webnovel

Chapter XXV

Hanggang sa ma-discharge na ako sa ospital ay hindi na nagpakita si Alexus sa akin. I even texted and called him ngunit hindi man lang siya sumasagot. Like we became strangers for a few days. No text, no call and no visit. Since nang itinakbo nila ako sa ospital ay parang idinistansya na niya ang kanyang sarili. Is he blaming himself? Is it because how my family treats him? Nasaan na ang 'we against the world' niya? Did my father told him to back off kaya sinunod naman niya? Or my brother threatened him?

Hindi ko naman siya iiwan sa ere kung iyon ang kanyang ikinakatakot. I will fight alongside with him even if means facing my family for the sake of our love. Kung may isang milyon silang rason kung bakit dapat kong layuan si Alexus ngunit may isa lang dahilan kung bakit ko siya ipaglalaban.

Because I love Alexus and that's enough reason for me. He's the one I wanna marry. Wala ng magagawa ang aking pamilya kung siya man ang pipiliin ko.

Ang ikinaiinis ko lang naman sa kanya ay mukhang konti na lang ay susuko na siya. Parang ganun na kasi ang kanyang ipinapakita. So I decided to visit him sa kanyang kumpanya. I want to suprise him for a change. I want him to feel loved. Hindi lang naman babae ang dapat makaramdam ng pagiging espesyal kundi pati lalaki rin. Hindi lang dapat babae ang sinusuyo kundi pati lalaki rin. Hindi lang dapat babae ang binibigyan ng regalo o sorpresa kundi pati lalaki rin.

Napahinto ako sa may entrance nang maalala kung paano ako makakapasok sa loob. Hindi naman nila ako kilala. Aish! Bakit hindi ko iyon naisip?

Tinignan ko ang hawak-hawak kong cake. Paano na ito? I'll just act naturally kaya? Mapapansin kaya nila ako? Napapikit na lang ako sa naisip. This is big company malamang malalaman at malalaman pa rin nila na isa akong outsider. What if I'll tell them that I'm a client? I look at my outfit. Loose t-shirt and ragged jeans? I don't think they will believe me. Magpakilala kaya ako bilang kaibigan o kaya relative? Or will I tell them I'm his girlfriend? Pero tatawagan at tatawagan pa rin nila si Alexus for confirmation. Di nasira na ang surprise ko? Will I tell the guard na mag-a-apply ako bilang janitress? Nah. No one will believe me.

Napapadyak na lang ako sa inis. Bakit kasi hindi ko naisip ito nang nasa bahay pa ako? Di sana'y hindi ako parang isang baliw na nag-iisip ng kung ano-anong palusot.

Ay, bahala na!

I kept a blank face as I approach the entrance. When the guard saw me, he smiled at me. "Goodmorning, ma'am," bati nito. Hindi man lang ba niya ako hihingan ng ID? Paano na lang kung terorista pala ako? O kaya kidnapper? O assasin? Kung hindi ko lang kailangan ang kooperasyon ni manong ay baka nasita ko na ito.

I awkwardly smiled back at him. "Thank you."

"That wasn't hard," bulong ko sa aking sarili. Baka hindi lang sila mahigpit kaya pinapasok ako ng guard? Or baka nahulog ito sa aking kagandahan kaya nakapasok ako agad-agad?

I was heading to the reception desk nang biglang may humarang sa akin. The woman is wearing a pink floral dress and I felt like I knew her. "Ate Eevie? Is that you? What are you doing here?" gulat na tanong ng babae sa akin. Gulat at saya ang nakapaskil sa mukha nito na para bang matagal na niya akong nakita.

"Excuse me? Can I ask who are you first?" nahihiyang tanong ko. Alangan namang makipag-usap ako kahit hindi ko pa ito kilala. Hindi naman ito nagmumukhang naghahanap ng away o kaya masamang tao. O baka naman

Realization crossed her face and her mouth fell open. "Oh! I'm Macy, Alexus sister," pakilala nito saka ngumiti. Mukhang gusto pa nitong yakapin ako ngunit nakita lang nito ang hawak-hawak kong box. So, naikwekwento na pala ako ni Alexus sa kanyang pamilya . Bigla akong nakaramdam ng guilt sa aking nalaman. Bakit ganito kainit ang pagtanggap ng kanyang pamilya sa akin samantalang ako..

"Pupuntahan mo si kuya?" manghang tanong nito kaya tumango ako. Hindi ko alam kung bakit ramdam ko ang lungkot kahit nakangiti ito sa akin.

"I just want to surprise him. Na-miss ko ang loko, eh."

She chuckled and rolled her eyes at me. "Psh. Gusto mo, samahan na lang kita sa office ni kuya? Sa pagkakaalam ko nasa meeting pa siya, eh," prisinta nito at saka kinuha ang hawak kong cake. "Did you bake this?" curious nitong tanong nang sumulyap ito sa akin.

Nahihiyang tumango ako and I felt like my cheeks were burning.

"How are you? Are your memories back? I heard you had an amnesia."

"Hindi pa, eh. But I saw flashes already. Do you know Trev?" usisa ko habang hinihintay naming bumukas ang elevator.

"Yeah, I know him. He's my brother's best bud. Why did you ask?"

"He's the only person that I saw in my flashes na hindi blurred ang mukha. I wonder what's his connection with me," sagot ko. Sabay na kaming pumasok and she pressed the top floor. Mahabang katahimikan ang dumaan sa pagitan namin bago ito muling nagsalita.

"Can I ask an honest opinion from you?" biglang tanong nito kaya napatingin ako sa gawi nito. She was staring at the elevator wall like she was in a deep thought.

"Ano ba yun?" I encouraged her.

She let out a deep sigh. "Paano kapag nalaman mong nagsinungaling sayo ang taong mahal mo?" That was a deep question for a teenager girl. Is she in love or heartbroken? Is she torn from making any drastic decision kaya gusto muna niya ng opinyon ng iba?

"Depende siguro sa sitwasyon. If he did it for your own sake then maybe I would understand. Pero mas mabuti na sinabi niya sa iyo ng mas maaga. Dapat hindi niya inantay na malalaman mo pa sa iba. That is the painful part."

Mukhang hindi pa ito kumbinsido sa aking sagot kaya nagtanong pa siya. "Even if knowing the truth will kill you inside?"

Napaisip ako sa kanyang tanong. Kung ako ang nasa posisyon nito ay baka lalayuan ko na kung sinomang lalaki iyon. Why did he do that in the first place? Bakit pa siya gumawa ng kasalanan kung alam niyang magiging simula iyon ng lamat sa kanilang relasyon?

"Break up with him already, Macy. Bakit pa niya kailangang magsinungaling kung sa huli ay alam niyang masasaktan ka rin? Mas magandang sinabi niya na lang ng totoo."

Umiling ito at malungkot na ngumiti. "This is not about me, ate. May kaibigan kasi akong nasa ganyang sitwasyon. I'm just afraid na kapag nalaman niya ang lahat ay baka masaktan siya ng sobra-sobra."

Magsasalita na sana ako ngunit biglang nag-ping ang elevator. Hinila nito ang aking kamay at saka tinungo ang isang reception desk. When the woman saw me, she just stared at me like she had seen a ghost. "Ma'am Eevie? Is that you?" paninigurado nito. She even adjusted her glasses para mas makasigurado.

Tumango ako at akmang magtatanong sana kung bakit nito alam ang aking pangalan ngunit nagmamadaling hinila ako ni Macy papasok sa office ng kuya nito.

Bab berikutnya