Nang matapos kaming bumili.. lumabas kami at bumalik sa Inn.
"Ipakikilala kita sa mga kasama natin! heto si 'Karina' 'Eren' 'Gabiru' at 'Shion'! sama-sama tayong pupunta sa South! pero.. mamayang gabi na kami aalis! okay lang ba iyon? ahh.. Karina, Eren, Gabiru, Shion! ito nga pala si Misaki!"
"Ayos lang namang umalis mamayang gabi.. "
"Saan ka nakatira? tutulungan ka ni Shion at Karina mag ayos ng mga gamit mo!" Sabi ni Takumi
"Ahh.. ang cute mo!! ilang taon ka na?" Tanong ni Shion
"Ahh.. 17" Sagot ko
"Ehh!? 17 ka na!?" Tanong ng lahat
"Ahh.. bahala na nga! halikana! ihanda nanatin ang Mga gamit!" Sabi ni Karina
Umalis kami at agad nakarating sa apartment
Pagpasok namin
"Hhm.. naglilinis ka ba? at ang daming creepy dolls dito! Sandali! bakit nga pala may sumusunod saating doll.. at kanina sa labas may Beast na Level 50 ahh.. " Sabi ni Shion
"Hhm.. "
"ahh! Isa kang Necromancer! ngayon lang ako nakakita ng isa! Ang balita ko malakas sila dahil binubuhay nila ang mga patay! at madalas mas lumalakas pa ang mga patay!" Sabi ni Shion
"Ahh.. Ako na lang siguro ang mag aayos ng gamit ko! pwede na kayong bumalik"
Ang weird! Nag iba na ang pakiramdam ko mula nang makilala ko sina Gabiru, Shion, Karina at Eren! parang ayaw ko ng tumuloy.. May nagsasabi talaga saaking huwag akong mag tiwala sakanila!
"Ahh? Pe-"
"Pakiusap! naninibago ako kapag merong ibang tao sa kwarto ko" Sabi ko
"Hhmp! Huwag kang umarteng spoiled! makinig ka.. sakalagitnaan ng paglalakbay natin.. hihiwalay ka maliwanag?" Sabi ni Karina
Sabi ko na.. siguro bagong member rin si Takumi! at napasama sya sa maling grupo
"Hhm? para namang gusto ko makasama ang mga pekeng kagaya nyo... hindi ako tatagal sainyo ng isang araw! hindi uubra saakin ang pag arte ninyo. Alam ko simula palang na may mali sa inyong magkakasama! balak nyo rin bang itapon at humiwalay kay Takumi sa gitna ng paglalakbay?"
"Ahh.. pa-paano mo.."
"Baka naman gusto nyo ng umalis? kailangan ko pa bang ulitin? Hindi na ako sasama sainyo! aalis nalang ako mag isa!" Sigaw ko
Gumalaw ang doll.. malapit sa kinakatayuan nina Shion at Karina! tinapon sila nito papalabas
"Maging mabait ka naman sa pagpapaalis saamin!"
"Oh? being nice was my past time and there's a devil on my shoulder where the angels used to be!"
Sinarado ko ang pinto. Inisip ko ng maagi kung ano na ang gagawin ko! ehh ano naman kung wala sila? mas lalo lang mapapahamak ang buhay ko kung sila ang makakasama ko! binigyan ako ng panibagong buhay... dapat gamitin ko itong mabuti!
Kasama ko naman ang mga dolls na ito at isang Liong.. level 50 beast! makakakuha pa ako ng marami kapag nagpunta ako sa South
Inayos ko ang mga gamit ko! nagdala ako ng ilang libro at mga gamit na magagamit ko! Hhm... kailangan kong bayaran si Takumi! sya ang nagbayad dun sa matanda ng mga gamit pang lakbay para saakin.. pero wala naman akong 'ginto' saan naman kasi ako makakakuha non?
"Hoi.. nagagawa mo bang makipagusap?" Tanong ko sa isang doll..
Para akong baliw! kinakausap ko ang doll na ito!..
'Hhm.. kaya kong makipagusap'
'Pero nagagawa ko lang makipag usap kapag malapit kayo! Pinapadalhan lang kita ng waves para maintindihan mo ako dahil hindi mo ako ginawan ng bibig sa doll na ito'
Hindi na ako na surpresa..
"Saan ako makakakuha ng ginto?" Tanong ko
'Huh? marami naman kayo non ah.. '
"Ha? saan nga makukuha! hindi ko tinatanong kung meron ako!"
'Ahh.. madalas kusang nagbibigay ang mga tao ng ginto kapag nililigtas nyo sya! kaya nga marami kayo non'
"Ahh.. saan ko ba nilalagay ang ginto?"
'Saan pa ba? edi dyan sa 'Magical Room' na ginawa nyo'
"Ano?"
'Hindi ba gumawa kayo ng magical room para doon manatili ang mga binubuhay nyong beast at tao'
"Ehh.. paao naman ako pupunta doon?"
'Buksan nyo lang ang portal!'
"Ahh.. aalis na nga ako!"
Lumabas ako ng apartment... nagtanong-tanong ako kung saan ang daan papuntang South. lalabas ma sana ako ng city nang humarang ang mga lalaki! parepareho sila ng suot! at kamukha rin sila nung mga lalaki na sinasaktan ang babae at Yung na sa tindahan ng matanda.