webnovel

Chapter 8 Nakaramdam ng selos

"Kumusta ang trabaho mo sa China hon?" tanong ni Xnne ky Dan. "Okay naman Hon, nagustohan nila ang design ko. Naka kuha ako ng dalawang kontrata at na busy nga ako don, ehh".nka smile ito habang nag kwekwento ky Xnne na hawak ang manobela ng sasakyan.

"Ahh, kaya pala hindi muna ako natawagan o na text man lang". sabi ni Xnne na nakatingin ky Dan, na parang may hinahanap na gustong isagot ni Dan.

"Ahh, pasensya na Hon ha, busy talaga ako don ehh." sabi ni Dan, hinawakan niya sa kamay si Xnne.

"Na miss ko talaga ikaw hon". sabay saglit na tingin sa kanya at binalik na agad ang tingin sa kalsada.

Hinawakan ni Xnne ang kamay ni Dan. "okay lang hon, nag-alala talaga ako sayo. akala ko kung ano nangyari sayo don". ang sabi ni Xnne.

Nkaramdam ng awa si Dan sa nobya. Alam niyang mahal niya si Xnne, pero hindi nya parin maamin sa sarili dahil hindi ang tipo ni Xnne ang gusto niyang pakasalan. Pero hindi niya ito maiwan-iwanan. Na mimiss niya talaga ito minsan pero pag maykasama siyang ibang babae, nakakalimotan niya si Xnne.

"Andito na tayo". ipinark ni Dan ang kotse sa harapan ng isang restaurant. Tiningnan ni Xnne ang paligid, napa "wow" ito dahil napakaganda ng lugar. first time niyang naka punta sa ganitong kainan "I'll treat you here Hon, naka kuha kasi ako ng kontrata sa China". ang sabi ni Dan.

"Ikaw talaga Hon, ok lang naman kahit sa paborito nating kainan lang tayo kakain ehh". sabi ni Xnne na nakatingin parin sa paligid.

Nakatingin sa kanya si Dan, "Naalala ko tuloy nung una tayong nagkita sa isang groceryhan" sabi ni Dan.

Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila.

Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?"

Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi.

"ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone.

Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun.

"kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne.

Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya.

"Huh? sa groceryhan?". tanong ni Xnne.

"Wala! halika na nga!". sabay hawak sa kamay ni Xnne at hinila niya ito papasok ng restaurant na naka ngisi. Matapos silang kumain ay tumunog ang cellphone ni Xnne. Tiningnan ito ni Xnne at nakita niya sa screen. Mark. Nahagip ng mata ni Dan ang nasa screen nito. Itatanong niya sana kung sino si Mark, pero hindi na niya tinuloy dahil baka isipin ni Xnne na nagseselos siya kung magtatanong siya.

Akmang babasahin na ni Xnne ang message ni Mark, ay biglang nagsalita si Dan. "Halika na Hon, punta tayo don ohh. May isang babae kumakanta sa kalye". tiningnan ni Xnne ang tinuturo ni Dan. Napangiti ito at "Sige Hon, puntahan natin" nanaka smile at hinila niya si Dan palabas ng restaurant.

Nakarating na sila sa babaeng kumakanta, marami naring mga tao sa paligid at nakikinig. Napakaganda ng boses ng babae, para kang dinuduyan.

Matapos ang kanta, umalis narin sila ni Dan. Habang naglalakad sila pabalik sa kotse, nag ring ang cellphone ni Dan, sinagot niya ito "Hello? ohh bakit? ahh tingnan ko pa kung makakapunta ako". sabi niya sa kaUsap. "Hmm cge ka pag hindi mo ako susundoin, babawiin ko ang kontrata ko sayo!" pagmamaktol ng nasakabilang linya.

Na-isip si Dan. "Hays babae talaga!"sabi ni Dan sa sarili. "ohh sige, ano oras?" napangiti ang nasa kabilang linya. at sinabi nito ang oras.

"Hon? but naka simangot ka dyan? sino ba yung tumawag?" tanong ni Xnne. "Ahh, isang client ko Hon, magkikita daw kami sa tuesday". "ahh" sabi ni Xnne na tumango tango.

At sumakay na sila ng kotse at hinatid na niya si Xnne sa Bahay nito.

Bab berikutnya