ako ng malalim. Mariin akong pumikit. I need to decide. Hinarap ko si Robi.
"Robi, mag usap tayo mamaya. Pupunta ako sa apartment mo. Please?"
Ngumisi si Robi. "Ako pa ang aalis, Keeshia? Putangina pala. Ikaw 'tong malanding nakikipaghalikan sa ibang lalaki tapos ako pa ang mag-aadjust? Nagkakalokohan nalang ba tayo ha? Putangina maghiwalay nalang tayo!"
"Robi please... hindi ako malandi. Hindi. Hindi please."
Umiling si Robi. "Ako ang aalis o paalisin mo ang gago na 'yan? Tatanggapin pa din kita kahit naglandi ka."
Nasasaktan ako sa sinasabi niya pero tinitiis ko. Dahil alam ko sa sarili ko na may mali ako. Oo, maaari ngang naglandi ako dahil hinayaan ko si Terrence na gawin ang bagay na hindi dapat.
"Robi..."
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumagapak sa sahig si Robi. Hindi ko namalayang nakalapit na naman si Terrence.
"Putangina anong karapatan mong sabihang malandi si Keeshia?! Anong karapatan mong sabihan siyang nagloloko? Gago ka pala talaga e. Tatakutin mo ang girlfriend mo na hihiwalayan mo? You're a gayshit. Hindi ka aalis? Alright, ako ang aalis."
Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Terrence. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kapag umalis si Terrence, ibig sabihin, pinili ko si Robi. Kahit hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan kong pumili sa kanila---kasi wala namang kami ni Terrence.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko tinulungang tumayo si Robi.
"May kusa ka din pala e. Umalis ka na gago. Huwag kang umasta na may lugar ka sa girlfriend ko. Narinig mo ba? Girlfriend ko. Akin. Teritoryo ko." Sabi ni Robi pero lutang ang isip ko dahil aalis si Terrence.
Tumingin agad ako kay Terrence. Kanina ay gusto ko siyang umalis pero ngayon ay gusto ko siyang pigilan.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"You're an asshole, gayshit, stupid. In short, putangina mo. Aalis ako, yeah. Aalis ako pero kasama ang babaeng hindi ko hahayaang paiyakin mo ulit."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hilahin ni Terrence palabas ng apartment ko. Hindi ako makapagsalita at makapagreact. Hindi ko rin alam kung uurong ba ako o susulong? Papayag ba ako o hindi? Magpapadala ba ako o babalik ako kay Robi? Anong ginagawa ko?
Bakit... bakit hinayaan ko si Terrence.
Mahal na mahal ko si Robi. Paulit ulit kong sinasabi na siya ang ideal man ko. Siya ang gusto kong pakasalan pero bakit nagkakaganito? Bakit mula nang dumating si Terrence, pakiramdam ko ay hindi na ako sigurado sa mga gusto ko?
Nakarating kami sa baba---sa kotse ni Terrence. Pinasakay niya ako. Sumunod naman ako na para bang nasa ilalim na naman ako ng mahika niya.
Sumakay na rin siya saka nagmaneho.
"I don't have a condo unit but I have home. Iuuwi kita doon."
"Teka, teka, Terrence itigil mo ang kotse. Bababa ako."
"You'll choose him pagkatapos mong magpahila sa akin? No. You're already inside my car so it means you chose me. There's no turning back, Keeshia."
Ano daw?! "Anong sabi mo?"
"What? Do you think I brought you with me for no reason? I stole you, Keeshia. I stole you from your fucking boyfriend."
Hala siya! "Terrence wala namang ganyanan. Kailangan naming mag-usap ni Robi."
Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin. "Alright, babe. I'll let you talk to him tomorrow okay? Pero kasama ako. I don't want you to be with him alone. For now, let's go home and get some rest."
Hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari. Nababaliw na ba si Terrence?! Anong pinagsasasabi niya?!
"Terrence."
"You should call me babe, okay?"
"Terr--"
"What date today?"
Kumunot ang noo ko. "Ha? September 8?"
"Then okay, that will be our official date."
"Ano? Ano bang sinasabi mo, Terrence? Ang labo mo naman e."
Ngumiti lang siya saka nagpatuloy sa pagmamaneho. Seryoso, hindi ko siya ma-gets!
"Terrenc---"
"Babe."
Sumuko na ako. Ano bang trip nitong lalaki na 'to? Sa halip na ang dapat na iniisip ko ngayon ay iyong nahuli ako ni Robi na kahalikan si Terrence, parang mas naguguluhan pa ang isip ko dahil sa pinaggagagawa at sinasabi ni Terrence.
Huminga ako ng malalim. Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko.
Si Robi.
Sasagutin ko na sana ang tawag nang agawin naman ni Terrence ang cellphone ko.
"Hey, asshole, you can't call my girl."
Wait, ano bang nangyayari sa mundo?!
Tumawa si Terrence. Hindi ko alam kung anong sinasabi sa kaniya ni Robi.
"Yeah. You don't need to talk to her because I stole her from you. And if you're thinking that I will fucking let her go back to you, then, you're fucking wrong. Go to hell, asshole."
Pinandilatan ko siya ng mata nang putulin niya ang tawag at basta nalang inihagis sa dashboard ang cellphone ko.
"Anong sabi ni Robi? Dapat ipikinausap mo ako sa kaniya!" Naiinis na sabi ko.
Pero hindi ko makapa sa dibdib ko ang inis na sinasabi ko.
"I have the rights."
"Anong sinasabi mo, Terrence?!"
Kanina pa ako naguguluhan sa mga sinasabi niya. Napakalabo naman niya e!
Hindi siya sumagot bagkus ay binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng kotse niya.
Bago ko isipin ang lahat, saan niya ako balak dalhin? Hindi naman siguro siya seryoso sa sinabi niyang sa bahay nila?!
Tumahimik na din muna ako habang iniisip kung ano ang dapat kong sabihin kay Robi. Kakausapin ko siya bukas. Ayokong isipin niya na malandi ako. Ayoko ring isipin niya na baka kung kani kaninong lalaki lang ako nakikipaghalikan. Ayoko. Baka tuluyan na talaga niya akong hiwalayan. Nakipag cool off lang naman talaga ako e. Mapapatawad ko naman siya dahil sa ginawa niya noong nakaraan. Saka pati din naman ako ay may nagawang mali kaya sino ba ako para hindi siya patawarin?
"We're here."
Napapitlag ako nang pagbuksan ako ni Terrence ng pinto ng kotse. Hindi ko namalayan man lang na tumigil na pala ang sasakyan at nakababa na siya.
Napakalapit ng mukha niya sa akin. Ngayon ko lang tuloy napansin na may sugat siya sa labi. Dahil siguro sa suntok ni Robi kanina.
Tumikhim siya.
"What are you staring at? Gusto mo bang halikan muna kita bago ka bumaba?"
Mabilis akong kumilos at bumaba ng kotse niya.
"Wait, nasaan tayo?" Tanong ko.
Hindi ako pamilyar sa lugar. Madilim na ang paligid at malalaki ang bahay na nasa paligid.
"Let's go."
Hinila niya ako papasok sa isang malaking gate. Teka, bahay ba nila 'to? Hala siya, bakit dito? Bakit niya ako dinala dito saka bakit ba ang hilig niya manghila?
"Terrence, sandali! Kaninong bahay 'to?"
Hindi siya sumagot hanggang makapasok kami sa loob ng mansyon. Napakalaki at napakarangya. Ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa ganito kagarang bahay.
"My mom."
Mom? Wala na siyang nan---wait!
"Hoy, Terrence! Huwag mong sabihing bahay 'to nina Mrs. Palermo?!"
Ngumiti siya. "Exactly."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Hindi, Terrence! Uuwi ako sa apartment ko saka bakit kailangan mo akong isama dito?! Baka kung ano nalang ang sabi---"
"Punyeta ka, Terrence! Anong oras na?! Huwag mong sabihing nag bar ka pang lalaki ka? Hindi ka na talaga tumigil sa pagiging Palermo mo! Tumataas ang bra ko sa 'yo, bwisit ka---Keeshia?!"
Nanlaki lalo ang mga mata ko nang mapatingin sa akin si Mrs. Palermo. Hala lagot! Ano nalang sasabihin nila? Lalo na si Mrs. Hestia?! Binigyan nila ako ng magandang trabaho tapos ano, tapos...
"Hi, mom! Tama na muna iyang armalite mo. Ipahinga mo naman, Mom. Para marami kang bala bukas. Anyway, I'm with my girl so please huwag mo akong---"
"Aba punyeta kang lalaki ka! Sa dinami dami ng bibiktamahin mo, si Keeshia pa! Hindi maaari! Hindi ko hahayaang---"
"Mom, I know ayaw mo akong masaktan. Don't worry, hindi ako lolokohin ni keeshia."
Pabalik balik ang tingin ko kina Terrence at Mrs. Palermo. Hindi ako makapagsalita.
"Anong pinagsasabi mong letse ka?! Hindi ikaw amg inaalala ko! Si Keeshia! Masasaktan lang siya sa 'yo!"
Napakamot ng ulo si Terrence. Para siyang bata.
Tumingin sa akin si Mrs. Palermo. "Naku, Keeshia, pagpasensyahan mo na ang kagaguhan ng pamangkin ko. Talagang wala ng gamot sa epidemyang dulot ng lahi niya. Bakit ka ba niya isinama dito? Pinilit ka ba niya? Kinidnap ka ba niya? Halika, sasamahan kita sa police station para i-report 'yan."
"Mom!"
Ngumiti ako ng alanganin. "Uh, Mrs. Palermo, ni-treat ko po kasi siya kanina kasi birthday niya. Bilang pasasalamat na din kasi naging mabuti naman po siyang co-worker."
Sa sobrang buti, nanghahalik pa.
"Oo nga pala, birthday mo nga pala, Terrence. Binilihan kita ng cake. Saka nasa kwarto mo na ang regalo ko sa 'yo pati ang regalo ng Tito Luke mong kalahi mo."
"See that, Mom? Mas inuna mo pangsermunan ako bago mo ako batiin. Nakakapagtampo."
"Magtampo ka, bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Mrs. Palermo saka muling tumingin sa akin. "Pasok ka, Keeshia. May nilutong mga pagkain ang katulong. Kumain muna kayo nitong pamangkin kong bibinggo na sa akin."
Hinila ako ni Terrence mula kay Mrs. Palermo.
"Mom, I told you, she's my girl. She'll sleep here. Inside my room."
Hinampas ko si Terrence. "Hehe, nagbibiro lang po si---"
"No, Mom. Niloko siya ng boyfriend niya ng harap harapan. Hinihingan pa siya ng pera. Hindi naman ako papayag na ganunin si Keeshia. Kaya iniuwi ko siya dito. Ayaw umalis ng boyfriend niya sa apartment niya."
Parang batang nagsumbong si Terrence. Ang cute niya tuloy tingnan. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Palermo.
"Aba punyeta pala 'yang boyfriend mo, Keeshia. Gwapo siya, gwapo siya? Dito ka na muna. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaang doon ka matulog sa kwarto ni Terrence. Marami kaming bakanteng kwarto. Mamili ka na pero bago iyon, tara na sa kusina at kumain muna kayo."
Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Mrs. Palermo. Napansin ko lang, nasa lahi ba talaga nila ang mahilig manghila?
Kasunod namin si Terrence na para bang nakahinga ng maluwag. Halata naman sa mukha niyang mamula mula na may tama siya ng alak pero ramdam ko naman na sincere siya sa mga sinabi niya. Hindi ko lamg talaga maintindihan ang mga ikinikilos niya.
Bakit ganito? Bakit mula nang dunating siya, para bang balewala na sa akin kung anong mangyari sa amin ni Robi.