webnovel

Chapter XXVII

(Flashback)

Kanina pa ako nagdadalawang-isip kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Brizz told me that Alexus was a changed man already. She witnessed how devastated he was when I walked out in his life. Kinda unbelievable because he was the one who pushed me away. Four years na ang nakakalipas nang lumayo ako at pinaraya ko na siya dahil iyon ang gusto niya. I thought he would go partying and meet other women like he used to do the moment na umalis ako sa kanyang buhay. Yun naman ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin kapag umuuwi siyang lasing. He wanted his freedom back. He wanted to cut his ties on me. Ngunit kabaliktaran ang mga umaabot na balita sa akin. He became miserable.

Kawawang-kawawa na raw si Alexus. He's drowning himself in alcohol. Laman siya ng mga clubs hindi para magsaya kundi para makalimot sa pag-iwan ko sa kanya. Napapabayaan na raw niya ang kanyang sarili pati ang kanyang trabaho. Kung kakausapin ito ay parang walang gana.

I stopped caring too much about him yet people around me kept asking me to go back. If only they knew about our past. If only they knew what happened between us. Yes, my heart yearns for him. It's been four years ngunit hindi pa rin siya makalimutan ng aking puso. Siya pa rin ang laman niyon. Funny, isn't it? He wrecked my heart yet my heart still beats for him. Ganun naman talaga ang pagmamahal. Hindi mo kontrolado kung kanino titibok ito.

At first, I didn't believe them. I knew him better. I saw his dark side na hindi pa nakikita ng ibang tao. Kaya mayroo pa ring agam-agam sa aking puso.

You couldn't blame me. After all the things he did and the hurtful words he said?

But my heart is too stubborn so I decided to go back. This is the last time. This will be his last chance. I gave him too many chances kaya sana huwag na niyang sayangin ito.

Kahit madaling-araw pa lang ay pinuntahan ko na siya. Ganun pa rin siya kaimportante sa akin kahit ilang beses ko nang pilit isinisiksik sa aking isipan na kakalimutan ko na siya. I should move on. Yan na lang ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili.

But one word about him and I still kept on coming back. Akala ko kung lalayuan ko na siya ay may magbabago. That my love for him will lessen. Apat na taon ang sinayang ko ngunit siya pa rin ang itinitibok ng aking puso. Nang ma-i-park ko na ang aking kotse sa harapan ng aming bahay ay hindi ko mapigilang balikan ang lahat ng nangyari sa amin noon. Masakit pa rin. Sobrang sakit. The memories feel so fresh kahit ilang taon na ang nakakalipas. Na para bang kahapon lang iyon nangyari

Is the passcode of the his door still the same? I tightly held my car key na para bang doon ako kumukuha ng lakas ng loob. I'm just crossing my fingers na sana hindi pa niya iniba.

I typed the date of our wedding anniversary. Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang pintuan. So, he didn't change it? Sa sobrang busy siguro niya ay wala na siyang time para palitan iyon.

The cold air greeted me the moment I stepped in. I turned the lights on. The living room is still the same as I remember but the house is too gloomy. Ramdam na ramdam ko iyon.

What happened?

I saw his car on the garage kaya alam kong nandito siya ngayon.

Our wedding picture was the first thing that I saw. Hindi ko mapigilang titigan iyon. Just one picture yet it brought back the pain of the past. Sorrow crowded my heart like it was reminding me how our marriage became a failure. Hindi ko inasahang ganoon hahantong ang aming pagsasama.

I slightly shook my head. I went here to give him a chance. If I kept on thinking about our past ay baka iba ang kakahantungan ng pagpunta ko rito. I might run again and will never come back.

Pumunta na ako sa guest bedroom ngunit wala siya roon. This is his haven kaya bakit wala siya rito? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. May nangyari kaya? Did he do something? Morbid thoughts started to play in my head kaya mas lalo akong nag-alala. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa master's bedroom. He never sleeps here kaya bakit siya pupunta rito? Nanginginig na binuksan ko ang pintuan at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nakita.

No! No! This is not real, right? Could someone tell me that I'm just hallucinating or tell me that it's only a joke.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Is this the end? I was ready to give it a try pero bakit ganito?

I covered my mouth to stiffle my sob but my tears started to fall. Kung kailan handa na akong bigyan siya ng pagkakataon ay bakit niya kailangang gawin ito? Bakit?!

Nanginginig na lumabas ako ng kwarto. I dialled my father's number ngunit cannot be reach ito. I tried my mothers' ngunit busy tone lang ang aking narinig.

Hanggang sa makasakay na ako sa aking kotse at pinaandar iyon ay hindi ko mapigilang umiyak.

Akala ko ba ako lang? Bakit? Bakit may kasama siyang babae sa kama? Why does it have to be Heldra? Bakit kailangang ako na naman ang masaktan? Bakit sa huli ay ako na naman ang nagmukhang tanga?

Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng village na nasa tamang pag-iisip. Ayaw kasing tumigil ng aking mga luha. The pain on my chest is too suffocating. Ang masakit ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang nakita ko kanina.

I stepped on the gas. I need to go home. I need my family. Ang sakit-sakit kasi. I will go crazy kung hindi ko ito mailalabas dahil kanina ko pa gustong sumigaw dahil sa sobrang sakit. I even wanted to hurt myself for foolishly believing again. Nakatayo na nga ako ngunit heto na naman at nabuwal ako.

I was about to cross the intersection when I heard a loud horn and saw a blinding light. The last thing I heard was the metal scraping and a loud bang on the passenger side. Hinawakan ko ang nauntog kong ulo and when I saw blood on my hand, I knew it could be my end. And darkness suddenly engulfed me.

Bab berikutnya